Cliffdiving
My mind wandered somewhere as I tried to recall the memories of Aries talking to me yesterday. Masyado iyong hindi kapanipaniwala kaya noong nagising ako kinabukasan ay inutusan ko pang kurutin ako ni Zera.
"Di na kita gigisingin. Tanggap ko nang weird ka." deklara niya at umalis agad sa aking harapan dala dala iyong sling bag niya. Ngumuso ako at kinurot nalang ang sarili. Di nga ako nananaginip.
Suot ang jacket na binili sa akin ni White, iyon ang naging outfit of the day ko dahil may nakalagay na Aries's fangirl sa harapan. I've seen how Zera's face wrinkled. She's very disappointed and disgusted at the same time.
"Bakit? Cute naman ah?" Umikot ako sa kanyang harapan. I paired it with summer short and sandals.
Nairolyo niya ang kanyang mga mata. "Mas matanda ka pa naman sana sa akin."
"But this is cute! See!" I showed her the hoody with a cute bunny on it.
"It's summer Nana. Saang sinaunang panahon ka ba galing?" Ngumiwi siya, hindi tinantanan ang disgustong paninitig sa akin.
Nilingon ko sandali ang mga pinsan kong aligaga sa labas at pumapaibabaw pa ang tawa ni Ken habang naglalagay ng mga gamit namin sa likod ng Van.
Elle showed up. Her eyes widened too when she saw me. Same sila ni Zera na nakadress at laces na nakaribbon sa bawat gilid.
Ngumuso ako at tumalikod, ipinakita ang nakalagay roon. "It says Summer love!" sabi ko na ikinatampal ng noo ni Zera.
"Hubarin mo nalang yan pag naroon na tayo. Did you bring some extras?" tanong ni Elle sa akin na ikinatango ko.
"Hulaan ko, merch parin?" Zera's brow raised.
Inalala ko sandali iyong mga pinagdadampot ko. May tshirt naman akong malaking dala, tapos rashguard at...
"Kung di lang kita pinsan ikinahiya na kita." naiiling na nagwalk-out si Zera. Bumuntong ako ng hininga at tiningnan ang jacket na suot. But it's cute!
"Mainit ang panahon so dapat nagsando or dress ka nalang." sabi ni Elle, nililingon ang imahe ni Zera paminsan minsan.
"But White told me to wear comfortable clothes."
Ngumiwi siya. "Ewan ko sainyong dalawa. Mas malala pa kayo sa kambal kong kapatid." she said defeatedly and turned his back after.
Sumimangot ako. Siguro, kaya ako naleleft behind sa mga babae dahil simula bata ako, kay White na ako nadidikit. Hindi bigdeal sa akin ang pananamit, kilay, buhok, o ang magiging imahe ko. Basta tingin ko cute naman ay gusto ko na.
Nakasalubong ko ang tingin ni White sa labas ng veranda. He's wearing a plain white tshirt and black sunglasses paired with shorts and summer slipper. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya roon kaya nagtungo agad ako.
Ken laughed at me when he saw me. Ibinato ni White ang isang bag na hawak niya na nasalo naman agad nito at ibinato rin sa loob ng van.
"Ang ginaw talaga pag summer! Dapat pala nagjacket rin ako!" Nanunuyang sabi ni Ken tapos masusundan agad ng malutong na halakhak.
"Tigilan mo na yan. Pag iyan umiyak sa gulong ka talaga sasakay." pagbabanta ni Kuya Toshi sa kanya habang tumutulong rin sa paglalagay ng gamit.
Napatingin ulit ako sa aking jacket saka kay White. Umangat ang kanyang kilay, wala namang pagkadisgusto roon.
"Panget ba?" tanong ko.
"Kaysa naman nakahubad ka. Okay na yan." katulad ng nakagawian kong sagot niya sa mga sinusuot ko, nakokontento rin ako. Okay lang naman talaga! Magpasalamat pa nga dapat ako kasi may nasusuot ako ngayong komportable! Iyong mga street children nga gutay gutay at walang pampalit na bagong damit! I am thankful at hindi dapat ako nag-iinarte.
Nauna akong pumasok sa van. Sumunod rin si Zera at Elle na magkatabi sa pinakaharap. May mga dala silang go-pro at Dslr. Pagkaupo ni Zera ay inatupag niya agad ang paglalagay ng sunscreen sa kanyang balat. She even put something on her lips para mas maging makintab ito at hindi maging dry. Dinilaan ko nalang ang aking labi para maging basa ito. She glanced at me, iminuwestra ang hawak niyang parang stick na liptint ata.
Iiling na sana ako nang naunahan niya rin ako sa pagsasalita.
"Syempre tatanggi ka dahil ignorante naman talaga ang mga weird sa ganito."
Kumurap ako at nalipat ang tingin sa pagpasok ni Hiro. Kinuha niya iyong hawak ni Zera at nang tinangka niya itong abutin ay itinulak lang ni Hiro ang kanyang noo kaya napabalik ito sa pag-upo.
"Give it back, Kuya!" nayayamot na sigaw ni Zera.
Pumasok si Ken at nakiusyoso agad. Kinuha niya iyong liptint kay Zera at nagtatakang tiningnan.
"Ito ba ang madalas niyong ilagay kaya parang ang tamis ng mga labi niyo?"
Sumunod naman ang kambal na natraffic narin sa harap dahil sa dalawang humaharang roon.
"Talaga? Matikman nga." Kinuha iyon ni Blue at akmang bubuksan nang sumigaw na talaga si Zera.
"Give it back, freak!" Inabot niya iyon at marahas na hinablot sa kamay ni Blue.
"Naglagay ka rin?" tanong ni Red kay Elle at nagawa pang burahin ang labi ng kapatid kaya ang resulta ay mabilis itong kinagat ni Elle. Red groaned painfully. Ngumingiwi na at mabilis na niyugyog ang kamay.
Natatawang tiningnan ni Elle ang kapatid. Kinuha niya ang kamay ni Red at hinipan.
"I'm sorry!" she giggled even more. Pinitik pa ni Blue ang noo niya.
"Masama yan ha." Binalingan niya naman si Red at sinapak ang dibdib nito. "Pakialamero ka kasi."
"Mga babae ang aarte. Di na kayo nahiya eh di nga kayo marunong maglaba ng panloob niyo." si Ken naman.
Nakahalukipkip na si Zera sa kanyang upuan at asar na asar habang si Hiro ay nakaupo na sa tabi ng bintana.
Pumasok rin si White at tumabi sa akin. Doon rin naman pumwesto si Ken sa tabi niya. May hawak siyang malaking Pringles at iyon ang nilalantakan.
Tiningnan ni White ang screen ng kanyang cellphone na agad namang inusisa ni Ken.
"May bago kang chic 'no? Patingin nga ng katawan. Anong cup ng bra?"
Nanlalaki ang aking mga mata sa tanong ni Ken. Na kahit siya, nang mapagtantong nandito lang naman ako ay nagulat rin. White glared at him.
"Bakit mo palaging tinatanong ang bagay na yan Ken?" tanong ko sa kanya na ikinakurap niya. White raised his brow at me. Hindi ko iyon pinansin at ipinatili ang tingin sa isa ko pang pinsan na gumagala na ang tingin.
"Body matters to me, Nana. Sa amin. Lalake kami syempre." rason niya.
"Pero parang binabastos niyo na ang babae sa mga ganyang tanong. Di'ba White?" Binalingan ko ito, Ken chuckled.
"You're asking the devil, Nana. Mas masahol iyan-"
"Tumahimik ka." Sinapok agad ni White ang dibdib nito. Sumubo si Ken ng kinakain niya pero ngumingisi rin.
"Admit it to her, man. Tigilan mo na ang kakababy kay Nana. Matanda na iyan."
"Binabastos niyo ang mga babae. Pag nalaman iyan ni Tito Sylver at Tito JK mapapagalitan kayo." sabi ko.
Umiling si Ken. "Boy's topic Nana. Ikaw ang mapapagalitan ni Tito Jame Brancen dahil masyado kang nosy."
Ngumuso ako at sinipat si White na inangatan akong muli ng kilay.
"Don't be so curious. Just because you've seen your Aries then you're a complete younglady now." pangaral niya na ikinatango tango naman ni Ken.
"Baka nga yang Aries mo nakakatatlo pa sa isang araw."
Di ko napunto ang ibig sabihin ni Ken sa nakakatatlo sa isang araw. Siguro tungkol na naman iyon sa gawain ng mga lalake.
"Siguro kaya kayo hate ni Cassey kasi ang babastos niyo."
Kitang kita ko ang pagguhit ng insulto sa mukha ni White. Ken just chuckled hard, di natatablan sa aking sinasabi.
"Damn we're not Nana! Cassey needs to realize that this kind of attitude run in our blood. Di namin kasalanan kung babae na mismo ang lumalapit. She got a bad taste on men if it wasn't a Delafuente she's attracted with." Nailing si Ken at sumubo ulit.
"Edi may bad taste rin ako sa lalake? Eh hindi naman Delafuente si Aries." sabi ko kay Ken.
"He got a bad taste on girls if it wasn't a Delafuente."
Simula bata ako, alam ko ng malaki ang angkan namin. I've seen our Lolo's! Lolo Dwight, Lolo Rico, Lolo Alex and Lolo Clarence are a very good looking men! Napasa rin naman iyon sa sunod nilang henerasyon na magulang na namin at ngayon. At kahit ako, hindi ko maipagkakailang hindi nalalayo ang mga features namin sa mga magulang namin. Ken looks like his father, Tito JK, including the twins who looks like their father too! White resembles his father alot in any aspect. Even Kuya Toshi, Kuya Grey and Hiro were very the same from their father. Kaming mga babae lamang ang nagiging mixture ng parents namin. They say I really look like my Mom pero iyong mga mata ko ay namana ko na kay Daddy. Zera looks like her Mom too pero namana niya yung mala bow na lips ng Daddy niya. Even Elle, she's a resemble of Tito V's face and Tita Ellie's face. Sa mga ugali naman, tila nagkahalo halo na iyon.
Tumatak iyon sa aking utak. You got a bad taste on girls or boys if it wasn't a Delafuente. Edi kung hindi ako nagustuhan ni Aries, pangit ang taste niya sa girls. Pero katulad ng sinabi ni White, I am just a fangirl and I need to stay on that line.
Dinaanan muna namin si Daphne sa kanilang bahay saka rin kami dumeritso. Nasa harap siya nakaupo, katabi ni Elle. They're close...
Si Kuya Grey ang nagmamaneho at nasa front seat naman si Kuya Toshi. Ang kambal at si Ken lamang ang maingay sa loob ng Van. Halos tumayo na sila at nagkunwaring may hawak na mga gitara at marahas iyong inistrum habang sinasabayan iyong kanta sa stereo. Nagheheadbang pa si Ken at minsan ay sinusuklay paatras ang buhok tapos iyong kambal ay nagkukunwaring nagdadrums na. Si Blue ang kunwaring vocalist at nililipsinc iyong birit habang mas lumalala naman ang dalawa sa pagpiplay ng kanya kanya nilang instrumento.
Vinideohan ko agad sila at humagikhik dahil sa nakakatawa nilang pinaggagawa. Nailing si Hiro, halos mahilot na ang kanyang sintido.
"Ang sarap manghagis ng tao sa labas ng bintana." sabi nito
Iclinose-up ko ang mukha ni Hiro na nayayamot na dahil katabi niya ang kambal sa gitna. Inilipat ko ang video at itinutok kay Ken na hindi na maawat sa kakaheadbang hanggang sa dahan dahan kong nilipat kay White na nakasandal sa upuan, nakatingala at medyo nakaawang ang bibig habang natutulog. Itinulak ko ang kanyang baba para maitikom niya iyon kaso hinawakan niya ang aking pulso at ibinaba iyon.
Zera and Elle were just both silent. Nakaheadset si Zera at may pinagkakaabalahan sa cellphone ganoon rin si Elle. Si Daphne naman mukhang tulog. I wonder if kasama si Franca? We get along well. Siya ang madalas kong nakakausap sa mga Buenaventura unlike kay Irah na parang medyo ilag.
"Woah! Can't wait to dive!" sigaw agad ni Ken nang makarating kami sa lugar kung saan ang tunog agad ng hampas ng alon ang sumalubong sa amin. May napansin akong isang kotse na kakahinto lang rin. Kung hindi ako nagkakamali, pagmamay-ari iyon ng mga Buenaventura.
Lumabas ako, suot ang aking cute na backpack kung nasaan nakasilid ang mga importante kong gamit. May isang bag pa akong dala at naroon ang aking mga damit.
"Franca!" Kinawayan ko agad ito na kakalabas lang rin. Ngumiti siya ng matamis sa akin at kumaway pabalik. Sunod namang lumabas ang pokerface na si Irah, may suot na sunglass, nakasee through na dress kung saan nakikita ang tube at short niya sa loob at sumabog agad ang buhok na isinuklay niya lang paatras para hindi tumakip sa kanyang mukha.
Kaedad lang si Irah at Zera. 16 lang silang dalawa habang si Elle at Daph naman ang magkaedad na kapwa 15 palang. Hindi naman nalalayo ang edad ko kina White, Ken, Hiro at iyong kambal. Si Kuya Toshi at Kuya Grey naman ang magkaedad.
Sandali akong napatitig kay Irah. She's stunning at her own, katulad ni Zera, nakakamangha rin kung paano niya dalhin ang kanyang sarili lalo na't ang alam ko, modelo siya.
Umismid si Irah sa aking dako. Di ko alam kung para iyon kanino.
Bumukas ulit ang front seat at driver's seat at kapwa lumabas ang kambal. Kaedad lamang nila sina White kaya siguro sila agad ang nagiging close.
Nasa may cliff kami at nasa ibaba naman nito iyong dagat. Medyo takot ako sa heights kaya iyong hagdanan nalang siguro ang gagamitin ko mamaya para makarating doon sa magandang beach.
Nagkakagulo na ang mga lalake at panay ang silip roon sa cliff na tatalunan nila. Kung hindi ako hinila ni Franca, hindi ako mahahalo sa mga babaeng bumababa na roon sa hagdan.
"Magdadive ka rin ba?" tanong niya sa akin, natatangay minsan ang mga mata sa suot kong jacket saka rin ibinabalik sa aking mukha.
Umiling ako. "Takot ako sa matataas eh."
Humagikhik si Franca at sinang-ayunan ang sinabi ko. "Ako rin eh. Irah is my opposite. Baka nga makitalon rin siya mamaya." Nilingon niya ang pinsan niyang nagpaiwan nga sa itaas.
Nanlalaki ang aking mga mata. "Kaya niya iyon?!"
Tumango si Franca. "Wala naman iyang kinakatakutan. Game siya sa lahat."
Bigla tuloy akong nainggit sa fighting spirit na meron si Irah. Hindi ba iyon nakakatakot? Paano kung dumeritso ka sa pinakailalim ng dagat at hindi na makaahon? Hindi ba siya natatakot na baka mapahamak siya?
May cottage na nalalapit sa beach. Inukupa namin iyon. Nakikita lamang namin ang mga imahe ng lalake sa itaas noong cliff. Siguro mga nasa 6ft ang taas noon.
"Tatalon ba sila diyan?" narinig kong tanong ni Daph na kitang kita rin ang gumuguhit na takot sa mukha.
Tumango ako na ikinagulat niya lalo.
"Pati si Irah?" dagdag niya pa na kahit si Zera, natuon narin sa itaas ang tingin.
"Your cousin is going to jump Franca?"
Tumango si Franca sa tanong ni Zera. Tiningala niya ulit ang cliff saka napangiwi.
"Not my thing."
Naroon na lahat ng tingin namin. Kinuha ko agad ang aking cellphone nang makita ko si Ken na naghuhubad na ng pang-itaas at may hawak na go-pro. Si Blue at Red ay kapwa naghihilaan pa.
"Siguro kung hindi ko sila mga pinsan at di ko sila kilala mamamangha ako. Kaso kabisado ko mga baho at ugali nila kaya nakakabagot tuloy." reklamo ni Zera at naupo na, nasa hawak na sunscreen ang buong atensyon.
"Si Zera parang si Irah," bulong ni Franca sa akin na ikinahagikhik naming dalawa. Akala ko ako lang ang may ganoong iniisip pati rin pala siya.
Ken's scream echoed all over the place. Kasunod noon ang pagbagsak niya sa tubig. Sumunod naman roon ang nakakabinging sigaw ng kambal na akala mo ay tumalon na iyon pala ay naghihilaan lang at napapaatras. Sinenyasan ni Hiro si White kaya kapwa na itinulak ng dalawa ang kambal. Their screams were so loud na kahit ang pagbagsak ay halos umangat narin ang tubig dahil sa lakas.
Sumunod naman si White na naghuhubad na ganoon rin si Hiro. They jumped without making any noise, tanging ang pagbagsak lamang nila ang naging ingay. Pumalakpak ako at mabilis na clinose-up sa tubig para makunan ang pag-ahon nila.
Sunod naman si Kuya Grey, nasundan ni North, hanggang sa si South narin ang pumwesto. The emotion of his face never changed. Cold iyon, hindi naman galit at hindi rin natutuwa. Balanse lamang at misteryoso.
"Ang gwapo rin ni South." narinig kong compliment ni Elle.
Hinila lang ni South ang damit niya sa likuran hanggang sa nahubad niya ito. Mabilis kong ibinaba ang camera at hindi na iyon isinali sa video. Sanay naman ako sa mga pinsan kong topless, pero iyong makakita ako ng ibang taong ganoon, parang di ko na ata kaya.
Naiwan sa itaas si Kuya Toshi. Kahit si Franca ay nag-aabang rin sa pagdive ng kanyang pinsan na mukhang hindi parin tumatalon. Siguro umatras nalang iyon dahil nakakatakot naman talaga!
May pagka berde na nahaluan ng asul ang kulay noong beach. May mga puno rin sa paligid ng cottage. Nakikipagsabayan sa preskong hangin ang tunog ng alon na humahampas roon sa malalaking bato.
Nakaupo lamang ako sa buhangin, yakap yakap ang aking mga hita at may kung anong ginuguhit roon gamit ang isang stick na napulot ko lang.
Iyong mga babae ay nasa cottage parin, habang ang mga lalake ay hindi na maawat doon sa dagat dahil roon sa nirentahan nilang speed boat. Si Kuya Toshi ang nagpapaandar noon habang nakaangkas ang kambal kong pinsan.
Malapit ko ng maperpekto ang ginagawa kong heartshape sa pangalan ni Aries kung hindi lang talaga biglang tumakbo si Ken at dinaanan iyong gawa ko na nabura ang kabuuan kong gawa. Sumimangot ako at nag-angat ng tingin sa kanya na humalakhak agad.
"Di ko napansin Nana." he said innocently."Pero sabagay, di ka rin niya naman mapapansinㄧfuck! It hurts, man!" Nakangiwing hinawakan ni Ken ang kamay ni White na kinakaladkad siya gamit ang tenga nito. Tumawa ako lalo na't natatangay na siya ni White pabalik sa dagat.
Naglakad papalapit si Irah sa may dalampasigan at hinubad ang suot niyang transparent na dress. Sumipol si Ken nang makawala na siya kay White. Mabilis namang umahon si North, nagbabanta na ang mga mata.
"Hoy Inday Irah-"
"If you stop me from wearing what I want then you'll see me naked right now, North." pagbabanta niya sa kanyang pinsan na kahit ang mga nakarinig roon ay natigilan.
Nameywang si North, nagkasalubong ang kilay at kalaunan rin ay bumuntong ng hininga. Irah just smirked.
"Ang tigas ng ulo," naiiling na sabi ni North.
"Maliligo rin ako!" tumatakbong si Franca na kakabihis lang ng suot niyang rashguard at summer short. Kumpara kay Irah na naka two-piece at ibinabalandra ang perpektong hubog ng katawan. Mas matanda lang naman sana ako sa kanya ng dalawang taon kaso ba't wala akong ganyang klaseng self-confidence?