DALAWANG LINGGO na ang nakalipas mula nang kunin ng isang TV Network ang aking sinulat na kuwento, hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung kailan ko makikita ang aktwal na kopya nito. Gustong-gusto ko nang ipagmalaki sa pamilya ko na magkakaroon na ako ng libro. Hindi pa rin kasi sila naniniwala sa akin hanggang ngayon.
“Ate, pahingi ako ng pera pambayad sa ambagan namin sa school,” wika ni Harry.
Dumukot ako sa bulsa ng shorts ko. “Oh, ito, sampung piso.”
“Kulang ito pambayad. One hundred fifty pesos ang babayaran ko.”
“Wala akong ganoong pera. Alam mo naman na binibigay ko lahat kay Nanay kapag may sideline akong trabaho.”
“Wala si Nanay, paano ako makakahingi ng pambayad?”
“Bukas ka na lang magbayad.”
Napakamot siya sa ulo. “Last day na ngayon.”
“Umutang ka muna kay Aling Aroh, wala na tayong utang sa tindahan niya.”
“Ayoko, ang daming sinasabi ni Aling Aroh bago magbigay. Kukuha na lang ako ng tatlong spam at ibebenta ko sa teacher ko.”
“Bakit mo naman ibebenta ang delata natin? Akala mo ba makakabili pa tayo ng spam kapag naubos ‘yon? Binigay na nga lang sa atin, ibebenta mo pa.”
“Marami naman ‘yon.”
“Harry, tumigil ka.”
“Hindi na lang ako papasok kung wala akong pambayad.”
“Bahala ka!” inis kong sagot.
“Talaga!” Pumasok siya sa kuwarto para hubarin ang uniporme niya.
Hinayaan ko na lang siya. Siguro, nahihiya na siya dahil lagi siyang huli magbayad sa mga ambagan nila sa school.
“Hays! Makapagsulat na nga lang.” Binuksan ko ang laptop ko para muling magsulat, ngunit bago ako nakapagsimulang magsulat, nakita kong may email sa akin. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko dahil nakita ko ang pangalan ni Rosita.
“Sana, ito na ang magandang balita na hinihintay ko.”
Binuksan ko ang email niya at binasa ko.
“Good day, Miss Halley! I just wanted to know if you are available to take a call now for an update on your book. Please reply to my email. Thank you!”
Wala pang isang minuto ay nakapag-reply na ako sa kanya. Hinintay ko na lang na tumunog ang telepono ko. Pagkalipas ng ilang minuto, tumunog ang telepono.
“Tumatawag na siya!”
Sinagot ko agad ang tawag niya.
“Hello, Ma’am.”
“Hello, Miss Halley. I just wanted to update you that your manuscript is ready.”
“Wow! Thank you.”
“It’s lined up for printing, but there’s something I’d like to confirm before we print it.”
“Ano po ‘yon?”
“Are you sure you don’t want to change your pen name, SexyLola@69? That’s what will appear on the front of your book cover.”
“Puwede ko bang palitan?”
“Yes, it would be better to make it nice, especially if you're signing the book.”
“Hmmm... Puwede na lang Miss Hope.”
“I have a suggestion, if you don’t mind?”
“Sure, Ma’am.”
“Why not just use your real name?”
“Ayoko po, Miss Hope na lang.”
“How about Hope Guerrero?”
“Saan po galing ang Guerrero?”
“I just thought it would suit the name Hope.”
“Sige, Hope Guerrero na lang.”
“Okay. Wala ka na bang idagdag sa dedication?”
“Ah-- wala na po.”
“Okay, baka sa Friday ay irerelease na ang libro mo. Kailangan mong pumunta dito para sa book launch mo.”
“Okay.”
“Alright. Do you want to add anything to your book?"
“Wala na po, Ma’am Rosita. Gusto ko lang malaman kung makukuha ko ba ang balance sa bayad para sa libro ko?”
“I’ll check with my boss first. I’ll let you know once I’ve talked to him.”
“Sige po, thank you.”
“Okay. Bye!” sabay putol niya ng tawag.
Nagtatalon ako sa tuwa nang matapos kaming mag-usap ni Rosita.
"Magiging libro na ang kuwento ko!" sigaw ko.
Huminto ako nang marinig kong may tumatawag sa labas ng bahay namin. Nakita ko ang landlady namin.
"Aling Aroh, bakit po?" Binuksan ko ang pinto para makapasok siya.
"Ngayon lang yata ako nakapasok sa bahay na inuupahan n’yo. Madalas kayong nagtatago sa akin."
Napakamot ako sa ulo. "Wala kasi kaming utang, kaya malakas ang loob kong humarap sa inyo."
"So, tinataguan n’yo nga ako dati."
"Aling Aroh, nahihiya lang kami noon dahil wala kaming pambayad."
"Okay, pero hindi naman 'yan ang dahilan kaya ako nandito."
"Ano po ang dahilan at napadalaw kayo?"
"Gusto kong sabihin sa inyo na nakabuntis ang anak kong bunso, kaya naisip ko na dito na lang sila sa inuupahan n’yong bahay tumira."
"Paano naman kami?"
"Kaya nga sinasabi ko na sa inyo para makahanap na kayo ng malilipatan."
"Aling Aroh, puwede bang sa susunod na taon n'yo na lang kami paalisin? Wala pa kaming pera para maghanap ng bagong bahay."
"Hindi ko na problema ‘yon.”
“Wala naman kaming utang sa inyo.”
“Alam n’yo naman, kahit ilang buwan kayong hindi nagbabayad, hindi ko kayo pinapaalis. Kailangan n’yo na talagang umalis dahil ipapaayos ko ‘yan bago tirhan ng anak ko.”
Yumuko ako. “Hindi na ba mababago ang isip n’yo?”
“Hanggang ngayong buwan na lang kayo dito. Kailangan n’yo nang maghanap ng bagong matitirhan.” Tumayo si Aling Aroh at umalis.
Bagsak ang balikat ko habang nakatingin kay Aling Aroh na papalayo. Ngayon pa lang kami nakakaahon sa hirap, bigla namang nagkaroon ng problema. Lahat ng perang nakuha ko, binayad ni Nanay sa mga utang namin.
“Saan naman kami kukuha ng pambayad para sa bagong lilipatan naming bahay? Mahal na ngayon ang upa ng bahay. Itong bahay namin, hindi na dinagdagan ng bayad ni Aling Aroh dahil halos sampung taon na kaming nakatira dito.”
“H-Halley!”
Lumingon ako. “Tay!” Tumayo ako at lumapit sa kanya.
“Halley, nagugutom ako.”
“Sandali lang at kukuha ako ng pagkain.”
Dumiretso ako sa kusina para bigyan siya ng pagkain. Kung hindi na-stroke si Tatay, hindi kami mahihirapan sa pera. Ngayon, kalahati ng katawan niya ay hindi niya maigalaw. Gustuhin man namin na ipa-therapy siya, wala kaming pera.
“Tay, kain na.” Sinubuan ko siya ng pagkain.
“S-Si Aroh, anong sadya niya?”
“Ha? Hinahanap si Nanay,” pagsisinungaling ko. Ayoko na siyang pag-isipin ng problema.
“Narinig kong pinaaalis na niya tayo.”
“Paano n’yo naman narinig? Nasa loob kayo ng kuwarto.”
“Kalahati lang ng katawan ko ang na-stroke pero malinaw pa rin ang pandinig ko. Ang lakas ng boses ni Aroh, kaya narinig ko ang sinabi niya.”
“Huwag n’yo nang isipin 'yan, ako na ang bahala maghanap ng pambayad.”
“K-Kasalanan ko kung bakit tayo naghihirap.”
“Kumain na lang kayo at 'wag nang magdrama.” Sinubuan ko ulit siya ng pagkain.
“Babawi ako kapag gumaling ako.”
“Ako na ang bahala sa lahat.”
“Salamat, Halley.”
“Huwag n’yo nang isipin 'yan.”
Iniba ko ang pinag-uusapan namin para hindi siya malungkot. Ayoko na siyang mag-isip ng problema, lalo na ngayon na may sakit siya.
Nang matapos kumain si Tatay, tinawag ko si Harry para bantayan siya. Lumabas ako para puntahan si Betina. Kailangan ko ng trabaho para makaipon ng pambayad sa upa.
“Halley, bakit ka nandito?” tanong ni Betina. Halatang kagigising lang niya dahil magulo pa ang buhok niya.
“Betina, may problema ako.”
“Kailan ka pa nawalan ng problema?”
Bumuntong-hininga ako. “Si Aling Aroh, pinaaalis na kami sa bahay.”
“Bakit? Akala ko ba wala na kayong utang sa kanya?”
“Wala na nga kaming utang sa kanya, pero pinaaalis na kami dahil doon na raw titira ang bunso niyang anak na nakabuntis. Ipapaayos na raw niya ito sa susunod na buwan.”
Kung alam ko lang, hindi ko sana siya binayaran agad."
"Paano na 'yan? Wala naman akong pera na ipapautang sa'yo. Sobrang tumal ko kagabi—isa lang ang naging customer ko, at hindi pa nagbigay ng tip."
"Eh, hindi naman ako uutang sa'yo. Puwede mo ba akong ipasok sa trabaho sa club?"
Umangat ang kilay niya. "Gusto mo bang maging pokpok?"
"Hindi, kahit waitress o janitress lang."
"Naku, galit nga sa'yo si Madam Tekla."
"Hindi ko naman kasalanan ang nangyari noong isang gabi. Isa pa, sobra-sobra na ang binayad ni Lucas sa mga nabasag na alak."
"Bakit hindi ka humingi ng tulong doon sa guwapo na 'yon? Mukhang interesado sa 'yo."
Sumimangot ako. "Katulad lang din siya ng mga lalaki sa club, kiffy lang ang habol."
"Paano mo naman nasabi? Niyaya ka ba niyang makipag-s*x noong hinatid ka niya?"
Namula ako. "Hindi noh! Over my sexy body!"
"Oh, hindi ka naman pala niyaya."
"Basta, ayokong humingi ng tulong sa kanya. Mas gusto kong maghanap ng trabaho kaysa umasa sa kanya."
Hindi ko lang masabi sa kanya na iba ang gusto ni Lucas.
"Good luck sa 'yo. Siguradong mahihirapan kang makahanap ng pera pangbayad sa upa ng bagong bahay."
Bumuntong-hininga ako. "Wala ka ba talagang maibibigay na trabaho sa akin?"
"Halley, kung may alam ako, hindi ko sana binebenta ang kiffy ko gabi-gabi."
"Okay, salamat."
Bagsak ang balikat kong bumalik sa bahay. Naabutan ko si Nanay na tulala habang nakatingin sa bintana.
"Nay, anong nangyari?"
Lumingon siya. "Nakausap ko si Aling Aroh kanina," sabi ni Nanay.
"Sinabi nga niya na kailangan na nating maghanap ng bagong uupahang bahay," sagot ko.
"Saan naman tayo kukuha ng pera? Mahal pa naman ng upa ngayon."
"Ibenta na lang natin ang mga gamit natin."
Kumunot ang noo ni Nanay. "Anong ibebenta mo? Bukod sa luma na, sira-sira na ang mga gamit natin."
"Maghahanap ako ng trabaho."
"Kung bakit kasi hindi ka makahanap ng permanenteng trabaho."
"Makakahanap rin ako, hindi pa lang ngayon."
"Wala tayong magagawa kundi tumira muna sa lola mo habang wala tayong pera."
Tumango ako. Pagkatapos, pumasok ako sa kuwarto at kinuha ang calling card ni Lucas. Tinitigan ko ito.
"Wala na ba akong ibang pagpipilian?"
Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko tinawagan si Lucas. Ngayon, handa na akong kausapin siya.
Tunog lang nang tunog ang numero na ibinigay sa akin, ngunit hindi ito sinasagot.
“Kainis! Bakit ayaw niyang sagutin?” bulong ko.
Kung kailan handa na akong tanggapin ang alok niya sa akin, saka naman niya ayaw sumagot.
“Mamaya ko na nga lang tatawagan.”
Lumabas ako ng kuwarto para maglinis ng bahay. Kinse minutos na akong naglilinis nang tawagin ako ni Nanay.
“Halley, may tumatawag sa ‘yo.”
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang papalapit ako kay Nanay. Kinuha ko ang cellphone ko sa kanya at tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin.
Si Ma’am Rosita.
Agad ko itong sinagot. “Hello, Ma’am Rosita!”
“Miss Halley, I spoke with my boss, and he said he’s willing to pay the remaining balance for your book, even though it hasn’t been released in the market yet.”
Kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa. “Talaga po?”
“Yes, tomorrow morning, come to LGGC Network. You also need to see your book.”
Mas lalo akong natuwa sa sinabi niya. “Akala ko po naka-line up pa lang for printing?”
"They prioritized your book so you can see it tomorrow. They’re rushing it because it’s going to be made into a movie.”
“Yehey!” Hindi ko napigilan ang sarili kong sumigaw sa saya.
Nagtataka naman na tumingin sa akin si Nanay.
“Salamat po ng marami.”
“Alright, see you tomorrow, and congratulations!”
“Thank you!”
“You’re welcome. Bye!” Pinutol niya ang tawag.
“Sino ang kausap mo?” tanong ni Nanay.
Ngumiti ako. “Magiging libro na ang kwento ko. Wala na tayong problema sa pera dahil babayaran na nila ako bukas.”
“Mabuti naman. Totoo pala talaga ‘yang libro na sinasabi mo.”
“Wala kayong bilib sa akin.”
“Akala ko ay nagsisinungaling ka.”
Muling tumunog ang cellphone ko, at si Lucas ang tumatawag sa akin.
Hindi ko na kailangan ang alok mo sa akin.
Sinagot ko ang tawag niya. “Hello.”
“Who are you? Why do you keep calling me?”
“Ah—Yung parcel n’yo kasi hindi pa bayad,” alibi ko.
“What?”
“Hindi po ba kayo si Federiko Libuste?” pagsisinungaling ko.
“Tsk! You’re wasting my time,” pinutol niya ang tawag.
“Sungit!” bulong ko.
Sobrang saya ko dahil hindi ko na kailangan tanggapin ang alok ni Lucas. Hindi ko kailangan na maging asawa niya para lang magkapera dahil solve na ang problema ko.
“Yes, author na rin ako.”