bc

His Beloved Queen

book_age16+
1.8K
FOLLOW
7.0K
READ
mate
independent
king
luna
bxg
lighthearted
office/work place
pack
supernatural
passionate
like
intro-logo
Blurb

White Wolf didn’t exist in the history of werewolves and they are just a myth. And in the myth, white wolf is the most powerful wolf.

Serenity is a white wolf and shifted at a young age. She grew up at the orphanage and ended up being bullied with other kids. She was adopted by a rich man and he treated her like his own daughter but he died because of illness. Serenity learned martial arts in order to protect herself from danger because she’s different. She was unaware of her identity until she met Moon Goddess Aaliyah.

She was told to hid her identity and keep her scent hidden from other werewolves. When she met her mate, she was unfortunate because she rejected her just because she’s a ‘human’ and he is an alpha. Serenity was heartbroken but she pushed herself to move on.

Until she met her second chance mate, king of all werewolves, and her life change.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
=Moon Goddess' Palace= NAPANGITI si Aaliyah habang nakatingin sa sanggol na nasa kaniyang mga bisig. Hinalikan niya ang nuo nito. "Serenity, anak, mahal na mahal kita. Isasama mo ang aking pagmamahal sa iyong paglalakbay sa mundo ng mga tao. I will let you experience the way how human and other creatures live in the mortal world. And by this, I will show you the life of werewolves in the human world. In the future, you will be respected by all." Aaliyah sighed. "Serenity, forgive me. But while you are in the mortal world, you will experience rejection, heartbreak and you will meet many obstacles but your life will change if you met your destined one. Pero ang lahat ng mararanasan mo sa mundo ng mga tao ang bubuo sa 'yo at magmumulat sa 'yo ng mga kailangan mong malaman." Aniya. "Tayo na." Naglaho si Goddess Aaliyah at bumaba sa kalupaan. Tinignan niya ang sanggol na nasa kaniyang bisig. Madilim ang paligid at nasa isang kagubatan siya. Ngumiti siya at naglakad palabas ng kagubatan. May nakita siyang bahay na nasa labas ng kagubatan at nakita niyang marami ang mga batang naglalaro sa labas. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay at lumitaw ang isang basket na kasya ang isang sanggol. Inilagay niya doon si Serenity at tinawag ang ilang hayop na siya munang magbabantay rito hangga't hindi ito natatagpuan ng mga tao. "Paalam, anak." Bumalik si Goddess Aaliyah sa kaniyang palasyo at pinanood ang kalagayan ni Serenity sa salamin. Binabantayan ito ng mga hayop ng kagubatan. Ngumiti siya. Kapag nasa tamang edad na si Serenity at malalaman na nito kung ano ba talaga ang pagkatao nito, lalabas na rin ang mga kapangyarihan nito. SA ORPHANAGE kung saan iniwan ni Goddess Aaliyah ang sanggol, isang babae ang lumabas at pinapasok ang mga bata sa loob ng bahay. Ito ang tagapamahala ng orphanage. "Mga bata, pumasok na kayo. Gabi na!" "Opo!" Nagsipasok ang mga bata sa loob ng bahay. Papasok na sana ang babae nang makita niya ang isang nagliliwanag na bagay sa hindi kalayuan. Kumunot ang nuo ng tagapamahala ng orphanage saka naglakad patungo sa nagliliwanag na bagay. Nang makalapit siya sa kinaroroonan ng nagliliwanag na bagay, nakita niya ang ilang hayop na parang may binabantayan. Nagulat siya nang makarinig siya ng iyak ng sanggol at nanggagaling ito sa gitna ng mga hayop. Napatingala siya sa kalangitan at nakita niya ang bilog na buwan, napakaliwanag nito na para bang masaya ito. Bigla na lang tumakbo palayo ang mga hayop kaya mabilis niyang nilapitan ang basket. Doon niya nakita ang isang sanggol na nasa loob ng basket. Kaagad niyang kinuha ang sanggol at naglakad pabalik sa orphanage. Nang makapasok siya sa loob ng orphanage, tinawag niya ang kasama na namamahala sa orphanage. "Tulungan mo ako. Nakita ko ang sanggol na 'to sa labas." "Ang gandang bata, Nida." Puri ng kasama ni Nida habang nakatingin sa sanggol. "Ang ganda ng mata niya. Kulay asul. Sigurado ka bang nakita mo siya sa labas? Parang anak ng mayaman sa hitsura pa lang, Nida." Napabuga ng hangin si Nida. "Tumigil ka nga. Tulungan mo na lang ako. Tignan mo ang basket baka may pagkakakilanlan tayo sa kaniya," sabi niya habang buhat-buhat niya ang sanggol. Nagtimpla siya ng gatas saka pinainom sa sanggol at para na rin tumigil ito sa pag-iyak. Tinignan naman ni Glenda ang loob ng basket. Nakita niya ang isang panyo na nasa loob ng basket. Kumunot ang nuo niya at kinuha ito. Nakita niyang may nakaburdang pangalan sa panyo. "Serenity." Basa niya. Napatingin si Nida kay Glenda. "Ano?" "Serenity." Ulit ni Glenda saka ipinakita ang hawak na puting panyo. "Serenity ang pangalan ng sanggol na hawak mo." Tumango si Nida at tinignan ang sanggol sa kaniyang bisig. "Serenity. Ang gandang pangalan." Sa orphanage, doon inalagaan si Serenity. Doon siya lumaki, natutong magsulat, magbasa at magbilang. Habang lumalaki si Serenity, kapansin-pansin ang kakaibang ganda niya at ang kulay ng buhok niya na naiiba sa lahat ng mga bata na nasa orphanage. Serenity's hair is white as snow and her eyes is bright blue. At paborito niya ang magtungo sa kagubatan at nakikipaghabulan siya sa mga hayop doon. Hindi niya alam pero malapit siya sa mga hayop at ayaw niyang may nananakit sa mga ito. Dahil kakaiba si Serenity sa mga bata na kasama niya sa orphanage, lagi siyang tinutukso ng mga batang katulad niya. Weird daw siya kasi mas gusto niya ang makipaglaro sa mga hayop kaysa sa mga bata sa orphanage. Laging nagsusumbong si Serenity kay Nida at lagi naman siya nitong sinasabihan na huwag siyang makipag-away at hayaan na lamang ang mga katulad niyang bata. Gabi na at nasa loob ng silid si Serenity. Tulog na ang mga kasama niyang bata. Malalim na rin ang gabi. Nasa tabi siya ng bintana at nakatingin sa bilog na buwan. Hindi niya alam pero gustong-gusto niyang panoorin ang buwan lalo na kapag full moon ito. Masaya ang pakiramdam niya tuwing pinapanood niya ito. Napatingin si Serenity sa kagubatan nang makita niya ang mga ibon na bigla na lang nagsilipad mula sa mga sanga. Parang may gumambala sa pamamahinga ng mga ito. Matalas ang pandinig niya at naririnig niya ang mga angil na nanggaling sa loob ng kagubatan. Ngayon niya lang narinig ang mga 'yon. Tumingin siya sa mga kasama niyang bata at nakita niyang mahimbing ang mga itong natutulog. Kumuha siya ng mga kumot at pinagbuhol-buhol niya ang mga ito. Ito ang ginamit niya upang makalabas at makababa siya mula sa bintana. Madalas niya itong gawin kapag gusto niyang pumunta ng kagubatan tuwing gabi. At swerte siya dahil hindi pa siya nahuhuli ng Tita Nida at Tita Glenda niya. Nang makababa siya, kaagad siyang tumakbo patungo sa kagubatan. Nang makapasok siya sa loob ng kagubatan, naglakad siya ng tahimik. Hinahanap niya ang mga kaibigan niyang hayop pero hindi niya makita ang mga ito. May pakiramdam siya na nagtago ang mga ito dahil baka natakot ang mga ito sa malakas na angil na narinig niya kanina lang. Napanguso si Serenity. Habang naglalakad siya sa daan, wala siyang marinig na ingay ng kagubatan. Napakatahimik. Sobrang tahimik. Nakakabinging katahimikan ang kasalukuyang bumabalot sa loob ng kagubatan. Hindi na niya marinig ang mga angil ng mga hayop na narinig niya kanina. Angil na mukhang nagmula sa isang mabangis na hayop. Napatigil sa paglalakad si Serenity nang maramdaman niyang may nilalang sa kaniyang likuran. Bumilis ang t***k ng puso niya at nakaramdam siya ng kaba. Napalunok siya. Ito ang unang beses na naramdaman niya ito magmula ng pumupunta siya dito sa gubat. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may kakaharapin siyang panganib. She heard a small growl. Nagsimula ng pagpawisan si Serenity. This is also her first time to hear a growl. Mukhang isa itong mabangis na hayop. Dahan-dahan siyang humarap sa kaniyang likuran. Nanlaki ang mata niya nang makita ang isang malaking nilalang. Kulay itim ito. Napakalaki nito at at ngayon lang siya nakakita ng ganitong uri ng nilalang. Napaatras si Serenity dahil sa takot. Sinong hindi matatakot kapag ito ang makakaharap mo? In her twelve years of existence, this is the first time to see this kind of creature. Napalunok siya. Umangil ito sa kaniya at dahil sa pagkabigla napaatras siya, natisod pa siya kaya bumagsak siya sa lupa. Inilabas ng malaking nilalang ang pangil nito kaya mas lalo pang nakaramdam ng takot si Serenity. Hinarang niya ang braso sa kaniyang mukha. Napapikit siya at hinintay ang kaniyang katapusan. "Huwag mo akong kakainin." Hinintay niyang may kakagat sa kaniya pero wala siyang naramdamang sakit sa katawan niya kaya nagmulat siya ng mata at nakitang nakadapa ang nilalang sa kaniyang harapan. "Hindi mo ako kakainin?" Tanong ni Serenity at napalunok. Parang nakakaintindi naman ang malaking nilalang at umiling ito. Tipid na napangiti si Serenity at natuwa siya. "Naiintindihan mo ako?" Natutuwa niyang tanong. Parang nawala na ang kaba at takot niya. Tumango ang malaking nilalang. "Kung ganun, ano ka? Bakit ang laki mo? Ngayon lang ako nakakita ng katulad mo," sabi ni Serenity. Lumapit siya sa loob at umupo siya sa harapan nito. "I'm a wolf." Nanlaki ang mata ni Serenity. "A wolf?" Nagulat ang lobo. She understood me? "Of course, I understand you. I can understand animals." Nangalumaba siya. "Actually, I don't have friends. Ang mga kasama kong bata sa bahay-ampunan, lagi akong tinutukso kasi kakaiba daw ako." The wolf can feel the sadness coming from the little girl who is sitting in front of him. He wanted to comfort her so he nuzzled his nose to her face. Serenity giggled. Hinaplos niya ang lobong nasa harapan niya. Napangiti siya. Ang lambot ng balahibo nito. "Anong pangalan mo?" Tanong ni Serenity sa loob. "Uh? Huwag ka munang umalis," sabi niya nang makitang tumayo ang lobo. Akala niya aalis na ito pero pumunta ito sa likuran niya. Napangiti siya at sumandal sa lobo. She feels like she was lying on a foam. She feels comfortable. Natuwa naman ang lobo nang maramdaman niyang komportable sa kaniya ang batang babae. "Connor is my name." "Connor?" Napangiti si Serenity at tumingin sa lobo. Ipinatong niya ang kamay sa ulo nito. "Good name." Napangiti ang lobo. Natigilan si Serenity nang makaamoy siya ng dugo. Matalas ang pang-amoy niya pero bakit ngayon lang niya naamoy ang dugo. Napatingin siya kay Connor. "May sugat ka ba?" Ipinikit lang ni Connor ang kaniyang mata. Kaagad na tinignan ni Serenity ang katawan ni Connor. Tinignan niya kung nasaan ang sugat nito. Nakita niyang may malaki itong sugat sa leeg. And the bleeding of blood is non-stop. Itinapat ni Serenity ang kamay sa sugat ni Connor at ilang sandali pa ay naghilom na ang sugat nito. Nagmulat naman ng mata si Connor nang maramdaman niya ang mainit na dumaloy sa mga ugat niya. Natigilan siya ng ilang sandali nang makitang nakatapat ang kamay ng batang babae sa sugat niya. 'Anong ginagawa mo?' "Ginagamot ka," sabi ni Serenity at napangiti nang tuluyan ng maghilom ang sugat ni Connor. 'Paano mo nagawa 'yon?' Gulat na tanong ni Connor sa batang babae. "Magic." Nakangiting sabi ni Serenity. "Secret lang natin 'to, ah." Napatitig si Connor sa batang babae. All his life, he was cold as an ice to other people. Hindi niya alam kung ano ang ginawa at mayroon sa batang babae na nasa harapan niya, nakaramdam siya ng kung anong gaan ng pakiramdam. At parang may kung anong humaplos sa puso niya. He nuzzled her hair. Natawa si Serenity dahil naramdaman niya ang malamig na ilong ni Connor sa ulo niya. "Pwede ba tayong maging magkaibigan? Wala kasi talaga akong kaibigan." Tumango si Connor. "Salamat." Ngumiti si Serenity at hinaplos ang ulo ni Connor. "Ikaw ang unang naging kaibigan ko." Natutuwa niyang saad. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngumiti si Connor. Hindi niya akalain na isang batang babae ang makakapagpangiti sa kaniya. Anong mayroon sa batang 'to? "Connor, look!" Itinuro ni Serenity ang buwan. Tumingala naman si Connor sa kalangitan at nakita niya ang maliwanag na buwan. 'Let's stroll.' Ngumiti si Serenity at maingat na sumakay sa likuran ni Connor. Nang makasakay si Serenity, maingat na tumayo si Connor at naglakad. Humawak naman si Serenity sa makapal na balahibo ni Connor. Tuwang-tuwa siya habang nakasakay sa likod ni Connor. Namasyal sila sa loob ng kagubatan hanggang sumapit umaga. "Let's see each other again." Tumango si Connor. "Serenity!" Napatingin si Serenity sa orphanage. "Oh no! Hinahanap na ako ni Tita Glenda." Tumingin siya kay Connor. "Iwan na kita. Babalik ako mamayang gabi." Aniya. Patakbong bumalik si Serenity sa orphanage. Tahimik naman na sinundan ni Connor ang batang babae. Serenity? Napangiti siya. Bagay rito ang pangalan nito. Isang magandang babae na may kulay asul na mata. Naamoy niyang kakaiba rin ang amoy nito sa pangkaraniwang mga tao. Sigurado siya na kapag nasa kumpulan ito ng maraming tao, makikilala pa rin niya ito dahil sa kakaibang amoy nito. Sa totoo lang, natutuwa siya sa bata. Hindi niya alam kung bakit pero talagang natutuwa siya rito. "Serenity!" Nagtago siya sa likuran ng isang puno at tinignan si Serenity. Sinalubong ito ng isang babae at pinapasok sa loob ng gate. Lumingon pa sa kinaroroonan niya si Serenity bago ito tuluyang pumasok sa loob ng malaking bahay. Habang si Connor naman ay nagbagong anyo. Naging isa siyang tao. "Serenity, I will come back and get you. Wait for me." Aniya. Muling bumalik sa pagiging lobo si Connor at bumalik sa loob ng kagubatan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.4K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook