Fangirling
"Ba't mo yan tinititigan?" tumaas agad ang kilay ng aking pinsan nang mapansin ang hawak kong magazine.
Mabilis ko iyong itinago sa aking likod, umiling.
"Wala," sabi ko sa mahinang boses na mas ikinataas lalo ng kanyang kilay. Wearing her cute GUCCI dress paired with flats, she just turned her back at me.
Napabuntong ako ng hininga. Pero bago ko pa man ilabas ulit iyong magazine sa aking likuran ay naagaw na iyon ng kung sino. My eyes widened when her voice filled the place.
"Nana is hiding something, Wayt oh! Tinititigan niya itong cover ng magazine! She's even drooling! Yuck!"
Nagsilingon ang mga pinsan naming lalake sa amin dito sa likuran. Wala ang iba dito at nasa clubhouse ata. Summer na kaya kanya kanya na naman silang may pinagkakaabalahan. Maybe they're swimming...
Mabilis ko iyong inagaw kay Zera kaso imbes na ibigay sa akin ay itinaas niya lang ang kanyang kamay at tumakbo na. She's always like this. Kahit pinsan niya ako ay napakabully niya rin sa akin.
"Give it back, Zera!" I pleaded as I followed her running like crazy. Pa zigzag iyong pagtakbo niya at parang gusto akong ligawin.
"May crush ka rin pala ha! Look! Look! She's fantasizing this guy!" she showed it to my other cousins. Nahinto ako sa paglapit roon at natigil sa aking kinatatayuan, kinakabahan na. I am not sure kung magagalit ba sila o matutuwa kasi ganyang klaseng tao ang nagugustuhan ko.
"Patingin nga anong hitsura," sabi ni Ken na tumayo na sumilip na sa magazine na hawak ni Zera. Ang iilan ko pang pinsang lalake na naroroon rin ay nag-uusisa na. My heartbeats went crazy as their eyes settled on the magazine. Natigil ang paglalaro ng tatlo sa video game dahil sa pagharang ni Zera sa mismong harapan nila para lamang ibalandra iyon.
Nilingon ako sandali ni Wayt dito sa likod ng kinauupuan nilang sofa, yumuko ako at nakagat ang pang-ibabang labi habang nasa mga kamay ko ang aking tingin at pinaglalaruan iyon.
"Tss, pakialamera." Inagaw iyon ni Wayt sa kanya. Ngayon ay nakatayo na sa kanyang harapan.
"Hey!" Zera tried to reached it kaso imbes na makuha niya ay hinawakan lang ni Wayt ang kanyang noo at itinulak siya lalo, hawak hawak niya iyon roon si Zera para pigilan itong makalapit sa kanya ng husto.
"Patingin nga! Ano bang type nitong si Nana eh hindi naman iyan mahilig sa lalake!" Humalakhak si Ken at kukunin na sana ang magazine kaso tinampal lang iyon ni Wayt sa kanyang noo. Napabalik siya sa pagkakaupo sa sofa hawak hawak ang kanyang noo at nakangiwi na.
"Hindi sa inyo ang gamit papakialaman niyo." pangaral niya sa dalawa.
"Sino iyan, Nana?" seryosong tanong sa akin ni Hiro.
"Kuya he's a famous celebrity! Si Nana nagkakacrush ata doon!" sumbong ni Zera. "Nabasa ko Sebastian ang huling pangalan!"
Di ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang pagdaldal ni Zera dahil sa imahe ni Wayt na naglalakad na sa akin palapit. Ang isang kamay ay nakabulsa at ang isa ay hawak ang magazine, walang ekspresyon ang mukha.
Inilahad niya iyon sa akin. Tinanggap ko iyon at ngumiti ng tipid.
"Di ko sinasadya. Sorry..." yumuko ako.
"Next time watch him secretly. Or only when you're with me."
Tumango agad ako, napangiti ng matamis kay Wayt.
"You know him, man?" si Ken na nang-uusisa na, sinulyapan ako sandali doon sa kinauupuan niyang sofa saka ibinalik kay Wayt na pabalik na roon.
"Hindi,"
"Imposible. Lahat naman alam mo tungkol kay Nana ah?"
"H'wag kang tsismoso." sinapak ni Wayt ang dibdib niya nang umupo siyang muli sa tabi nito at hawak na ang controller.
Umismid si Zera, nakahalukipkip na.
"Pag ako nilalagas niyo agad ang mga crush ko! Pero pag si Nana!"
"We're playing Damonisse, tabi diyan." Tumagilid si Hiro para lang masilip iyong natatakpan ng imahe ng kanyang kapatid.
"Unfair!" sigaw niya at tumakbo na palabas ng bahay. Baka ay pupuntahan na naman si Elle.
Napabuntong ako ng hininga at ibinalik ang tingin sa hawak kong magazine. Napangiti ako nang hindi man lang ako nagsasawang titigan ang hitsura niya rito. Simula noong bata pa ako, kabisado ko na ang mga mata niya, kung paano ko nakayang titigan ang mata ng isang lalakeng akala ko ay hindi ko kaya. Ipinagpapasalamat ko sa kanya ang araw na iyon dahil unti-unti ko ng nakakayang labanan ang aking takot sa mga lalake.
That guy I met years ago was a famous singer now. Bago pa lang ito sa industriya at mukhang nadiscover kaya mas sumikat ito. Naging laman siya ng iilang magazines at sikat rin na song writer. Ganoon siya ka passionate sa kanyang ginagawa na kahit ako, hindi narin maiwasang maging isa sa milyon-milyon niyang tagahanga. At a young age, nakakapagsabayan na siya sa mga magagaling na sikat na singer.
Tapos na silang maglaro ng video games pero ako, heto sa iPad at nakikinig sa isa niyang gawang kanta. He has this cold and soothing voice. Iyong malalim ngunit malamig. Na kahit pumikit ka ay mahuhulog ka parin sa kanya.
Kung hindi lang talaga iyon kinuha ni Wayt sa akin ay hindi ako matitigil.
Ngumuso ako nang inoff niya agad iyon.
"Puro kana gadgets ah? Di kana naaarawan."
"Summer naman..." paliwanag ko.
"Uubusin mo ang summer mo kakapanood diyan sa idolo mong abnoy?" Iyan talaga ang paborito niyang pang-asar kay Aries!
Mabilis akong tumayo at sinimangutan siya. "He's not! Passionate siya sa kanyang ginagawa kaya siya pumipikit pag kumakanta!"
"Edi pwede rin pala akong sumikat?"
"Iba naman iyang sa'yo Wayt. You're just sleeping!"
Pinitik niya ang aking noo at hinila narin palabas ng bahay. Alam niya iyong tungkol kay Aries Sebastian pero hindi niya alam na siya iyong lalakeng nakita ko noon. Aries is 3 years older than me. Bale kaedad na ata nila Kuya Toshi.
"What if magkita kami 'no?" sabi ko habang naglalakad na kami papuntang clubhouse. Doon madalas ang tambayan ng aking mga pinsan.
"Nandiyan na naman iyang matataas na pangarap ng isang fangirl."
"Kasi nga I really admire him! I want to see him singing in live! Gusto ko rin makikanta! Siguro nakakatuwa iyong ganoon!" My excitement conquered me. Nagtitiptoe na ako sa paglalakad, nasa likuran ang mga kamay. My dress was swaying as I moved. Na kahit ang buhok kong magaan ay nabibitin rin sa ere at babagsak rin kasabay ng aking galaw.
"And then I'll scream his name! Tapos manonotice niya ako!" I chuckled inspite of his dagger look.
"Nangangarap lang naman ako!" pahabol ko agad dahil hindi na mahitsura ang kanyang ekspresyon.
"Nangangarap ka nang mag-isa. Asan na ako diyan?" Tumaas ang kanyang kilay kaya tumawa ako.
"You're not his fan! At mabobored ka lang sa concert!"
I can imagine him beside me, nakahalukipkip, bagot na bagot at nakabusangot.
"You're not going to meet him anyway," kibit-balikat niya na ikinasimangot ko agad. Ayan na naman iyang mga linyahan niya! Kaya niya ako pinapayagang magfangirl kasi alam niyang imposible ko naman daw iyang maabot. Imposible daw ako niyang mapansin. He's my first crush! And I owe him one! Kung hindi dahil sa kanya, baka nagpapanic parin ako until now.
My cousins are very overprotective when it comes to us. Si Zera nga, lahat ng crush nito ay napatumba na ata ng mga pinsan ko. Tinuturuan nila ito ng leksyon para di na lumapit sa pinsan ko. Paanong di rin siya lalapitan eh siya itong lapit ng lapit.
"May crush ka raw?" salubong agad sa akin ni Elle nang makarating kami sa clubhouse. Namula ang aking pisngi lalo na't halos lahat ng aking pinsan ay nasa akin na ang tingin.
Sinundan ko sandali ng tingin si Wayt na nasa court na kung nasaan ang mga lalake kong pinsan. Ipinasa sa kanya ni Kuya Grey ang bola kaya sinimulan niya agad iyong idribble.
Nabitin naman sa ere ang aking bibig. Sasagot ng oo o hindi nalang. Fangirl lang naman ako katulad nga ng tawag sa akin ni Wayt. Hindi katulad ng mga gusto nilang pwede lang naman nilang lapitan kung gugustuhin talaga, ako kahit gusto kong lapitin ay imposible ata.
"Tao na si Nana!" halakhak ni Ken sa suot niyang jersey. Kung hindi lang siya binato ni Wayt ng bola ay hindi siya matitigil.
"Mabo-brokenhearted siya. She's having a crush with someone she can't have. Poor girl." inilingan ako ni Zera.
"Magkatulad lang naman kayo ah? Bakit Zera, tingin mo mapapasa'yo rin iyong gusto mo?" sagot ni Wayt sa kanya na ikinaguhit ng pagkakaasar sa kanyang mukha.
"Watch and see! Baka bukas magulat nalang kayo buntis na ako!" sigaw niya na ikinatalim ng tingin sa kanya ng lahat kong pinsang lalake unlike kay Ken na humalakhak lamang. Busy narin kasi si Red at Blue sa pagpapasahan ng bola.
"Ba't sa lahat ng magiging first crush mo iyang imposible mo pang maabot." sabi sa akin ni Elle.
"Di ko naman sinabing aabutin ko ah?" sagot ko sa kanila.
What I said is true. Hindi ko rin naman kasi naikwento ang dahilan kung ba't nalabanan ko ang takot ko. Akala lang nila ay nasanay lang ako at naging parte lamang iyon ng kabataan ko dahil marami rin namang nakapaligid na lalake sa akin. Hindi ko lang talaga mabitiwan ang araw na iyon. I am just hooked up with the memories... I'm hooked with the past because his eyes taught me how to deal with my weakness... na wala naman talaga akong dapat ikatakot dahil katulad ng mga mata niya, maganda iyon at nakakaakit titigan.
It was sunday.
Nilagay ko lahat ng nakita kong may mukha niya sa tulak tulak na cart ni Wayt. Nagkakasalubong ang kanyang kilay habang pinapanood ako sa aking ginagawa. Bawat gamit na makita kong may mukha ni Aries at konektado sa kanya ay deritso dampot na at hulog sa cart.
Nakuha niya na iyong sweldo niya sa pagtatrabaho sa kanilang Restaurant kaya nililibre niya na ako ng mga merchandise since may mga albums na ako ni Aries. He bought me last month.
"Magkakasya pa ba iyan sa kwarto mo?" tanong niya.
Tumango ako at dinampot iyong baso na may mukha ni Aries.
"Kung hindi na magkasya, siguro itatambak ko nalang iyong mga teddybears ko."
Umangat ang kanyang kilay. "Itatapon mo ang mga binigay ko dahil lang sa abnoy na iyan?"
"Hindi naman sa ganoon! Ang rami mo kayang bigay sa akin! Bale itatago ko nalang muna..."
"Sa bodega?"
Humagikhik ako habang tumatango. "Gigilitan ko ng leeg iyang idolo mo."
"Hoy wag! Kawawa si Aries!"
Umismid siya at nag-iwas ng tingin sa akin.
"Dami mo palang kauri dito." Pinasadahan niya ng tingin iyong mga babaeng kinikilig at nangingisay sa hawak na merch. Gusto kong ganoon rin magreact, magtatalon sa saya, kaso mas mabuting ireserve ko nalang ang ganoon sa concert ni Aries. At hindi naman ako ganoon eh. Nahihiya akong kiligin sa harap ni Wayt...
"Marami siyang tagahanga eh," komento ko at natuon ang tingin sa malaking unan. Itinuro ko iyon at nginitian si Wayt na ikinatango niya lang.
"Ang gwapo naman nitong fanboy ni Aries." narinig kong sabi noong isang babae na ikinatuon ng tingin sa kanya ni Wayt.
"Di ako fanboy ng abnoy na iyan." sabi niya na ikinatingin ng lahat ng mga babaeng namimili ng merch. Nahihiya akong ngumiti sa iilan at mabilis na itinulak si Wayt papunta sa kabilang pasilyo.
"Magagalit sila sa'yo pag inaway mo si Aries..." pangaral ko na ikina 'tss' niya lang. Nakukuha niya ata lahat ng atensyon ng mga babae rito kaya ang dami ring pinag-uusapan kami.
"Nakakainggit naman iyong isa oh... palibhasa may boyfriend kaya ang daming nabibili na merch."
"Oo nga eh. Tayo wala na ngang pera, wala pang jowa."
"At higit sa lahat, walang ganda."
Nilingon ko iyong dalawang babae na kaedad ko lamang ata. Nagulat pa sila sa aking paglingon. Nahihiya ko silang nilapitan.
"Fangirl rin ba kayo ni Aries?" tanong ko.
Namamangha silang tumango na ikinaliwanag ng aking mukha.
"Ako rin eh! Uhm, ako nalang ang bibili ng merchandise na gusto niyo. Nilibre ako ng pinsan ko kaya ililibre ko nalang rin kayo..."
Mas nagulat ang kanilang mukha. Nilingon ko naman si Wayt na tinutulak na ang cart at nasa aming gilid na.
"N-Nako nakakahiya naman Mis..." sabi noong isa na ikinailing ko.
"Natutuwa lang ako kasi sa aming magpipinsan, ako lang iyong fangirl. Kaya nakakatuwa iyong may katulad ko rin pala."
"At least may supportive kang boyfriend," binalingan nila si Wayt. Pansin na pansin kung paano namula ang kanilang pisngi nang itinuon rin ni Wayt ang tingin sa kanila.
"Uy hindi! Pinsan ko lang siya!" Umiling-iling ako at naggegesture na. Nanlalaki ang kanilang mga mata at parang nadismaya.
"Sayang naman... bagay sana..." bulong noong isa na hindi ko na masyadong pinansin.
"Tapos na?" tanong ni Wayt na ikinatango ko agad. Kinuha ko pa iyong hawak ng dalawa na merch at isinama sa aking pinamili.
Hindi ko na alam kung saang parte sila kinikilig, kung sa mga merch pa ba o kay Wayt. Hindi na kasi nila maalis iyong tingin sa aking pinsan.
"Salamat ha! Sobra sobra! Wala kasi kaming pambili ng ganito kamamahal na merchandise ni Aries kaya hanggang tingin lang kami. Salamat!" sabi noong babae na may suot na cute na hairpin pagkatapos kong ibigay sa kanila ang nabayaran ng mga merch.
Ngumiti ako. "Suportahan niyo lang lalo si Aries ha. Wag kayong tumigil sa pagsuporta sa kanya."
Binalingan nila sandali si Wayt na hawak iyong mga paperbag na merch ko saka sila namumulang bumaling sa akin. Tumango-tango sila at pinaliguan ulit ako ng pasasalamat. Kaya noong kumain kami ni Wayt, iyon ang naging topic naming dalawa.
"Sa sobra mong bait, minsan nakakatakot kana." sabi niya sa akin.
"Bakit naman?"
"Naaabuso ang mababait, Nana."
"Pero may maibibigay naman talaga ako kaya ibinigay ko. Kasi kung wala akong maibibigay Wayt, wala rin akong ibibigay."
Turo rin kasi iyon ni Daddy sa akin. Kung alam mong kaya mo namang magbigay, ba't hindi mo iyon ibigay sa mga taong hindi iyon kayang bilhin? At isa pa, wala naman akong nakikitang masama roon. Natutuwa lang talaga ako kasi parehas kaming fangirl.
Umiling siya. "Kung si Zera ang kasama mo baka napaaway na kayong dalawa."
Oo nga naman. I'm sure magagalit si Zera sa akin dahil sa pakikipag-usap sa mga hindi ko naman kilala.
Naalala ko iyong usapan ng dalawa kaya natawa ako. Sandali namang nabitin sa ere ang pagsubo niya ng fries at nakaangat na ang kilay.
"Naalala ko lang iyong napagkamalan na naman tayong magcouple." sabi ko. Madalas kasi talaga iyong mangyari lalo na pag hindi kami kilala. Para kaming kambal tuko na hindi mapaghiwalay. Kung nasaan ako, nandoon si Wayt.
"If we're not blood-related then I don't mind having you my girlfriend." he said nonchalant while chewing his food.
Siguro, kung katulad lang rin ni Wayt ang magiging boyfriend ko ay hindi ako matatakot. Sinasabi ng lahat ng babae sa school masama daw ang ugali ni Wayt pero para sa akin hindi naman. Kahit si Cassey, na lider na ata noong mga haters ni Wayt ay sinasabi ring mas masama pa kay Satanas iyang si Wayt at ninuno daw ang mga dyablo kaya ganoon nalang kung magsuplado. Pero para sa akin, si Wayt ang pinakamabait sa aking mga pinsan kahit na hindi siya madalas ngumiti.
Ngumuso ako. "Ayoko magkaboyfriend..."
"Dadating ang araw, mag-aasawa ka."
Natakot ako bigla sa salitang iyon. Kaya ko bang maging katulad ni Mommy? I admire her so much. The way she carries herself! Iyong napapatulala niya si Dad sa kanya. Sa pagkakaalam ko, both naughty daw parents ko noong teenagers pa sila. At naririnig ko na si Daddy daw pinakaseductive.
"Sabi ni Mommy sa'kin pag college na daw ako pwede na daw akong magkaboyfriend. Pwede na daw ako magboys." sabi ko.
"I know. You'll be free when you're already college." Nasira ang ekspresyon ni Wayt roon. Tila hindi iyon magandang ediya para sa kanya. Pero hindi rin naman kasi pwedeng nakaasa ako palagi kay Wayt! Dapat maging independent na ako pag tungtong ko ng koleheyo.
"Pero si Aries naman ang gusto ko ngayon. Paano na iyan? Edi hindi na ako magkakaasawa?!" nagugulat kong tanong.
"Enough with the fangirling. This is reality." Pinitik niya ang aking noo. Sandali akong pumikit pero noong dumilat ay hindi ko rin siya tinantanan.
"Diba dapat pag boyfriend mo, iyong gusto mo talaga. Paano na iyan. Edi di na ako magkakaboyfriend?" I asked curiously.
"I doubt it. Kung wala ako palagi sa tabi mo, baka marami naring pumipila sa'yo."
Is that even true? Eh sa school nga ni isa ay wala naman akong naririnig na may nagkakacrush sa akin. Siguro dahil ako iyong napakaout of this world sa aming mga magpipinsan na babae. Di ako nagmimake-up, masyadong mahinhin, mahiyain, tahimik at naiignorante sa mga bagay bagay. Sino bang lalake ang magkakagusto sa akin? Eh ang mga gusto naman nila ay katulad ni Zera o kaya ni Cassey 'tsaka ni Irah. Sila iyong super popular eh.
"Okay lang naman kung wala akong boyfriend..." Humilig ako sa mesa at bumuntong ng hininga.
"If you want to have a decent boyfriend then find someone like me." sabi niya at sinubuan ako ng fries.
Sumimangot ako. "But Cassey told me you're an asshole."
Nasira agad ang kanyang ekspresyon. "A guy who will treat you better, Nana. Iyon ang ibig kong sabihin."
Oh... right!
Alam ko namang wala akong ediya sa mga bagay bagay. Alam kong hindi ako katulad ng mga pinsan ko na openminded sa lahat. Wala akong alam sa pag-ibig o kung ano ano pang sangay ng salitang iyan. Ang alam ko lang ay crush ko ngayon si Aries. Na gusto ko siya dahil humahanga ako sa kanya.