KABANATA 13

2271 Words

***EYRNA*** “Emmil, tingin mo? Magiging mabuting asawa at ina kaya ako balang-araw?” Hindi napigilan ni Eyrna ang sariling huwag magtanong ng ganoon nang makauwi siya sa inuupahang bahay. Nagtatanggal siya ng strap sa kanyang high-heeled shoe habang nakaupo sa lumang sopa. “Bakit, ‘Te? May balak ka na bang mag-asawa?” sagot ng kapatid na patanong din. Pupunga-pungas ito dahil bagong gising. Tuwing umaga, alas-singko, ay napipilitan itong bumangon para pagbuksan siya ng pinto. Ganoong oras kasi siya nakakauwi mula sa trabaho. “Ayaw mo ba akong mag-asawa?” nakangusong balik-tanong niya rin. “Syempre gusto ko para may makatulungan ka na rin sa buhay. Ang tagal mo nang ibinabalikat mag-isa ang mga responsibilidad sa amin. Tama na ring gumawa ka na ng sarili mong pamilya nang matapos na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD