CHAPTER 9

2487 Words
Halos hindi ako nakatulog dahil sa sobrang excited kong makahawak at mapirmahan ang unang libro ko. Ayon kay Ma’am Rosita, makakausap ko na rin ang direktor na gagawa ng kwento ko. Hindi ko mapigilan ang saya, pakiramdam ko ay nanalo ako sa lotto. "Sana, maraming bumili ng libro," bulong ko. Muli kong pinikit ang mga mata ko para matulog. Ala-una na ng umaga, alas-onse pa naman ang meeting ko sa LGGC Network. "Hindi talaga ako makatulog." Tumayo ako at kinuha ang ballpen at lumang notebook ko. Nagsimula akong pumirma gamit ang pen name na Hope Guerrero. Nang makapili na ako ng magandang pirma, bumalik na ulit ako sa kama para matulog. "Halley!" Boses ni Nanay ang naririnig ko, ngunit hindi ako bumangon. Inaantok pa kasi ako kaya gusto ko pang matulog. "Halley, gumising ka na!" Napakamot ako sa ulo. "Nay, inaantok pa ako." "Gumising ka na, tanghali na!" sigaw niya. Kahit gusto kong matulog, wala akong magawa dahil hindi ako titigilan ni Nanay hangga't hindi ako bumabangon. "Ito na, babangon na!" "Magsikaso ka na dahil may pupuntahan ka ngayon, 'di ba?" Bigla kong naalala ang dahilan kaya ako puyat. "Nay, anong oras na?" "Alas-otso na ng umaga." "Kailangan kong magmadali." Kinuha ko ang tuwalya at nagmadali akong pumunta sa banyo para maligo. Isang oras at kalahati ang biyahe patungo sa LGGC Network, ngunit kapag inabutan ka ng traffic, siguradong matatagal ka sa biyahe. "Halley, kumain ka muna bago ka umalis para may lakas ka sa interview mo. Maglagay ka na rin ng barya sa ilalim ng talampakan mo," wika ni Nanay nang makita niya akong nagsusuklay ng buhok. “Nay, hindi naman ako mag-aapply ng trabaho.” “Kahit na, tatanungin ka pa rin nila. Mabuti nang handa para hindi ka kabahan.” “Sige, gagawin ko.” “Kumain ka na.” Tumango ako. Nakakatuwa dahil ilang linggo na kaming kumakain ng tatlong beses sa isang araw. Nagluto si Nanay ng pritong itlog at sinangag. Siyempre, hindi mawawala ang kape. Coffee is life ako—halos tatlong beses akong uminom ng kape. Bago ako umalis ng bahay, nakatanggap ako ng text mula kay Ma'am Rosita. Binigay niya sa akin kung anong floor ako pupunta at saang silid. “Nay, alis na po ako!” sabi ko. “Sandali lang!” Lumapit siya sa akin. “Bakit?” Lumapit siya at inabot ang dalawang daan. “Oh, mag-book ka na lang online ng motor na sasakyan mo para siguradong makakarating ka ng maaga sa pupuntahan mo.” “Sige, pag-uwi ko, bibili ako ng pasalubong.” “Maghahanap na rin ako ng bahay na uupahan natin mamaya. Sana lang talaga may dala ka nang pera pag-uwi mo.” Tumango ako. “Sigurado 'yan.” “Sige, mag-book ka na ng sasakyan mo.” Mabuti na lang at may load ako kaya mabilis akong nakapag-book ng sasakyan. Ngayon, siguradong makakarating ako ng maaga sa LGGC Network. Alas-dyes trenta ng umaga nang makarating ako sa kumpanya. Pagdating ko, pumunta agad ako sa information para ibigay ang valid ID ko. Hindi kasi ako makakapasok sa loob kung wala akong valid ID na ipapakita. “Ma'am, eleventh floor ang Development Department,” wika ng babae sa information. Ngumiti ako. “Thank you.” Sumakay ako sa elevator patungo sa Development Department. Magkakaroon daw ako ng meeting kasama ang mga directors, scriptwriter, at iba pa na kasali sa paggawa ng pelikula ng kuwento ko. Nang makarating ako ay huminga ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Kinabahan ako nang makita kong maraming tao sa loob. “H-Hello, good morning!” Nakaupo sila sa mahabang mesa, lahat nakasuot ng corporate attire. Bigla akong nanliit sa suot kong maikling maong na palda at crop na blouse. Mabuti na lang at may dala akong jacket, kung hindi, baka sumakit ang tiyan ko sa sobrang lamig. “Miss Halley!” tawag ni Ma’am Rosita. Lumapit siya at ipinakilala ako sa mga tao sa loob. Para sa pambayad ng upa sa bahay. Iyon na lang ang iniisip ko habang nakikipag-usap sa kanila. Akala ko ay sandali lang ako dito, ngunit may meeting pa pala. “Miss Halley, hintayin mo na lang at dadalhin na dito ang libro mo,” wika ni Ma’am Rosita. Kanina ko pa gustong makita ang libro ko. Tumango ako. “Thank you.” Pinag-usapan pa namin ang kuwento ko—may mga eksenang inalis at pinalitan. Hindi raw kasi kailangan sa pelikula. Dahil pelikula ang gagawin, maraming eksena ang mawawala. Ganoon daw talaga kapag ginawang pelikula ang isang kuwento. Habang naghihintay, dumating naman ang pagkain. Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa bango ng pagkain. Meron kaya akong libreng pagkain? “Ma’am Halley, kumain ka na habang hinihintay natin ang libro mo.” Ngumiti ako. “Thank you!” Hindi na ako nagpakipot. Kinuha ko agad ang chicken burger, carbonara, milk tea, at mineral water. Habang patuloy silang nagkukwentuhan, ako naman ay panay kagat ng burger. “Ang sarap! Ngayon lang ako nakakain ng ganitong burger,” bulong ko. Nang tingnan ko sila, lahat sila nakatingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. “Sorry!” Ngumiti sila at binalik ang pansin sa kanilang usapan. Pagkalipas ng 20 minuto, bumukas ang pinto at dala na nila ang printed copy ng libro ko. “Wow! Ang ganda ng book cover ng libro ko,” sabi ko. Nakalagay sa unahan ang bago kong pen name na Hope Guerrero. “Thank you!” sabi ko muli. “Ma’am Halley, halina po kayo para sa photoshoot,” sabi ni Ma’am Rosita. “Bakit may photoshoot?” “Kailangan po iyon para sa promotion. Pagkatapos, kailangan n'yong pirmahan ang 100 copies ng libro n'yo.” Nanlaki ang mga mata ko. “Sigurado kayo?” Tumango si Ma’am Rosita. “Para sa first 100 na bibili ng libro mo.” Bago ko pa makuha ang huling bayad, kailangan ko palang paghirapan ito. Tumango ako. “Okay po.” “Sasamahan kita sa studio,” wika ni Ma’am Rosita. Para akong artista na magmo-model ng isang brand dahil hindi lang ako nilagyan ng makeup, nagpalit-palit din ako ng damit. Akala ko sandali lang ang photoshoot, pero umabot kami ng dalawang oras bago natapos. Pagkatapos, pinirmahan ko pa ang mga libro ko. “Hays! Natapos din ako sa wakas.” Pakiramdam ko ay nagsulat ako ng isang buong libro sa dami ng pinirmahan ko. “Ma’am Rosita, tapos ko nang pirmahan lahat.” “Okay, ito na ang huling bayad para sa kuwento mo.” Inabot niya sa akin ang tseke. Halos magkulay-puso ang mga mata ko nang makita ko ang halaga ng tseke. Sa wakas, nakuha ko na rin ang pinakahihintay ko. Nilagay ko agad ito sa dala kong bag. Hindi ko na ito mapapalitan dahil ko na maabutang bukas ang mga bangko. Tumayo ako upang umalis. “Salamat po.” “Teka, Ma’am Halley!” “Bakit po?” “Gusto kang makausap ng may-ari ng LGGC Network.” “Matagal po ba?” “Hindi naman siguro magtatagal.” Tumango ako. “Sige po.” “Halika, ihahatid kita sa opisina niya.” Sumunod ako sa kanya patungo sa opisina ng may-ari ng LGGC Network. Habang naglalakad, nag-text ako kay Nanay upang ipaalam na hawak ko na ang perang pambayad sa upa. “Dito na tayo,” sabi niya. “Thank you.” “Puwede ka nang umuwi pagkatapos mong makipag-usap kay Mr. Guerrero.” Mr. Guerrero? Doon nila kinuha ang surname sa pen name ko? Sabagay, tunog mayaman at matalino ang bago kong pen name," bulong ko Huminga ako nang malalim bago kumatok at pumasok sa opisina. Pagpasok ko, wala akong nakitang tao. Ang opisina ng may-ari ay napapalibutan ng double mirror na dingding. Kitang-kita ang mga tao sa labas ng opisina, ngunit kapag nasa labas ka, hindi mo makikita ang loob ng opisina ng Presidente. Siguro, sinadya itong gawin upang mabantayan ang galaw ng mga empleyado sa labas. “Nasaan kaya ang may-ari? Mukhang paghihintayin pa yata ako ng matagal. Uwing-uwi na ako.” Umupo ako at tahimik na naghintay. Iniisip ko na lang na baka sinusubukan lang ako, tinitingnan kung may kukunin akong gamit. “Ang tagal naman,” bulong ko nang naiinip. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na amerikana at may suot na shades. Ni-lock niya ang pinto at tinanggal ang shades. Ngumiti siya. “Hello, Halley!” Sumimangot ako. “Hoy, bakit ka nandito sa opisina ng may-ari ng LGGC Network?” Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip, lumapit siya sa akin. “Did you enjoy the photoshoot and your new book?” Tinitigan ko siya nang masama. “Paano mo nalaman ang tungkol diyan? Siguro stalker ka?” Ngumiti siya nang pilyo. “Now you’re mine,” sabay hila niya sa akin at idinikit ako sa dingding na salamin. “Bitawan mo ako!” Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan. Nagpupumiglas ako, pero mas malakas siya sa akin. Nang huminto siya, sinampal ko siya. “Hayop ka! Manyak!” Bubuksan ko sana ang pinto, ngunit bigla siyang nagsalita. “Binasa mo ba ang kontrata bago mo pinirmahan?” Humarap ako sa kanya. “Ano bang pakialam mo?!” “Nandito ka para kausapin ang may-ari ng LGGC Network, hindi ba?” “Oo! Pero may manyak na sagabal!” “You’re already talking to the owner of LGGC Network.” “Weh? ‘Di nga?” “I’m Lucas Guerrero, the owner of LGGC Network. I’m also the reason why your trashy book will be published and turned into a movie.” Gulat na gulat ako sa nalaman ko. “Ikaw ang boss nilang lahat?” Tumango siya. “I’m their boss, but I’m your future husband.” “Anong pinagsasabi mo?” “Didn’t Rosita tell you to read the contract before signing it?” Bigla akong kinabahan. Ilang ulit sa akin sinabi ni Ma’am Rosita na basahin ko ang kontrata bago pumirma, pero sa sobrang tuwa ko sa malaking pera na ibabayad sa akin, hindi na ako nagdalawang-isip at pumirma agad kahit hindi ko binasa. “Anong meron sa kontrata?” “Tsk! Okay, I’ll give you a copy of your contract.” Binuksan niya ang drawer niya at kinuha ang mga papeles. “This is just a copy of the contract you signed. We both have original copies, so you can read it when you get home.”.” Binasa ko ang kontrata na pinirmahan ko. “Oh, no!” Nanlambot ang mga tuhod ko nang mabasa ko ang nakasaad sa kontrata. “My book will be published and turned into a movie, I’ll be given a house and lot with appliances, a ten-thousand-peso monthly allowance, free water and electricity, and most importantly, free medical treatment for my father. These are the benefits I’ll receive after signing the contract, but I have to be a contract wife for six months up to five years depending on Lucas’s decision. I can’t date anyone. I have to fulfill the duties of a wife, especially Lucas’s needs. I have to sleep with him. If I get pregnant, the child will be Lucas’s.” Ito ang nakalagay sa kontrata na pinirmahan ko? Sa galit ko, pinunit ko ito. “Ayoko!” Nagkibit-balikat siya. “Okay, ibalik mo sa akin ang pera na binayad ko sa'yo, dahil kung hindi, ipakukulong kita.” Tumulo ang luha ko. “Hayop ka! Naisahan mo ako!” Ngumiti siya. “Hindi ko kasalanan kung pumayag ka sa gusto ko. Sinabi sa 'yo ng sekretarya ko na basahin mo ang kontrata. Kung binasa mo ito at ayaw mo pa rin, hindi kita pipilitin.” Tama naman ang sinabi niya. Hindi nagkulang si Ma’am Rosita na ipaalala sa akin na basahin ko muna ang kontrata. “Ang tanga mo, Halley! Kasalanan mo kung bakit nangyari sa akin ito,” bulong ko. Muling lumapit si Lucas. “Sa mga oras na ito, may karapatan ako sa 'yo.” Tumingala ako para tingnan siya, pero hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan. Kung kanina ay nagwawala ako sa galit, ngayon para akong maamong tupa. Naghihintay kung ano ang gagawin niya. Lumunok siya habang nakatingin sa akin. “Halley…” Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya. Pagkatapos, naramdaman kong dumikit ang labi niya sa akin. Wala akong reaksyon habang hinahalikan niya ako kaya huminto siya. “Kiss me back, that’s an order.” Muli niya akong siniil ng halik. Hindi ko alam kung paano humalik dahil first time ko ito. Ginaya ko na lang siya. Wala akong pandidiri nang maghalo ang laway namin. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang kamay niyang hinihimas ang puwitan ko. “Halley, you taste so good,” he whispered. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya na nasa loob ng kanyang pantalon kaya huminto siya. Iyon ang naging pagkakataon ko para lumayo sa kanya. “K-Kailangan ko nang umalis!” Hindi ko pa naihahakbang ang mga paa ko nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. “Ihahatid na kita pauwi.” “K-Kaya kong umuwi mag-isa.” “Remember, you’re going to be my wife, so I’ll make the decisions.” Tumango ako sabay yuko. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya nang lumabas kami ng opisina na magkahawak ang kamay. Lupa, lamunin mo na ako. Hindi ko alam kung paano kami nakalabas ng building. Nakayuko lang ako hanggang sa sumakay kami ng kotse. “Tomorrow, we’ll visit the house and lot I bought for you. The house is already under your name,” sabi niya habang binabagtas namin ang daan pauwi. “Sigurado ka na ba na papayag ako sa gusto mo?” “Well, if you return the money I spent on the book, the people I hired for the movie, and the money I paid you, then we won’t proceed with what’s in the contract.” “Magkano ba lahat?” “Two million.” "Two million?" pag-uulit ko. Yung fifty thousand pesos na unang bayad sa akin ay hirap ko nang bayaran, two million pa kaya? “I’ll give you until Sunday to pay it back. If you don’t, you’ll have to fulfill the contract. Don’t even think about running away because I’ll find you no matter where you go.” “Mukhang wala na akong pagpipilian, pero baka manalo ako sa lotto bago mag-linggo.” Tumawa siya. “Okay! I’ll wait for you to win by Sunday.” Pagkalipas ng mahigit isang oras at kalahati, nakarating na kami sa harap ng tindahan ni Aling Aroh. “Salamat.” Bubuksan ko sana ang pinto, ngunit pinigilan ako ni Lucas. “Bakit?” tanong ko. Hinila niya ang batok ko at muli akong siniil ng halik. “That’s a goodbye kiss.” Nagmadali akong bumaba ng sasakyan at tumakbo pauwi. “Ano ba itong pinasok kong problema."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD