CHAPTER 6

2355 Words
ABALA ako sa report na binabasa ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Bumukas ito at pumasok ang sekretarya kong si Rosita. Hininto ko ang binabasa ko at tumingin sa kanya. “Good morning, Sir Lucas!” Lumapit siya at ibinigay sa akin ang puting sobre. Tumingin ako sa sobre. “Ito na ba ang pinapatrabaho ko sa’yo?” Tumango siya. “Napirmahan na po ni Ms. Halley Smith ang kontrata.” Binuksan ko ang sobre upang tingnan kung talagang may pirma ito ni Halley. Ang bilis talaga niyang mauto. “Rosita, did she read what was in the contract?” Umiling siya. “Pinirmahan niya agad nang malaman niyang bibigyan siya ng limampung libong pisong cash.” Ngumiti ako. “Good. Did you read the contract?” Umiling siya. “Tulad ng sinabi n’yo, hindi ko binasa ang kontrata.” “That’s good. You’ll be the one to talk to Ms. Smith. Arrange her story with the editor's team. I’m sure they’ll have a headache over that story, so I’ll give a bonus to you and to whoever handles Ms. Smith’s written story.” Lumapad ang ngiti ng sekretarya ko. “Salamat.” “Please tell her that it needs to be a book within two weeks.” “Okay, you may leave.” Tumago siya. “Okay, Sir.” Nang umalis ang sekretarya ko ay tinawagan ko ang pinsan kong si Peter. “Napatawag ka?” tanong ni Peter. “Napirmahan na ni Halley ang kontrata.” “Kontrata?” “It’s stated in the contract that she will be my wife for six months up to five years, depending on what I want. In exchange, she will receive a house and lot, and a monthly allowance of ten thousand pesos. She won’t have to worry about water, electricity, and medical expenses for her sick father. I will also turn her written story into a book and a movie adaptation.” “You’re spending too much on Halley. Are you really serious about her? There are many other women you don’t need to spend so much on.” “I spent more on my ex-girlfriend who just left me for someone else.” “Well, you spent more on Savana back then.” “Oo, pero niloko lang niya ako.” “Mukhang seryoso ka na talaga diyan at hindi na kita mapipigilan.” “Yeah, sinabi ko lang sa’yo na kaya ko siyang kunin.” “Paano mo pala siya napapayag? Hindi ba’t hindi siya pumayag nang pumunta ka sa kanila?” “Hindi siya papayag kung ako ang pumunta. I used my influence to get what I wanted. I instructed my secretary to make it happen.” “Okay, good luck!” “Let’s drink later. I want to celebrate because what I want is finally happening.” “Sure, I’ll go to your house later.” “Okay, see you later,” sabay putol ko ng tawag niya. Nang matapos kong kausapin si Peter, tinuloy ko ang trabaho ko. Naging abala ako sa mga sumunod na oras dahil sa kasunod na meeting, kung kaya’t gabi na ako nakauwi sa bahay. Sampung taon na ang lumipas nang bumukod ako sa mga magulang ko. Mag-isa kong pinapatakbo ang negosyo namin dito sa Pilipinas. Ang kapatid ko namang si Logan ay nag-aasikaso ng negosyo namin sa ibang bansa. May kapatid ako sa tatay ko at close kami, ngunit hindi nga lang kami masyadong nagkikita dahil sa negosyo. Ang LGGC Network ang pinaka-pinagtutuunan ko ng pansin. Bukod sa malaking kumpanya ito, marami rin akong sikat na artista na nagtatrabaho rito. Kilala ang network namin sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi rin biro ang mga kasosyo ko sa negosyo dito, at syempre, ang mga stockholder ko. Gusto kong maging number one kami, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo na may mga Filipino workers. “Good evening, Sir Lucas,” wika ng katulong ko. Tumango ako bilang tugon. “Manang, luto na ba ang pinaluto ko sa ‘yong steak?” “Opo, Sir. Nandito pala si Ma’am Lilia?” Kumunot ang noo ko. “Nandito si Mommy?” “Opo, nasa kuwarto siya at nagpapahinga.” “Okay, ihanda mo ang pagkain kapag dumating si Peter.” “Yes, Sir.” Pinuntahan ko agad ang silid ni Mommy upang kumustahin siya. Dahan-dahan akong kumatok sa pinto. Ilang minuto pa ang lumipas at bumukas ang pinto. “Lucas, my darling!” Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. “Mom, bakit hindi kayo nagsabi na uuwi kayo dito sa Pilipinas?” “Galing ako sa Hong Kong, kaya naisip kong dumaan dito sa Pilipinas para kumustahin ka.” “Mom, parang tawid-kalsada lang ang Pilipinas sa inyo.” She held my cheek. “Lucas, darling, I just want to enjoy traveling while I still can.” I took a deep breath. “Okay, have you eaten yet?” “I haven’t eaten yet. I want us to eat together.” “Just give a minute.” “Okay, I’ll wait for you.” Nang lumabas ako ng kuwarto para kumain nakita kom si Peter at kausap si Mommy. “Lucas!” tawag ni Peter. Lumapit ako sa kanilang dalawa. “Mukhang marami na kayong napag-usapan ni Mommy. Sana lang hindi tungkol sa akin ang pinag-usapan n’yo.” “Lucas, darling, you didn’t even tell me you’re getting married. You haven’t even introduced your girlfriend to me,” wika ni Mommy. Umiwas nang tingin sa akin si Lucas at ininom ang laman ng nasa tasa niya. “Mom, naniwala ka naman kay Peter, alam mo naman puro kalokohan ang sinasabi niya sa ‘yo.” Tumingin si Mommy kay Peter. “Peter, you’re not lying to me, are you?” wika ni Mommy. “Tita, kailan ba ako nagsinungaling sa ‘yo?” sagot ni Peter. “Let’s eat,” pagbabago ko ng usapan. Nagsimula na akong kumaim upang hindi pag-usapan ang tungkol sa pag-aasawa. “Lucas, if you’re not ready to tell me about your future spouse, I won’t force you. What’s important is that you get married.” I sighed. “Mom, why are you in such a hurry for me to get married?” “You are not getting any younger,” Mommy said. “I’m just thirty-five years old. I’m not old yet.” “You’re the only one among your siblings who’s still single.” “Logan is still single.” “But he has a girlfriend, and he’ll surely get married soon.” “Okay, I’ll get married soon.” Lumapad ang ngiti ni Mommy. “So, it’s true that you’re getting married?” “Yes, soon, Mom.” Pinagpatuloy ko ang pagkain. Hindi na naka-move on si Mommy sa sinabi ko. Kung ano-ano na ang iniisip niyang susuotin sa kasal. Maging ang venue at mga bisita ay pinaplano na niya, na parang siya ang ikakasal sa sobrang excited. “Bakit mo sinabi kay Mommy ang tungkol sa pagpapakasal ko?” tanong ko kay Peter. Nasa Balkonahe kami habang umiimom ng alak. Tanaw naming ang paligid at ang bilog na buwan. “Akala ko alam na niya.” “Hindi pa niya dapat malaman baka umasa lang siya tulad noon.” “Noon, kay Savana?” Hindi ako umimik. Bigla kong naalala ang ginawa sa akin ni Savana. Sobrang mahal na mahal ko siya. Lahat ng gusto niya ay ibinigay ko, ngunit nang alukin ko siyang magpakasal, tumanggi siya. Sa huli, nalaman kong may boyfriend siya bukod sa akin. “Ayoko nang pag-usapan ang babaeng ‘yon.” “Okay, pero si Halley, tingin mo wala siyang gagawin para tumanggi sa kasal ninyo?” “Sisiguraduhin kong hindi siya makakatakas sa akin.” Nagkibit-balikat si Peter. “Mas maganda siguro kung sa bar natin ituloy ito. Mas masarap uminom habang maraming babae kang pinagmamasdan.” “Tsk! Kailan ka pa natutong pumunta sa club?” “Well, last week lang.” “Ayokong sumama.” “Sige na, minsan lang naman.” “You’re wasting my time.” “Pangako, mag-e-enjoy ka doon.” “Ikaw na lang kung gusto mo talaga.” “Please, pagbigyan mo na ako.” “Okay, let’s go!” “Alright!” wika ni Peter. Sinaid ko ang laman ng kupita ko, pagkatapos ay umalis na kami. Malakas ang tunog ng musika sa loob ng club na pinuntahan namin, sabayan pa ng mga lalaking sumisigaw dahil sa mga babaeng sumasayaw na nakasuot lamang ng bikini. Ang gaganda ng mga babae dito," nakangiting sabi ni Peter, habang nakatingin sa mga sumasayaw. Ininom ko ang laman ng baso ko, saka tumingin sa mga babae. “Ito ba ang pinagkakaabalahan mo tuwing gabi?” “Hindi naman. Alam mo ba na karamihan sa mga babaeng sumasayaw ay mga estudyante?” “I'm not surprise.” “Mga bata at fresh pa. Makaka-jackpot ka pa ng virgin dito, pero mahal nga lang ang bayad kapag nilabas.” Umiling ako. “I’m not interested.” “Hanap ka ng babaeng puwede mong ilabas. Ako na ang bahala sa bayad.” “Ayoko, baka magkasakit pa ako.” “May condom naman.” Umiling ako, saka muling uminom ng alak. “Miss, ang ganda mo, puwede ka ba?” narinig kong sabi ng isang lalaki sa kabilang mesa. Hindi ko sana papansinin, pero narinig ko ang boses ng isang babae. “Sorry, Sir, waitress ako rito, hindi GRO,” magalang na sagot ng babae. Pamilyar ang boses niya. Nang lingunin ko, nakita ko si Halley na may hawak na tray at nakayuko habang nakikipag-usap sa lalaki. “Kahit i-table ka lang. Sige na, magkano ka ba?” wika ng lasing na lalaki. Ilang beses umiling si Halley. “Sorry, Sir, hindi ako nagpapa-table.” Tatalikod na sana si Halley, ngunit bigla siyang hinila ng lalaki. Fuck! “Ay, bastos!” Hinampas ni Halley ng tray ang lalaki. “Aray! Gago ka!” Tumayo ako at mabilis na nilapitan si Halley. Hinawakan ko ang kamao ng lalaki upang hindi masuntok si Halley. Tinitigan ko nang masama ang lalaki. "Don’t touch my girl.” Tinulak ko siya at sinuntok. Naalarma naman ang mga bouncer at security guard kaya’t agad nila kaming nilapitan upang awatin. “Halley, ano bang gulo ‘yan!” sigaw ng bakla. Nakayuko si Halley. “Madam, sorry, kasi binastos ako ng lalaki.” Nameywang ang bakla at tinaasan ng kilay si Halley. “Sinabi ko na sa 'yo, hindi puwede ang maarte rito. Bayaran mo ang mga natapong alak at lumayas ka na!” “M-Madam, wala akong pera pambayad.” “Kung hindi mo babayaran, magpa-table ka para makabayad ka. Leche!” Lumapit ako at hinawakan ang kamay ni Halley. Bakas sa mukha niya ang gulat, ngunit hindi niya inalis ang kamay ko. “Ako na ang magbabayad ng lahat ng natapon na alak," dinukot ko ang pitaka ko at naglabas ako ng limang libo. “Sobra na siguro 'yan para sa natapon.” "Abah! Sobra talaga ito, sandali susuklian kita," wika ng matandang bakla. “No need, ibili mo na lang ng mabuting ugali dahil wala ka non." Hinila ko ang kamay ni Halley at naglakad kami palabas. “Hoy! Hoy!” wika ni Halley. Nasa harap na kami ng sasakyan ko sa may parking lot. “Sandali lang!” Hinila niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. “What?” “Bitawan mo ako. Akala mo naman close tayong dalawa.” “Umalis na tayo dito, hindi ka bagay sa lugar na ito.” “Oo, aalis ako pero ako lang.” Tumingin ako sa kanya. “Bakit mo ba naisipang magtrabaho sa lugar na ‘yon? Ubos na ba ang— I mean, wala ka na bang pera kaya dito ka nagtatrabaho?” “Sideline ko lang ‘to. Absent kasi ‘yung waitress nila kaya inalok sa akin ang trabaho. Siyempre, tinanggap ko. Sayang ang trabaho, eh. Hindi ko naman alam na pati ang waitress kailangan i-table ng customer.” Huminga ako ng malalim. “Umalis na tayo, ihahatid na kita pauwi sa inyo.” “Hoy! Hindi tayo close para magtiwala ako sa ‘yo. Baka nakalimutan mo, isa ka sa mga manyak na lalaki.” Tinitigan ko siya ng masama. “Hindi ako katulad ng mga lalaki sa loob ng club.” “Hindi pa rin ako naniniwala sa ‘yo.” “Remember, ako ang nagbayad ng nabasag na alak.” “Ikaw naman talaga ang dapat magbayad kasi ikaw ang nakipagsuntukan sa lalaking lasing na ‘yon. ‘Customer is always right’ lang kaya sa akin pinabayad.” “Halley, nakikita mo ba ang mga lalaking nakatingin sa atin?” tinuro ko sa kanya ang mga lalaking nakatambay sa labas habang humihithit ng yosi. “Oh, nakita ko siyempre. Hindi naman ako bulag.” “Mga kasama ng lalaki ‘yan na bumastos sa ‘yo. Kung hindi ka magpapahatid sa akin, siguradong susundan ka nila.” Lihim akong nagbunyi dahil bakas sa mukha niya ang takot. “Totoo ba ‘yan?” “Kung ayaw mong maniwala sa akin, wala akong magagawa.” Tumalikod ako sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse saka sumakay. Bago ko paandarin ang sasakyan, kumatok siya sa bintana. Hindi ko pinahalata sa kanya na masaya ako. Binuksan ko ang bintana. “Why?” “Sigurado ka ba na ihahatid mo ako sa bahay ng ligtas?” “Siyempre.” “Sige, sasama na ako sa ‘yo.” “Okay.” Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay siya. Nang lalapit ako sa kanya para ikabit ang seatbelt niya, umiwas siya. “Teka, anong gagawin mo sa akin?” “Ikakabit ko ang seatbelt mo.” “G-Gano’n ba.” “Akala ko hahalikan mo ako.” “Huwag kang ambisyosa," tugon ko. Ang totoo, pinigilan ko ang sarili ko upang hindi siya halikan. Habang kinakabit ko ang seatbelt niya, napadako ang tingin ko sa makipot niyang labi. Ilang beses akong lumunok para hindi ako matukso. Tinawagan ko si Peter para sabihin na umalis na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD