Tagahanga lang
Itinatak ko sa aking utak ang mga habilin ni White sa akin. Noong makapasok ako sa loob ng venue ay ganoon nalang ang excitement ko nang makita ko ang mga fangirls na katulad ko. Yakap ang aking mga albums, hindi nabura ang malaking ngiti sa aking labi. Lahat sila ay excited na excited at may kanya kanyang props. May malalaki akong banners na naaaninag at ang iilan ay may mga hawak na picture ni Aries. Ganito na siya kasikat at hindi ko alam kung makikilala pa ba ako. Ang isang hamak na babaeng aksidente siyang niyakap noon at natitigan siya.
Ilang minuto lamang ay namatay ang lahat ng ilaw. Nabigyan ng spotlight sa malaking stage at sumabog ang parang fireworks na lights sa bawat gilid. Naghiyawan ang mga manonood. Na kahit ako ay nagsisigaw narin sa aking isipan.
Lumabas sa malaking screen ang imahe ni Aries na magulo ang buhok, nakaitim at ginagawang drumstick ang hawak na ballpen habang nagsusulat ng kung ano sa isang papel. Tumingin ito sa camera at ngumiti ng tipid na ikinahiyaw nila. I just smiled at praised him for being so charming.
Nagpatuloy iyong video. Pinalabas roon ang paghahanda ni Aries sa kanyang concert, ang pagpiplay niya ng gitara sa backstage at seryosong seryoso ang mukha. Noong nagsimula siyang maghum ay lumakas ulit ang hiyawan lalo na nang humalakhak ito dahil sa paglapit lalo ng camera sa kanya.
Natapos iyong video sa isang simpleng kataga na "I'm Aries Sebastian. Taken by you."
Namatay ulit ang ilaw at nabigyan ng spotlight ang gitna. Isang malamig na boses ang nagsimula, unti-unting may umangat ang isang platform sa gitna at may nakatayong lalake roon, hawak ang isang mic at may suot na gitara. Mas nakakabinging ingay ang nangyari. Na kahit ang aking puso ay nakikisali narin.
"Aries! Aries! Aries!" sabay sabay na sigaw ng libo-libong fangirls niya.
"Hey girl..." nagsimula itong kumanta. Humarap at inistrum ang gitara na ikinasabog muli noong parang fireworks na sa bawat gilid ng stage. Suot ang denim na jacket, tattered pants at itim na parang knukles sa mga kamay, tumalon siya roon sa kinatatayuan niyang platform hanggang sa bumagsak siya sa may stage at mas inistrum ang gitara.
The fans went wild as the beat of the song conquered the whole place. Kahit ako ay hindi na magawang kontrolin ang sarili. Ngumiti siya ng malapad at tumingala sabay suklay sa kanyang buhok paatras.
"If you know this song then sing with me." sabi niya at sumabog agad ang napakalakas na intro noong kanta niyang isa sa mga paborito ko.
Nagsimula siyang sumuyod sa stage, naglalakad siya at halos mapugto ang aking hininga nang mapagtanto kong nasa VIP ako kaya noong umupo siya at hindi sumasayad ang pwet sa sahig, nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko ito sa malapitan. Di ko inaakalang ang nakita ko noong mga nakaraang taon ay nasa harapan ko na, kumakanta at pinipilahan ng maraming mga babae.
"Aries! Pakasalan mo ako! Aries!" may itinapon na kung anong papel iyong babae babae sa stage. Na kahit ako ay gusto ko ring gumaya at itapon ang aking album para mapirmahan niya.
"A-Aries!" nagdadalawang isip ko naring sigaw, medyo nahihiya sa panggagaya sa iilan niyang fangirls na halos magwala na.
"Aries!" mas nilakasan ko ang aking boses kahit na alam kong nilalamon lang naman iyon ng iba pa nilang mga boses. Sa sobrang ingay ng paligid, kahit ang sarili kong boses ay hindi ko marinig.
Kinanta niya ng buong puso iyong hit song niya na sa bawat pagdating niya roon sa chorus ay nagheheadbang siya at mas marahas na inistrum ang gitara habang tumatalon talon ng kaonti. He was so gorgeous that I can't help not to smile widely.
"That girl who runaway, wooooah!" sabay sabay na kanta ng mga fans niya sa chorus.
Ang iilan ay itinataas na ang mga kamay nila at may kung anong ritmong sinasabayan sa kanta. Itinaas ko rin ang aking kamay pero dahil nahihiya ako ay ibinaba ko nalang iyon at pumalakpak nalang.
Natapos iyong isang kanta niya. Umilaw ang buong stage kaya halos magwala na ang mga fans nang makita ito nang mas malinaw. Lumabas na ang kanyang mukha sa malaking screen. Nakapameywang ito, medyo pawisan ngunit nakangisi.
"How are you girls?" tanong niya na sabay sabay namang sagot ng mga fangirls. This is my first time hearing his baritone voice live! Mas malalim at malamig pala iyon sa personal! Kung gaano kaganda ang kanyang boses sa mga live videos, mas nakakaakit iyon pakinggan sa personal.
"Di ako okay! Nakakamatay ka! Aries!"
"Baby! Marry me!"
"Ang gwapo mo! Jusko!"
Natawa ako sa mga naririnig ko. Sa halip na sumagot ng malakas ay ibinulong ko nalang sa aking sarili ang gusto kong sabihin.
"Okay lang ako dahil nakita na kita." sabi ko.
Pinulot ni Aries iyong papel. Hindi humuhupa ang pagwawala ng mga fans. Lalo na noong binasa niya pa iyon.
"Marriage contract..." humalakhak siya. "Kung sino ka man, makakahintay ka ba ng ilang taon pa? I'll just work hard for our future so that I can marry you."
The crowd went wild. May iba ko ng katabi na halos umiyak na. Para siyang isang Santo na sinasamba ng nakakaramihan. Na kahit lumuhod sa kanyang harapan at magpaalipin ay kaya nilang gawin. Gusto ko rin sanang ganoon ang aking reaksyon, iyong matangay ako ng aking paghanga sa kanya kaso sa aking kahihiyan ay nanatili lamang akong nakatayo, nakangiti ng malapad at pumapalakpak lamang.
Nagsimula ulit ang isang pamilyar na tugtog. Nagheheadbang na siya ulit habang sinusuklay pa ang kanyang buhok pag sumasabog rin iyon sa bawat galaw niya. Ang itim na parang bandana niyang suot ay halos ipagmalaki niya lalo na't medyo mahaba ang kanyang buhok. Bumagay iyong bandana para itipon sila at mas magmukha siyang cool sa stage.
Nagsimula ulit siyang kumanta. Kahit ako ay ginagalaw galaw narin ang ulo para sabayan ang kanyang nakakaheleng boses. May mga lumabas na back-up dancer at nagsimula siyang sumayaw ng swabe lamang. Naglakad siya sa gitna patungo roon sa isa pang maliit na stage para mas makita ang iilang fans na sa bawat lakad niya ay sinasamahan niya ng nakakatulalang pagsayaw. Nakahang nalang ang gitara habang sinusuklay suklay niya paatras ang buhok, tumitigil para tumingala at saka ulit lalakad. Sa sobrang smooth ng kanyang galaw, kahit ako ay natutulala na.
Naisip ko tuloy iyong nagugustuhan niyang babae. Bakit hindi man lang siya magustuhan pabalik? Sikat na siya. Talented. Kung hitsura lang naman ang basehan ay lamang na lamang si Aries. Wala kang makikitang kapintasan sa kanya kaya nakakapagtaka at may babaeng umayaw sa kanya. Kung ugali lang rin naman, sigurado akong mabait siya dahil maayos niyang nadadala ang kanyang mga fangirls. Nagsisisi ba ang babaeng iyon? Alam niya ba ang nangyayari sa lalakeng tinakbuhan niya noon?
Isang oras at kalahati ata ang kinain noong concert. Kaya noong nagpasalamat na ito sa lahat, ganoon nalang ang panghihinayang ng mga fans at sabay sabay na napa "aww...."
Siguro okay na itong ganito. Masaya na ako dahil nakita ko siya. Kontento na ako dahil alam ko namang isa lang rin ako sa humahanga sa kanya, at katulad noong sinabi ni Ken ay para nga siyang isang imaginary friend. Alam kong imposible iyong malalapitan ko siya, makakausap at mapapasalamatan dahil sa ginawa niya sa akin.
Tapos na ang concert. Bumuntong ako ng hininga at kukunin na sana ang cellphone nang napagtanto kong ni isang video ay wala akong nagawa. Sa sobra kong pagkadala sa concert, nakalimutan ko man lang magvideo! Sayang naman Nana! Ba't di mo man lang iyon naisip! Masyado kang nacarried away!
Natampal ko ang aking noo at nailing. Kung hindi lang kinuha noong organizer ang atensyon ko ay hindi ako matitigil.
"Dito po, Ma'am." sabi nito na ikinatigil ko. Iginigiya niya narin kasi iyong iba sa isang lugar.
"Po?"
"May fanmeeting po iyong mga nasa VIP Ma'am."
Nanlalaki ang aking mga mata sa sinabi noong organizer. F-Fanmeeting?! Iyong makakausap ko siya sa harapan?!
"Ma'am?"
Doon ulit ako bumalik sa sarili at tumango. Kumakalabog ng husto ang aking dibdib at ang rami ko ng nililista na sasabihin sa kanya.
Noong makita ko na siya sa isang lamesa, nakaupo roon at ngumingiti, tila sinalanta ng bagyo ang aking isipan at nabura lahat ng gusto ko sanang sabihin. Ni hindi ako sigurado kung makakapagsalita ba ako sa kanyang harapan.
May kung ano siyang sinabi sa Mic na hindi ko na naipasok sa aking utak. Nakatitig lang ako sa kanya, ni ang sigawan ng fans sa paligid ay nagmistulang hangin sa akin.
"Ikaw ang mauuna miss." Iginiya ako noong babaeng organizer paakyat sa stage. May mga nagkalat na bouncer sa paligid niya.
Sinubukan kong huminahon at sinikap na maglakad sa kabila ng tuhod kong namamanhid. Lalo na noong tiningnan niya ako at natigil siya sa pagpindot pindot niya sa kanyang pentlepen sa mesa ay gumapang ang kaba sa aking loob. Nagkasalubong ang kanyang kilay, ni hindi na ito kumurap.
Noong makarating ako sa kanyang harapan ay natagalan pa akong umupo. Nakayuko lamang ako at yakap yakap iyong album niya.
"Have a seat," sabi niya kaya nataranta ako at mabilis na ibinagsak ang sarili sa upuan. He chuckled a bit at nagawa pang dilaan ang pang-ibabang labi.
Kinuha niya sa akin iyong album at binuksan niya. Sinusulyapan niya ako paminsan minsan habang pinipirmahan iyon, naghihintay sa aking sasabihin lalo na't binubuksan ko ang aking bibig at gustong gusto nang magsalita.
"A-Ano... s-siguro di mo na ako naaalala p-pero ako iyong y-yumakap s-sayo sa Mall. Nakamascot ka noon at..." nanikip ang aking dibdib at hindi na makahinga ng maayos. Putol putol pa ang pagsasalita ko dahil sa kaba. Naaalala niya pa kaya iyon? Naaalala niya pa ba ako?
Ngumiti siya sa akin. Napatitig ako sa kanyang mga mata, kahit ngumingiti siya ay naroon parin iyong kakaibang kislap ng mga mata niyang nakita ko noon. Hindi iyon nagbabago sa kabila ng pagkaenhance ng kanyang mukha. Mas nadipina na lahat ng features niya at walang makitang kapintasan sa bawat sulok ng mukha.
Nahihiya akong ngumiti pabalik, halos yumuko nalang at nasa kamay ang tingin na aking pinaglalaruan. Hindi matapos tapos ang gusto kong sabihin.
"What's your name?" tanong niya, nasa album na ang buong atensyon.
"N-Nana... Nana Delafuente."
Sandali siyang natigilan. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ilang sigundong napatitig sa mukha ko. Kalaunan ay ngumiti rin siya na halos ikinatulala ko.
"You seemed familiar..." tila may inaalala siya na ikinaliwanag ng aking mukha. Nabuhayan ako ng loob at natutuwa na.
"Ako yung batang yumakap sa'yo! Y-Yung nakamascot ka!" mas klaro kong sabi na ikinatango tango niya, may inilagay sa aking album at mabilis na ang kilos.
"Call me later. May limit lang dito." seryoso niyang sabi at ngumisi sa akin.
Hindi ko masyadong napunto iyong sinabi niya dahil pinaalis na agad ako noong organizer para sa susunod na fan niya. Iyong guard na ang gumiya sa akin palabas ng venue. Wala sa sarili akong naglalakad, hindi alam kung paano ipapasok lahat sa utak iyong mga nangyayari.
Di ko alam kung nananaginip lang ba talaga ako o nangyayari talaga ang lahat ng ito. Kahit isang minuto ko lang siyang nakausap, kahit ganoon lang, sobrang saya ko na dahil naaalala niya pala ako.
Tumunog ang aking cellphone at doon ko lang naalalang hinihintay pala ako ni White. Mabilis ko iyong kinuha na sa sobrang pagkataranta ko ay nahulog ko pa iyong album. Mabilis ko iyong dinampot kaso may nahulog ulit na parang isang card. Nagtataka ko iyong dinampot at tiningnan.
"Calling card?" naibulong ko iyon sa sarili hanggang sa naalala ko iyong sinabi ni Aries. Ito ba iyong sinasabi niyang tatawagan ko siya?!
Nang isang tawag na talaga ang bumalandra sa screen ng aking cellphone ay ibinulsa ko nalang iyon agad at nagtatakbo na palabas habang sinasagot ang tawag ni White.
"Tapos na?" tanong niya, halata ang pagkainip sa boses.
"Oo palabas na ako, teka tumatakbo ako."
"Walk slowly. Madadapa ka niyan."
"Okay lang! Ang dami kong kwento sa'yo White! Nakita ko siya sa personal!"
"H'wag mong sabihin dito sa cellphone. Mamaya mo na ikwento pagdating mo."
"Okay!"
Naputol ang tawag kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Sasabihin ko ba kay White na binigyan ako ng calling card ni Aries?! Pero magtataka siya kung ba't ako binigyan ng number eh hindi niya naman alam na si Aries iyong nakamascot noon sa Mall. Baka pag sabihin ko ay magalit siya dahil inilihim ko sa kanya.
"Sige, dumaldal kana. Makikinig ako." salubong niya agad nang makapasok ako sa driver's seat. Siya na mismo ang humila noong seatbelt ko at ikinabit sa gilid.
"Nakita ko si Aries! Sumayaw siya! Naggitara! Tapos sa sobra kong pagkastarstruck sa kanya nakalimutan kong magvideo! Ni isa man lang picture wala ako! Tapos ang ingay ingay sa loob! At may nagtapon pa ng marriage contract! Tapos ang sweet ni Aries kasi sabi niya pagtatrabahuan niya raw muna ang future nila! Tulala lang talaga ako White! Di ako makasigaw! Gusto ko nga kumaway kaway kaso pumalakpak nalang ako! Sobrang cool niya sa stage! Ang gwapo niya!" Halos mapugto na ang aking hininga sa pagkukwento habang nagsisimula siyang magmaneho, nagkakasalubong ang kilay habang panay ang pasulyap-sulyap sa akin.
"Di ka nakavideo?"
Umiling ako, pero ngumiti rin dahil alam kong hindi pa naman iyon ang huli naming pagkikita. Alam ko, magkakausap pa kami ni Aries.
"Okay lang! Nakasave naman iyon sa memorya ko."
"Makakalimutin ka. Baka bukas pagkagising mo wala kanang maalala sa concert niya." Umismid siya sakin kaya humagikhik ako.
"'Tsaka may souvenir naman ako! Iyong kinuhanan mong picture!"
"Just frame it and put it in your room." Tumango tango ako sa kanyang suhestyon.
"Ang saya saya ko ngayon... Alam mo gusto ko sanang magtapon rin ng kung anong gamit sa stage kasi pinupulot niya iyon kaso hindi naman ako handa eh. Tanging album niya lang ang dala ko." Napasandal ako sa upuan at naiwan parin ang kalahati sa aking sarili doon sa concert. Nakikita ko parin doon ang mga nangyari kanina. Kung paano siya sumusuyod sa stage at ngumingiti. Sa isang hamak na die hard fan niya, kahit iyong makita ko lang siya ay tuwang tuwa na ako. Alam kong magkaiba na ang mundo namin ngayon.
"Maghihintay ka pa ulit ng isang taon para sa susunod niyang concert. Ipapareserve nalang kita ulit ng ticket." sabi niya.
Tumango ako at nginitian siya. "Thank you so much!"
"You look like you're really inlove?" Nasira ang kanyang ekspresyon sa ipinangalan niya sa aking kinikilos.
Sandali akong natigil. Inlove? Sapat na bang pangalanan ng ganoon ang aking kinikilos?
"Ano ba iyon, White?" nagtataka kong tanong.
"Kinikilig, gusto siyang makita, nababaliw, iyang pinaggagawa mo. Para kang si Chey na nababaliw kay Toshi."
Oo nga 'no? Ganito rin si Chey. Napakasupportive niya sa lahat ng bagay kay Toshi. Palagi niya pa itong sinusundan at palagi siyang ngumingiti sa tuwing nagkakausap sila.
"Inlove ako kay Aries!" anunsyo ko at nagugulantang na. "White, di'ba masakit ang mainlove?!"
Nailing siya. "You're so innocent I want to lock you in your room."
"Pero positive ako, White. Feeling ko inlove ako kay Aries." nag-aalala kong sabi.
"You're not." sigurado niyang sabi.
"Pero sabi mo mukha akong inlove!" giit ko.
"You're not. Believe me."
"Edi ano?" Tinagilid ko ang aking ulo para silipin ang kanyang mukha. Nakasentro sa kalsada ang kanyang tingin.
"Infatuation. Nadadala ka lang sa pagpafangirl mo."
"Pero paano kung nainlove ako kay Aries? Anong gagawin ko?"
He glanced at me. Seryoso ang paninitig sa akin.
"Nothing,"
Kumurap ako. Wala? Wala akong gagawin? Paano kung lumala? Di'ba nakakabaliw daw iyon?
"Bakit wala?"
"You're just a fangirl. Keep that in mind. A fan."
Suddenly, that realization hit me like a truck. Iyong kasiyahan mo sa pagpafangirl, iyong nakukuha mong kaligayahan, pero bakit pag naiisip mo na hanggang doon ka lang naman sa linyang iyon ay may kirot na hatid sa'yo? Nagiging mas malawak bigla ang aking pang-unawa sa simpleng salitang "fangirl" at gustong lagyan iyon ng mas malalim na posisyon sa buhay ng isang lalakeng hindi naman umamin kung naaalala pa ba ako. Pero ang sabi niya ay pamilyar ako! Sa dami ng mga fans na nakakasalamuha niya, posibleng natambakan na ako ng iba pang magagandang alaalang nangyari sa kanya.
"Hindi naman siguro lahat ng fangirl ay hanggang doon lang. Hanggang tingala lang. Malay mo, may mga pinalad na fangirl at nabigyan ng pagkakataong makatuluyan iyong iniidolo nila."
Umangat agad ang kilay ni White sa akin. Yumuko ako at itinago ang mga mata sa kanya na pilit niyang hinuhuli.
"Don't cross the forbidden line, Nana. That's painful."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi, hindi gaanong nakukuha ang pinupunto niya.
"Anong masakit dito?"
"May mga humahangang hindi nasusuklian ang ibinibigay nilang pagmamahal sa isang tao. Makontento ka man o hindi, mananatili ka sa linya. Tagahanga lang."