bc

The Unchosen Wife (The Return of a Wild Lover)

book_age16+
2.4K
FOLLOW
9.4K
READ
revenge
arrogant
submissive
drama
bxg
single daddy
small town
abuse
cheating
servant
like
intro-logo
Blurb

When love turns into revenge, don't underestimate what a jilted lover can do.

Nang ipanganak ni Weng ang anak na si Ysabel ay ipinangako niya sa sarili na babalik siyang matagumpay ngunit hindi ganoon kadali lalo pa at naransan din ng anak ang naranasang pang-aapi katulad ng sa kanya. Ngayong mayaman na siya, handa na siyang makipagsabayan, handang lumaban at maghiganti. Sa kanyang pagbabalik, hindi na siya si Weng na isang mahina, kaya na niyang makipagsabayan ngipin sa ngipen, laman sa laban. Handa pa bang magpatawad sa kabila ng lahat?

chap-preview
Free preview
Prologue:
Malakas ang buhos ng ulan ng sandaling 'yon ngunit mas malakas ang sigaw ni Senyora Matilda, halos mabingi ako sa aking kinahihigaan nang bigla niyang hablutin ang aking buhok at hilain. "Talipandas kang babae ka, lumayas ka sa aking pamamahay. Layas!" sigaw nito sa aking tainga at walang habas nitong hila ang aking buhok na halos matanggal sa aking anit. "Senyora, huwag po, hindi ko po kayang mawalay sa anak ninyo," umiiyak kong sagot sa kanya. "Gaga! Sa tingin mo ay seseryosohin ka ng aking anak, ikaw na isa lamang katulong, gumising ka sa kahibangan mo!" dagdag pa niyang sigaw sa akin sabay igkas ng kamay nito, isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Sa lakas ng sampal nito ay tumilapon ako at bahagyang nahilo. Hindi pa man ako nakakabawi sa aking kinauupuan nang muli itong sumigaw dahilan upang mabulabog ang buong kabahayan. "Mama, ano'ng ginagawa mo kay Weng," dinig kong tanong ni Robert sa kanyang ina. Natuwa ako dahil sa wakas ay nagawa niya akong ipagtanggol sa ina nito, mabilis itong bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang alalayan akong tumayo. Maging ang mga kapatid ni Robert ay nagising na rin at dalawa kong kasamang katulong na sina Rosalinda at Digna. "Ano pa kundi ipinapakita sa babaeng 'yan ang dapat niyang kalagyan, na isa lamang siyang langaw na gustong tumuntong sa likod ng malaking kalabaw!" sigaw pa ni Senyora Matilda sa akin na akmang hihilain na naman ang aking buhok. Mabuti na lamang at maagap itong inawat ni Robert. Nanliliit ako sa aking sarili, mahirap lamang kami pero hindi ko kailanman naramdaman ang ganoong panliliit sa sarili. "Mama, mahal ko si Weng," mahinang sagot ni Robert sa kanyang ina. Natuwa ako sa aking narinig, kahit papaano ay nabuhayan ako ng pag-asa sa ginagawang pagtatanggol ni Robert sa akin. Tumawa si Senyora Matilda sa sinabi ng kanyang panganay na anak. "Nahihibang ka na ba? Sa dami ng babae na pwede mong mahalin sa isang katulong pa!" sikmat nito kay Robert. "Sa tingin mo, hindi ka pagtatawanan ng mga tao, ng mga kamag-anak natin, ng mga kaibigan mo!" bulalas pa nito. Napapalunok ako dahil alam ko kung paano magsalita ang Senyora Matilda, magaling siyang magpaikot ng mga tao sa kanyang paligid. Hindi na ako magtataka kung magawa rin niya kay Robert dahil sa nakikita kong reaksiyon nito ay tila natinag siya sa sinabi ng ina. Tumulo ang luha ko at hinawakan ko siya sa kanyang kamay upang ipabatid na kailangan niya akong panindigan lalo pa at tatlong buwan na akong buntis sa aming anak. "Lumayas ka sa aking pamamahay," kalmadong saad sa akin ng senyora sabay turo sa labas. Hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan sa tabi ni Robert. "Hindi ka lalayas o gusto mong kaladkarin pa kita palabas ng aking bahay," malakas na singhal sa akin ni Senyora Matilda habang si Robert naman ay tila nalunok na ang dila. Bigla akong hinablot ng senyora dahilan upang humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Robert na aking hawak-hawak sa sandaling 'yon. "Kapag sinabi kong lumayas ka, layas!" gigil na hila ng senyora sa akin. "R-Robert," tawag ko kay Robert. Nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha. "Robert, hindi ko kayang mawalay sa 'yo, paano ang magiging anak natin?" umiiyak kong sumamo rito sa kabila ng paghila sa akin ng ina nito. "Mama, magkakaanak na kami ni Weng," saad ni Robert saka mabilis na inawat ang ina nito na tila nabigla sa sinabi ng kanyang anak. Niyakap ako ni Robert nang bitawan ako ng senyora, habang ito naman ay natutop nito ang kanyang dibdib na tila aatakehin dahilan upang magmadaling bumaba ng hagdan ang dalawang kapatid na babae ni Robert. "Mama, calm down, baka atakehin kayo niyan?" paghahamig ni Marian sa kanyang mama. "Tama ba ang narinig ko? Buntis ang haliparot na babaeng 'yan?" bulalas ng senyora sa akin saka ubod-lakas niya akong hinila mula sa pagkakayakap ni Robert. "Kahit kailan ay hindi ko matatanggap ang batang 'yan, lalong-lalo ka ng babae ka!" galit na galit na hila nito sa akin habang inaawat ng mga anak nito. "It's all your fault, kuya," sisi nina Marian at Maricar kay Robert. "Stop it, mama, kailangan mong tanggapin na magkakaanak na kami ni Weng," saad ni Robert sa ina. "No!" malakas at mabilis na sabad ni Senyora Matilda. "Never kong matatanggap na magkakaapo ako sa isang hampaslupa!" sigaw nito sabay irap sa akin. Nahintahutan ako sa hitsura niya na sa anumang oras ay dadambahin niya ako sa kanyang galit. "Uulitin ko, lumayas ka ngayon din sa pamamahay ko o kakaladkarin kita," madiing wika nito habang nanginginig pa sa tindi ng emosyon. "Digna, kunin mo ang mga gamit niya at ibigay sa kanya," sigaw nito sa isang kasambahay na nanunuod lamang sa kanila. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang takot at pakikisimpatya sa akin. Naratanta itong sumunod sa utos ng senyora, wala pang limang minutos ay bitbit na nito ang aking bag. "Bibilang ako ng tatlo, gusto ko ay makalabas ka na sa aking bahay!" galit na saad nito sa 'kin. Buhos ang aking luha na napalingon kay Robert. Nagsusumamo na sana ay pigilan nito ang ina o hindi kaya ay sumama sa akin. "Mama, puwede bang palipasin na muna natin ang gabi, ang lakas pa ng ulan sa labas," turan ni Robert sa ina ngunit hindi natinag ang senyora. "Isa. . . Dalawa. . ." pagbibilang ng senyora sa 'kin. Nagsusumamo ang ibinigay ko kay Robert ngunit inunahan ako ng kanyang ina. "Sige, Robert, kung gusto mong sumama sa babaeng 'yan, go ahead pero asahan mong wala kang mamanahin sa akin ni isang kusing!" gigil na wika nito kay Robert dahilan upang matigilan ito. Muling tumulo ang aking mga luha, alam kong sa sandaling 'yon ay hindi na magsasalita pa si Robert dahil hindi nito kayang iwan ang buhay-mayaman. "R-Robert," umiiyak kong tawag sa kanya, nakita ko ang pagtungo nito at hindi makatingin sa akin ng deretso. "Ano pang hinihintay mo, alis na!" malakas na pagpapalayas sa 'kin ni senyora. Tumitig ako kay Robert ngunit nanatili itong nakatungo, bagsak ang aking balikat dahil alam kong hindi na niya ako kayang ipagtanggol pa, ipinagpalit kami ng magiging anak niya sa mamanahin nito. "Layas!" singhal pa ni Senyora Matilda sa 'kin kaya napilitan na kong kunin kay Digna ang aking bag. "Nilagay ko na d'yan ang wallet mo at nagbigay rin ako ng limang daan," bulong nito sa 'kin habang buhos ang aking luha sa kinahinatnan ng pagmamahalan namin ni Robert. Paglabas ko ng gate ng mga Dela Vega ay walang direksiyon ang aking mga paa, basang-basa sa ulan at hindi alam kung saan pupunta. Umiiyak akong sumilong sa waiting shed matapos ng halos isang oras kong paglalakad, nilalamig na ako dahil basang-basa na ako sa ulan. Nakakatakot pa ang kulog at kidlat, para akong basang sisiw sa aking kalagayan. Tumindi ang pangangatog ng aking katawan, hinaplos ko ang impis na aking tiyan. Muling bumalong ang luha sa aking mga mata, nawalan na ng ama ang aking anak dahil mas pinili nito ang yaman kaysa sa aming mag-ina. "Anak, huwag kang mag-alala, hinding-hindi kita iiwan gaya ng pang-iiwan sa atin ng 'yong ama," saad ko habang haplos-haplos ang aking tiyan. Tumindi ang pangangatog ng aking katawan dahil tila walang balak tumila ang ulan na sinabayan pa ng malakas na hampas ng hangin. "Isinusumpa ko, Senyora Matilda, babalik ako upang ipanghiganti ang pagmamaliit mo sa akin," nanginginig kong wika sa kawalan kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa waiting shed na 'yon, nagising na lamang ako sa ingay sa paligid. Wala na ang malakas na ulan ngunit basa pa rin ako habang yakap-yakap ang aking bag, wala na rin ang pangangatog ng aking katawan. Mabilis kong sinuri ang laman ng aking bag, ilang damit ko at ang aking pitaka. Nilabas ko 'yon at tiningnan ang laman, may pamasahe naman ako pauwi sa aming probensiya. Ayaw ko sanang umuwi ngunit sa aking kalagayan ay 'yon ang pinakamainam na gagawin. Sa aking pag-uwi baon ang kasawian sa buhay at pag-ibig. Bumuhos rin ang luha ng aking inang si Belen nang ikuwento ko sa kanya kung bakit ako umuwi ng hindi nagpapasabi sa kanya, lalong-lalo na ang aking pagbubuntis. Niyakap niya ako at sinisi ang sarili dahil hinayaan akong lumayo dahil sa hirap ng buhay. "Kasalanan ko ito, anak, kung nagawa lang kitang pag-aralin ay hindi mo sasapitin ang pagmamalupit ng mga tao, hindi ka nila hahamakin at mamaliitin," hagulgol ng aking ina. Niyakap ko siya pabalik, awang-awa sa 'king butihing ina dahil umalis ako dito sa amin na puno ng pangarap at pangako sa kanya na iaahon ko siya sa kahirapan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
49.0K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.0K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Daddy Granpa

read
207.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.9K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook