(Ayesha) HINDI na ako makahinga. Hindi lang dahil mahigpit ang pagkakatakip ng estranghero sa bibig ko kung hindi dahil sasabog na yata ang puso ko sa kaba. Sa labas naririnig ko pa rin ang mga bandido na nag-uusap. At alam ko na ano mang sandali bubukas na ang pinto at makikita na nila kami. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa sa akin ng tatlong traydor na kasamahan ng lalaking naka-itim. Paano kung higit pa doon ang gawin sa akin ng mga bandido? Naramdaman kong gumalaw ang lalaking naka-itim at dahan-dahang humakbang kasama ako palapit sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko at pilit siyang nililingon. Anong plano niyang gawin? Dahan-dahan at walang ingay na nakalapit kami sa gilid ng pinto. Naririnig kong nagbibilin ang bandido sa labas at ano m