(Angus) MAY KAKAIBA sa mansiyon ni lolo Carlos nang dumating kami. There is something heavy and ominous in the air. Noon pa man may unapproachable atmosphere na ang mansiyon pero hindi iyon ang nararamdaman ko doon ngayon. “It feels like this place is grieving,” sabi ni Cain na bumaba na rin sa kotse niya. Iyon mismo ang nararamdaman ko. Noong bata pa ako napansin ko nang nakikiayon ang mansiyon na iyon sa emosyong nararamdaman ng pamilyang nakatira sa loob. Ganoon din sa Old Alpuerto mansion. Siguro dahil mahabang panahon nang pag-aari ng pamilya namin ang mga iyon kaya nabahiran na rin ng hindi pangkaraniwang kapangyarihan ang mga mansiyon. At ngayon damang-dama ko na nagluluksa ang buong kabahayan. “Hindi maganda ang kuto
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books