3

2978 Words
Concert Nagsimula ulit ang game pero natitigil sila minsan dahil may iba ng topic. Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagbabrowse sa i********: ko. Kadalasan sa mga apps dito ni White ay mga account ko ang nakalog-in. Di kasi siya mahilig sa social media. Ako naman medyo mahilig pero puro lang rin pictures ng mga outing namin ang pinopost ko, mga videos naming magpipinsan. Noong natapos sila ay nagkayayaan rin sa bahay nila White. Sumama ako at nahalo sa mga lalake maliban sa mga babae na nasa sala at may sarili naring mundo. Ibinigay ni White sa akin ang headset niya. "Just incase."  Umiling ako. "Okay lang. Wala rin naman akong magegets eh."  Simula bata ako, ganito na. May mga topic silang ayaw ni White na marinig ko. Namulat ako sa mga pinsan ko na madali lang sa kanila ang bumingwit ng babae. Siguro ngumiti lang si Ken ay handa siyang luhuran ng lahat. O kaya ay tipid na "Oh" lang ni White bilang pagsagot magtitili na ang mga babae.  Pero sabagay, sino bang babae ang hindi sila mamahalin eh mababait naman sila, maalaga, mapagmahal at mga guwapo. Ewan ko lang talaga kung sapat na ba iyong rason ni Cassey para kamuhian ang mga pinsan ko. Tumabi sa akin si Kuya Toshi. Kinabahan agad ako sa kanyang presensya. Pakiramdam ko may kasalanan ako... "Sino iyong crush mo?" tanong niya, seryoso ang mukha. Ngumuso ako at binalingan si White na umiling. "Si Ken pinagkakalat."  "Si Aries po, Kuya..." sagot ko at yumuko. Nasa kandungan ko na ang aking mga kamay, nakahawak sa aking bestida. "That's normal. Babae ka naman." sabi niya at ginulo ang aking buhok. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakangiti na ito ng tipid. "Di ka galit?" mahina kong tanong. "Ba't kami magagalit Nana eh imaginary lang naman iyang crush mo." halakhak ni Ken na may hawak hawak ng slice ng pizza doon sa pagkakaupo sa counter. "He exists!" sigaw ko sanhi para mapalingon sa akin iyong kambal na Buenaventura. "In your dreams?" he laughed even more. "White si Ken oh..."  Awtomatikong lumagapak ang kamay ni White sa dibdib nito. Ken just hold his chest pero mas natawa lalo. "Sabihin mo lang sa akin kung magpapabili ka ng Merchandise, Nana." si Kuya Grey naman na nasa stool, nakaupo roon.  "Binilhan na po ako ni White."  "Pati VIP ticket di'ba?" si Red naman. Tumango ako. "Tapos itong si White pati iyong limang piso na utang sa akin noong nakaraan pang taon ni hindi niya man lang mabayaran." nanggigigil na sabi ni Blue. "Kung makareklamo ka eh ang mahal mahal noong mga kinakain mo rito sa bahay. Lagpas limang piso." sagot ni White. "Bakit? Hindi naman barya na limang piso ang kinakain ko ah?"  "Ikaw itong naniningil eh hiniram mo lang rin naman iyon sa akin." si Hiro naman kaya mas tumalim ang tingin ni White kay Blue na nagkakamot na ng batok. Doon lang ako nag-iwas ng tingin nang magsalita ulit si Kuya Toshi.  "Magkacollege kana." pag-iiba niya ng topic. "Sigurado ka bang okay kanang mag-isa? Di kana takot sa mga lalake?"  Umiling ako. "Hindi na po Kuya. 'Tsaka excited nga ako kasi sabi ni Mommy pwede na daw ako magboyfriends-" "Bawal." singit agad ni White nang marinig ako. Nakanguso ko siyang binalingan sa counter na nakasandal habang nakatukod ang mga siko sa likod. May hawak siyang apple at iyon ang kinakain. "Pero sabi ni Mommy!"  Tumawa si Ken at tinuro ako. "Kawawang bata. Stick ka nalang sa imaginary friend mo."  "Pwede kang magboyfriend, Nana." si Kuya Grey naman. "Pagkatapos ng koleheyo."  "Paano na yan? Gusto ko may boyfriends ako. Gusto ko may mga kaibigan ako..." kahit nahihiya ako I still want to try it. Gusto kong hamunin ang sarili ko na kaya ko nang tumayo sa sarili ko. "Just stick in your studies Nana." si Kuya Toshi. Kitang kita ko ang pang-aasar sa mukha ni Ken. He was even pointing me while laughing naughtily. Doon lang siya mabilis sumeryoso nang matalim siyang nilingon ni White.  Wala akong nagawa at tumango nalang. Maybe I will survive in college without any friends right? At nandiyan naman ang mga pinsan ko. Kaso iba iba naman kami ng courses.  Ang alam ko kasi, pag college na ako ay hindi na gaanong mahigpit sina Mommy at Daddy. Hindi naman talaga sila mahigpit sa akin, iyong mga pinsan namin ang mahihigpit. Di ko alam kung ba't binabakuran nila kami sa mga lalake pero sila naman itong todo kung mangolekta ng babae sa school. Napakaunfair naman. Dapat pati kami ay bakuran rin sila sa girls.  Naging tahimik nalang ako sa kanilang tabi at hawak ang cellphone ni White. Naglalaro nalang ako ng hotdog bush room habang ang aking tenga naman ay naririnig ang kanilang topic. "Doon sa amin, maraming mga falls kaya nakakacliffdiving kami ni South. Meron ba dito sa syudad?" tanong ni North. "Walang falls. Mga pafall lang." halakhak ni Ken. "At pinapangunahan ni Ken." si Blue. "They fall for me, man. Wala akong magagawa roon. Marupok ako. Bumibigay rin." ngumisi si Ken at nagawa pang suklayin paatras ang buhok. "What a gayshit." Ismid ni Red saka sumunod ang mga unan na nagliliparan na dahil sa pagbabatuhan ng tatlo. Sinalo ni White ang isang unan at ibinigay sa akin, sinenyasan niya akong ilagay iyon sa aking kandungan dahil sa suot kong dress. "Magandang suhestyon yan ngayong summer. May mga beach naman dito na may matataas na cliffs. Pwede natin iyang subukan." si Kuya Grey. "So that's settle. Ano, convoy nalang o kanya-kanyang sasakyan?" si Kuya Toshi. "Van nalang." si Hiro. Si Kuya Grey at Kuya Toshi lang talaga kasi ang pinapayagan magdrive pag ganitong mga travels. Kaya naman ni White pero ayaw niya rin dahil mas gusto niyang nakaupo lamang.  "How about the girls?" si Red. "Iwanan nalang natin ang mga iyan." sagot agad ni Ken na ikinatalim ng tingin sa kanya ng mga pinsan ko. "Can't leave Daph. Responsibilidad ko siya." si Kuya Grey. Napalingon sa akin si White kaya napalingon narin ang iba sa akin. Wala ng nagtangkang magsalita at tumango-tango nalang agad sila dahil mukhang napupunta na nila ang gustong sabihin ni White. "Dadalhin nalang rin namin si Elle. Baka gumala lang iyon at kung saan dalhin ni Zera." si Blue "Sige dalhin natin ang mga babae para naman may mga maitatapon tayo sa cliff para itest kung safe ba o hindi." Ken laughed hysterically. Doon lang siya natigil nang samo't saring gamit ang lumipad sa kanya at halos natataranta siyang umilag.  "Iyon ang masarap gawin kay Irah." narinig kong sabi ni North kaya binalingan ko sila. Natagpuan ko agad ang mga mata ni South. May pagkakatulad talaga iyon sa mga mata ni White, pero mas misteryoso lamang ito lalo na't di naman kami close. I smiled a bit at him kaso nag-iwas rin ng tingin kaya naputol ang pagngiti ko. Suplado. Nagpalipas na ako ng gabi sa bahay nila White. Umalis na ang iba at kami nalang ni Ken ang naiwan. He's still playing a video game. "Nana!" Tita Snow's soft voice filled my ear. Agad akong napatayo at lumapit sa kanya na kakadating lamang.  "Buti naman at nadatnan kita dito. Balita ko may crush ka raw? Nagpart time job kasi ulit si White sa Restaurant para mabilhan ka noong album raw." sabi niya pagkatapos humiwalay sa pagkakayakap. "Opo Tita! Pati po VIP ticket tita!"  "Dapat lang na spoiled ka kasi babygirl kita. Sabihin mo sa'kin pag may mga albums kang bibilhin ha."  "Kay Dad ka lang rin naman manghihingi." sabat ni White nang bumaba ito sa enggrande nilang staircase. Ngumuso si Tita Snow. "Eh siya ang may pera eh."  "He's spoiling you too much."  Namula ang pisngi ni Tita at nagpipigil na ng tawa. Nakakasindak pa naman si Tito Sylver pero pakiramdam ko pagdating kay Tita Snow nagiging maamo siya. "White magreply na!" Hinagis ni Ken ang cellphone niya kay White na hindi man lang nito sinalo kaya awtomatikong lumagapak sa sahig. Nanlalaki ang mga mata ni Ken nang mapagtanto niya ang kinahinatnan ng kanyang cellphone.  "Ba't di mo sinalo?!"  "Di mo sinabi," kibit balikat ni White na ikinahagikhik ko. Nang mapagtanto ni Ken iyon ay sumimangot siya.  "Kaonting asar lang naman iyong kay Nana ah?"  Tumawa kaming dalawa ni Tita Snow. Dismayado naman si Ken na ibinagsak ulit ang pwet sa sofa. "Ano na naman kayang palusot ko nito kay Dad?"  "Halika sa taas. Magkwentuhan tayo sa crush mo..." hinila ako ni Tita papunta sa itaas habang nakasunod naman ng tingin si White sa amin. "Ma, di ka pa kumakain." tawag ni White. "Mamaya nalang! Pagdating ng Daddy mo. Pinangakuan ko siya ng dinner kahapon."  "Ako White, di pa ako kumakain. Ano bang pwedeng lutuin?" narinig kong tanong ni Ken. "Mamatay ka sa gutom." sagot lamang ni White na mas ikinahalakhak ni Ken. Humagikhik kaming dalawa ni Tita nang marinig iyon. Di ko tuloy maimagine na dadating ang araw ay magkakaroon ng sariling asawa si White tapos ganyan siya kabully. Pero alam ko naman na katulad ni Tito Sylver, mapagmahal rin siya.  Pagpasok namin sa kanilang kwarto, nagulat ako dahil sa mga damit na nagkalat sa sahig. Mabilis iyong pinagpupulot ni Tita at nagawa pang sipain papasok sa kama iyong bra?  "Pasensya na sa kwarto, Nana. Nagmamadali kasi kami kaninang umaga sa pag-alis. Nahihiya rin kasi akong utusan iyong maid namin eh marami na siyang ginagawa. Ayokong pati ito ay idagdag ko pa sa trabaho niya..." paliwanag ni Tita habang inaayos rin ang bedsheet ng kama. "Okay lang po Tita. Pati po kwarto ng parents ko nadadatnan ko rin pong ganito."  Namula ang pisngi ni Tita. Hinila niya ako sa may kama at doon kami nagkwentuhan. Sa tuwing nandito ako sa kanilang bahay, kami ang madalas nag-uusap ng kung ano ano ni Tita. Kinukwento ko sa kanya ang lahat. Para ko narin siyang second Mommy ko.  Doon lang kami natigil nang pumasok si Tito Sylver na kakadating lang ata. Mabigat ang talukap ng mga mata nito at parang inaantok na.  Sinalubong agad siya ng mahigpit na yakap ni Tita. Inayos ko naman ang aking buhok habang pinapanood ang dalawa na nagyayakapan na. Tito Sylver even smelled her neck at tila hinalikan iyon. Nagbubulungan na sila ng kung ano kaya tumayo ako.  "Punta lang po ako sa ibaba, Tito, Tita." paalam ko sa dalawa. Tinanguan ako ni Tito pero mabilis ring bumalik ang tingin kay Tita.  "Tawagin mo lang ako ha, Nana." sabi ni Tita sa akin na ikinangiti ko. Lumabas rin ako roon pagkatapos kong magpaalam. Para rin silang sina Mommy at Daddy. Siguro pag nagkaasawa rin ang mga pinsan ko magiging katulad rin sila sa mga Dad nila. Iyong plano nilang cliffdiving ay pagkatapos noong dadaluhan kong concert. Susulitin raw nila ang summer lalo na't bukod doon sa cliffdiving, may mga pinaplano pa silang escapade.  Pero bago paman iyon, mas excited ako dahil sa pupuntahang concert ni Aries. Gabi pa lang ay nagkalat na ang mga damit sa aking kama, hindi ako makapili ng isusuot. Concert iyon ni Aries! At ito ang kauna-unahang beses na magkikita kami ulit. Gusto kong magmukhang dalaga.  Bago pa man ako makapili ng susuotin sa mga nagkalat na dress ay tumunog na ang tawag sa aking cellphone. Dinampot ko agad iyon nang makita ang pangalan ni White. "Hello-" "Don't exaggerate yourself. Suotin mo ang gusto mong suotin." bungad niya agad na ikinasimangot ko.  Umupo ako sa aking kama at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.  "Di ko alam eh. Punta ka dito?"  "Magkacollege kana pero pati susuotin mo ako pa ang mamimili." sagot niya sa malalim na boses, tila bumubulong lang sa kanyang cellphone. Ngumuso ako. "Edi anong susuotin ko?"  "Damit. Desente. Komportable." putol putol niyang sagot na ikinatango ko. "Okay! Maaga akong matutulog ngayon para magising ako ng maaga bukas!" "Kahit wag kanang matulog Nana." sarkastiko niyang sabi na ikinahalakhak ko.  "Baliw! Sige, goodnight White!"  "Goodnight..." Ibinaba ko ang cellphone at pinagliligpit nalang ang mga dress na pagpipilian ko sana. Pagdating sa mga fashion, si Zera ang magaling roon. Magaling siyang magbagay bagay ng mga susuotin at nadadala niya ng maayos ang kanyang sarili sa kahit anong okasyon. She always stands out. Sa aming magpipinsang babae, hindi ko maitatangging siya talaga ang headturner. Ako kasi, pag cute sa aking mga mata, feeling ko ay bagay na iyon sa akin. Ganoon ang mga tipo kong damit, iyong simple lang at cute. Si Elle naman ay may pagkakatulad lang rin kay Zera. Palagi ngang nagpapaligsahan ang dalawa at hinihigitan ang isa't isa. Naririnig ko tuloy ang palaging komento ni Zera sa aking istilo sa pananamit. "Nandito na naman ang baduy." Iyon palagi ang natatanggap kong komplimento sa kanya.  Nakaputing fit tshirt, jeans at flats lamang ako kinaumagahan. Excited ako dahil concert na ni Aries! Dala dala ko ang kanyang album at nagbabakasakaling makakuha ng autograph. First time kong dumalo ng concert at hindi ko maawat ang aking puso dahil sa sobrang excitement.  "Paano niya kaya ako mapapansin 'no?" tanong ko kay White habang nakasandal siya sa driver's seat at nagmamaneho na. Tanging puting tshirt lamang ang suot niya at medyo magulo pa ang buhok, naniningkit ang mga mata.  "Akala ko ba sapat na iyong makapunta ka sa concert niya?" Umangat ang kanyang kilay sa akin. "Pero syempre, mas maganda kung mapipirmahan niya ang album ko!" "Ano bang meron sa ganyan eh dudumihan niya lang naman ng pentlepen ang cd mo?"  "Maganda kasi iyong fangirl ka tapos nakapagpapirma ka pa."  "Ako na pipirma. Akin na." Inilahad niya sa akin ang isa niyang kamay kaya natatawa akong inilayo ang aking album. "Mas madudumihan ang cd ko pag pirma mo ang ilalagay mo White..." Umismid siya at ibinalik ang kamay sa manibela.  "Di mo ako magegets kasi di ka naman fangirl." dagdag ko pa. "Gets kita." Nanlaki ang aking mga mata. "Talaga?! Fanboy kana rin ni Aries?" Nahawakan ko ang kanyang braso sa sobra kong pagkabigla.  Sinipat niya ang aking kamay at sinamaan niya iyon ng tingin. "Hands off. Madidisgrasya tayo."  Mabilis akong bumitaw pero hindi ko tinantanan ang kanyang mukha.  "Fanboy kana rin ni Aries?!"  Itinuro niya ang kanyang sarili kaya agad akong napasimangot.  "Can't resist myself, I'm sorry young lady." Ngumisi siya sa akin na mas ikinasimangot ko.  Pinalakasan ko ang stereo at sinabayan ang kanta ni Aries. Pumikit ako at inimagine ang concert niya mismo. Nagwawala at sobrang ingay ng kanyang mga fans habang sinisigaw ang kanyang pangalan, at ako, naroon rin, nakikikanta at sinusuportahan ang lalakeng pamilyar sa akin habang nasa stage, buong pusong nagpeperform. Naramdaman ko ang pagpitik ni White sa aking noo kaya doon ko lang naimulat ang aking mga mata. Naipark niya na pala ang kotse ng maayos at nakarating na kami sa mismong venue. "I'll wait you outside. Just call me if the concert is over."  Tumango ako, gumagala na ang tingin sa labas kaso hindi siya nakontento roon sa naging sagot ko at binigyan pa ako ng makahulugang tingin. "Uh, pag may nangyaring masama sa loob dapat lumabas agad ako o kaya ay tawagan agad kita. At dapat pagkatapos ng concert ay lumabas agad ako..."  "Good."  Kinalas ko ang aking seatbelt, halos nanginginig na. Sabay kaming lumabas ng kotse at kahit ang aking mga tuhod ay nanginginig narin. "White... k-kinakabahan ako! Ang bilis ng kalabog ng dibdib ko!"  Umismid siya. Wala ng sinabi at inihatid lang ako hanggang sa pinakaentrance. Tumigil ako saglit at binalingan siya. Sumenyas siya roon sa malaking picture ni Aries sa labas na halos inukupa ang isang pader. May iilang fangirls na naroon at nagpipicture. "Tumayo ka doon. I'll take you a picture." Inilabas niya ang kanyang cellphone at hinila ang aking pulso. "N-Nahihiya ako!" nagpabigat ako para sana h'wag nalang ituloy iyong plano niya kaso hindi ko na maawat si White sa pangangaladkad sa akin. Doon niya lang ako binitiwan nang makarating kami sa gitna.  Nabigyan kami ng espasyo dahil sa pagdating naming dalawa. Lahat sila ay nakay White na ang tingin, may iilan pang hawak ang kanilang mga cellphone at mukhang kinukunan na ng picture ang aking pinsan.  Inilabas ni White ang kanyang cellphone at itinutok sa akin.  Yumuko ako, pinaglaruan ang aking mga darili at nahihiya dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa amin. Nakatayo na ako sa gitna, nasa likuran ko naman ang malaking picture ni Aries na nakayuko sa akin at nakangiti. Nagmukha tuloy akong tinitingnan nito.  "Show me your face and look at me, Nana." narinig kong sabi nito. "N-Nahihiya ako!" bulong ko pero klaro iyong sinabi. Naglakad ulit si White patungo sa akin, naiiling. Kinuha niya sa akin iyong suot kong sling at isinabit sa kanyang gilid. My cute bag hung on his shoulder cutely. Medyo napahagikhik pa ako dahil masyado siyang manly para doon. "Don't hide your face on your hair and smile," sabi niya habang inaayos ang aking buhok. Isinabit niya iyon sa bawat gilid at kahit ang aking baba ay itinutulak niya pataas sa tuwing yumuyuko ako at nahuhulog ulit ang iilang hibla ng aking buhok. "N-Nahihiya talaga ako..." hinawakan ko ang kanyang braso, kumapit ako roon kaso inalis niya lang iyon saka ulit umatras. Akmang yuyuko na sana ako nang umangat na talaga ang kanyang kilay. "Nana," tawag niya kaya inilagay ko nalang sa aking likuran ang magkabila kong mga kamay at ngumiti ng tipid. Nasentro ang aking tingin kay White na seryoso akong kinukunan ng picture habang ang isang kamay ay nakabulsa at ang isang kamay naman ay hawak ang kanyang cellphone. He titled his head as he took some shots with a bored look. Rinig na rinig ko ang sunod sunod na pagclick niya.  "Napakasupportive naman ng kanyang boyfriend. Suot pa nito ang slingbag ng babae..."  "Ang cute rin noong babae," "Magkapatid siguro ang dalawang iyan."  "Ang gwapo noong lalake kahit mukhang napakasuplado."  "Modelo siguro iyang lalake?" Iyon ang naririnig ko sa mga nanonood sa amin. Kahit saan naman ata ilagay si White ay nakakakuha talaga siya ng atensyon. Pagkatapos niya akong picturan ay nagmamadali akong tumakbo sa kanya. Ipinakita niya naman sa akin iyong mga nakuha niyang pictures. "ID picture mo," sabi niya na ikinasimangot ko. Nakatayo lang ako roon, tipid na nakangiti at nasa likuran pa ang mga kamay.  "Ikaw kasi..."  "At least may souvenir ka," kibit-balikat niya na ikinangiti ko. Sabagay!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD