(Ayesha) PAGKATAPOS ng lahat ng klase ko at bago pumasok sa part-time job ko dumaan muna ako sa computer shop para mag-research. Kipkip ko ang notebook kung saan isinulat ko ang mga nalaman ko tungkol sa mga Alpuerto mula sa mga halo-halong impormasyong nakuha ko mula kay Cain, Chance, sa birthday party ni Martha Alpuerto, sa mga ipinagtapat sa akin ni mama at sa mga sinabi ni sir Angus. Sa totoo lang medyo na-guilty ako na hindi ako halos nakapag-concentrate sa mga klase ko sa kakasulat sa notebook na ‘yon. Sa Ecology class nahuli pa ako ni sir Angus na hindi nakikinig sa sinasabi niya dahil malalim ang iniisip ko. Ni hindi ko namalayan na naglalakad siya palapit sa kinauupuan ko habang nagdi-discuss ng lesson. Napunta lang sa klase ang atensiyon ko nang magaan niyang ipatong ang kamay