Chapter 8:

1134 Words
Mabilis ang sasal ng aking dibdib nang makabalik ako sa labas ng aming bahay-tulugan. "O, Sabel, bakit tila hinabol ka ng tatlong aswang," bulalas ni Ate Conching nang mapansin ako. "Naku, Ate Conching, hindi lang tatlong aswang," saad ko naman dito. "Ha? Lima o sampu?" bulalas nitong tanong sa 'kin. Natawa na lamang ako sa reaksyon nito. "Hindi pala aswang kundi tikbalang," sagot ko nang maalala ang hitsura ni Sir Sigfred. "Tikbalang? Mayroon ba noon?" anito. "Mayroon, nasa may pool side," giit ko rito. "Papasok na ako, 'te baka kasi hanggang dito ay sundan ako," turan ko kay Ate Conching bilang paalam. Hanggang sa mabaling kay Ate Yolly na noon ay kababalik lang ang pansin nito. "O, nasaan na ang load ko?" dinig kong tanong nito sa kasamahan namin habang ako naman ay pumasok na sa bahay. "Wala pa ba?" untag naman ni Ate Yolly rito. "Naku, Yolly baka pati load ko ay binigay mo d'yan sa jowa mo," bulalas pa nito. Tumawa ang huli. "Ano'ng nangyari kay Sabel at mukhang nakakita ng aswang," usisa nito. "Hindi nga raw, aswang kundi tikbalang," palatak naman nito. "Tikbalang?" maang ni Yolly. "Oo, doon daw sa may pool, tingnan mo nga," diga pa nito sabay turo sa direksyong pinanggalingan ni Sabel kanina. Mukhang sinipag maglakad si Ate Yolly kaya tinungo naman nito ang pool side at nakita ang lalaking noon ay nakatayo sa gilid ng pool at naghuhubad. "Si Sir Sigfred lang pala," aniya sa kawalan saka bumalik sa kinaroroonan ni Conching. "O, ano, nakita mo ba?" untag nito. Natawa si Yolly. "Hindi naman aswang, hindi rin tikbalang kundi Adonis ang nakita," nasiglang turan nito. "Adonis?" maang ni Conching. "Oo, Adonis, lalaking matikas ang katawan, guwapo at kaibig-ibig," senswal pang turan ni Yolly nang bigla itong batukan ni Conching. "Ang laswa," hirit nito. Natigil lang ang usapan nila nang marinig ang pagtunog ng cell phone ni Conching. "Nandito na ang load," bigay-alam nito kay Yolly. "See, na-traffic lang tapos sisisihin mo pa si Istong ko," ngusong wika ni Yolly rito. "Sus! Pinagtanggol pa talaga," hirit pa rin ni Conching rito. Pagpasok ko sa bahay ay abala pa rin sina Aling Donata at Manang Pacita sa pinapanuod nilang teleserye. Panaka-nakang tumatawa at kinikilig pa ang mga ito kaya nakisilip na rin ako sa kanilang pinapanuod. Napangiti ako sa guwapong mukha ng artistang lalaki habang kaharap ang artistang babae. Hindi maitago ng dalawang matanda ang kanilang kilig sa pinapanuod, maging ako tuloy ay nakuha ng pansin ng pinapanuod nila kaya nakipanuod na rin ako. Feeling ko tuloy si Sir Simon ang lalaking bida at ako naman ang babae sa telebisyon. "Hoy, Sabel," untag sa 'kin ni Aling Donata. Nagulantang ako at agad na napatingin sa TV, patalastas na pala at nakatulala pa rin ako. "Naku, kung matutulog kang nakadilat ang mata ay mahiga ka na sa silid natin. Tatapusin ko lang itong pinapanuod namin dahil ang ganda," bulalas ni Aling Donata sa 'kin. Agad akong napangiti, mabuti na lamang talaga at inakala nitong natutulog siya nang mapansin nitong nakatulala ako. "Sige, Aling Donata, mauna na po ako, Manang Pacita," paalam ko sa mga ito at nagtungo na sa aming silid. Agad akong naghanda upang matulog na, tulad nang lagi kung ginagawa ay nagpapalit na muna ako ng aking kamison bago matulog. Mula kasi nang magdalaga ako ay 'yon ang bilin ni Lola Belen sa 'kin. Matapos akong magpalit ay sumampa na ako sa 'king kama. Ilang sandaling nakatingin sa puting kesame nang maulinigan ko ang pagtawag ni Manang Pacita kina Ate Yolly at Ate Conching. Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Aling Donata sa aming silid. "Tulog ka na ba, Sabel?" untag niya sa 'kin matapos maupo sa ibabang bahagi ng kama. "Bakit po, Aling Donata?" maang kong tugon dito. "Mag-iingat ka kay Sir Sigfred, kita ko kung paano ka niya titigan at alam ko kung kailan may binabalak ang batang 'yon," babala nito sa 'kin. Marahil ay napansin rin nito ang palagian nitong pagtitig sa 'kin, na sinabayan pa ng pagngisi nito. "Opo, Aling Donata, huwag po kayong mag-alala dahil nag-iingat naman po ako at hindi po uubra si Sir Sigfred sa 'kin, ang yabang," palatak kong sagot. "E, si Sir Simon, crush mo, ganoon?" hirit nito. "Aling Donata naman," maang ko rito. "Sus! Alam kong nabaitan ka kay Sir Simon pero alalahanin mong may nobya na siya," giit pa nito. Tumawa na lang ako. "Naku, nandito po ako para matupad ang pangarap ko," mabilis kong sabad kay Aling Donata. "Mainam 'yan, Sabel, dahil ayaw kong dumating ang araw na sisihin ako ng lola mo," muling paalala sa 'kin ni Aling Donata. "Salamat po, Aling Donata dahil ako po ang inalok niyo ng trabaho," sagot ko pa rito. "Ikaw agad ang pumasok sa isipan ko dahil mabuti kang bata," mabilis naman nitong tugon. "Kaya pagbutihin mo ang trabaho mo at pag-aaral, huwag muna magpapaligaw at magkaka-boyfriend," dagdag nitong payo sa 'kin. "Opo, Aling Donata," tugon ko naman. "O, siya, matulog ka na dahil bukas na bukas ay tuturuan ka na ni Lanie ng gagawin mo at alam ko sa susunod na araw ay ipapa-enroll ka na ni Donya Marcela sa eskuwelahang pinapasukan rin ni Lanie," anang pa nito. "Talaga po?" napuno ng excitement sa boses ko. "Oo, kaya matulog ka na para makapagpahinga ka," masayang turan sa 'kin ni Aling Donata. Masaya ako sa nangyayari sa 'king buhay. Lalo na samalaking oportunidad na binukas sa 'kin ng mga Valencia. Gayun man ay may pangamba sa 'king dibdib lalo na nang maalala ang ginawa ni Sir Sigfred sa may pool side. Sasabihin ko sana kay Aling Donata pero naisip kong baka mas maging komplikado pa ang lahat. Iiwasan ko na lamang si Sir Sigfred sa abot ng aking makakaya. Ilang sandali na akong nakapikit, dinig ko na rin ang paghilik ni Aling Donata sa ibaba ng kama pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Nakailang baling na ako at nag-aalala na ako na baka magising ang matanda sa 'king ibaba sa 'king kalikutan. Masyado yata akong na-e-excite sa mga nalaman ko kay Aling Donata. Kaya kahit gustong-gusto ko nang matulog ay gising na gising pa rin ang aking diwa. Hindi maiwasang isipin ang aking ina, buhay pa kaya ito o hindi na. Kuwento ni Lola Belen sa 'kin na nagtungo raw ito sa bansang Singapore upang magtrabaho bilang domestic worker. Nakapagpadala pa raw naman ito ng telegrama sa unang dalawang buwan nito sa ibayong dagat. "Inay, sana naman ay buhay ka pa," hindi ko tuloy maiwasang idasal sa Diyos. Halos gabi-gabi ko ring naririnig si Lola Belen na 'yon ang dalangin na sana ay buhay pa ang aking ina. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking luha, hindi ko naramdaman ang magkaroon ng ina pero umaasam ako na darating ang araw na magkita rin kami ni inay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD