PROLOGUE
NAKAHALUMBABA ako habang nakatitig sa malaking tumbler na may disenyong porn male actor na nakahubad at kita ang birdie. Binigay ito sa akin ng boss ko ngayong birthday ko. Sa dami ng puwedeng design, porn actor pa talaga ang disenyo. Nakakahiya tuloy dalhin sa labas dahil baka kung anong isipin ng makakita.
“Hays, si Boss talaga,” sabi ko.
Muli kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
“Halley!” tawag ni Boss.
“Yes, Boss?” tanong ko.
“Halley, may gagawin ka ba mamayang gabi?”
“Wala naman, bakit?”
Ngumiti siya. “Puwede mo ba akong samahan sa birthday party ng kaibigan ko?”
Sandali akong natahimik. Hangga't maaari, ayokong um-attend ng mga sosyal na party dahil baka magtagpo ang landas namin ng ex-husband ko.
“Huwag ka nang mag-isip. Wala pang sampo ang mga dadalo sa party. Hindi ito katulad ng party na pinupuntahan ko na marami ang bisita. Exclusive lang para sa magkakaibigan.”
“Boss, baka naman type mo ako kaya gusto mo akong kasama?”
Tumawa siya ng malakas. “Hindi ako kumakain ng talaba.”
“Joke lang! Sasama na ako basta babayaran mo bilang overtime.”
“Okay.”
“Bakit mo pala gustong may kasama?"
“Para hindi nila malaman na paminta ako.”
“Kaya pala... Bakit hindi mo sabihin sa mga kaibigan mo na hindi ka straight?”
“Sa pamilya ko nga hindi ko kayang sabihin, sa kanila pa kaya. Ikaw lang ang nakakaalam na paminta ako.”
“Sige, basta 'wag mo akong kikidnapin. Wala akong pambayad sa ransom money.”
“Gumana naman ang pagiging writer mo.”
Tumahimik ako. Ayoko nang balikan ang nakaraan, mas lalo lang akong nasasaktan.
“Basta, mamaya magkita tayo.” Dumukot siya ng pera sa pitaka. “Oh, treat mo ang sarili mo dahil birthday mo.”
“Boss, ang laki naman ng binigay mo sa akin? May binigay ka ng tumbler.”
Tumawa siya. “Trip ko lang 'yung tumbler na binigay ko sa 'yo. Tanggapin mo na, minsan lang ako manlibre.”
Hindi na ako nagpakipot. Tinanggap ko ang dalawang libo na binigay niya. “Thank you, Boss.”
“Sige, mag-halfday ka na. Magluto ka ng pancit, pampahaba ng buhay ‘yon.”
“Salamat.”
Nag-shutdown ako ng computer at laptop ko. Pagkatapos, umalis na ako ng opisina. Dalawang taon na akong sekretarya ni Boss Tommy, at sa dalawang taon na ‘yon, hindi ako nagsisi na maging sekretarya niya. Naging close kaming dalawa, at mas madalas nga kaming magkwentuhan kapag wala siyang meeting.
Imbes na magluto ng pancit, dumaan na lang ako sa paborito kong fast food chain para bumili ng spaghetti at fried chicken. Mag-isa lang naman ako sa condo, kaya hindi na kailangan maghanda.
Nagpalit lang ako ng damit at kinain ko ang binili kong pagkain sa labas. Hindi ko pa nauubos ang pagkain nang biglang tumawag si Nanay.
“Hello, Nay!”
“Halley, happy birthday!”
Ngumiti ako. “Salamat, kumusta na kayo diyan?”
“Okay naman kami. Kailan ka ba uuwi dito?”
Bumuntong-hininga ako. “Hindi ako puwedeng umuwi dahil magagalit ang amo ko. Alam n’yo naman kapag OFW, ang hirap magpaalam.”
“Hindi ba’t tatlong taon lang ang kontrata mo?”
“Opo.”
“Malapit ka nang umuwi.”
Tumango ako. “Sige, Nay, kailangan ko nang magpaalam.”
“Sige, happy birthday na lang ulit. Palagi kang mag-iingat.”
Tumango ako. “Kayo rin mag-ingat diyan.” Pinutol ko ang tawag.
Dalawang taon na mula nang sabihin ko sa magulang ko na pumunta ako sa ibang bansa para magtrabaho. Ang hindi nila alam, dito lang ako sa Makati nagtatrabaho bilang sekretarya. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin, nagamit ko rin ang pinag-aralan ko. Sa kabila ng lahat ng ito, may isang bagay akong hindi ko kayang kalimutan sa aking nakaraan.
May bago na siguro siyang asawa.
ALAS-SAIS pa lang ng gabi ay nakahanda na ako para sa party na pupuntahan namin ng boss ko. Suot ko ang itim na fitted na damit na may burdang bulaklak sa laylayan. Simple lang din ang makeup ko.
Pagkalipas ng kinse minutos kong paghihintay sa boss ko ay dumating na rin ito.
“Boss, akala ko hindi mo ako susunduin.”
“Kapag hindi kita sinundo, hindi ka pupunta.”
“Syempre, nakakahiya naman kung pupunta akong mag-isa, hindi naman nila ako kilala.”
Tumango siya. “Ang ganda mo.”
Ngumiti ako. “Crush mo na ako?”
Napangiwi siya. “Ayoko sa lason.”
Tumawa ako ng malakas. Kapag kaming dalawa ng boss ko, nagagawa niyang ilabas ang tunay na siya. Boses bakla siya kapag kami ang magkausap pero kapag ibang tao, baritono ang boses niya at lalaking-lalaki.
“Nagpaganda pa naman ako para sa ‘yo.”
“Kadiri ka, Halley!” Umikot pa ang eyeballs niya.
“Joke lang!”
“Well, marami akong kaibigan na guwapo at single, puwede kitang ireto sa kanila.”
Umiling ako. “Hindi ako naghahanap ng boyfriend. Ikaw na lang, Boss.”
“Hindi kami talo ng mga kaibigan ko. Kahit si Darna ako, hindi ako papatol sa kaibigan.”
Nagkibit-balikat ako. “Okay!”
Hindi ako nainip kahit malayo ang Tagaytay, hindi naubos ang kuwentuhan naming dalawa ni Boss. Kahit nga ang mga crush niya noon ay pinag-usapan namin.
“Nandito na tayo.”
Huminto kami sa harap ng malaking bakuran. Ang buong akala ko ay sa hotel kami pupunta. Gano’n kasi ang madalas na venue ng mga mayayaman.
Bumisina ang boss ko, ilang minuto lang ay bumukas ang pinto. Hindi pa kami nakakababa, naghihintay na sa amin ang mga kaibigan niya.
“Tommy!” tawag ng kaibigan ng boss ko sa kanya.
“Carla, Miguel!” wika ni Boss.
Nakatingin ako sa kanilang tatlo.
Tumingin sila sa akin. “Who’s that with you?” tanong ni Carla.
“This is Halley, my friend,” sagot ng boss ko.
Ngumiti ako sa kanila. “Hello!”
Nakatingin sila sa akin. “You look familiar,” tanong ni Carla.
Yumuko ako. “N-Ngayon pa lang tayo nagkita,” sagot ko.
Ayokong maalala nila na naging sikat na writer ako noon. Matagal na akong huminto sa pagsusulat.
“Siguro nga,” sagot ni Carla.
“Nasaan ang iba?” tanong ni Boss.
“Parating na rin sila. Halina kayo sa loob.”
Sumunod kami sa kanila. Nang pumasok kami sa loob, marami na palang mga kaibigan ang naroon. Lahat sila ay nagsasabi na nakita na nila ako. Mabuti na lang at hindi sinabi ng boss ko na dati akong writer. Nagsimula na kaming kumain at uminom ng alak.
“Tommy, girlfriend mo ba si Halley?” tanong ni Miguel.
“Kaibigan ko siya. Sinama ko siya kaysa magmukmok.”
Yumuko ako nang tumingin sila sa akin. “Broken hearted ka?”
“Dalawang taon na siyang broken hearted,” sagot ni Boss.
Hiyang-hiya ako dahil ako ang pinag-uusapan nila.
“Huwag kang mag-alala may irereto kami sa ‘yo. May kaibigan kaming single,” wika ni Carla.
“Hindi ako naghahanap ng boyfriend,” tipid kong sagot.
“Okay lang kung hindi ka pa ready, pero baka sakaling magustuhan mo ang kaibigan namin,” wika ni Miguel.
“Anyway, Miguel, where’s Lucas?” tanong ni Carla.
“I’m here!”
Lucas!
“Lucas!” wika ng mga kaibigan niya.
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko ang wine glass. Hindi ko magawang tumingin sa kanya.
“Lucas, this is Halley, Tommy's friend,” wika ni Carla.
Napilitan akong tumingin sa kanya. Namutla ako nang magkatitigan kami. Lumapit siya sa akin.
“Hi, Halley, finally, we meet.”
“Do you know each other?” tanong nila.
Hihilahin ko sana ang kamay ko nang bigla niya akong hilahin palapit sa kanya para magbeso kami. Nang magdikit ang pisngi namin ay bumulong siya, “I miss you, Darling.”
Marahan ko siyang tinulak. “N-Nice meeting you.”
Umupo ako at muling uminom ng alak.
“Lucas, single ‘yan si Halley,” wika ng boss ko.
Tumingin sa akin si Lucas. “Single?”
Nabitawan ko ang hawak kong wine glass sa takot na baka sabihin niya ang tungkol sa aming dalawa.
“S-Sorry!” nanginginig ang boses ko.
Yumuko ako para pulutin ang bubog.
“Halley, ‘wag mo ng pulutin baka masugat ka,” wika ng boss ko.
Huli na dahil nasugat ako. “Ouch!”
“I told you you would get hurt,” wika ng boss ko.
Tumayo ako. “E-Excuse me, I'll just wash my hands.”
Hindi ko na hinintay na magsalita sila. Dumiretso na ako sa banyo para hugasan ang kamay kong dumudugo.
“s**t! Bakit sa dinami-dami ng taong makikita ko, bakit si Lucas pa?”
“Long time no see, Darling!”
Kinilabutan ako nang makita ko si Lucas na nakasandal sa pinto ng banyo.
“H-Hindi ko po kayo kilala.”
Alam kong epic fail ang sinabi ko, dalawang taon pa lang naman kaming hindi nagkita. Imposibleng hindi ko siya makilala.
Ni-lock niya ang pinto ng banyo at lumapit sa akin.
Umatras naman ako. “B-Bakit, S-Sir?”
Hindi na ako makaatras dahil nakadikit na ako sa dingding.
“Why do you look like you’ve seen a ghost?”
“S-Sir…”
Tinukod niya ang kanang kamay niya sa dingding para hindi ako makaalis. Nakatitig siya sa akin, amoy na amoy ko ang hininga niya.
“Do you know I’ve been looking for you for a long time?”
Lumunok ako. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
Hinawakan niya ang mukha ko. “Darling, hindi ko hahayaan mawala ka pa.”
Tinulak ko siya pero sobrang lakas niya, hindi man lang siya natinag.
“I miss you so much.”
Nagulat ako nang bigla niya akong siniil ng halik. Ganitong-ganito ‘yung ginagawa ng male lead ko sa female lead ko.
No! Huwag kang magpapauto.
Kahit masarap ang halik niya, pinigilan ko ang sarili ko.
Tinulak ko siya at sinampal. “Liar!”
Hinawakan niya ang pisngi niyang sinampal ko. Pagkatapos, tinanggal niya ang necktie niya.
“W-What are you doing?”
Hinubad niya ang damit niya. “What do married couples do in the bathroom?”
“No!”
Tumalikod ako para buksan ang pinto, ngunit pinigilan niya ako at muling dinikit sa dingding.
“Lucas, please!”
Ngumisi siya. “Now, you remember me.”
“Ano bang kailangan mo sa akin?”
“Ikaw ang kailangan ko.”
“Lucas…”
Dahan-dahan niyang hinimas ang mukha ko hanggang sa huminto ang daliri niya sa labi ko. “I miss you like crazy.”
Nagkatitigan kami. “Lucas…”
“You know, your male lead doesn't give up easily.”
“A-Ano bang pinagsasabi mo?”
“I still love you, Halley!”
Dahan-dahan niyang dinikit ang mukha niya sa akin hanggang sa magdikit ang labi namin.
Pumikit ako nang malasahan ko ang labi niya. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. Tumugon ako sa halik niya.