CHAPTER 4

2323 Words
LUCAS’S POV. “Sinabi na ba nila kung sino ang babaeng nasa party kagabi?” tanong ko kay Peter. Maaga akong bumisita sa kanya sa condo niya upang malaman kung saan nakatira ang babaeng sumayaw sa akin kagabi. Halos hindi ako nakatulog sa pag-iisip sa kanya. Nagsindi ng sigarilyo si Peter bago nagsalita. “The only thing I know is her name.” I looked at him seriously. “What is her name?” “You really like her.” “I already told you why I like her.” Tumawa siya. “Hindi ko alam na uso sa 'yo ang love at first sight.” “Tell me, what is her name, and where can I find her?” “Her name is Halley. The old woman told me that she only asked for the job because she needed money.” “Where can I find her?” I asked irritably. “She didn’t tell me.” “Ibigay mo sa akin ang number ng kausap mo at ako na ang makikipag-usap sa kanya.” “Okay!” He took his phone and gave me the number. I didn’t waste any time and called immediately. My heart was pounding as I waited for someone to answer on the other line. Please... answer my call. “Hello!” Huminga ako ng malalim. “Ako 'yung may birthday kagabi na may baba—” “Hinahanap n’yo ba si Halley?” “Yeah!” “Anong atraso niya sa inyo at bakit n’yo siya hinahanap?” “Wala naman siyang atraso sa akin. Gusto ko lang siyang bigyan ng trabaho,” alibi ko. “Okay, pero hindi ko alam kung saan siya nakatira dahil pinasok lang siya ng kaibigan niya.” “Puwede ko bang malaman kung sino ang kaibigan niya?” “Ibigay ko na lang ang numero mo sa kanya para siya na lang ang tumawag sa 'yo.” “Okay, thank you.” Bagsak ang balikat ko matapos kong makipag-usap sa babae. “Nakausap mo na ba?” tanong ni Peter. Tumango ako bilang tugon. “You just didn’t want to believe me. I told you they didn’t tell me where that woman lives,” Peter said. “Okay, I’ll just wait for that old woman to call me.” “Go back to your office and wait.” “Ano nga pa ba ang magagawa ko kung hindi ang maghintay.” “Paano kung hindi na tumawag sa ‘yo?” Seryoso akong tumingin kay Peter. “Gagawin ko ang lahat para hanapin siya.” “Tsk! You’re crazy!” Tumalikod ako at tuluyan na akong lumabas ng condo ni Peter. Huminto ako ang sasakyan ko sa malaking gate ng kumpanya ko na GLS Network upang makipag-meeting sa aking mga vice presidente. Nang makita ako ng sekyu na nagbabantay ay agad nila akong binati at binuksan ang gate. “Good morning, Sir!” wika ng sekyu. Tumango ako bilang tugon at dumiretso na ako sa parking lot ng mga VIP. Pagbaba ko ng kotse ay sinalubong naman ako ng dalawang sekyu sa main door. “Good morning, Sir Lucas!” Yumuko pa sila bilang paggalang. Isang tipid na ngiti ang tinugon ko sa kanila at diretso akong pumasok sa loob patungo sa aking opisina. “Lucas!” wika ni Fonsi, ang aking vice president. Lumapit siya sa akin at marahan tinapik ang balikat ko. “Mabuti naman at hindi mo ako pinaghintay ng matagal,” sagot ko. He laughed. “Of course, I was worried you might suddenly change your mind and fire me from the company.” “Let’s start our meeting.” “I noticed there are a lot of new actors nowadays.” “They’re from the other network. Mrs. Aida plans to give main roles to those coming from there. They’re going to create a new TV series.” “Oh, nice.” I looked at him seriously. “Is that all we’re going to discuss?” “Of course not!” “Let’s start the meeting. Call the other staff who will join the meeting.” Nagkibit-balikat si Fonsi at tinawagan niya ang sekretarya niya para ito ang tumawag sa ibang kasama sa meeting. Habang naghihintay ako sa kanila ay tumunog naman ang cellphone ko. Unknown number ang tumawag kaya hindi ko ito agad sinagot. Nakatanggap ako ng text mula sa tumawag sa akin kaya binasa ko ito. “Hello, hinahanap n’yo ba ang kaibigan kong sumayaw sa birthday mo kagabi?” Parang tumalon ang puso ko nang mabasa ko ang text. Hindi ko na hinintay na tumawag ito dahil ako na ang unang tumawag. “Hello!” wika ng sabilang linya. “Hi, pasensya na kung hindi ko agad nasagot ang tawag mo.” “Okay lang, ang hindi okay ay ang kausapin mo ako ng english. Hindi tayo magkakaintindihan.” “Sorry!” “Bakit mo gustong malaman kung saan nakatira si Halley?” “Ah… gusto ko siyang bigyan ng trabaho.” “Totoo ba ‘yan?” “Yes.” “Naghahanap nga siya ng trabaho dahil walang trabaho ang magulang niya. Sasabihin ko kung saan siya nakatira, pero pangako mo sa akin na hindi mo siya sasaktan.” “Bakit ko naman siya sasaktan? Gusto ko lang siyang tulungan.” “Baka balikan mo siya dahil sinampal ka niya kagabi. Hindi siya pumayag ng extra service dahil conservative siya. Ang boring nga ng mga kuwento na sinusulat niya online.” “Writer siya?” “Aspiring writer si Halley. May mga sinulat siyang kuwento online.” “Oh, really! May ari ako ng isang TV Network.” “Talaga! Baka gusto n’yo ng mga kuwento na pang-teenager?” “Hmm… maybe.” “SexyLola@69, ang pen name ni Halley. Search n’yo lang ang pen name niya at makikita mo na ang mga sinulat niyang kuwento.” “Okay, saan siya nakatira para personal kong alukin siya ng trabaho?” “Talaga! Bibigyan mo siya ng trabaho?” “Yes, I will help her.” “Mabuti naman. Akala ko kaya mo gustong malaman kung saan siya nakatira ay dahil idedemanda mo siya dahil sinampal ka niya.” “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Ganyan kapag mayaman.” “Gusto ko lang siyang tulungan.” “Salamat, kailangan talaga niya ng trabaho dahil na stroke ang tatay niya kaya wala na silang aasahan. Nagkalat na ang utang nila sa barangay namin.” Nakaramdam ako ng awa kay Halley. “Oh, I see.” “Sana ikaw na ang sagot sa problema niya.” “Matutulungan ko lang siya kung sasabihin mo kung saan siya nakatira.” “Dito sa Brgy 165 Bantay Sirena Metro Manila.” “Thank you.” “Salamat sa mabuting loob,” sabay putol niya ng tawag. Nang matapos kaming mag-usap ay tumayo ako para umalis. “Lucas, where are you going?” “May pupuntahan akong importante.” “How about our meeting?” “Ikaw na ang bahala. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang napag-usapan sa meeting.” Tumalikod ako at umalis. “Lucas, sandali!” Hindi ko na siya pinakinggan at sa halip ay tuluyan na akong lumabas ng opisina ko. Nagmamadali akong sumakay ng kotse. Habang binabaybay namin ang daan, natanaw ko ang isang flower shop. Dahan-dahan akong huminto para bumili ng bulaklak. “Hello, Sir!” bati ng tindera. “Hi!” sabay tingin ko sa mga bulaklak. “Anong hanap n’yo, Sir?” “Anything.” “Marami kaming magagandang bulaklak at fresh. Puwede kayong mamili ng flower design kung gusto n’yo.” Napansin ko ang sunflower. “I want that.” Tinuro ko ang sunflower na nasa unahan. “Ganitong design na ba ang gusto n’yo?” Tumango ako. “Yeah!” “Okay, Sir, sa cashier na lang ang bayad.” Nagbayad ako ng limang libong piso para sa bulaklak na binili ko. Pagkatapos, sumakay ako sa sasakyan at umalis. Huminto ang sasakyan ko sa harap ng isang tindahan. Nang bumaba ako ng sasakyan, nakita kong maraming tao ang nasa labas at nakatingin sa akin. “Anong problema nila?” bulong ko sa sarili. Dumiretso ako sa tindahan para magtanong sa tindera. “Excuse me, alam n’yo ba kung saan nakatira si Halley?” Tinitigan ako ng tindera bago nagsalita. “Si Halley, anak ni Tina?” Tumango ako kahit hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Ang sabi sa akin ng babae na tumawag sa akin, ipagtanong ko raw sa bantay ng tindahan. “Boarder ko sila. Kamag-anak ka ba nila?” Umiling ako. “Hindi po.” “Okay, pumasok ka diyan sa eskinita na ‘yan. Diretso lang sa paglalakad, sa dulo niyan may makikita kang gate na yari sa kawayan. Doon ang bahay ni Halley.” “Thank you.” “Pakisabi kay Halley, bayaran na nila ang utang nila sa akin. Ang haba ng listahan nila.” “Okay.” Tumalikod ako at umalis. Kung may dala lang akong cash, baka binayaran ko na iyon. Naubos na kasi ang cash ko kanina sa binili kong bulaklak. Bago ako naglakad papasok sa eskinita, kinuha ko muna ang bulaklak sa loob ng kotse. Sinunod ko ang sinabi ng matandang tindera. “Tao po!” sigaw ko. Halos nakatatlong beses na akong tumawag bago lumabas ang isang batang lalaki. “Sino po sila?” tanong niya. Ngumiti ako. “Hello, nandiyan ba si Halley?” Tumingin siya sa akin. “Anong kailangan n’yo kay Ate Halley?” “Kaibigan niya ako.” “Kaibigan ka niya?” “Yes!” “Anong pangalan mo?” “Lucas.” “Sandali, tatawagin ko siya.” Tumalikod siya at pumasok sa loob. Pagkalipas ng isang minuto, lumabas si Halley. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siya. Nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin sa akin. “Bakit ka nandito?” Ngumiti ako. “H-Hi!” Nameywang siya. “Idedemanda mo ba ako dahil sinampal kita? Kasalanan mo naman kung bakit ko ginawa ‘yon!” “Hindi ‘yon ang dahilan kung bakit ako nandito.” “Eh, ano?” “Puwede mo ba akong papasukin sa loob para makapag-usap tayo?” Sandali siyang nag-isip. “Hindi ako magnanakaw at wala akong gagawing masama sa ‘yo.” “Kahit magnanakaw ka, wala ka namang mananakaw sa loob ng bahay namin.” “So, puwede mo na ba akong papasukin sa loob?” Hindi na siya sumagot. Sa halip, binuksan niya ang gate at pinapasok ako sa loob ng bahay. Lumang-luma na ang bahay at lahat ng mga gamit nila ay sira na at luma na rin. “Wala akong puwedeng ibigay sa ‘yo,” wika ni Halley. Umupo ako sa sofa nilang yari sa kawayan. “It’s okay.” “Ate, sino siya?” “Kaibigan ko,” sagot ni Halley. Lumapit ang batang lalaki at bumulong. “Ate, mukhang maraming pera ang kaibigan mo. Puwede mo naman siguro siyang utangan pambayad ng kuryente.” “Tumahimik ka nga! Puntahan mo si Tatay!” “Oo na!” Pumasok ang batang lalaki sa kuwarto. “Pasensya ka na sa kapatid ko. Ano bang kailangan mo sa akin?” “Napansin kong wala kang trabaho at nalaman kong isa kang aspiring writer. Ako nga pala si Lucas, may-ari ako ng isang TV Network. Gusto sana kitang alukin ng isang trabaho.” Kumunot ang noo niya. “Scam ba ‘yan?” Umiling ako. “Hindi ako scammer.” “Anong trabaho?” “Be my contract wife.” “Ano!” gulat na gulat siya. Seryoso akong tumingin sa kanya. “Yes, six-month contract wife.” “Sinabi ko na nga ba at gusto mo lang makipag-s*x kaya nandito ka!” “I like you.” “No way! Over my sexy body!” “Bibigyan kita ng malaking halaga.” “No way! Umalis ka na at baka tagain pa kita!” galit niyang sabi. “Halley!” “Hindi ka aalis!” Tumalikod siya sa akin. Pagbalik niya ay may dala siyang itak. “Aalis ka o tatagain kita!” Tumayo ako. “Okay! Pero kung magbago ang isip mo, tawagan mo ako,” sabay hagis ko ng calling card sa kanya. Pagkatapos, tuluyan na akong umalis. Nang sumapit ang alas-siyete ng gabi, dumalaw ang pinsan kong si Peter sa bahay ko. “Nakausap mo na ba si Halley?” tanong niya habang umiinom ng red wine. “Nakausap ko siya, pero hindi siya pumayag sa gusto ko.” Tumawa si Peter. “Sinabi ko naman sa 'yo na hindi siya bayarang babae.” “I know, but I have a way to get her.” “You seem really serious about her.” “She's an aspiring writer, and I'll use her writing to force her to agree to what I want.” “Aspiring writer? What does she write?” “According to her friend, mostly teen fiction.” “What's her pen name? I want to read what she’s written.” Bahagyang umangat ang kilay ko. “Since when have you been interested in reading?” “Just now.” “Tsk!” sabay tungga ko ng alak. “Tell me her pen name. Who knows, it could even become a TV series or maybe a movie.” Lumapad ang ngiti ko. “Exactly!” “What?” takang tanong niya. “Every writer dreams of having their stories adapted. I'll offer Halley an adaptation so she can gain recognition.” "What if she doesn't agree?” “Papayag siya kung hindi niya ako malalaman na ako ang nagplano.” “What do you mean?” Ngumiti ako. “Let's toast.” “Whatever your plan is, make sure you don't get into trouble.” “Of course.” Sinaid ko ang laman ng wine glass ko at muli kaming nag-usap ni Peter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD