Chapter 11:

1178 Words
Nabigla kaming dalawa ni Sir Sigfred nang may nagsalita buhat sa main door at tumawag ng kuya kay Sigfred. Halos sabayan din kaming pumihit upang tingnan ang bagong dating. Hindi ko kilala ang lalaking noon ay palalapit sa amin at hila-hila pa ang maleta nito na tila galing sa ibang bansa. Guwapo tulad nina Sir Simon at Sir Sigfred, ngunit mukhang mas maamo ang mukha ng lalaking unti-unting nakalapit sa amin. "Sean? Ano'ng ginagawa mo rito?" bulalas na maang ni Sir Sigfred sa lalaking bagong dating at doon ko napagtanto na ito ang bunsong anak ni Donya Marcela at ama ng batang aalagahan niya. "O, kuya, mukha namang nakakita ka ng multo. Of course, umuwi ako dahil bagot na bagot na ako doon," bulalas nito saka niya ako tinapunan ng tingin at dumeretso sa sofa upang maupo dahil para itong napagod sa mahabang biyahe. "My God! Hinatid ka ni mama roon upang doon mag-aral tapos wala pang isang linggo ay uuwi ka rin?" sermon ni Sir Sigfred sa kapatid. Medyo nagpasalamat ako dahil nawala sa 'kin ang focus nito. Akmang aalis na ako nang tawagin nito ang aking pangalan. "Sabel, tawagin mo si mama," utos nito sa 'kin. "Kuya naman, bakit ba gustong-gusto niyong itapon ako roon," maktol naman ng inis nang lalaking nasa sofa. "A, sir, hindi po ba't kaaalis lang ang mama niyo?" singit kong tugon kay Sir Sigfred at nakita kung tumingin sa 'kin si Sir Sean dahilan upang mabilis akong mapayuko. "Tawagan mo si kuya," hirit pa ni Sigfred sa 'kin. Mabilis akong tumalima, alam kong may namumuong tensyon sa pagitan ng magkapatid lalo pa at tila wala namang pakialam ang bagong dating na lalaki. Mabuti na lamang at naabutan ko pa si Sir Simon na nakikipagbiruan kina Ate Yolly at Ate Conching. "O, Sabel, may kailangan ka ba?" agad na tanong ni Aling Donata nang mapansin ang nagmamadali kong hitsura. "Ano'ng sinabi ni ma'am, sa 'yo?" usisa pa nito. "Wala naman po, pinapatawag lang ni Sir Sigfred si Sir Simon," magalang kong turan nang makuha ang buong pansin ng lalaki. "Pinapatawag ako ni Sigfred?" maang nito na tila paglilinaw sa 'king sinabi. "Yes, sir, dumating po kasi si Sir—" putol niya at bahagyang inalala ang pangalan ng bunso nilang kapatid. "Si Sir Sean," aniya. "Si Sean?!" halos sabayang turan ng lima na halos bumingi sa kanilang lahat. "Opo, nasa sala po sila," nahihiya kong turan. Mabilis na tumayo si Sir Simon sa kinauupuan nito at tinungo ang sala. "What the h*ll are you doing here?" dumadagundong na boses nito na dinig hanggang kusina nila. "Hey, bahay ko rin ito kaya karapatan kong umuwi," sabad rin ng bagong dating na kapatid. "Naku, patay, giyera na naman ito," dinig kong turan ni Ate Yolly. "Hay, naku, mayayaman talaga, nagsayang lang ng panahon at pera si Donya Marcela, uuwi rin pala ang batang 'yan," ani naman ni Manang Pacita na punong abala sa pagliligpit sa kusina. "Tiyak na namang sasakit ang ulo ni Donya Marcela kapag nalaman niyang umuwi si Sir Sean," segunda naman ni Aling Donata. Kibit-balikat lamang akong nakikinig sa mga ito. "Ikaw, Sabel, naku, mag-iingat ka sa dalawang 'yan, sina Sir Sigfred at Sir Sean, matitinik sa babaeng tulad mo. Maganda, mahinhin at mukhang inosente," palatak na baling pa sa 'kin ni Ate Conching. "Naku, Conching, si Sabel pa ang nakita mo," awat naman ni Aling Donata rito. "Mainam na iyong napapaalalahan ko, Manang Donata. Sa gandang 'yan ni Sabel, tiyak na hindi papalampasin ni Sir Sigfred," giit naman ni Ate Yolly na sa huli ay sinang-ayunan ni Aling Donata. "Sa bagay, makinig ka sa amin, alam naming kaibig-ibig ang mga magkakapatid pero isipin mong nandito ka upang matupad lahat ng pangarap mo," payo ni Aling Donata sa 'kin na kinangiti ko naman nang sumiklab ang sigawan sa sala. Natigilan kaming lahat, nang makahuma sija Aling Donata at Manang Pacita ay napasugod sila sa sala upang awatin ang tatlong magkakapatid. Hindi na rin namin naiwasang sumunod na tatlo nina Ate Yolly at Ate Conching. Maging pala si Lanie at ang alaga nila ay napababa sa sala dahil sa tensyon sa pagitan ng tatlong magkakapatid. Umiyak tuloy ang bata at halos hindi mapatahan ni Lanie, marahil ay nagulat ito sa biglaang pagsiklab ng sagutan ng magkakapatid. "What's the matter? Ayaw ko nga sa US. Bakit parang krimen ang ginawa ko?" bulalas ni Sean sa nga kapatid. "Sinasabi lang namin, sasakit na naman ang ulo ni mama dahil sa 'yo," bulalas ni Sir Sigfred. "Wow! Para namang hindi sumasakit ang ulo ni mama sa 'yo," balik-turan ni Sean kay Sigfred. Dahil doon ay uminit ang ulo ng huli at mabilis na kuwenilyuhan ang bunsong kapatid na agad namang inawat ng panganay. "Pwede ba, tumigil kayong dalawa. Wala na tayong magagawa, nandito ka na kaya kunin mo na ang gamit mo at umakyat sa itaas, tingnan mo ang nangyari, halos hindi na tumahan ang anak mo sa kaiiyak," bulalas ni Simon sa mga kapatid lalo na kay Sean. Mas lalong lumaki ang paghanga ko kay Simon sa narinig kong pag-awat niya sa dalawang nakakabatang kapatid nito, tila ba kalmado lang ito sa kabila ng tensyon. Bagaman narinig ko kanina ang bahagyang pagtaas ng boses nito pero marahil ay nabigla lamang ito sa pagdating ng bunso nila. Mabilis na tumalima si Sir Sean at binalikan nito ang maleta at binitbit 'yon saka nagtungo sa hagdan. Doon lang din naman ako humakbang upang palapit kay Lanie at sinubukang kunin ang batang hindi pa rin natahan sa pag-iyak. Mabilis niya itong pinatahan at nagtagumpay naman siya, maharan niyang idinuduyan ang bata gamit ang bisig at aksidenteng napatingala nang magtama ang paningin nila ng lalaking nasa itaas na at nakadungaw sa kanila. Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang magtama ang paningin namin dahilan para mabilis kong iniwas ang tingin ko rito. Mabuti na lamang at tumigil si Shawn sa pag-iyak. "Naku, mukhang mabait sa 'yo si Shawn. Mabuti naman at alam kong hindi ka mahihirapan sa pagbabantay mo sa kanya," basag pa ni Lanie para tuluyang maagaw nito ang aking atensyon. "Anyways, kinausap ka na ba ni Tita Marcela tungkol sa pag-e-enroll mo?" untag nito. Agad akong tumango at hindi namin namalayan na narinig pala ni Sir Simon ang usapan namin ng pinsan nitong si Lanie. "Talaga, mag-aaral ka, Sabel?" anito. "Opo, sir, pasalamat ako sa mama ninyo dahil papag-aralin niya ako," puno ng pasasalamat kong tugon kay Sir Simon. "Mabuti kung ganoon, ano bang kurso ang balak mong kunin?" usisa pa nito. "Gusto ko pong maging guro, sir," puno ng pag-asa kong sagot na kinangiti naman nito. Para tuloy mahuhulog ang puso ko sa kilig sa mga ngiti ni Sir Simon. "Naku, mabuti 'yan, wala raw anumang propesyon kung walang guro," dinig ko pang turan ni Sir Simon. Nalulugod ang puso kong masaya siyang malaman ang aking mga plano. "Pagbutihin mo, susuportahan ka namin," hirit pa nito na mas lalong nagpakilig sa 'kin. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti ng palihim ngunit nang makita kong matiim na nakatingin sa 'kin si Sir Sigfred ay mabilis ko itong sinimangutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD