CHAPTER 4

2230 Words
=Greyson Golden Pack= "HOW was it?" tanong ni King Connor kay Beta Hunter nang makapasok ito sa loob ng opisina niya. Hunter sighed and shook his head. "Still nothing." Tumango si Connor. "Connor, why are you eager to find her? It's been eleven years. Hindi ka pa rin sumusuko sa paghahanap sa kaniya. You told me before that she's not your mate but why are you so eager to find her?" Kumunot ang nuo ni Hunter habang nagtataka. Tumayo si Connor at naglakad patungo sa tabi ng bintana ng opisina niya. Namulsa siya at pinanood ang mga batang naglalaro sa labas. He sighed deeply. "Yeah. Why am I eager to find her?" Umiling siya. "I don't know too. I just wanted to see her and look if she's fine. It's been eleven years, siguradong dalaga na siya ngayon." "Connor, hindi kita maintindihan minsan. Why are you wasting your time on that human? She's a human and she's not even your mate." Humarap si Connor kay Hunter. "Watch your words." Aniya. Napabuga lang ng hangin si Hunter saka napailing. "So, after finding her of eleven years and you still didn't find her, what's your plan now?" Umiling si Connor habang nanatiling nakatingin sa labas. "I don't know." Kapagkuwan nakarinig sila ng ugong ng kotse. Hunter sighed. "She's here again. Hindi ba siya nagsasawa? You already turned her down so many times." "Tell her, I'm not here." "She can smell you scent," sabi ni Hunter. "Then tell her, I'm busy and I don't have time to talk with others." Nagseryoso ang mukha ni Connor. "Kapag nakita niya ako ngayong araw, sasabihin ko kay Gianna ang sikreto mo." "You..." Itinuro ni Hunter si Connor. Tumaas ang kilay ni Connor. "What?" Hunter sighed as if he was defeated. "Don't tell her." Ngumiti lang si Connor at bumalik sa kaniyang swivel chair. Umupo siya at nagpatuloy sa kaniyang trabaho. Pero hindi siya makapagpokus sa kaniyang trabaho. Iniisip niya si Serenity. It's been eleven years. Hindi siya tumigil sa paghahanap kay Serenity pero kahit anong gawin niya ay hindi niya ito nahanap. Like earlier, Hunter came to him with an empty hand. Serenity isn't his mate but he's wishing that she is. He doesn't know but he was attached and attracted to her. Thinking of the past eleven years, Serenity is now at the legal age. Sana lang nasa maayos itong kalagayan at masaya ito kung nasaan man ito. Napabuntong hininga siya at napatingin sa panyo na nasa gilid ng mesa niya. Kinuha niya ito at binuklat. He saw Serenity's name on it. He sighed. "Serenity, I miss you." "I knew it! He's just avoiding me!" Napatingin si Connor sa may pinto nang marinig niya ang boses ni Adalynn Harper. Obviously, gusto siya nito pero hindi naman ito ang mate niya kaya hindi niya ito pinapansin. And he disliked her even Alpha, his wolf, dislike her too. 'Let's go out.' Ani Alpha. "Okay." Tinupi niya ang panyo at ibinulsa niya ito. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Binuksan niya ito saka siya lumundag pababa. "Your Majesty!" Ani ng mga bata. Kinawayan niya lang ang mga ito saka siya umalis. Nabuksan ni Adalynn ang pinto. "Adalynn, don't go inside." Pigil ni Hunter pero nakapasok na si Adalynn sa loob ng opisina ni Connor. Natampal na lang niya ang kaniyang nuo. "Your Majesty—" Adalyn stopped when she didn't saw anyone inside the King's office. Pumasok si Hunter at nakita niyang wala si Connor sa loob ng opisina nito. Nakahinga siya ng maluwang at napatingin sa bintana na nakabukas. Mukhang doon dumaan ang mahal na hari. Wala ng iba. "I told you, he's not here." "Hmp!" Sumimangot si Adalynn saka umalis. Napailing na lang si Hunter saka isinara ang opisina ni King Connor. Connor went to the forest behind the pack house. Nagtungo siya sa lawa na nasa loob ng gubat. Naalala niyang sa isang lawa rin sila huling nagkita ni Serenity. Naalala pa niya kaya ako? Serenity didn't saw her human form. Ang anyong-lobo lang nito ang nakita ni Serenity. And that time, Serenity is still a kid. Malalim na napabuntong hininga si Connor. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya ang paghahanap kay Serenity? O hahayaan na lamang niya ang tadhana na siyang gumawa ng paraan para magkita silang dalawa? Kung magkikita pa silang dalawa. At kung naalala pa siya nito? Humiga si Connor sa damuhan. Doon siya nanatili hanggang sumapit ang gabi. Pinanood niya ang buwan, kabilugan na naman. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya itong ginawa. Tuwing full moon pinapanood niya ito. Connor closed her eyes. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. SERENITY smiled when she saw a black wolf appeared from the forest. "Connor!" She happily called him. Connor happily jog towards him and she also happily run towards him. Niyakap niya ang lobo nang makalapit sila sa isa't-isa. "I miss you." Ani Serenity. 'I miss you too, Serenity.' Napangiti si Serenity at mas lalong hinigpitan ang yakap niya kay Connor. Namiss niya ito. Matagal niya rin itong hindi nakita. She really missed him so much. Dumapa ang lobo sa lupa. Sumakay naman si Serenity sa likod nito. Connor started to jog towards the forest. Habang nasa loob sila ng kagubatan. Hindi mawala ang ngiti ni Serenity. Pagkatapos ng ilang taon, ngayon niya lang ito nakita. "Connor, will you stay?" Tumango si Connor. But then Connor suddenly stopped walking. Napatingin naman si Serenity sa harapan. Nanlaki ang mata niya nang makita ang tatlong lalaki na may hawak na mga mahahabang baril. 'Wolf Hunters.' Sambit ni Connor. Napatingin si Serenity kay Connor. Kinabahan siya para rito. Aksidente nilang nakasalubong ang mga hunters na gumagala sa lugar. Walang sinasanto ang mga ito kaya kawawa ang mga hayop na nahuhuli ng mga ito. They will end up dying. "Connor, they're hunters. Umalis na tayo." Connor suddenly jumped towards the bushes but one of the hunters pulled the trigger of his gun. Serenity last thing knew that she dropped on the ground and Connor was in front of her and bleeding. "Connor!" Napabalikwas ng bangon si Serenity. "Connor..." Sambit niya habang hinihingal. It was a bad dream. Pinunasan niya ang pawis sa kaniyang nuo. Huminga siya ng malalim at kinalma ang kaniyang sarili. Kinuha niya ang tumbler niya na may lamang tubig na nasa bedside table at uminom. Nakaramdam bigla ng kaba si Serenity. Hindi mawala sa isipan niya si Connor. Ang napanaginipan niya. Parang totoo. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Pakiramdam niya ay totoo ang panaginip niya. Nayakap at nakita niya si Connor pagkalipas ng maraming taon. Napabuntong hininga siya. Dahil sa kaniyang napanaginipan, hindi siya makapagpokus sa kaniyang trabaho. "Seren, okay ka lang ba?" Tanong sa kaniya ni Gemma. Napakurap siya at napatingin sa kaibigan. Umiling siya. "Mukha nga. Hindi ka naman ganiyan. Is there something bothering you?" Tanong ni Gemma. "May iniisip lang ako." "You can tell me. I'm your friend anyway," sabi ni Gemma. "I just missed him." Aniya. "Ah?" Ngumiti si Serenity. "I missed him so much. I wanted to see him and I'm worried about him." Napailing si Gemma. "Akala ko naman kung ano na. So, it's your lover?" "I..." Serenity stopped talking. Alam niyang hindi maniniwala si Gemma kapag sinabi niyang lobo ang tinutukoy niya. "If you miss him then why don't you go for him? Wala namang pumipigil sa 'yo. You don't have to worry about your clinic because I'm here." Gemma smiled. Serenity sighed. Kung makapagsalita naman talaga ang assistant niya s***h kaibigan na rin niya, parang napakadali lang na gawin ang sinasabi nito. "He's in Italy." Aniya. "Oh. But it still not a problem. You're rich." "Yeah. Yeah. Whatever," Serenity muttered. "I'll think of it." =Greyson Golden Pack= "Damn..." Mahinang napamura si Connor nang matanggal ni Dr. Reed ang bala sa katawan niya. "Your Majesty, are you okay?" Tanong sa kaniya ni Hunter na ikinatingin niya rito ng masama. Umatras naman kaagad si Hunter palayo sa kaniya nang makita ang masama niyang tingin. "Do I look okay?" Tanong niya kay Hunter. Mabigat ang paghinga niya habang nilalagyan ni Dr. Reed ng benda ang sugat niya. "Done, Your Majesty." Ani Dr. Reed. Connor sighed. "Hunter, tell to every pack to strengthen their pack boarders and beware of the wolf hunters." "Yes, Your Majesty." "Damn them. Why did I encounter some of them?" Connor can't help but to cuss. "They have reached our boarder." Ani Rowan. The Gamma of Greyson Golden Pack. "Looking at the situation, looks like they're trying to catch werewolf." "Matagal na nila itong ginagawa, Rowan. Ilan na ba sa mga katulad natin ang hinuli nila at pinatay. Wolf Hunters believed that we shouldn't exist in this world," seryosong sabi ni Hunter. Connor can't help but to sighed. "Rogues are now our problem. Then ngayon naman dumagdag pa ang mga Wolf Hunter na 'yan." Tumingin siya kay Hunter. "Call the Council and other Alpha's to come here." "Yes, Your Majesty." "Rowan, strengthen the security of our boarder. We need to make sure that no one will be harm." Utos niya. "Yes, my king." Tumango si Connor. Umalis si Hunter at Rowan para gawin ang pinag-uutos niya. Napatingin siya kay Dr. Reed nang marinig niya ang buntong hininga nito. "Your Majesty, your wound will heal in five days. You better not move a lot so that your wound will heal." Ani Dr. Reed. "Okay. Thank you, Doc." Ani Connor. Napabuga ng hangin si Dr. Reed. "I know you wouldn't listen to me." Napailing ito. May inilapag itong kahon sa mesa. "This medicine is made out of ten herbs that are only found here in our pack. It will help you to heal your wound faster." Kinuha ni Connor ang maliit na kahon at binuksan. He saw that there are ten pills inside the box. "Thanks." Tumango si Dr. Reed. Tumayo si Connor at naglakad palabas ng infirmary. Napahawak siya sa pader habang naglalakad siya dahil masakit ang sugat niya. Napailing siya. Matagal-tagal na rin mula ng masugatan siya ng bala o di kaya ang mga sandata na gawa sa pilak. He's a strong alpha male but he will really fall once he was wounded by silver just like now. "Your Majesty." Napatingin siya kay Gianna nang makasalubong niya ito. "Let me help you." "No." Pigil niya rito nang tangka siya nitong hawakan. He knew Gianna's personality. At ito ang kadalasang reklamo ni Hunter. Even he's a male, Gianna will help him disregard of their gender. Wala itong pakialam kung magagalit si Hunter. "Hunter will kill me if he saw me being close to you." "But you need help, Your Majesty. And Hunter will kill you? He won't dare to do that." Ani Gianna. Napailing si Connor. "I'm fine," sabi niya. "But I need you to do something for me. Pigilan mo si Adalynn kung gusto niya akong makita. Hindi gagaling ang sugat ko kapag makita ko siya." Natawa ng mahina si Gianna at yumukod. "I'll do it, Your Majesty." Tumango si Connor at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniyang silid. Nang makarating siya doon, pumasok siya sa loob at humiga sa kama. Kailangan niyang magpahinga dahil sa sugat niya. Kailangang maghilom ito dahil hindi niya alam kung kailan ulit aatake ang mga Wolf Hunter at ganun din ang mga Rogues. SERENITY decided to go to Italy. Sana sa pagbalik niya doon ay makikita niya si Connor. It's been more than a decade ago, does he still remember her? She sighed. She settled everything. Si Gemma muna ang mamamahala sa clinic niya. Ang ibang mga negosyo naman, may mga mapagkakatiwalaan naman siyang mga tao na siyang nagma-manage sa mga ito. And speaking of business, may business pa ang namayapa na niyang adoptive father sa Italy at may bahay ito doon. Siguro magtatagal siya doon dahil balak niya ring bisitahin ang orphanage na pinanggalingan niya. Kinuha ni Serenity ang maleta niya saka siya lumabas ng bahay. Pumara siya ng taxi at nagpahatid siya sa airport. 'I'm looking forward to meet this Connor. Maybe he is our mate.' Natigilan bigla si Serenity. Nawala ito sa isipan niya. Amira was right. Mate? Connor is also a werewolf. That means that he's just like her. But he didn't show her his human form. Tanging ang anyong-lobo nito ang nakita niya. Napabuga ng hangin si Serenity. Forget it. Masyado pang maaga kung ito ang iisipin niya. Isa pa, hindi siya sigurado kung makikita niya doon si Connor. Napailing siya. Serenity spent 13 hours in the airplane before she reached Italy. Huminga siya ng malalim ng makalabas siya sa airport ng Italy. Nakaramdam pa siya ng hilo ng samu't-saring amoy ang sumalubong sa kaniyang pagkalabas niya ng airport. "Are you Young Lady Serenity Morgan?" Napatingin siya sa lalaki na lumapit sa kaniya. "You are?" "I'm Elliott, Young Lady. The mansion's butler." Tumango si Serenity. "I am the you're looking for." "This way, Young Lady." Kinuha ni Elliott ang maleta na ito na ang humila saka iginiya ang daan patungo sa sasakyan. Pumasok siya sa kotse at inilagay naman ni Elliott ang maleta sa likuran. "Seatbelt, Young Lady." Kaagad naman na ikinabit ni Serenity ang seatbelt. Habang humaharurot ang kotse patungo sa mansion, nakatingin siya sa labas ng bintana. It's been eleven years, nakatingin rin siya noon sa labas ng kotse habang patungo sila sa airport. Serenity sighed. I hope I will see him again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD