Chapter 12:

1590 Words
Kinahapunan ay maagang umuwi si Donya Marcela at gaya ng inaasahan ay galit na galit ito, sakto pa namang nasa sala kami ni Lanie habang nilalaro si baby Shawn. "Nasaan ang pinsan mo?" seryosong tanong nito kay Lanie. "Hindi pa po lumalabas sa kanyang kuwarto, tita mula nang dumating siya," sagot naman ni Lanie rito. Hindi maipinta ang mukha nito, sa bagay, naglaan pa naman ito ng panahon upang dalhin ito sa Amerika tapos babalik din pala ito. "Tatawagin ko po ba siya, tita?" untag ni Lanie sa tiyahin. "Huwag na, ako na ang pupunta sa silid niya. Ang tigas talaga ng ulo ng batang 'yan," ngitngit na turan nito at saka tinungo na ang hagdan papanhik sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan ang mga silid ng mga ito. Hindi ko tuloy maiwasang sundan ng tingin si Donya Marcela bagay na napansin pala ni Lanie. "Ganyan lang si tita pero pagdating sa mga anak ay lumalambot ang puso. Ngayon, galit pero maya-maya ay hindi na," wika ni Lanie sa 'kin kahit wala naman akong sinasabi sa kanya. Mabuti na lang at tahimik ang batang hinahayaan nilang naglalaro sa carpet. Tuwang-tuwa ito sa mga laruan sa paligid nito, naging curious tuloy ako sa ama ni Shawn. "Maganda siguro ang mama niya?" turan ko habang nakatitig kay Shawn. 'Sa bagay, guwapo ang ama, tiyak na maganda ang ina,' anang ko pa sa 'king isipan. "Maganda pero ayon masyadong bata para i-take ang responsibilidad. Matapos magpakasarap ay basta na lang iiwan si baby Shawn at 'buti na lamang cute ang batang ito," anang naman nito sabay yuko at pisil sa pisngi ng bata. Maya-maya ay narinig namin ang tila galit na boses ni Donya Marcela. "Diyos na mahabagin, dumating na ba si Donya Marcela," ang nahagos na turan ni Aling Donata. "Opo, Aling Donata, kani-kanina lang," tugon ko sa kanya. "Hay naku, huwag po kayong mag-alala, Aling Donata, ganyan lang naman si tita dahil galit pa pero mamaya ay huhupa rin," ani naman ni Lanie. "Sa bagay, malambot ang puso ni Donya Marcela sa mga anak niya kahit gaano katitigas ng mga ulo. Dapat sa mga 'yan, sila na ang nagma-manage ng negosyo nila para magpahinga naman na siya," palatak pang turan nito. "Tama po kayo, Aling Donata, minsan nakakaawa rin si tita pero hangga't hindi niya tinuturuan ng leksyon ang mga pinsan ko ay hindi sila magtatanda," sagot naman ni Lanie rito. "Si Sir Simon, mukhang nagseseryoso na," dinig ko pang turan ni Aling Donata. "Mukha nga po, may balak na yata kasing pakasalan si Michelle," turan ni Lanie tukoy sa kasintahan ng lalaki. Bigla ay tila nalungkot ang aking puso sa sinabing 'yon ni Lanie. "Dapat ay tulungan niya na rin ang mama niya na pamahalaan ang mga negosyo nila," hirit pa rin ni Aling Donata. "O, Sabel, bakit parang tahimik ka diyan?" untag ni Lanie sa 'kin nang mapansin ang aking pananahimik. "Ha? Wala lang akong masabi," saad ko nang bigla ay tumawa si Lanie sa 'kin. "Sus! Binanggit ko lang na mag-aasawa na si Kuya Simon, parang nalungkot ka," panghuhuli nito. "Naku, hindi, ah, kung anu-anong sinasabi mo. Wala lang talaga akong masabi, kayo naman ang mas nakakaalam at nakakakilala sa kanila," giit ko dahil ayaw kong malaman nila ang natatagong paghanga kay Sir Simon. Sa 'kin na lamang 'yon tutal ay paghanga lang naman. "Mama enough, wala ka nang magagawa dahil nandito na ako. Ayaw ko doon, nabo-boring ako, wala roon ang barkada ko," tinig ng lalaki na noon ay pababa ng hagdan habang nakasunod naman dito si Donya Marcela. "Kaya nga pinunta kita roon para mapalayo ka sa barkada mong walang ginawa kundi maging bad influence sa 'yo! Look, Sean, maaga kang nagkaroon ng anak dahil sa sulsol ng barkada mo!" asik ng ginang sa anak nito. Nakitang napatingin sa gawi nila ang bunsong anak ni Donya Marcela. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang madako ang tingin nito sa amin. Iwan ko ba kung bakit iba rin ang nararamdaman ko sa tuwing titingin siya sa 'kin, kung si Sir Sigfred ay tila naalibadbaran ako sa klase ng tingin nito, hindi ko naman mawari kay Sir Sean. "Mama, it was my full responsibility sa mga actions ko, hindi ng mga kaibigan ko," pagtatanggol ng lalaki sa mga barkada nito sa ina. "Exactly, it was your responsibility pero sino ang sumasalo? Hindi ba't ako?" bulalas ni Donya Marcela rito. "Kaya nga ako umuwi, mama dahil naisip kong kailangan ako ng anak ko," hirit ng lalaki. Doon ay tumawa ng malakas si Donya Marcela na kinatigil ko. "Are you kidding me, Sean, ni hindi mo nga magawang hawakan ng anak mo, tapos uuwi ka at 'yan ang idadahilan mo sa 'kin?" bulalas ng donya sa anak nito. Nagkatinginan kami ni Lanie sa narinig naming sinabi ni Sean tungkol sa anak nito. Sana nga ay sinsero ito sa sinabi dahil kahit ganoon ay masasabi naman nating kailangan talaga ni Shawn ng presensiya ng ama nito "Mama nasaktan lang ako sa ginawa ni Desiree, naisip kung gumanti sa pamamagitan ng bata pero I just realize na walang kasalanan ang anak namin," ani Sean. Walang nagawa si Donya Valencia kundi ang mapailing at magpakawala ng malalim na buntong-hininga tanda na wala na itong magagawa pa. Sa bagay, kahit ano naman ang gawin niya ay naroroon na ang anak nito. "Okay, sinabi mo, eh, sana lang at totoo 'yan dahil kailangan ka ng anak mo. Malalaki na kayo pero daig niyo pa ang mga bata," saad ng donya saka ito bumalik sa pagpanhik sa hagdan habang ang anak naman nito ay lumapit sa anak na nagapang sa carpet. Nagkatinginan muli kami ni Lanie nang lapitan ng lalaki ang anak nito. Tila hindi ito kilala ng anak kaya bahagyang natakot na naiiyak ang bata. "See? Pati anak mo ay hindi ka kilala," tinig ni Donya Marcela. Nang lingunin ko ay nakita ko itong nasa kalagitnaan ng hagdan at nakatingin kay Sir Sean. Mabilis namang dinaluhan ni Lanie si Shawn na noon ay umiiyak na. "Kung gusto mong maniwala ako sa 'yo, ilapit mo ang sarili mo sa anak mo," saad nito saka tuluyang umakyat sa silid nito. Nang mawala sa aking paningin si Donya Marcela ay binalik ko naman sa bata. Hinanap pa ng mata ko si Lanie pero tila naglaho itong parang bola dahilan upang maiwan kami ni Sir Sean na noon ay nakatingin pala sa 'kin. Kumabog tuloy ang aking dibdib at hindi malaman ang aking gagawin. *** Sakay siya ng luxury car niyang bagong bili habang nakatanaw sa papaluma at malaking bahay ng mga dela Vega. Ilang minuto pa siyang naghintay nang lumabas mula sa malaking gate ang kanyang hinihintay. "Ma'am—" putol na turan nito nang agad siyang sumabad. "Call me, Madam Wena," istrikto kong wika sa babae. Nakita ko pang natigilan ito pero hindi ko na 'yon pinansin sa ibinaba ang suot kong sunglasses. "Madam Wena, mabuti at dumaan kayo," turan ng inupahan kong katulong upang manilbihan sa mga dela Vega at magsisilbing mata ko sa loob ng mansyon ng mga ito. "Well, sinabi mo ay may maganda kang ibabalita, na-excite ako kaya nandito ako," turan ko sa babae na nakita kong ngumisi at sa tingin pa lang niya ay alam ko na ang nais nito. Mabilis kong nilabas ang aking wallet at naglabas ng tig-isanlibong piso. "Iyan ang gusto ko sa inyo, Madam Wena, tingin pa lang ang alam mo na," turan nito sa 'kin. Gusto ko sanang supalpalin na mukha itong pera pero hindi ko na ginawa dahil kailangan ko ang serbisyo nito. "Siguraduhin mo lang din na juicy ang impormasyong sasabihin mo," seryosong turan ko sa babae. "Of course, madam, hindi ako hihirit ng extra bayad kong hindi," bulalas nito. Hindi tuloy ako makapaghintay sa kanyang ibabalita. Sa isang linggo ko rito sa Pilipinas ay wala akong ibang ginawa kundi ang pag-isipan kung papaano makakaganti sa mga dela Vega. Nasasabik na rin akong makita ang aking anak at ina ngunit may mga bagay pa kasi akong dapat ayusin para tuluyang maisalin sa pangalan ko ang lahat ng asset ng aking namayapang asawa. "Madam, alam niyo po bang unti-unti nang nalulugi ang negosyo ng mga dela Vega, bukod roon ay hindi rin magkaroon ang anak sina Ma'am Evelyn at Sir Robert," anito na kinangiti ko ngmatamis. "Chika pa ng mga katulong na naubos ang yaman nila dahil sa pagpapagamot ni Senyora Matilda at para magkaanak na rin sina Sir Robert at Ma'am Evelyn," dagdag pa nito. "Good, sige, pagbutihin mo pa ang trabaho mo," saad ko sa babae at mabilis na itong bumalik sa loob ng bahay bago pa siya mapansin ng mga kasamahan nito. "Tingnan natin, Senyora Matilda kung saan ka pupulutin," turan ko sa kawalan saka ko itinaas ang tinted na bintana ng aking sasakyan at bumalik na sa aking bahay. Hindi rin biro ang pinagdaanan ko bago ko narating kung ano ang meron ako ngayon, halos fifteen years akong nakulong sa kasalanang hindi ko naman ginawa sa Singapore, mabuti na lamang at nakilala ko ang tulad ni Anthony Tan, ang pilantropong tumulong sa 'kin upang makalaya sa kulungan. Pinakasalan niya ako pero sa kasamaang palad ay maaga siyang nawala dahil sa liver cancer. Iniwan niya sa 'kin lahat ng ari-arian niya ngunit dalawang taon ding naka-freeze dahil naghahabol ang mga kaanak nito. Pinalabas pa nilang na-brainwash ko ito at muntik na naman akong bumalik sa kulungan kung hindi lang ako tinulungan ng loyal lawyer ni Anthony. Ngayong nakabalik na ako ng Pilipinas at may maraming salapi, wala nang aapi kay Rowena Saavedra.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD