(Ayesha) BINUHAT ulit ako ng lalaking naka-itim at nagpatuloy sa paglalakad. Malayo ang nilakad niya, pasikot-sikot sa kagubatan na kahit pinilit kong kabisaduhin ang daan nalito rin ako kalaunan. Hindi ko alam kung sinasadya niya akong iligaw o talagang ‘yon ang daan patungo sa kung saan niya ako balak dalhin. Makalipas ang sa tingin ko isang oras din na lakaran huminto sa paglalakad ang estranghero at ibinaba ako hanggang lumapat na ulit sa lupa ang mga paa ko. Nahilo ako at nahirapan mag balanse dahil matagal akong nakabitin sa balikat niya. Napakapit tuloy ako sa mga braso niya para hindi matumba. Umangat ang mga kamay niya at akala ko itutulak niya ako palayo at magagalit na naman sa akin. Kaya nagulat ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat para tulungan akong makuha a