CHAPTER 7

2152 Words
Kanina ko pa pinagmamasdan ang kilos ng lalaking manyak na naghatid sa akin sa bahay. Kahit na nakumbinsi niya akong sumakay sa kotse niya, wala pa rin akong tiwala sa kanya. Isa rin siya sa mga lalaking gusto akong halikan. “Tulog ka na ba?” tanong niya. “Oo, tulog na ako,” sagot ko. Nakapikit ako pero ang isang mata ko ay pasimpleng nakatingin sa kanya. “Hindi ko alam na baliw ka pala.” Tuluyan kong iminulat ang mga mata ko. “Hindi ako baliw.” “Okay."” “Hoy, Manyak Boy, bakit ka nandoon sa club? Siguro naghahanap ka ng bayarang babae?” “Sinama lang ako ng pinsan ko.” ‘Sus! Kunwari ka pa. Ganyan talaga ang mga lalaki—mahilig sa chukchakan.” “Ano ‘yon?” “Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng chukchakan? Ibig sabihin niyon, makikipag-s*x ka sa mga babae na gusto mo. Pagkatapos, babayaran mo sila.” “Oh, I see.” “Huwag mong sabihing hindi mo alam?” “Hindi naman ako nagbabayad sa babae. Libre nilang binibigay ang sarili nila sa akin.” Napangiwi ako. “Yuck!” “Kapag gusto mo ang isang tao, hindi ka madidiri.” “Hindi naman ako bayarang babae.” “Hindi naman bayarang babae ang tinutukoy ko. Hindi ako pumapatol sa ganoong klaseng babae. “Weh?” “You don’t believe me?” “Oo, hindi ako naniniwala.” “Okay, it’s all up to you.” Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Ang sarap sanang matulog dahil malamig at nakakaantok ang musika, pero hindi ako makatulog dahil kasama ko si Manyak Boy. “Halley! Gumising ka!” Narinig ko ang boses ni Manyak Boy kaya dinilat ko ang mga mata ko. “Putek! Nakaidlip ako.” Kinabahan ako nang mapansin kong hindi ko alam kung saan kami ngayon. “Saan mo ako dinala?!” sigaw ko sa galit. “Relax, wala akong gagawing masama sa ’yo. Dumaan tayo sa isang bukas na fast food chain. Kanina ko pa naririnig na tumutunog ang tiyan mo.” Napahawak ako sa tiyan ko. Kanina pa nga akong gutom, pero hindi ko alam na tutunog ito kahit tulog ako. “Iuwi mo na ako. Sa bahay na lang ako kakain.” “Nandito na tayo. Kumain muna tayo bago kita ihatid.” Matalim ko siyang tinitigan. “Hindi pa rin ako naniniwala sa ’yo.” Huminga siya nang malalim. “Kung ayaw mong kumain, hintayin mo na lang ako rito.” Binuksan niya ang pinto ng kotse para lumabas, pero bago pa siya makalayo, lumabas na rin ako. “Teka, sasama ako. Baka makakita ako dito ng multo,” alibi ko. Gusto ko ring kumain, lalo na’t libre. “Sasama ka rin pala.” “Libre ba ’yan?” tanong ko. Gusto ko lang masiguradong libre. Tumango siya. “Wala ka namang pambayad.” “Wala na akong pera.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Tara na!” “Uy, teka!” Pumasok kami sa loob ng fast food chain. Si Manyak Boy ang pumili ng pagkain namin. Naghihintay lang ako sa mesa. “Nakakagutom ang amoy,” bulong ko. Buti na lang at wala gaanong tao. Siguro sa umaga, mahaba ang pila dito. Ito kasi ang paboritong fast food ng mga katulad naming mahihirap. Bukod sa masarap ang fried chicken at burger, abot-kaya pa. Inayos ko ang upo ko habang papalapit si Manyak Boy. "Guwapo naman talaga siya, pero wala akong tiwala sa kanya." “Ito na ang pagkain natin,” sabi niya, nilapag ang mga pagkain sa mesa. “Umorder ako ng hot chocolate para sa ’yo.” “Thank you.” Sinimulan ko nang kumain. Hindi na ako nagpakipot pa dahil libre ito, kaya kakain ako nang marami. Habang kumakain, napansin kong nakatitig si Manyak Boy sa akin. “Bakit nakatingin ka sa akin? Siguro may nilagay kang pampatulog sa pagkain ko?” “Tsk! Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala sa akin? Kung may masama akong balak, hindi sana kita ginising kanina.” Umiwas ako ng tingin sa kanya. “May punto ka naman.” “Bakit hindi mo tanggapin ang alok ko para hindi ka nahihirapan?” “Ayoko, hindi ko pa nga naranasan na magkaroon ng boyfriend." “Wala kang boyfriend noong nag-aaral ka?” Umiling ako. “May manliligaw ako, pero ayoko sa kanila. Ang priority ko kasi ay makatapos ng pag-aaral. Hindi ko naman alam na pag nakatapos ng college, pahirapan pala ang paghanap ng trabaho.” “Then be my wife.” Kumunot ang noo ko. “Ayoko nga. Ang kulit mo.” Gusto ko sanang ipagyabang na isa na akong published author, pero baka mabasa niya ang istorya ko online, at ayoko nang mabasa niya iyon dahil hindi bagay sa kanya. Nagkibit-balikat siya. “Okay.” Pagkatapos, pinagpatuloy na niya ang pagkain. Nang matapos kaming kumain, umalis na kami. Hindi na ako natulog para siguraduhing hindi niya ako dadalhin sa ibang lugar. Huminto kami sa harap ng tindahan ni Aling Aroh. Hindi naman makakapasok ang sasakyan niya sa loob dahil eskinita ang papunta sa bahay namin. “Dito na lang, salamat.” “Hintayin mo ako, ihahatid kita papasok sa loob.” Umiling ako. “Tatakbuhin ko na lang, malapit lang naman.” “Are you sure?” “Salamat. Ano pala ang pangalan mo?” “Finally, tinanong mo na rin ang pangalan ko.” “Sorry, hindi ka pala talaga masamang tao.” “I’m Lucas.” Nilahad niya ang kamay niya upang makipag-shake hands sa akin. Ngumiti ako at nakipag-shake hands sa kanya. “Thank you, Lucas.” Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maramdaman kong pinisil niya ang palad ko. Ang lagkit din ng tingin niya sa akin. Pasimple kong hinila ang kamay ko. “M-Mag-ingat ka sa pagda-drive.” “Thank you.” Tumingin ako sa kanya. “Dahil marami kang tinulong sa akin, bibigyan kita ng reward.” “Hindi mo na ako kailangang bayaran.” “Basta pumikit ka lang.” “Okay.” Lumabas ako ng kotse niya at umikot sa harapan niya. “Aalis ka na yata,” wika niya. “Hindi, umikot lang ako.” Binuksan ko ang pinto sa harapan ng driver’s seat. “Huwag kang didilat dahil ibibigay ko na sa ‘yo ang reward ko.” “Okay.” Huminga ako ng malalim. Pagkatapos, dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya at mabilis ko siyang hinalikan sa labi, sabay takbo pauwi. Hingal na hingal ako nang makarating ako sa tapat ng pinto namin. “Hays! Nakakapagod!” Nagulat ako nang buksan ko ang ilaw at nakita ko si Nanay. “Ay, kalabaw!” "Halley, bakit nandito ka na?" tanong niya na may pagtataka. Ang alam niya ay mamayang alas-singko ng madaling araw ang uwi ko. “Maagang natapos ang event kaya pinauwi kami agad.” Hindi ko sinabi sa kanya na sa club ako nagtrabaho ngayon. Ayaw niyang magtrabaho ako doon dahil sabi niya may pinag-aralan naman daw ako. “Gano'n ba? Wala nang tirang pagkain.” “Okay lang, busog pa naman ako.” Napansin kong nakatingin sa akin si Nanay. “Bakit?” “Namumula ang mukha mo. May sakit ka ba?" Hinawakan ko ang mukha ko. “Wala naman akong sakit. Tumakbo kasi ako kanina kaya hiningal ako.” “Sige, matulog ka na.” Dumiretso si Nanay sa banyo. “Good night.” Isang oras na akong nakahiga sa kama ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. “Nakakahiya ba ang ginawa ko?” bulong ko. Hindi ko makalimutan ang mukha niya nang halikan ko siya. Segundo lang nagkatinginan ang mga mata namin dahil agad akong tumakbo, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko. “Grabe! Baka may gayuma ang pagkain na binigay sa akin.” Pinilit kong matulog hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin. Bumangon ako para buksan ang pinto. Siguradong si Nanay ang kumakatok, at kapag hindi ko binuksan, mag-aalmusal ako ng sermon. “Nay, bakit?” Ang lapad ng ngiti ni Nanay nang tumingin siya sa akin. “May bisita ka.” Kumunot ang noo ko. “Sino naman ang bisita ko?” “Kaibigan mo raw siya. Maligo ka at mag-toothbrush bago humarap sa kanya. Maglagay ka rin ng makeup.” Nagsalubong ang kilay ko. “Presidente ba ng Pilipinas ang bisita ko at kailangan kong mag-makeup?” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko.” Bagama’t nagtataka ako sa kinikilos niya, sumunod pa rin ako. Naligo ako, pero hindi ako naglagay ng makeup. “Bakit ganyan ang itsura mo?” “Anong masama sa damit ko?” “Magpalit ka ng damit. ‘Yon panglakad mo.” “Sino ba kasi 'yang bisita ko?” Naglakad ako papunta sa sala. “Sandali, Halley!” tawag ni Nanay. Ang lalaking tinutukoy ni Nanay ay ang lalaking kumuha sa akin bilang dancer sa birthday ni Lucas. Napansin ko rin ang dala niyang maraming grocery at masasarap na pagkain. Kaya naman pala halos gawin akong Barbie doll ni Nanay. Gusto pa yata akong ibugaw dahil sa maraming dalang pasalubong. “Hello, Halley!” “Peter po ang pangalan n'yo, 'di ba?” Ngumiti siya. “Mabilis ka palang makaalala.” “Anong kailangan mo sa akin at bakit may dala kang grocery at pagkain?” Ngumiti siya. “Hindi ‘yan galing sa akin. Inutusan lang ako ni Lucas na ibigay sa ‘yo ‘yan. Mukhang nag-enjoy siya kagabi kaya nagbigay ng regalo.” Mabilis akong tumingin sa paligid. “Huwag kang maingay! Hindi alam ng pamilya ko na nagtatrabaho ako sa club.” “Sorry.” “Pakisabi kay Lucas, hindi ko matatanggap ang mga binigay niya sa akin. Pakibalik na lang sa kanya ang lahat ng ‘yan.” “Hmm… mukhang ang Nanay mo gusto ang mga pasalubong ni Lucas, dinala na niya sa loob ang iba.” Napakamot ako sa noo. “Si Nanay talaga, hindi man lang nagpakipot,” bulong ko. “Sige, salamat sa bigay niya, ‘wag na niyang ulitin.” “Okay, pinapasabi niya na baka magbago ang isip mo. Tawagan mo lang siya anytime.” Binigay niya sa akin ang calling card ni Lucas, ‘yung una niyang binigay sa akin na tinapon ko. “Salamat, pero hindi ko kailangan ng tulong niya. Magiging busy na rin ako dahil sa libro kong ilalabas,” pagyayabang ko. “Oh, writer ka pala.” Tumango ako. “Magiging pelikula na rin, kaya sisikat na ako.” Nagkibit-balikat siya. “Okay.” “Salamat, puwede ka nang umalis.” Nakakatatlong hakbang pa lang siya nang muli siyang tumingin sa akin. “May nakalimutan akong pinapasabi ni Lucas.” “Ano 'yon?” “Nagulat siya sa ginawa mo. Next time, ikaw naman ang gugulatin niya.” Namula ang mukha ko. Naalala ko ang halik na ginawa ko sa kanya kagabi. Umiwas ako ng tingin. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo.” “Okay.” Tuluyan na siyang umalis. ““Halley, bakit umalis na si Peter?” tanong ni Nanay. Lumapit si Hairu at isa-isang dinala ang mga grocery na dala ni Peter. “Nay, bakit mo naman tinanggap ang mga dala niya?” “Oh, bakit hindi ko tatanggapin? Kailangan natin 'yon. Anong gusto mo? Umasa sa mga pulitiko na magbibigay ng relief goods sa atin?” “Nakakahiya naman kasi.” “Hindi ko naman hiningi sa kanya ang mga ‘yon.” “Pero, nakakahiya kasi.” “Hangga’t wala kang tinatapakang tao, ‘wag kang mahiya. Sino ba kasi ang Peter na ‘yon, bakit binigyan ka ng grocery?” “Hindi galing sa kanya ang grocery. Inutusan lang siya na ibigay sa akin.” “Eh, kanino galing ang mga 'yon?” “Doon sa customer naming kagabi na may-ari ng malaking grocery store sa Mall. Nagbigay siya sa mga mahihirap at sinama niya ako dahil naikuwento kong may sakit si Tatay.” “Abah! Maganda pala diyan sa trabaho na pinapasukan mo.” “Sideline lang 'yon, hindi palaging may trabaho. Isa pa, swertihan lang din na may taong mabait na tutulong.” “Magpasalamat na rin dahil may tumulong sa atin. Hindi na natin iisipin ang kakainin natin sa susunod na araw.” Tumango ako. “Babalik na ako sa kuwarto.” Humiga ako sa kama at tinitigan ang calling card ni Lucas. “Bakit ba ang bait niya sa akin?” Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig kong nag-ring ito. “Hello!” Nataranta ako kaya pinutol ko ang tawag at pinatay ang cellphone. Kinapa ko ang dibdib kong sobrang bilis ng kabog. “Ano bang naisip ko, bakit ko ba siya tinatawagan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD