MIDNIGHT. FULL MOON.
Pinagpapawisan si Serenity at nararamdaman niya ang sakit ng katawan niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Parang may kung anong gustong lumabas mula sa loob niya. Napatingin siya sa kaniyang kamay at nagulat siya nang tubuan siya ng mga puting buhok sa kaniyang katawan.
"Anong nangyayari sa akin?" Nagtataka niyang tanong sa kaniyang sarili. Umiling siya. "Hindi..."
"Serenity."
Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya nang marinig niya ang boses ng kaniyang ama-amahan at kumatok ito.
"B-bakit po?" Nahihirapan niyang tanong dahil nararamdaman niyang parang nababali ang mga buto niya sa katawan.
"Are you okay? I heard something inside your room," sabi ng kaniyang ama-amahan.
"I'm o-okay, Pa... M-magpapahinga na p-po ako..."
"Oh, sige."
Nakahinga ng maluwang si Serenity nang marinig niya ang papalayong yabag ng kaniyang ama-amahan. Ang umampon sa kaniya mula sa bahay-ampunan.
Napatakip si Serenity sa kaniyang tainga nang marindi siya sa mga ingay na nagmumula sa paligid. Malalim na ang gabi pero naririnig niya mula sa kalayuan ang ingay ng mga sasakyan, ang ingay ng maliliit na hayop na nagmumula sa kakahuyan na nasa likod ng kanilang bahay at nararamdaman niyang tumalas ang kaniyang paningin at pakiramdam, pati na ang kaniyang pang-amoy.
Ano bang nangyayari sa akin?
Tinignan niya ang kaniyang sarili sa salamin at nagulat siya nang makita ang kaniyang hitsura. Puno siya ng puting balahibo sa katawan at sobrang tingkad ng kulay asul niyang mata.
"Am I..."
Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang marinig niya ang pagkabali ng kaniyang mga buto. Napasigaw siya dahil sa sakit. Tumingin siya sa salamin at nakita niya ang pagbabago ng kaniyang anyo. Naging isa siyang lobo. Isang kulay puti na lobo na may matingkad na kulay asul na mata.
"Isa akong lobo?" hindi makapaniwalang saad ni Serenity sa kaniyang sarili. Hindi siya makapaniwala. Isa siyang lobo.
'Serenity.'
Nagulat si Serenity nang makarinig siya ng boses sa kaniyang isipan.
'Sino ka?'
Mas lalo siyang nagulat nang hindi boses ang lumabas sa kaniyang bibig kundi isang angil.
'Ako si Amira. Ikaw ay ako at ako ay ikaw. Iisa tayong dalawa. Ako ang lobo sa loob mo na mahimbing na natutulog at ngayon ay nagising na ako kaya nagbagong anyo ka na.'
'Hindi. Babalik pa ba ako sa pagiging tao? Ano bang nangyayari? Hindi ko 'to inaasahan.'
'Batid ko. Ngunit para masagot ang lahat ng mga katanungan mo, kailangan mo siyang kausapin.' Sabi ni Amira.
'Sino siya?'
'Ang Moon Goddess Aaliyah. Ang iyong ina.'
'Ina? Nasaan siya?'
"Serenity..." Mabilis siyang napatingin sa kakahuyan nang marinig niya ang pangalan niya na ibinulong ng hangin.
Tumalon siya palabas sa bintana ng kaniyang kwarto. Tumakbo siya patungo sa kakahuyan.
"Serenity..." Muli na naman niyang narinig ang boses na 'yon. Malamyos ang boses at pakiramdam niya ay para siyang hinehele.
Tumakbo ng tumakbo si Serenity hanggang sa makarating siya sa tabi ng isang batis na nasa loob ng kakahuyan. Napatigil siya nang makita niya ang isang babae na nakatayo sa malapad na bato. Kulay puti ang damit nito na mas lalong nagpatingkad sa taglay nitong ganda.
Umupo ang anyong-lobo ni Serenity.
Ngumiti si Goddess Aaliyah. "Serenity, anak."
'Ina?'
Ikinumpas ni Goddess Aaliyah ang kamay at bumalik si Serenity sa anyong-tao nito. Serenity looked at herself. She's wearing a white dress just like the beautiful woman in front of her. Bumaba si Goddess Aaliyah mula sa kinatatayung malapad na bato at huminto sa harapan ni Serenity. Umangat ang kamay niya at hinawakan ang mukha ni Serenity. Ngumiti si Goddess Aaliyah.
"You've grown."
"Who are you?" tanong ni Serenity.
"I'm your mother. I'm Moon Goddess Aaliyah."
"Mother? You?"
Ngumiti si Goddess Aaliyah at tumango. "It's a long story. But most importantly is what will I going to tell you this night. Remember all of it because it will help you to grow."
"Sandali lang po. Hindi ko maintindihan. Sabi niyo kayo ang aking ina. Naguguluhan ako. Kung kayo ang aking ina bakit hindi kayo ang nag-alaga sa akin. At isa pa, sino si Amira? Ang sabi niya iisa kaming dalawa. Naguguluhan po ako," sabi ni Serenity.
"Sasabihin ko sa 'yo ngayon ang lahat. Makinig kang mabuti," malumanay na sabi ni Goddess Aaliyah. "You were not born naturally. You were formed by my blood and I gave you a piece of my spirit. I regard you as my daughter. Because I know that someday, a war will break out in the world of werewolves. Your mission is to prevent that war from happening or you will stop that war."
Napakurap si Serenity.
"Serenity, my daughter, you are the only white wolf in the history of werewolves. I made you unique and special. You are the most powerful wolf one because you are my daughter. Everyone will respect and bow to you. You are a white wolf. Werewolves are different from humans. They have heightened senses and they are much stronger than humans. Serenity, keep your scent and identity hidden because once they will find out who really you are, you will be in danger. In the future, when you reached the right age, you will experience rejection, heartbreak and many obstacles will come in your way. But all of this will shape you as a person and it will make you grow to a strong and independent woman. Serenity, don't disappoint me. Someday, you will understand all of this. And I hope that you will overcome every challenge that will come to you." Ani Goddess Aaliyah.
"Mother..."
Napangiti si Goddess Aaliyah nang marinig ang tawag sa kaniya ni Serenity. Niyakap niya ito ng mahigpit. "This is the first time that you will see me. I will be always appeared in your dream to guide you and teach you."
Tumango si Serenity. "Thank you, Mother."
Ngumiti si Goddess Aaliyah at tinignan si Serenity. Hinalikan niya ang nuo nito. Naipikit naman ni Serenity ang kaniyang mata pero sa pagmulat niya, wala na ang kaniyang ina.
"Mother?"
"Moon Goddess Aaliyah," sambit ni Serenity. Natampal niya ang kaniyang nuo. "This is too much information." Napailing siya. Umupo siya damuhan. She helped herself to digest all the information that she had heard.
Serenity sighed. Humiga siya sa damuhan. "Amira?" tawag niya sa lobo niya.
'May kailangan ka.'
"Nabasa ko kasi sa isang aklat na maliban sa lakas at talas ng pakiramdam na mayroon ang mga lobong katulad natin, totoo ba na may iba pa tayong kakayahan?"
'Oo naman. Hindi ba kaya mong manggamot ng kahit anong uri ng sugat at sakit. Iyon ang espesyal na kakayahan mo bilang isang lobo. At isa pa, nakakaintindi ka ng mga salita ng mga hayop na hindi kayang gawin ng mga lobo kahit pa mga lobo sila.'
Napatango si Serenity. "Ganun ba? Pero totoo ba na ang kahinaan natin ay ang pilak?"
'Oo. Ang pilak ang kahinaan ng mga lobo at maaari mo itong ikamatay kapag nasugatan ka ng sandata na gawa sa pilak.'
Tumayo si Serenity. "Pagod na ako. Kailangan kong magpahinga."
'Pagod rin ako. Kagigising ko lang sa loob mo pero pinagod mo ako dahil sa pagtakbo mo kanina.'
Natawa si Serenity at naglakad pabalik sa kanilang bahay. It's been three years since she was adopted by his adoptive father, Beckett Morgan. Kinuha siya nito sa isang orphanage sa Italy. Sa tatlong taon na magkasama sila, kung saan-saang bansa na siya nakarating dahil na rin sa mga negosyo nito na kailangan nitong asikasuhin. Huminga siya ng malalim. Tatlong taon na ang nakalipas, hindi man lang siya nakapagpaalam kay Connor bago siya umalis noon. Matagal rin naman kasi itong hindi nagpakita sa kaniya. Baka naman may nangyaring masama rito. Sana naman ay wala.
For the next days, Serenity spent her time in training. She's training herself and her wolf running in the woods. At first, it was difficult for her to run at full speed and she even injured herself but her injury immediately healed afterwards.
She run day after day to strengthen her limbs and makes her feet to run faster than any other werewolves. Though, she didn't encounter one but she sooner or later, she will encounter werewolf like her.
'Just avoid Rogues.' Amira said.
"Rogues?"
'They are rebel wolf who are casted out from their own pack. They are exiled because they commit unforgivable crime. They've gone feral. They kill other werewolf and they kill humans.'
Napatango si Serenity. "But what if it is unavoidable to see one?"
'Let's fight them.'
"Ah? Do you want me to die, Amira? I don't know how to fight," sabi ni Serenity.
'I know that's why you need to learn martial arts. But for the mean time… let me protect you. I can fight well. Actually, in my past life. I used to be a human. I was a general and I was fighting in wars in my whole life. When I died, Moon Goddess granted me a second life and sealed me inside your body.'
"Oh." Napatango na lang si Serenity.
Serenity's time was spent to her study and learning martial arts. Though her adoptive father was curious why she needed to learn martial arts, she let her learn it and he even find her a good master. Serenity didn't tell her adoptive father about her identity. It's better to keep it this way.
Katulad ng dati, tinutukso pa rin si Serenity ng mga tao sa paligid niya dahil sa kulay ng buhok niya. Siguro dahil na rin sa kulay ng lobo niya kaya kulay puti rin ang buhok niya. Hinahayaan na lang niya ang mga tao kahit pa tinatawag siyang 'weird'. Sanay na siya at hindi na yata niya mababago ang tingin ng mga tao sa kaniya.
When Serenity went to college, she took veterinary as her course. In this way, she could help other animals in their injury and she could heal them and let them live longer.
But when she graduated college, her adoptive father died because of an illness. She tried to cure him with her ability but she failed. Hindi niya alam pero hindi gumana ang kakayahan niya sa ama-amahan niya. Hindi niya maintindihan. Gagana lang ba ang kakayahan niya sa mga katulad niyang lobo?
Lahat ng mga naiwan nitong ari-arian ay naiwan sa kaniya. Wala itong pamilya o di kaya kamag-anak kaya sa kaniya lahat naiwan ang mga ari-arian nito.
Serenity built her own veterinary clinic and settle in the Philippines permanently. May mga mapagkakatiwalaan namang tao na siyang nagma-manage ng mga negosyo na naiwan sa kaniya ng adoptive father niya.
Pero hindi na katulad ng dati na tinutukso siya ng mga tao sa paligid niya. Napapansin man ang kulay ng buhok niya pero hindi na siya tinutukso. At hindi na sinasabi ng ibang tao na 'weird' siya.
Serenity was sitting on her chair when the door of her office opened. Pumasok ang kasama niyang vet rin and also her assistant.
"Bakit?" Tanong niya.
"Come outside. May pasyente tayo. Dalawa sila. Hindi ko kaya silang pagsabayin."
"Okay."
Lumabas si Serenity ng opisina niya at tinignan ang sinasabi ng assistant niya. It's a two injured dog. Mukha nga lang ang mga itong lobo dahil sa kulay at hitsura ng mga ito.
"What happened?" Tanong niya sa may-ari ng dalawang aso.
"They both hit by a car. Please, check them now."
Tumango si Serenity at tumingin sa assistant niya. "Gemma, check the other dog. Ako na dito sa isa."
"Yes, Doc."
She checked the injury of the dog in front of her. Napailing siya nang makita nabali ang paa nito. Tumingin siya sa may-ari ng hawak niyang aso. Hindi ito nakatingin sa kaniya kaya ginamit niya ang pagkakataon na 'yon para gamutin ang asong nasa harapan niya. Hinawakan niya ang nabaling buto sa paa ng aso at ginamot. Unti-unting bumalik sa dati ang nabaling buto nito. Nilinis niya ang ilang sugat nito saka niya nilagyan ng benda.
"May bali ba siya?" Tanong niya kay Gemma sa asong ginagamot nito.
Umiling si Gemma. "Wala, Doc. May ilang galos lang siya."
Tumango siya at tinapos ang ginagawa. Nakahinga siya ng maluwang nang matapos niyang magamot ang asong nasa harapan niya.
When the dog was treated, they were put in the nursing room para doon mag-recover ang mga ito. At kapag tuluyan na ang mga itong naka-recover, saka naman ang mga ito kukunin ng may-ari.
Tinanggal ni Serenity ang suot na gloves saka bumalik sa kaniyang opisina. Umupo siya sa kaniyang swivel chair at sumandal. Tinignan niya ang kaniyang mga palad. She can cure animals easily but can she not really cure humans like what happened to her adoptive father?
Serenity sighed and closed her eyes.