Chapter 15: Mga Rebelasyon ni Rebecca

2675 Words

(Ayesha) TENSIYONADONG katahimikan ang bumalot sa bahay namin simula pa ng umalis si sir Angus kagabi. Hindi mawala sa isip ko ang ekspresyon ng professor ko nang hindi tulad niya ay halatang hindi natuwa si mama na makita siya. Para siyang sinuntok sa sikmura at tinakasan ng kulay ang mukha. Katunayan, himbis na ngitian mahigpit akong niyakap ni mama palayo kay sir, naging seryoso ang ekspresyon at sa nanginginig pero determinadong tinig sinabi niyang, “Umalis ka na. Huwag niyong guluhin ang anak ko.” At bago pa makasagot si sir Angus hinatak na ako ni mama papasok sa bahay at mabilis na isinara ang pinto. Ilang minuto ang lumipas bago ko narinig ang tunog ng papalayong sasakyan ni sir. Tinangka kong tanungin si mama pero parang galit ang ekspresyon niya habang nakatitig sa nakasaran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD