(Angus) ISANG katok pa lang sa pinto ng laboratory at nagsisilbing opisina ko, alam ko nang si Ayesha ang dumating. I’ve been expecting her to approach me. Alam ko na siguradong nakapag-usap na silang mag-ina at pagdating niya sa campus ay ako ang unang-una niyang pupuntahan. Hindi ko inaasahan na malalaman niya agad kung sino ako. Wala sana akong balak ipaalam sa kaniya ang tunay kong pagkatao. Ang gusto ko lang ay lihim siyang pagmasdan at tulungan kung kinakailangan. Kung bakit ba naman walang common sense si Cain, dinala si Ayesha sa pagtitipon kung saan naroon ang buong pamilya at ang mga taong nakapalibot sa amin. Naturingang matalino pero hindi naisip ang konsekuwensiya ng ginawa niya. Gusto kong isipin na dahil bata pa si Cain kaya nagkamali ito ng desisyon. Pero kung gusto t