Chapter 7:

1845 Words
Napangiti si Sigfred paglabas na paglabas ni Sabel ng banyo, hindi niya aakalain na maganda ang bagong yaya ng kanyang pamangkin. Mukhang inosente pa ito bagay na gusto sa babae. Dinig pa niya ang pag-uusap ng babae at ni Aling Donata. Bakas sa boses nito ang pagkaranta upang hindi mahuling may kasama ito sa loob ng banyo. "Sabel," usal pa ni Sigfred habang nilalaro sa isipan ang magandang mukha ng babae. "Sigfred," boses ng ina na tila hinahanap siya nito. Mabilis na tinapos ang paghuhugas niya ng kamay at lumabas na ng banyo. "Mama," mabilis na turan dito. "Akala ko ay umalis ka na naman na hindi nagpapaalam," gagad ng ina. Ngumiti siya sa kanyang ina saka mabilis na umakbay rito. "Mama naman, parang sinabi ko na ring bulakbol ako," kunwari ay angil nito sa ina. "Hindi ba? Baka mamaya niyan ay may babae ka ring mabuntis, naku, sasakit ang ulo ko sa inyo," bulalas ng kanyang mama. Tumawa si Sigfred. "Naku, mama, huwag kang mag-alala dahil maingat ako hinggil sa bagay na ganyan," anang pa nito. Mabilis na inalis ng kanyang mama ang kamay na nakaakbay rito. "Ikaw na bata ka, huwag na huwag mo akong pinupilosopo, ha!" inis na turan ni Dony Marcela sa anak. Tumawa lalo si Sigfred. "Totoo naman 'yon, mama, maingat ako sa ganyang bagay dahil ayaw ko ng sakit ng ulo," hirit pa rin ni Sigfred. "Hay naku! Pwede bang tapusin niyo na muna ang pag-aaral niyo tulad ng Kuya Simon ninyo," hirit pa ng ina. "Malapit naman na akong magtapos, mama," hirit pa nito. "My God, dapat nga ay tapos ka na sana kung hindi ka lang bulakbol na bata ka," bulalas pa rin ni Donya Marcela. "At least, hindi kagaya ni Sean," anito tukoy sa bunsong kapatid. "Hay naku, pareho lang kayo," giit ng ina. "Mama naman, mas mabait naman ako kaysa kay Sean," ani Sigfred. "O, siya, bast magtapos ka muna bago ka magpakilala sa 'kin ng babae, maliwanag ba?" bulalas ng ina. Napangiti si Sigfred at naalala ang mukha ni Sabel. Ano kaya ang magiging reaksyon ng ina kung si Sabel ang ipakilala rito. "Ayaw ko ng ganyang ngiti tila may masamang hatid," bulalas ng donya. "Mama naman," angil ulit ni Sigfred saka sinubukan ang ina. "Mama, paano kung nagtapos ako at nagpakilala ako ng babaeng hindi mayaman?" untag sa ina. Kita niyang napangiwi ito. Batid na niyang hindi maganda ang ibig sabihin ng pagngiwi nito. "Kaya mo ba siyang buhayin, why not pero huwag kang aasa ng mamanahin sa 'kin," seryosong turan ng ina. Tumawa nang malakas si Sigfred. Alam na niyang ganoon ang sasabihin ng ina kaya tiyak na hindi nito magugustuhan kung tulad ni Sabel ang babaeng ipapakilala rito. Sa bagay ay wala naman siyang balak seryosohin ang tulad nito, mas gusto pa rin niya ang babaeng may maipagmamalaki at may class. *** Halos hindi ako makahinga sa aking pinagkukublian, matapos kaming magtungo ni Aling Donata sa kusina ay nagdahilan akong may nakalimutan sa banyo kaya bumalik ako. Gusto ko sanang kausapin si Sir Sigfred tungkol sa nangyari, ayaw ko kasing isipin nito na nagpapakita ako ng anumang motibo rito. Masyado akong nataranta kanina kaya hindi ko nadepensahan ang aking sarili ngunit nabigla ako nang makita kong kasama na nito ang kanyang mama. Akmang babalik na ako sa kusina nang maulinigan ko ang kanilang usapan. Masyado akong naging interesado kaya bahagya akong nagkubli at nakinig sa mga ito. "What are you doing there?" baritonong tinig sa aking likuran. Nagulat ako dahil sa pagkakahuli sa 'kin n Sir Simon. Agad akong napalingon dito ngunit sumalubong sa 'kin ang matatalim na titig ng kasintahan nito. "Babe, siya nga pala ang bagong yaya ni Shawn," pakilala sa 'kin ni Sir Simon sa girlfriend nito na agad na ngumiti sa 'kin na tinugon ko naman ng matamis na ngiti kahit alam kong isa lang kaplastikan 'yon. "Hello po, ma'am," nahihiya kong bati sa babae at bilang pakikipagkilala rito ay nilahad ko ang aking palad ngunit ilang segundo na ang lumilipas ay hindi 'yon kinuha ng babae bagkus ay nakatingin lang ito sa kanya. "Sabel, ano, nabalikan mo ba ang naiwan mo sa banyo?" tinig ni Aling Donata na bumasag sa nakakailang na sandali sa pagitan naming tatlo. Halos mapadasal ako at magpaslamat sa pagdating ni Aling Donata. "A, opo, Aling Donata," tugon ko upang umiwas sa magkasintahan. "Sige po, sir, babalik na po ako sa kusina," paalam ko kay Sir Simon. "Okay," tugon naman nito. "Feel at home, don't worry, mabait naman si Shawn," pahabol pa nito. Ngumiti ako kay Sir Simon pero ganoon naman ang talim ng titig ng kasintahan nito kay mabilis akong naglakad patungo sa kusina. "Ikaw na bata ka, bilisan mo at halos patapos na kaming kumain," sermon pa sa 'kin ni Aling Donata. "Pasensiya na po," hingi ko ng paumanhin dito. Pagbalik namin sa mesa ay abala sina Ate Yolly, Ate Conching at Manang Pacita sa pagkain. "Naku, huwag kang papatay-patay, Sabel at uubusan ka nitong si Yolly ng pagkain," turan ni Manang Pacita. "Kaka Pacita naman, ano'ng tingin mo sa 'kin, matakaw?" maktol ni Ate Yolly. "Hindi ba halata?" gagad naman ni Ate Conching sabay tingin sa plato ni Ate Yolly na umaapaw ang laman. "Hindi ba pwedeng gutom ako ngayon, bukas na ako mag-diet," anito saka tumawa. "Sus! Pang ilang bukas na 'yon," sabi pa ni Manang Pacita na kinatawa naming apat. Masayang kasama ang mga ito kaya kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko lalo pa at ito ang unang hapunan na hindi ko kasalo si Lola Belen. "Kain ka na, Sabel, bukas ay tuturuan ka raw ni Lanie ng mga gagawin mo kay Shawn para kapag pasukan na ay gamay mo na ang bata," turan pa sa 'kin ni Aling Donata. Ngumiti ako rito at nagsimulang kumain. Masasarap ang pagkain nila, tatlong putahe pa ang ulam nila samantalang sa kubo nila ay masaya na sila ng lola jiya kapag may ginisang sardinas na may dahon ng malunggay o kamote. "Ayos ka lang ba, Sabel," untag ni Aling Donata nang mapansin ang aking pananahimik. "Ayos naman po," tugon ko. "Nami-miss ko lang si lola," dagdag ko pa. Ngumiti ito sabay tapik sa 'king balikat. "Ngayon ka lang mawawalay sa kanya, normal lang 'yan, basta ang isipin mo ay mga pangarap mong matutupad mo," paalala sa 'kin ni Aling Donata, doon ay napangiti ako. Tama siya, dapat akong mag-focus sa 'king pangarap. Matapos naming kumain ay tinulungan ko sila sa pagliligpit. Hindi naman mahirap dahil tulong-tulong ang lahat oras na matapos ang isa sa trabaho nila sa loob ng bahay. Madali naming nailigpit ang kusina at nagmamadali na rin sina Manang Pacita at Aling Donata dahil magsisimula na raw ang kanilang inaabangang teleserye. Habang sina Ate Yolly at Ate Conching ay abala sa cell phone nila. Ngayon lang daw nila makakausap muli ang kani-kanilang mga jowa, kapag kasi nasa loob ng malaking bahay ay bawal ang gumamit ng cell phone. Sunod-sunod ang pagtunog ng cell phone ng mga ito. "Naku, sinasabi ko na nga bang nami-miss na naman ako nitong si Istong," bulalas ni Ate Yolly. "Sus! Na-miss ka lang huthutan," palatak naman ni Ate Conching dito. "I love you, honeybunch, puwede pa-load mo ako kapag nabasa mo ito message ko. Kapag 'di ako mag-reply, wala na ako noon," malakas na basa ni Ate Yolly sa dumating na text nito. Tumawa si Ate Conching. "Naku, hindi ako nagkamali, hinuhuthutan ka na naman niyang si Istong," turan ni Ate Conching kay Ate Yolly. "Tse! Mind you own monkey business," inis na turan ni Ate Yolly na noon ay paalis. "Aba, at aalis talaga upang i-load si Istong," parinig pa rin kay Ate Yolly. "Saglit lang, Yolly," mabilis na awat pa nito sa paalis na kasamahan namin. "Ano?" mataray na sagot ni Ate Yolly. "Pa-load na rin pala ako, nag-expire na pala sa unli ko," nakangiting turan ni Ate Conching kay Ate Yolly na noon ay nakanguso. "May pasermon-sermon pa, 'yon pala ay magpapa-load rin," susog pa nitong saad. "At least, sa 'kin 'yong load," hirit pa rin ni Ate Conching. "Huwag kaya kitang i-load," banta nito. "Nagtampo naman, sige na, sa 'yo na ang sukli," abot nito sa bente pesos na nakapa sa bulsa. "Tres pesos lang naman," gagad pa ni Ate Yolly saka umalis. Natatawa na lamang ako sa dalawa, maingay at makulit ang nga ito. "Wala ka bang cell phone, Sabel?" untag na tanong sa 'kin ni Ate Conching. "Wala po, hindi ko nga po alam kung papaano gumamit niyan," sagot ko rito. "Naku, madali lang 'to, gusto mo ba ay turuan kita?" saad nito. Ngumiti ako at umiling. Kahit naman matutunan ko kung wala naman akong cell phone. "Huwag na po, wala rin naman akong pambili," nahihiya kong turan. "Kapag sumahod ka na ay pwede na ka nang bumili," hirit pa niya sa 'kin pero umiling lang ako. Maya-maya ay tumunog ang cell phone nito. Agad na napangiti si Ate Conching at masiglang sinagot ang tawag sa cell phone nito. Naging abala ito sa pakikipag-usap sa tumawag, nasilip ko naman sa bintana na abala sina Manang Pacita at Aling Donata sa pinapanuod nila. Naisipan kong maglakad-lakad hanggang sa magawi ako sa pool side sa gilid ng mansyon ng mga Valencia. Maliwanag rin naman doon dahil may ilang poste ng ilaw kaya medyo kita ko ang repleksyon ko sa tubig. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig lamang sa aking repleksyon. "Ang lalim noon, ah," tinig sa kanyang likuran. Gulat na gulat siya nang may magsalita sa kanyang likuran mabuti na lamang at mabilis na nakuha ang kanyang balanse at hindi siya nalaglag sa pool. Tumawa pa ang lalaki nang makitang halos malaglag siya sa pool sa gulat. "Ganyan ka ba talaga?" banas na turan ko kay Sigfred. "Ganito talaga ako kaguwapo," anito sabay ngisi. "Grabe, ang hangin, makabalik na nga lang," turan ko upang umiwas dito nang bigla nitong hawakan ang aking braso. Labis-labis ang aking kaba sa sandaling 'yon. Hindi ko maipaliwanag ang damdaming lumukob sa 'kin. "Sir Sigfred, puwede po bang bitawan niyo ang braso ko?" lakas-loob kong saad rito. "Paano kung ayaw ko?" anito na tila balak pang makipagmatigasan sa 'kin. "Sisigaw ako ng r**e," banta ko sa kanya na kinatawa nito. Mabuti na lamang at binitiwan na niya ako dahil sisigaw talaga ako kung magpupumilit ito. "Okay, ayos ka na naman na?" wika pa nito matapos akong bitiwan. "Ayos na po, sir, makaalis na nga," turan ko at akmang babalik na sa aming bahay nang muli itong magsalita. "Bakit ba tila allergic ka sa 'kin, gusto ko lang namang makipagkaibigan sa 'yo," anito. "Kaibigan? Naku, sir, amo po kita," saad ko. "Bakit purke ba amo mo ako ay hindi na pwedeng makipagkaibigan?" hirit pa nito. Malapit na sana akong maniwala rito pero nasilip ko ang pilyong ngiti nito na tila may masamang binabalik. "Hindi po pwede, at tsaka ayaw ng mama mo ng mahirap na kaibigan," mabilis kong hirit nang maalala ang naging usapan nila kanina. Napakunot-noo ito pero hindi ko na hinintay na makapag-react pa ito. Mabilis kong tinalunton ang daan pabalik sa aming bahay-tulugan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD