=Greyson Golden Pack=
"King."
"Your Majesty."
Lahat ng mga makakasalubong ni Connor ay yumuyukod sa kaniya. Deretso lang naman ang lakad niya patungo sa kaniyang pribadong opisina. Habang naglalakad siya, napahawak siya sa kaniyang leeg na ginamot ni Serenity.
Serenity, you are indeed different from any human that I've met.
Nang makarating siya sa kaniyang opisina, itinulak niya ang pinto saka siya pumasok sa loob. Nakita niyang naroon ang Beta niya. Hunter Gallio is his name.
Yumukod ang Beta niya. "Your Majesty."
He sighed. "It's just the two of us. No need to be courteous."
He already regards his Beta as his brother. Wala siyang kapatid kaya ang Beta niya ang itinuring niyang kapatid niya at isang matalik na kaibigan.
"Connor, where did you go last night? I was worried sick," Hunter said.
Umupo siya sa swivel chair niya. "Diyan lang," sagot niya.
Namewang si Hunter sa harapan niya. "Anong diyan lang? Are you hurt? May sugat ka ba? Let me check."
Itinaas ni Connor ang kamay para pigilan si Hunter sa balak nitong pag-check up sa kamay niya. "I'm fine. Wala akong sugat."
"Then where did you go last night? Mukhang kakaiba rin ang mood mo ngayon," sabi ni Hunter.
"Hindi na importante kung nasaan ako kagabi. Tell our Gamma to strengthen the security of our pack. Rouges are everywhere. Mahirap na kung may mapahamak sa mga pack members natin," utos niya.
"Yes, Your Majesty. I'll do it now." Naglakad palabas si Hunter ng opisina ni Connor pero napatigil siya at nilingon ito. Hensaw him smiling. "What the hell happened?" Bulalas niya. Ito ang unang beses na nakita niyang ngumiti si Connor, hindi ito ang mga normal na ngiti nito. Kadalasan kasi kapag ngumingiti ito ay peke pero iba ngayon dahil nakita niya na totoo ang ngiti nito.
Kumunot ang nuo ni Hunter. Mukhang may nangyari kagabi. Nakita na kaya ni Connor ang mate nito? Iba kasi ang emosyon na nakikita niya sa mukha nito ngayon. Napailing siya at tuluyan ng lumabas ng opisina ni Connor.
Connor can't help but to smile when he suddenly remembered the Little girl he met last night. She can really make him happy. At first, she was scared to him but later, she's already comfortable with him.
'Why don't you take her in?' Ani Alpha. Ang wolf niya.
Kumunot ang nuo niya. "Take her in. What do you mean?"
'Take her here. Adopt her.'
"It's not easy to do it, Alpha." Aniya.
'Whatever. But I like her. There is something in me that attach to her in just short of time.'
"We're feeling the same," Connor said.
"Babalik ba tayo sa kagubatan mamayang gabi?"
"I'm sorry, Alpha, but we can't. We need to deal with those Rogues. They're pissing me off."
'But I want to see her.'
"I want to see her too, Alpha. But not now. We need to deal with the problem first before we see her, okay?"
'Whatever you say, Your Majesty.' And Alpha blocked him.
Napailing na lang siya. Minsan talaga hindi niya maintindihan ang inner wolf niya. He always blocks him in their mindlink.
'Your Majesty, there are Rogue within our vicinity.' Beta Hunter reported.
'I'm on my way.'
Mabilis siyang lumabas ng kaniyang opisina at nagtungo sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya. Like last night, he was patrolling and he encountered the Rogue. He fought with them and they ended in that forest where he met Serenity.
Nang makarating siya sa kinaroroonan ng mga kasamahan niya, nakita niyang nakikipaglaban si Hunter kasama ang ibang pack warriors. They are in their wolf form but he didn't shift into his wolf form. He fought with them in his human form. Sinipa niya ang isang Rogue na nakadagan sa isang pack warrior niya.
Hinablot naman niya ang isa sa mga Rogue at itinapon ito sa ere saka niya ito sinipa, tumama ito sa puno. He growled dangerously. The Rogues looked at him and fear is visible in their eyes. Ibinaba nila ang kanilang mga buntot at tumakbo palayo. Connor's pack warrior howled.
Connor sighed. Tinignan niya ang katawan ng Rogue na hindi makatakas dahil napuruhan niya yata ang mga ito.
"Lock them in the silver cell." Malamig nyang saad.
"Yes, Your Majesty." Hunter replied and bow down his head. He is now in his human form.
Bumalik si Connor sa pack house pagkatapos niyang utusan ang mga pack warrior na higpitan ang pagbabantay sa pack border nila. Nang makabalik siya sa palasyo, nagtungo siya sa kaniyang silid. Hinubad niya ang suot na damit, halata na naman ang mga itim na ugat sa katawan niya. Pero unti-unti rin lang itong nawala. Kadalasan itong nangyayari lalo na kapag nakakaramdam siya ng galit.
Huminga ng malalim si Connor.
SERENITY can't help but to feel sad. Hindi nagpakita sa kaniya ang lobong si Connor kagabi. Ang mga kaibigan niyang hayop ang kinausap na lang niya kagabi nang magpunta siya sa kagubatan. Napanguso siya habang nasa loob siya ng kaniyang silid sa orphanage. She's reading a book about werewolf.
Napabuntong hininga siya at ibinaba ang hawak na aklat. Kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at tinitigan ang pangalan niyang nakaburda sa gitna ng panyo. Tinignan niya nang maigi ang teal ng panyo, kakaiba ang tela sa mga pangkaraniwang tela na nakita na niya.
Serenity can't but to sigh again. She doesn't have parents and she ended in the orphanage. She's already twelve years old and she's still asking herself who are her parents. Yeah. Who are they?
Nangalumbaba si Serenity dahil hindi maiwasang makaramdam ng lungkot. She's clueless about her identity. Ang tanging hawak niya lang ay ang panyo na 'to. Tumingin siya sa labas ng bintana. Gabi na naman. Darating kaya si Connor?
Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng aklat na hawak niya tungkol sa mga lobo. Nalaman niyang kahinaan ng mga lobo ay ang mga silver weapon. Kahit anong uri ng sandata basta gawa sa pilak. She was focused on the book she's reading. Hindi niya napansin ang isang babae sa labas ng bintana at nakatingin sa kaniya.
Napangiti si Goddess Aaliyah habang nakatingin kay Serenity. Malaki na ito. Ilang taon lang ang lilipas, tutuntong na ito sa tamang edad. Malapit na rin nitong maranasan ang isang rejection na kahit siya ay hindi niya alam kung malalagpasan ba ito ni Serenity o hindi? It will depend on her how she will handle it. Napatingin siya bigla sa kagubatan nang marinig ang mga mabibigat na yabag na papalapit sa kinaroroonan niya. Naglaho si Goddess Aaliyah at bumalik sa kaniyang palasyo. Tinignan niya ang salamin kung sino ang dumating at hindi siya nagkamali. The King of Werewolves.
Serenity looked at the window when she heard a growl. Nanlaki ang mata niya at mabilis siyang tumayo. Lumapit siya sa bintana at tumingin sa ibaba. Natuwa siya nang makita si Connor na mukhang nag-aabang sa kaniya mula sa ibaba. Kinawayan niya ang lobo saka binuksan ang bintana. Tumalon siya pababa at sinalo naman siya ng katawan ni Connor.
"Salamat."
Connor let out a playful growl and started to jog towards the forest.
Dinama ni Serenity ang hangin na tumatama sa mukha niya. Connor brought her to the lake that's inside the forest. Dumapa si Connor sa damuhan at bumaba naman si Serenity.
"Ang ganda." Aniya habang nakatingin sa lawa. Natatamaan ng sinag ng buwan ang tubig kaya nagkakaroon ito ng repleksyon.
Tumingin siya kay Connor. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. "Hindi ka pumunta kagabi. Hinintay kita."
'Pasensiya na.'
Ngumiti si Serenity. "Okay lang. Nandito ka naman ngayon." Sumandal siya kay Connor.
Natigilan si Serenity nang makita niyang may babae sa gitna ng lawa. Nakatayo ito sa tubig at nakangiti ito sa kaniya. She smiled and waved her hand.
Nagtaka si Connor nang makita niyang kumaway si Serenity. Tinignan niya kung saan ito nakatingin pero wala naman siyang makita.
"Connor, tignan mo ang babae. Ang ganda niya."
Tinignan niya ang itinuturo ni Serenity pero wala naman siyang makita. Hindi niya makita ang babaeng sinasabi nito. Napatingin siya kay Serenity nang bigla na lang itong bumagsak sa kaniya.
Patag ang paghinga nito na parang natutulog lang. Ibinalik niya si Serenity sa bahay-ampunan. May kailangan pa siyang gawin ngayon. Pinuntahan niya lang talaga si Serenity dahil gusto itong makita ni Alpha, ganun din siya. Gusto niyang kunin si Serenity pero maraming problema ang pack niya dahil sa mga Rogue. Ganun na din sa ibang pack kaya hindi ligtas kung dadalhin na niya ngayon si Serenity sa pack niya.
"Serenity, wait for me. After one month, babalik ako. Kukunin kita rito." Aniya.
Habang naglalakad siya sa daan papasok sa loob ng kagubatan, nakita niya ang isang panyo na nakakalat sa daan. Pamilyar sa kaniya ang panyo kaya naman tinignan niya kung may pangalan na nakalagay rito. Nakumpirma nga niya na pag-aari ito ni Serenity nang makita niya ang pangalan ni pangalan nito na nakaburda sa panyo. Using his mouth, he picked the handkerchief and he was about to go back to the orphanage to give Serenity her handkerchief but Hunter mindlink him.
'King, we need your help. Hendrix Moon Pack needs our help. Rogues attack them.'
Mabilis na tumakbo si Connor papasok sa loob ng kagubatan dala ang panyo ni Serenity.
Sa mga sumunod na araw, Connor is busy dealing with the Rogue. Abala rin siya sa pagtulong sa iba pang pack dahil humihingi ang mga ito ng tulong. As the king of all werewolves, it's his responsibility to help his them all.
Ngayon mag-iisang buwan na mula ng huli niyang nakita si Serenity. Pakiramdam niya ay may kulang sa kaniya.
"Hunter," tawag niya sa Beta niya.
"Yes, Your Majesty?"
"Prepare money. May pupuntahan tayo bukas. And tell the maid to prepare the room beside my room. May gagamit doon." Aniya.
Kumunot ang nuo ni Hunter. "Who? And is she or he?"
"She."
Nanlaki ang mata ni Hunter. "Your mate?"
Umiling si Connor. "No. But she's different. Don't ask."
"Okay. Then I will prepare what you have told me." And Hunter leave.
The next day. Connor and Hunter went to the Orphanage.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Hunter.
Hindi nagsalita si Connor at bumaba ng kotse. Pumasok siya sa loob ng compound. Sinalubong naman siya ng tagapamahala ng orphanage habang nakasunod sa kaniya si Hunter.
"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Sir?"
Tinignan ni Connor ang mga bata pero hindi niya makita si Serenity. "Nandito ba si Serenity? I wanted to adopt her."
"Si Serenity? Ang maganda na batang 'yon. Naku. Pasensiya na kayo, Sir, pero noong isang linggo pa siya nakaalis dito sa bahay-ampunan," sabi ng tagapamahala.
Kumunot ang nuo ni Connor. "What do you mean?"
"Inampon na si Serenity ng isang mayamang negosyante na walang anak. At ngayon nasa ibang bansa na sila."
Naipikit ni Connor ang mata. Napabuga siya ng hangin. "I'm late." Aniya.
Kinuha niya ang panyo sa bulsa at tinitigan ito. Serenity.
Connor opened her eyes. Sinenyasan niya si Hunter na lumapit. "Sayang naman." Aniya. "May nakauna na pa lang nag-ampon sa kaniya. But anyway, accept this money." Inilapag ni Hunter ang attache case sa mesa. "Makakatulong ito sa orphanage."
"Maraming salamat, Sir."
Tumango si Conner. Hindi na sila nagtagal ni Hunter sa orphanage. Umalis na sila pagkabigay nila ng pera.
"You look disappointed," Hunter said. Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse. Pabalik na sila sa pack house.
Connor sighed. Tinignan niya ang panyo ni Serenity. Ibinulsa niya ito. Alam niya at nararamdaman niya na magkikita pa sila ni Serenity. But why is he feeling this? Pakiramdam niya ay may nawala sa kaniya at malungkot siya.
"Connor, are you okay?" Hunter asked.
"I'm fine. May iniisip lang ako."
"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. Bakit tayo pumunta sa orpahanage na 'yon?"
"Nothing."
"What nothing? You looked disappointed. I'm your Beta but also your brother. You looked disappointed and upset."
"I don't know but I felt that I'm lost. She's not my mate but I don't know why, my wolf and me are attached to her, kahit hindi pa namin siya katagal na kakilala," sabi ni Connor.
"If she's not your mate then you better forget her."
Tinignan ni Connor ng masama si Hunter. "If you won't say anything good. Shut your mouth."
Hunter sighed and shook his head. "Okay. Anyway, I'm just telling the truth."
Connor looked outside the car's window. Serenity, I know. Someday, we will meet again.