2

3068 Words
Binabasa ko iyong magazine kung saan nakafeature si Aries. Pauwi na kaming dalawa. Nasa front seat ako while siya naman iyong nagmamaneho. He's already 18 kaya pwede na. Ako turning 18 palang ako eh.  "Look oh, may concert siya next week. Sayang nga at naubusan ako ng ticket." Hindi ko naitago ang pagkalungkot sa aking boses. White's eyes settled on the road, walang imik. "Pangarap ko pa naman sana para at least man lang maging memorable ang summer ko since magkacollege na ako." Inilipat ko ang pahina at mas nalungkot nang makita ko roon ang nakasulat na sold out sa tickets niya. Iheheld iyon sa MOA.  "Tingin mo White, ano kayang feeling sa live na concert?"  "Malalaman mo rin yan."  "Paano?"  "Open the dashboard." sabi niya na ikinacurious ko. May tumatakbo sa aking ediya pero totoo ba?!  Lumunok ako ng laway at binuksan iyon. And there... "It's..." nilingon ko siya, nagugulat. "It's empty!" sabi ko na ikinangisi niya. "Wala pala diyan. Nandito." may dinukot siya sa kanyang bulsa at laking gulat ko nalang nang makita ang VIP ticket ng concert ni Aries.  "White!" sa sobra kong saya ay nayakap ko siya.  "f**k, I'm driving!"  Mabilis naman akong lumayo at kinompostora ang sarili. Naiiyak na ako at panay punas sa aking luhang pumapatak. That's a VIP ticket! "Ba't may ticket ka?! I thought you hate him!" pinunasan ko ang luhang tumulo na naman sa gilid, tuwang tuwa ako na kahit ang samo't saring emosyon ay humalo na na parang isang labahin sa loob ng washing machine.  "But you love him so..." ibinandera niya iyon sa aking mukha at ginalaw galaw. "Take it. I'll just wait you outside. Isa lang ang nabili ko dahil huling ticket narin iyan."  Mas lumakas ang aking iyak. This is my dream! Iyong makikita ko siya ulit! Matitigan siya ulit! Akala ko kasi next year pa ulit ako makakapunta at hindi pa ako sigurado kung makakabili ba ako pero hindi ko inaakalang makakapunta ako sa concert niya next week!  "Pag di mo 'to kinuha sa kamay ko at hindi ka tumigil sa kakaiyak ay itatapon ko ito sa labas ng bintana." Naiinip niyang sabi kaya mabilis ko agad iyong kinuha at sinikap na hindi na maiyak pa. I am just so happy I can'y control my emotion! Hindi ko alam kung paano papasalamatan ng husto si White dahil sa kanyang ginawa. Minsan nga naiisip ko, ni isa ay wala pa akong nagagawang malaki sa kanya. Iyong masasabi ko talagang napasaya ko siya. Para na kaming magkapatid at ako itong spoiled na bunso sa kanya. "Mommy oh! White bought me a ticket!" balita ko agad kay Mommy pagkauwi ko sa bahay. Nasa counter siya at naghahanda ng kung anong pagkain for our dinner tonight. "Is that your idol's concert?" namamangha niyang tanong na ikinatango ko agad.  "Wow! You must be very happy!" she tap my nose that made me giggled. "Opo Mommy. Tapos umiyak ako sa kotse ni White kasi akala ko talaga di na ako makakapunta."  "Aww honey... you need to have fun."  Ngumiti ako ng malaki, tumango habang ginagalaw galaw sa ilalim ng kinauupuan kong stool sa tapat ng counter. Mamayang 8pm pa ang dating ni Dad and I'm sure pag nalaman niya ang balita ko matutuwa rin siya. Hindi naman kasi ako demanding na anak. They're busy at ayokong mas magsikap sila sa pagtatrabaho at pagurin ang sarili nila dahil sa mga kapritso ko. I am already contented with the things I have. Si White lang talaga itong inispoil ako sa mga gusto ko dahil kabisado niya rin kasi ako. Kaya kahit hindi ko hingiin ay ibibigay niya dahil alam niyang gusto ko iyon. One time, he told me pag nagkaserious girlfriend na siya ay hindi ko na raw siya mapapakinabangan. Hindi niya na raw ako iispoil kaya habang wala pa, ako raw muna ang iispoil niya. I'm not sure kung magkakaserious girlfriend ba siya eh tingin niya lang naman sa lahat ng nakakalandian niya ay fling lamang. Tinulungan ko si Mommy sa paghahanda sa mesa. Ako iyong naglalagay ng plates habang inilalagay niya naman iyong mga naluto niya sa gitna. She's a housewife at isang maid lamang ang meron kami. She's helping my Mom with the chores. Kahit ako, minsan ay tumutulong rin. "Anong meron dito?" Dad suddenly showed up. Lumiwanag ang mukha ni Mommy at mabilis na nagtungo sa kanya. She hurriedly wrapped her arms around his neck while Daddy's arm snaked around her waist. Napangiti ako ng matamis sa kanilang dalawa.  "Late ka ng 1 minute." sumimangot si Mommy na ikinangisi naman ni Dad, unti unti ng nawawala ang mga mata. Hinalikan ni Dad ang ilong ni Mommy at mas ngumisi. "Sa sobrang excited kong umuwi nabangga ako sa pinto."  "Liar!"  Dad chuckled. Nakita ko pa kung paano bumaba ang kamay niya at napunta sa pang-upo ni Mommy. He squeezed her butt kaya nanlalaki ang mga mata kong nag-iwas ng tingin. Bakit kaya kailangan pang gawin ang bagay na iyan?  Hinayaan ko muna silang magkaquality time at saka lang ako nakasingit noong napansin na nila ang presensya ko. "How's my second girl?" tanong niya at kinurot ang aking pisngi. "White bought me a ticket, Dad. Remember my crush? Iyong sikat na singer?"  Tumango-tango siya pero nagsusulyapan silang dalawa ni Mommy. "Makakapunta po ako sa concert niya!" nagtatalon na ako at pumalakpak pa. "I'm going to see him!"  Sumimangot bigla si Daddy, si Mommy naman humalakhak. "Akala mo effective ang bedtime stories mo Jame Brancen? You can't isolate your daughter away from boys come on!"  "Love, she's just 17." nahimigan ko agad ang pag-aalala sa boses niya. "She's turning 17, chill." tumawa si Mommy. "Don't ruined her excitement."  Bumuntong ng hininga si Dad at napunta rin ang tingin sa akin. "Akala ko ba ako lang ang idolo mo? Nakakaselos yan ah." sabi niya sa nasasaktan na boses. "Daddy naman, you're far from this guy! Third lang po siya sa rankings ng important na lalake sa buhay ko."  "Third?" "Opo. Ikaw, si White tapos si Aries! yung ibang rankings ay sa mga remaining cousins ko na po." Humalakhak si Daddy at kinurot ang aking ilong.  "Susuportahan kita diyan sa pagpafangirl mo pero hanggang doon muna. Di pa ako handang ibigay ka sa iba." "Opo Dad! I am still your Daddy's girl!"  They both chuckled. Kaya habang kumakain, kinukwento ko sa kanila iyong mga hit na kanta ni Aries. Kung ano ang naging inspirasyon niya kung ba't natuto siyang magsulat ng kanta at kung kanino niya iniaalay iyong iba. "So you mean may 'the one that got away' si Aries? He's inlove?" tanong ni Mommy na ikinatango ko. "Yes po Mommy. Iyon po ang pagkakaintindi ko sa first hit song niya. Sabi niya po sa isang interview dedicated daw po iyon sa babaeng hindi siya mahal." Nagkatinginan sila ni Daddy. He's giving her a weird look na ikinaaangat ng kilay ni Mommy. Gusto ko ngang makisali kaso di naman ako marunong magtaas ng kilay. "Ibig sabihin brokenhearted siya?" tanong naman ni Mom na ikinatango ko. "Sayang nga po at di kami close. Icocomfort ko talaga si Aries. I'll hug him and thenㄧ "Marami siyang fans, Nana. Hayaan mo nalang iyong ibang fangirls niya na magcomfort sa kanya." si Dad  "Pero Daddy, isa rin po ako sa fangirl niya. Ang dami niya nga pong tagahanga pero iyong mga kanta niya ang sasakit po ng meaning. Parang di po siya masaya..."  Lahat ata ng kanta niya ay nagpaparinig sa mga taong nasaktan sa pag-ibig. Sa sobrang lungkot noon, maiiyak ka nalang pag pakikinggan iyon lalo na sa tag-ulan. Mararamdaman mo talaga iyong sakit sa bawat lyrics. Sobrang nasaktan ata siya sa ginawa noong babae sa kanya. Idagdag pa ang napakalamig niyang boses.  Hindi ko tuloy alam kung ba't nagawa siyang saktan noong babae. Bakit kaya may ganoon? Bakit may iba na nananakit ng damdamin? Di ba nila alam ang pakiramdam ng nasasaktan? Naniniwala kasi ako roon sa kasabihan na kung anong ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin sa iba. Pero bakit may nananakit kung ayaw naman nilang sinasaktan? Ang gulo gulo. It was a hot afternoon. Late akong nagising dahil sa kakapanood ng videos kaya kahit ang aking mga mata ay proud na binalandra sa akin iyong pinaghirapan ko kagabi. Pagkababa ko ng kwarto ay maingay na agad ang mga pinsan ko. They're here? "Tagal nating nagising ah? Akala mo naman may pinagpupuyatan." kantyaw sa akin ni Ken na ikinasimangot ko. "Meron naman talaga..." sabi ko  "Baka nga kahit iyong tunog ng utot ko mas maganda pa sa boses niyang Aries mo."  Sumimangot ako dahil sa napakalakas na halakhak ni Ken.  Nag-iwas nalang ako ng tingin pagkatapos kong nakita ang pagsapak ni White sa kanya noong controller kaya natigil siya sa kakaasar sa sa akin. Silang dalawa lamang ang nandito. Iyong iba ata ay nasa clubhouse na naman. I'm sure nagbabasketball sila. "Sasama ba iyang si Nana sa atin sa clubhouse?" narinig kong tanong ni Ken nang pumasok ako sa kusina. "Anong gusto mo iwanan?" sagot ni White. "Pwede rin! Ikulong nalang iyan dito total busy na iyan sa kakafangirl."  "Mas magkakaroon iyan ng sarili niyang mundo kung mag-isa lang siya." Umupo na ako at nagsimulang kumain. Tumatakbo ang utak ko sa papalapit na concert ni Aries. Ano na kayang hitsura niya sa lumipas na taon? Magkakaroon ba ako ng tsansang makapagpapicture sa kanya?  Pagkatapos kong kumain ay naligo agad ako at nagsuot ng pambahay para sumama sa kanila roon sa clubhouse. Nasa may bleachers ang mga babae habang ang mga pinsan ko ay naglalaro na ng basketball.  "Ang tagal naman ni Trey. Toshi itext mo kung nasaan na." utos ni Kuya Grey kay Toshi na wala ng sinabi at nasa cellphone agad ang atensyon. Umupo ako sa bleachers. Kahit hindi pa nagsisimula ang laro ay todo na sa pagchicheer si Chey kay Kuya Grey. Kaya siguro nakikipagsabayan rin si Kuya sa mainit na panahon.  "I heard White bought you a VIP ticket." sabi sa akin ni Zera na nakataas pa ang kilay. Napapagitnaan ako nila ni Daphne rito sa bleachers habang sa gilid naman ni Zera ay si Elle. Nasa likuran naman namin ang magpipinsang Fortalejo. Cassey is busy with her phone. Tumango ako sa kanya.  "That guy is nonsense, Nana. You're wasting your time and money." giit niya. "Wala namang masama sa pagpafangirl, Zera."  "I support you, Nana. Mas okay na iyan kaysa iyong marami kang lalake." sabi sa akin ni Cassey kaya tiningala ko agad ito sa itaas na pasimple pang tiningnan ng makahulugan si Zera. Awtomatiko namang tumaas ang kilay nito nang tiningala niya rin ito. "Oh, you mean kaysa iyong katulad sa'yo?" "It's called admirers Zera."  "Admirers? It's called leftovers, Cassey. Kung hindi lang mahigpit sa akin ang mga pinsan ko, wala kang admirers ngayon. They're my leftovers." my cousin said bluntly. Cassey's face darkened. "Minsan talaga ang sarap suntukin niyang bunganga mo." Zera rolled her eyes. "Whatever. You're still ugly." Mas gumuhit ang galit sa mukha ni Cassey, kung hindi lang kinuha ng iilang boses ang aming atensyon ay hindi malilihis ang aming tingin. Si Irah agad ang napansin ko. Kung si Shanaia ay cold ang mukha at walang mababasang ekspresyon, siya naman iyong cold at makikita mo ang galit at the same time. Franca is beside her, mukhang nahihiya pa. Napangiti agad ako ng matamis at kumaway. "Irah! Franca!" napatayo ako at naisigaw na iyon kaya kahit iyong mga kasama nila ay napatingin narin sa akin. Doon ko lang napagtanto na may kasama silang tatlong lalake. Isa sa pares ng mga mata roon ay may pagkakatulad kay White, malamig at misteryoso. Nahihiya akong umupo ulit at nailagay ang mga kamay sa aking hita, kinukuyom na iyon. "That's North and South di'ba? Iyong kambal na anak ni Tito Uno?" narinig kong sabi ni Elle. Tanging tango lang ang nagawa ni Zera at may tinititigan na.  Umakyat si Irah sa itaas namin kung nasaan ang mga Fortalejo habang si Franca naman ay tumabi kay Daphne.  "Ba't nandito ang mga pinsan mo, Franca?" tanong agad ni Daph.  "Dito na sila magkacollege." sagot niya. "Dito na sila titira?" tanong ko naman na ikinatango niya. Ang alam ko kasi, sa bukid sila naninirahan.  "Mas convenient rin naman kasi dito ang college school." komento ni Cassey sa itaas. Naggugrupo-grupo na iyong mga lalake. Mabilis mong makikilala ang kambal dahil bukod sa hindi sila magkamukha, naiiba rin ang kanilang ugali sa isa't isa. Iyong isa ay palangisi at iyong isa naman ay walang kaekspre-ekspresyon ang mukha.  Naging tahimik kaming mga babae sa panonood sa kanila. White is good at playing basketball. Pero noong maagaw sa kanya ang bola ay ganoon nalang ang pagkagulat ko. Napatayo pa ako. "Inagaw niya sa pinsan ko ang bola!" Naituro ko iyong pinsan ni Franca.  "Umupo ka ignorante. Di lang si White ang magaling maglaro ng basketball." awat sa akin ni Zera at hinila pa ako paupo.  "Magaling rin maglaro ng basketball si South, Nana." sabi sa akin ni Franca na ikinamangha ko lalo na't kasabay noon ang pagkaka 3point shot nito nang walang kahirap hirap. "Sharp shooter rin siguro yan..." narinig kong sabi ni Cassey sa itaas. Hindi ko iyon gaanong naiintindihan at napapatitig nalang sa laro. Mahigpit agad ang laro 1st quarter palang. May pustahan rin kasi silang mga lalake kaya siguro seryoso sila pagdating sa paglalaro.  "Matutunaw na." Hinilamos bigla ni Kuya Hiro iyong mukha ni Zera na mabilis ring sumimangot. "Go away, ogre." Itinulak siya ni Zera paalis. Tumayo naman ako at nagtungo agad kay White para ibigay iyong dala kong towel niya. Kasama niya iyong dalawang kambal na napatingin sa akin kaya hinila ako ni White sa kanyang gilid.  "Hold my phone for awhile." Ibinigay niya sa akin iyong phone niya. Tumango ako at akma na iyong bubuksan nang pinitik niya ang aking noo. "H'wag mong pakialaman ang mga messages kung ayaw mong may mabasang kakaiba."  Natawa iyong si North ata. Namula naman ang aking pisngi nang maalala ko iyong kabataan ko. Iyong aksidente kong nabasa ang isa sa mga text noong babae niya. That's embarassing! "Pinsan ko nga di nakakahawak sa cellphone ko. That's privacy." sabi ni North. "She's one of my privacies anyway." kibit-balikat ni White at napunta ang tingin sa kakambal nito na hindi ko na magawang tingnan kung ba't masyadong tahimik ito. "Nagpaparinig." sumipol si North at ngumisi. "Off limits." "Bumalik kana sa bleachers Nana." sabi ni White na ikinatango ko agad. Lalo na't nahihiya narin ako sa malalim na paninitig noong kambal ni North.   Imbes manood ng laro ay nagdesisyon akong maglaro nalang ng games roon sa cellphone ng aking pinsan pagkaupo ko sa bleachers. Kinakabahan kasi ako sa laro nila.  "Ang galing ni South!" sigaw na ni Cassey kaya hindi ko na nakayanang hindi makiusyoso. Saktong pag-angat ko ng tingin ay naagaw rin iyon ni White sabay shoot sa kinatatayuan niya. Point guard si White kaya ganoon nalang ang tira niya, hindi pumapalya. "Loko ka Blue! Kakampi mo na ang hinaharangan mo!" inis na sabi ni Hiro.  "Akala ko kalaban kita." sagot naman ni Blue. "Itong si Grey matalino at matangkad lang talaga pero pagdating sa paglalaro di napapakinabangan!" hirit naman ni Ken.  "f**k you! Eh ikaw itong puro agaw sa bola pero di naman nakakashoot." malutong na sabi ni Kuya Grey na ikinahalakhak ni Ken.  "Delikado pag pumasok. Baka magbunga!"  "Shut up gayshit." Pinalo ni Kuya Grey ang dibdib niya na ikinaatras nito pero mas humalakhak. "Ako walang dumedepensa akin pero di niyo naman ako pinapasahan ng bola." sabi ni Red sa dalawa na nagbabangayan. "Malamang kalaban ka namin, siraulo!" Ken laughed even more. Nakita ko ang pagsulyap sandali ni Kuya Toshi rito sa bleachers pero binawi rin agad. Hinihingal at pawisan na ang iba sa kanila. Si Trey parang may pinagkalaabalahan sa cellphone nito habang si White naman ay nasa dulo, tahimik lang. Ganoon rin iyong isa pang Buenaventura. Siguro kung hindi ko alam na kambal sila ni North, mas iisipin ko na sila ang kambal ni White. Hindi nalalayo ang kanilang ugali sa isa't isa. Sa ekspresyon palang ng mukha ay may pagkakatulad na. Irah stood up, kahit kami ay natangay ang mga mata sa kanya. "Hey brat, where do you think you're going?" naghalfjog agad si North nang napagtantong aalis si Irah. He's wet at umaagos iyon pababa. "May date ako," malakas na sabi ni Irah, sapat lamang na marinig naming lahat rito. Tumigil sa paglalaro si Kuya Toshi at bumaling sa kanya kaya kahit iyong kambal ni North ay natigil narin. "Date?" North chuckled, "May pumapatol parin sa'yo?" Sa inis ni Irah, sinuntok niya iyong dibdib ng pinsan niya na imbes masaktan ito, si Irah pa ang napadaing at naigalaw galaw ang kamay. "You're not going anywhere. Balik doon." Sumenyas si North kaso umirap lang ito at naglakad paalis.  "Irah," malamig ng tawag ni South sa kanya sanhi para tumigil ito. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at naiinis na bumalik sa bleacher.  "Monkeys!" sigaw niya sa sobrang inis at halos ibaon ang pwet sa upuan. Nailing ang iilan kong pinsan.  "Girls are really pain in the ass. Buti si Elle mukhang hindi babae." asar ni Blue na ikinahalakhak ng kambal niya. "You don't have a p***y, Elle?" tanong ni Cassey na ikinabulabog nilang mga lalake.  "Of course meron! Weird sila!" namumulang sabi ni Elle. "Girls and their dirty mouths," nailing si White na awtomatiko namang ikinataas ng kilay ni Cassey. "Don't compare my mouth with your girls who blows you."  Kitang kita ko ang paglingon ni White kay Cassey, madilim ang kanyang ekspresyon maliban sa iba na tumatawa, sumisipol at kinakantyaw na ito. "Anong klaseng ihip ba iyang sa'yo White? Tuwing birthday mo ba iyan pinapagawa? May umiihip na iba sa kandila mo?" natatawang sabi ni Ken "Man, stop it." natatawang si Trey rin. "Akala ko si Hiro itong kamahalan pero pati rin pala si White kailangan luhuran!" di maawat na sabi ni Ken. "Gago!" Hiro tried to threw the ball at him kaso mabilis iyong nahuli ni South at dinribble dribble. Naroon ang buo niyang atensyon. "Akala ko si Irah lang ang may matabil na dila. Normal pala talaga sa mga babae," nailing na si North at hindi mabura bura ang ngisi. Zera is just silent at ipinagpapasalamat ko ang bagay na iyon. May mga araw talaga na behave siya, tahimik at nagiging kaugali ko. Hindi ko alam kung bakit pero naweweirduhan ako kasi hindi niya naman normal ang ganyan.  Noong binalingan ko siya ay pagtataas lamang ng kilay ang natanggap ko. "Don't read me. I'm not as weird as you." depensa niya agad kaya nag-iwas nalang ako ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD