Prologue
Hooked
Dahan dahan kong isinara ang pinto ng aking kwarto. My parents left early. They went to my Lola's country and will be back maybe 3 days after.
Kumakalabog nang husto ang aking dibdib dahil sa pagtakas. Suot ang itim na jacket na itinatago ng hoody ang aking buhok, sinilip ko ang pasilyo ng bahay. Hindi ko alam kung nandito ba ang aking pinsan at nasa kwarto niya pero sa twing nangingibang bansa sina Mommy at Daddy, naiiwan agad ako sa aking pinsan.
I suddenly remembered my cousin's word to me. If he found out I'm sneaking out again, I'll be a dead meat. Napatigil ako sa paghakbang at naikuyom ang aking mga kamay, mariin akong napapikit at nagdadalawang isip na sa paghakbang. Nakokonsensya ako sa aking ginagawa at sa pagtatago ng sekreto sa kanya. Alam ko simula bata pa kami ay hindi na kami mapaghiwalay dalawa. Wala akong tinatago sa kanya at kahit maliliit na bagay ay sinasabi ko. Pero sa mga ganitong bagay, I don't think it's a good idea if I'll tell this to him. He'll get mad at baka malaman pa ng iba kong pinsan! My two cousins were guarded by my other cousins. Ganoon sila kahigpit sa aming mga babae na kahit ang mga nagiging crush ni Zera, di nila pinapalampas.
My phone beeped. Kamuntik na akong mapatalon pero minadali ko iyong kunin sa aking bulsa at tiningnan. Iyon ang nagtulak sa aking maglakad muli pababa, patago.
Where are you?
Nagtipa agad ako ng mensahe.
Palabas na ako, wait!
Ibinulsa ko ulit ang cellphone at maingat na humakbang pababa ng hagdan. Kaso parang sundalong nagge-gyera sa utak ko ang samo't saring pagtutol sa aking loob. Ang rami kong naiisip na gagawin at hindi ko alam kung makakabuti ba iyon o makakasama lalo. Paano kung isumbong niya ako kay Daddy pag nalaman ng pinsan ko ang pinaggagawa ko? Natatakot rin ako na baka mas mahirapan na akong makipagkita sa kanya.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at mabilis tumakbo pabalik. I checked my cousins room and screamed in excitement when I found out it's lock! Nasa labas siya! Wala siya sa bahay! Nambababae iyon! Yehey!
Mas binilisan ko ang pagtakbo at hindi maburabura ang malaking ngiti sa labi. Nang makarating ako sa harap ng pintuan, ganoon nalang ang pagkadismaya ko nang pinihit ko ang doorknob. It's lock! I'm locked inside!
"Going somewhere?" I heard my cousin's cold baritone voice. Doon palang, para na akong mahihimatay sa takot.
Nagtaas-baba ang aking balikat dahil sa kaba. Ni hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Narinig ko ang yabag ng kanyang mga paang patungo na sa akin. Ilang sandali lamang ay nasa aking gilid na siya. Nakasandal sa pinto at nakabulsa ang dalawang kamay. Yumuko ako, siya naman ang nag-alis ng hoody sa aking ulo kaya nalaglag agad ang aking buhok dahil sa aking pagkakayuko.
"Manghoholdap ka ba ng bangko?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Ang kanyang ugaling namana niya sa kanyang ama ay sobrang nakakatakot. They hate him for talking savagely.
"H-Hindi..." mahina kong bulong, di makatingin sa kanya ng husto.
"Oh? Ba't nakaitim ka na jacket? Gabi na ah? It's already 8."
"K-Kasi..."
"Don't you dare lie to me," may pagbabanta agad doon na mariin kong ikinapikit.
"Napapansin ko madalas na kayong magpansinan noong Buenaventura ah?" pang-aakusa niya na ikinanguso ko. They're getting the wrong idea about us!
"Kaibigan ko lang naman si South..."
"Really? So you're into boy friends now? As far as I remember, you don't like boys Nana."
"Syempre bata pa ako noon Wayt!" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I-Iba na ngayon..."
Imbes magulantang, walang gumuhit na ekspresyon sa kanyang mukha. Madilim at naninimbang lamang ang tingin sa akin.
"Kaya naglilihim kana sakin?" mas naging malamig niyang sabi na ikinalunok ko ng laway.
"M-Magkaedad lang naman kami ni South ah? B-Bat hindi pwede..." napayuko ako.
Hindi kagaya kay Zera, iyong nagugustuhan ay ang laki ng agwat sa kanya. Akala ko, iyon ang problema kaya masyado silang mahigpit sa amin.
"Kayo na?" tumalim na ang kanyang tingin sa akin kaya namutla na ako. Hindi ako makasagot. Gusto kong umiling kaso napangunahan ako ng kaba.
Yumuko ako, kaso hindi niya iyon ipinalampas at itinulak muli ang aking baba para hindi maputol ang aming tingin. Ibinulsa niyang muli ang kamay at ngayon ay madilim na ang ekspresyon.
"Alam mo ba ang pinapasukan mo? I'm going to punch him if I found out your relation with himㄧ"Wayt!" nahawakan ko na talaga ang kanyang braso. "Please, no! Please!"
Umangat ang isa niyang kilay. Naiiyak na ako at hindi alam kung paano pagtatakpan itong kagagahan ko.
"A-Ano bang mali dito?" tanong ko sa nanlalabong mga mata.
Nakita ko kung paano siya naasiwa sa aking mga matang may pinipigilan na kung ano. Nagkasalubong ang kanyang kilay at nabasa ko sa kanyang mukha ang galit na parating.
"You're just 17 Nana." his jaw clenched.
"Wala akong ginagawang masama..." Nalaglag ang luha sa aking mga mata. Marahas siyang napabuga ng hangin. Nakagat niya ang labi at tumingala sandali, nameywang na sa aking harapan.
"Do you love him that much for you to cry infront of me, Nana?" he said coldly.
Tumango ako, nagpunas ng luha.
Huminga siyang muli ng malalim, tila may mabigat na bagay na dinadala sa loob.
"Ano bang gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Pagtakpan mo ako kay Kuya Toshi at Kuya Grey... t-'tsaka sa iba pa..."
"Mabibigwasan ko talaga ang Buenaventura na 'yon tangina." Nahilot niya ang kanyang sintido. Tiningala ko siya at ngumuso.
Nasira agad ang kanyang ekspresyon at tinakpan ang aking mukha gamit ang kanyang kamay.
"H'wag kang nagpapaawa sa'kin di ako naaawa." inis niyang sabi.
"Please Wayt..."
Sa hindi ko mabilang na pagkakataon, marahas ulit siyang pumakawala ng hininga. Ibinaba niya ang kanyang kamay at sinalubong ang aking tingin.
"Naghalikan na ba kayo noon?"
Nanlaki ang aking mga mata at nalaglag ang panga. "Ni South?!"
Nang mapansin kong nanghuhusga na ang kanyang tingin ay lumunok ako, umiling.
Kumalma naman ang kanyang ekspresyon. "Ano pa?"
"Wala na... n-nag-uusap lang..."
"Iyon lang?" ngayon ay nang-aasar na ang boses na ikinapula ng aking pisngi.
Tumango ako.
"Oh ba't magkikita pa? Ba't di kayo mag-usap sa cellphone?"
"Di naman pwede yung ganon... kailangan ko rin makipagdate."
Nang nakita ko kung gaano na katalim ang kanyang tingin ay napayuko agad ako. If South find this out malalagot rin ako.
"May mahaba akong listahan na mga bawal niyo. Pag may nilabag ka ako mismo ang magsusumbong sa'yo kay Tito."
Nakagat ko ang pang-ilalim na labi, sinisikap na hindi mapangiti ng malapad. Sigurado rin naman kasi akong wala akong malalabag sa mga gagawin niyang rules. Puro lang naman talaga kami pag-uusap ni South. Kaso napasimangot rin ako nang pinitik niya ang aking noo.
"Stop giving me that weird reaction. Baka bukas matagpuan mo na iyang South mo sa flagpole, bibitayin ko iyan."
Imbes matakot, napahagikhik ako. Bumusangot agad siya at tinakpan ang aking bibig. Hindi ako natigil sa paghalakhak roon. Nang ibinaba niya ang kanyang kamay at ibinulsa muli ay nginitian ko na siya ng matamis.
"Thank you Wayt,"
Since I was a kid, I'm always spoiled to him. Lahat ng aking kapritso ay sinusunod niya. Lahat ng aking gusto ay pinagbibigyan niya. Kaya hindi na ako magtataka kung pati sa napasukan kong gulo ay sinusuportahan niya ako.
Nagtipa ako ng mensahe kay South. Ngayon pa lang ay alam mong maiinis na iyon sa akin dahil ang rami ko ng hinihingi sa kanyang pabor. I'm sorry if I drag you in my mess... I'm sorry if I need to hook with you South.
Ako:
South, alam na ni Wayt :(((
South:
Lagot ka, mabibitay ka niya.
Ako:
Hindi! sabi niya ikaw daw ibibitay niya!
South:
Ano na namang kasinungalingan ang inimbento mo? Lagot ka sakin.
Ako:
I'm sorry :'(((
And then I just realized I build another reasons for me to hook with him even more. This is a big mess. I'm sorry Wayt if I need to lie to you... And I'm sorry South if I need to used you again...