KABANATA 1
***EYRNA***
“Ingat, sheb. Kapag itim ay abot hanggang atay ang mga ano ng mga iyan,” biro sa kanya ni Jella nang nagpapaalam siya. Ilalabas kasi siya ng itim niyang customer. Itim na foreigner. At bagaman excited siya dahil alam niyang limpak-limpak na dolyar ang makukubra niya ay hindi niya mapigilang nerbyosin.
Kumuha siya ng tip sa mga kasamahan niya, pero heto’t pinagti-trip-an na siya ng mga gaga.
Unang pagkakataon kasi na magkaroon siya ng itim na customer at wala pa siyang ideya sa sinasabi ng mga kasamahan niyang sobrang laki ng mga batuta nila, na abot hanggang atay raw. Kailangang humanda raw siya dahil lalawit daw talaga ang kanyang dila.
“Pakatatag ka kasi siguradong lampas hanggang langit ka niya dadalhin,” biro din ni Jasmin.
Napanguso siya nang pinagtawanan siya. Pinagkakaisahan na talaga siya.
“Sige na, alis na ako. Ipagdasal niyo na lang siya na makayanan din niya ang gagawin ko sa kanya. Dadalhin ko siya sa impyerno sa sobrang sarap at init ko,” pero biro rin naman niya sa kanila.
“Goodluck.” Pinalo siya ni Jasmin sa puwet.
“Heh!” irap niya rito. Nagtawanan sila na may kasamang apir.
Makaraan ang ilang sandali ay nasa isang mamahalin na nga silang hotel ng ne*ro. Agad siyang nilaplap nito. Mabuti na lamang bata pa ang edad, mabango’t guwapo.
“It’s so big,” aniya nang nilalaro na ng kamay niya ang nagngangalit nitong sandata. Pinapatigas niya pa lalo. Grabe para siyang nagma-m*st*rbate ng paa ng isang halimaw.
“You like it, baby?” nakangising anito. Proud na proud at chill na chill na nakasandal ito sa headboard ng kama. Pinapanood ang kanyang ginagawa.
Matamis na ngumiti siya’t sinimulan na niyang ni-lollipop ang malahalimaw nitong sandata. Nabanat talaga ang bibig niya, halos hindi magkasya. At hindi mabilang kung ilang beses siyang napaduwal.
“Ooohh...” ungol naman niya nang nagsimulang romansahin siya ng itik. May time na masakit ang pinagagawa nito, lalo na sa kanyang dibdib na halos mawarak sa sobrang pagkalumos ng malalaking mga kamay nito.
“Ayoko na! Ayoko na!” hanggang sa nagsusumamo na siya nang hindi na niya gusto ang pinagagawa nito sa kanya. Pumapalag na siya.
“Stay still!” singhal ng lalaki. Hindi na lang ito mukhang halimaw, talagang naging halimaw na. Ang g*go, drugs pala ang itinurok sa sariling braso nito kanina.
“Aaahhh!” hiyaw niya nang pasuhin siya nito ng sigarilyo.
"I really like you, baby," nauulol pang sabi ng bangag nang n*gro.
"Please, spare my life,” pakiusap niya rin nang may hawak naman itong kutsilyo. “Aahh!” at mas malakas na hiyaw niya nang hiwain kaunti nito ang kanyang braso. Ang dugo niya sinisipsip nito habang binabayo siya nang binabayo ng pa-dog style.
Hindi niya alam kung anong konek ng paghiwa sa kanya sa pagpapasarap ng lalaki. Basta ang napansin niya ay mas naging ganado pa ito sa s*x. Kulang na lang ay mapunit ang dalawa niyang butas sa pinagagawa nito. Pinagsali-salitan ng g*go.
Hindi lang ito sadista. Hindi na niya alam kung ano’ng tawag sa tulad nitong halimaw. Higit pa ito sa isang demonyo.
Mabuti na lamang at buhay pa rin siya nang magsawa ito sa kanyang katawan. Hindi mailarawan ang kanyang hitsura na nagbihis at lumabas sa VIP room ng hotel. Pinauna siyang umalis na kanyang ipinagpapasalamat nang lubos sa Diyos. Pero kung hindi lang siya binigyan ng napakadaming dolyar ay isusumbong niya sana talaga ito sa pulis.
“Miss, are you okay?” nabahalang tanong sa kanya ng isa sa lalaki sa elevator.
Pagpasok niya kasi sa elevator ay natumba siya sa mga bisig nito.
“Sir, may sugat at paso siya sa braso,” sabi ng isang lalaki.
“Leandro, take him to the nearest hospital,” utos ng lalaking nabahala para sa kanya.
“Yes, Sir.” Akmang kukunin siya ng Leandro ang pangalan.
“Mamaya na paglabas,” pero sabi ng lalaking nakayakap sa kanya.
Ang bait naman, usal ni Eyrna. Kahit ganoon kasi ang hitsura niya na gulo-gulo na animo’y ginahasa ng sampung halimaw, idagdag pa ang hindi maganda nang amoy niya, ay hindi siya nito binibitawan. Yakap-yakap pa rin siya upang hindi matumba. Hindi siya pinandirihan.
Sinubukan niyang kumawala rito upang makita niya ang mukha nito.
“Huwag kang malikot,” ngunit utos nito.
Tiningala niya na lamang ang mukha nito. Tama nga ang hula niya na guwapo ito. Parang iyong mga bidang bilyonaryo ng foreign movies. Mukhang mayaman pati. Pang-CEO ang datingan.
“What happened to you?” tanong nito nang ibaba ang tingin sa kanya.
Nakikita niya ang mukha nito pero dahil nanlalabo na ang kanyang paningin ay hindi na niya maaninag nang husto.
“Who did this to you?" tanong pa ng lalaki.
Nakakalokong ngiti lamang ang iginawad niya dahil hindi niya puwedeng sabihin ang nangyari. Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nanlupaypay na siya sa mga bisig nito.
Nagising na lang siya kinaumagahan na naroon na siya sa isang ospital at binabantayan ni Jella.
“Kumusta ang pakiramdam mo, sheb?”
“Binaboy ako. Hindi makatao ang ginawa sa akin ng itim na ‘yon.” Napahagulhol siya matapos sabihin iyon.
Niyakap siya ng kaibigan. “Tahan na.”
“Ayoko na ng ganitong buhay, sheb. Ayoko na sa bar. Magpapakayaman ako para hindi na ako binababoy ng mga kung sinu-sino lamang na lalaki.”
“Oo, kahit naman ako. Pero huwag kang mag-alala dahil balang-araw makakaalis din tayo sa madilim na lugar na iyon. Konting tiis na lang, sheb." Inalo siya nang inalo ni Jella hangggang sa umayos ang pakiramdam niya.
“Nasaan pala ang tatlong lalaking tumulong sa akin sa elevator?” mayamaya’y usisa niya kay Jella nang maalala niya ang guwapong lalaking tumulong sa kanya.
“Tatlong lalaki? Wala naman akong naratnan dito, eh."
Nanlumo siya. Sa isip-isip niya’y sayang naman. Hindi man lang siya nakapagpasalamat. Kung sino man siya ay sana magkita ulit sila.
“Sa susunod, huwag ka nang basta-basta kukuha ng customer. Kilatisin muna natin,” payo sa kanya ni Jella.
Tumango lang siya. Sa nangyaring iyon ay isinusumpa niyang gagawin niya ang lahat upang makaalis sa trabaho nila sa bar. Gagamitin niya ang kanyang magandang boses sa pagkanta upang mangyari iyon. Gagawin niya ang lahat upang maging sikat siyang singer balang-araw.
TWO YEARS LATER.
“Heto na po ang resulta!” masiglang sigaw ng host ng singing contest na nagaganap nang gabi na iyon.
“Yes, atin na pong alamin kung sino ang magwawagi!” segunda ng babaeng partner nito. Ang napakaganda at sobrang sikat na si Lailey Salvador. Tiningnan nito ang dalawang contestant na naglalaban sa titulo, tropiyo, at halagang isang milyon. “And again, congratulations, guys. We are so proud of you.”
Lalong naging mahigpit ang hawakan nina Eyrna at Yannah sa may entablado. Kapwa sila naiiyak sa gitna ng hanggang tainga nilang mga ngiti sa isa’t isa. Batid nilang parehas na karapat-dapat silang manalo sa MUSIKA TANGHALAN dahil napatunayan na nila ang galing nila sa pagkanta. Sa katunayan ay naging magkaibigan na sila. Nabuo ang pagkakaibigan nila sa tuwing may laban sila every week na napapanood tuwing gabi ng Sabado sa television. Ngunit tulad ng ibang mga patimpalak, marapat-dapat na mayroon talagang mananalo na isa sa kanila at magiging bituwin sa hinaharap kung papalarin sa mundo ng showbiz, tulad ng host ngayon na si Lailey Salvador.
At nagkausap na sila ni Yannah tungkol doon, na walang samaan ng loob kung sino sa kanila ang magiging grand champion.
“Again, our final one on one! Eyrna Arquino versus Yannah Lapitan!” sabi pa ng lalaking host.
Nagsigawan ang mga taong nanonood. Naging intense pa ang paghihintay ng resulta.
“Ang Musika Tanghalan champion ay walang iba kundi si...” nakakakaba na announce na nga ni Lailey sa mananalo. At upang mas mabitin pa ang mga manonood ay tumatawa itong iniharap ang mic sa mga audience upang magsigawan pa lalo.
Kanya-kanya ang manok ng mga audience sa dalawang natitirang contestant. May sumisigaw ng pangalan ni Eyrna at mayroon naman kay Yannah. Kahit sa mga nasa bahay na audience ay pantay ang dalawa sa laban.
“Ay si...” Dumagundong na tunog ng drum. Saglit ay binuklat na nga ni Lailey ang envelop kung saan nakasulat ang winner. Sinilip nila parehas ng lalaking co-host nito ang nakasulat doon. Nagkatinginan at nagngitian.
“Twent-twenty-two grand champion is… “Yannah Lapitan!” puno ng enerhiya na pagsasabi na nga ni Lailey ng panalo.
“Congratulations, Yannah Lapitan!” ulit ng lalaking host.
Nagyakapan sina Eyrna at Yannah. Nag-iyakan. Kasabay niyon ay pagbagsak ng mga confetti at pag-usok ng entablado.
“Congratulations,” sa gitna nang pagluha ay bati ni Eyrna sa nanalong katunggali niya. Hindi man siya ang pinalad ay wala ni katiting na inggit o ano pa man siyang naramdaman para kay Yannah. Oo’t inasam niyang maging grand champion pero kaninang pagtungtong niya sa entablado upang kumanta ay inihanda na niya ang kanyang sarili kung hindi man siya ang magwawagi. Isiniksik niya sa isip ang lagi niyang sinasabi na manalo man o matalo ay magiging okay lang siya, na ang marating ang grand finals ng sikat na patimpalak tulad ng Musika Tanghalan ay isang karangalan na para sa kanya.
Ang talunin niya ang libo-libong sumali mula pa sa pa-audition ay maipagmamalaki na niya sa tanan ng kanyang buhay, sa magiging mga anak niya at magiging apo niya hanggang sa kamatayan niya.
Ang spotlight ay na kay Yannah na lamang nang maghiwalay sila ng yakap. Kasama ng ibang mga tinalo ni Yannah ay nakihilira siya roon. Lumuluha siyang nakinood na lang din sa magarbong pagtatapos ng patimpalak.
Nang natapos ang programa ay isang munting salu-salo para sa kanila ang inihanda ng producer. Pinakain sila’t muling binati sa tagumpay ng contest. Sobrang taas daw ng kanilang rating, mas mataas pa sa mga naunang Musika Tanghalan.
Noon lang nakaramdam ng kalungkutan at panghihinayang si Eyrna nang maghiwa-hiwalay na sila. Panghihinayang na kung sana mas ginalingan niya pa ay baka siya ngayon ay nasisilaw sa bituwin na kanyang nasungkit.
Ginagap ni Emmil ang kanyang kamay. “Okay lang ‘yan, Ate. Madami pa namang singing contest na puwede mong salihan. At malay mo, ikaw na ang magiging grand champion.”
“Tama ka.” Nginitian niya ang kapatid.
Kung meron man siyang mas ipinagpapasalamatan na nangyari sa kanya sa pagsali niya sa Musika Tanghalan ay iyon, ang makasama niya ang kanyang kapatid na si Emmil.
Noong napanood ng kanyang kapatid sa TV na isa siya sa mga pinalad na contestant ng singing contest na iyon ay tinawagan agad siya na gusto nitong lumuwas. Gusto raw nitong samahan at suportahan siya sa kanyang laban. Pumayag naman siya agad dahil gusto rin niyang makasama ang kapatid na madaming taon na nawalay sa kanya. Gusto rin niyang bumawi.
“Malaki na rin na itong three hundred thousand na napanalunan mo, Ate. Puwede nang pambagong-buhay. Patayo ka ng sari-sari store. Ako ang magbabantay,” ani Emmil na binasag ang kanyang katahimikan.
Napatingin siya sa puting sobreng hawak-hawak ni Emmil kasama ang tropiyo na may nakalagay na first runner up. May punto ang kanyang kapatid. Malaking halaga na rin ang kanyang natanggap na premyo. Puwede na ngang pangnegosyo, nga lang ay wala siyang balak pa na gawin ang ganoon. Dahil natalo siya at baka hanggang sa gabing iyon na lang ulit ang pagningning ng kanyang mga bituwin ay balak niyang bumalik ulit sa bar.
“Tara na. Umuwi na tayo. Bukas na tayo mag-shopping,” anyaya na niya sa kapatid.
“Ang galing ng Ate ko,” papuri sa kanya ni Emmil. Inakbayan siya at niyakag paalis na sa lugar na iyon. Sa may labas pa ng malawak na TV Network sila puwedeng makapara ng taxi.
Tiningala at nginitian niya ang sweet pa rin sa kanya na kapatid kahit na matagal silang nagkawalay at bente kuwatro na. May girlfriend na nga raw sa probinsya.
“Eyrna Arquino?” Mabilis na napahinto nga lang silang magkapatid sa kanilang paglalakad nang may tumawag sa kanyang pangalan.
“Bakit po?” nagtataka man ay may ngiti sa kanyang mga labi na kanyang tanong. Ang baklang manager kasi ni Lailey Salvador ang tumawag sa kanya. Si Mommy Erika kung tawagin ni Lailey sa mga interview nito. At hindi lang si Lailey ang mina-manage nito, madami pang mga artista na karamihan ay mga sikat din. Pinasikat daw nito.
Nakangiting mas lumapit ito sa kanya. Tiningnan nito si Emmil kaysa sumagot.
“Emmil, hintayin mo na lang ako r'on,” aniya sa kapatid. Naunawaan niya ang nais ng manager na siya lang ang dapat makarinig sa sasabihin nito.
“May kailangan po kayo?” muli niyang tanong nang nasa kabilang bahagi na ng kalsada si Emmil. Nakatingin man sa kanila ay hindi naman sila nito maririnig.
“Gusto ko lang sabihin na interesado ako sa talento mo, Eyrna,” panimula ng bakla. Kumikinang ito sa mala-Kuya Germs nitong kasuotan at mga alahas na ginto sa leeg at sa mga daliri. “Pasisikatin ko ang boses mo.”
Lumapad ang kanyang pagkakangiti. “Talaga po?”
“Of course. Kasing sikat ng isang Lailey Salvador. Gusto mo ba 'yon?” nakakatakam na offer ng bakla.
Nagningning ang kanyang mga mata. Sa sobrang kasiyahan na nararamdaman dahil hindi basta-basta na manager ang kanyang magiging manager kung sakali ay halos hindi na siya makapagsalita. Hindi niya inasahan iyon. Ang pagkakaalala niya kasi ay mapili sa talent si Mommy Erika.
“Eyrna, are you still with me?” untag sa kanya manager. Napansin ang saglit na pagkawala niya sa sarili.
Madaming tango ang kanyang ginawa. “O-oo naman po. Opo, gusto ko po.”
Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan ni Mommy Erika. Inakala yata na napaano na siya o hindi man ay baka inakala na hindi niya tatanggapin ang inio-offer nitong oportunidad. Sobrang tanga na siya kung hindi niya tatanggapin. Ngayon pa nga lang ay exited na siyang makasama ang manager ng isang Lailey Salvadro.
Isa sa mga hinahangaan niyang singer ng bansa si Lailey. Katunayan saka lang siya nakapagdesisyon noon na sumali sa Musika Tanghalan nang nalaman niyang si Lailey ang isa sa magho-host. Maliban sa gusto niya itong makita ng personal ay naging inspirasyon niya si Lailey.
“Good,” napangisi ang baklang manager. Kung bakit ngisi at hindi ngiti ay hindi na pinagtuonan iyon ng pansin ni Eyrna. Hinintay niya ang dinukot nito sa kumikinang din nitong purse.
“Here,” isang kulay itim na calling card na kulay ginto ang mga letrang nakasulat ang iniabot sa kanya.
Hanggang tainga na ang kanyang mga ngiti na tinanggap iyon. “Salamat po, Mommy Eri—"
“Huwag mo muna akong tawagin niyan dahil hindi pa kita formal na talent,” pamumutol ng bakla sa kanyang sasabihin. “Tawagin mo muna akong Miss Erika.”
Napahiya man ay bahagya siyang nagyuko ng ulo. “Salamat po, Miss Erika. Makakaasa po kayong magiging mabait at masunurin po ako sa inyo. At ipinapangako ko po na ipagmamalaki niyo rin ako balang araw katulad ni Miss Lailey.”
“Aasahan ko iyan, Eyrna.”
“Opo.”
At muli silang nagngitian.
“Kung gano’n ay magkita tayo sa Linggo. Tawagan mo ako para sabihin ko sa 'yo kung saan.”
“Opo, Miss Erika.”
Isang tapik sa kanyang balikat ay lumakad na paalis si Miss Erika. Inihatid na lamang niya ito ng tanaw.
“Eiiiihhhhh!” saka lang siya tumili nang pagkalakas-lakas nang bahagyang makahupa ang kanyang hindi maipaliwanag na nararamdaman nang mga sandaling iyon. “Totoo ba ito, Lord? Matutupad na po ba ang matagal ko nang pangarap?”
“Ate, ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba?” Tinakbo siya ni Emmil.
“Emmil, sisikat na ang ate! Sisikat na ako!” aniya sa kapatid kasabay nang paglambitin niya sa leeg nito.
Ang kalungkutan niya dahil sa pagkatalo niya kay Yannah ay naglaho na. Napalitan na nang sobrang kasiyahan. Tama nga iyong sabi sa kanila ng isang judge kanina na na kahit matalo sila sa patimpalak ay huwag silang papanawan ng pag-asa. Manalig pa rin sila sa kanilang talento. Dapat ay hindi raw roon magsasara ang kanilang pinto. Hintayin lang daw nila ang kanilang oras at magbubukas din para sa kanila ang mga oportunidad.
"Bakit ano’ng sabi sa 'yo?" Nagtaka si Emmil.
"Kukunin daw niya akong talent niya," kinikilig niyang sagot sa kapatid. Minsan pa ay nagtitili siya sa kasiyahan.
Wala siyang kaalam-alam na may dalawang pares na mga mata ang nakamasid sa kanilang magkapatid.
“Sa tingin mo papayag si Eyrna sa iaalok natin, Mommy Erika?” tanong ni Lailey. Ito ang nagmamay-ari sa isang pares na mata at kanina pa pinagmamasdan si Eyrna habang kausap ang kanyang manager.
“Oras na malaman niya ang offer natin sa kanya ay wala na siyang choice kundi ang tanggapin iyon,” nakangisi naman sagot ng tusong bakla.