CHAPTER 10

1992 Words
Papasok pa lang ako sa loob ng bakuran namin nang makita kong nakaabang na si Nanay. “Halley, anong nangyari sa lakad mo?” tanong ni Nanay. Ngumiti ako. “Nakuha ko na po ang tseke.” Huminga nang malalim si Nanay. “Mabuti naman at may pera ka na. May pangbayad na tayo sa uupahan nating bahay.” Tipid akong ngumiti. “Bukas ko pa papalitan ang tseke.” “Magpalit ka na ng damit, maghahain na ako ng pagkain.” Tumango ako at dumiretso sa kuwarto para magpalit. “Hays! Paano ko naman mababayaran ang fifty thousand?” Kinuha ko ang tseke sa bag at pinagmasdan ito. “Kung ibabalik ko ang perang ito, baka sa kalsada na kami pupulutin ng pamilya ko.” Bigla kong narinig ang sigaw ni Nanay, kaya nagmadali akong lumabas ng kuwarto. “Anong nangyari?!” “Tulungan mo ako! Ang Tatay mo!” sigaw ni Nanay. Kinabahan ako nang makita kong walang malay si Tatay habang pinagtutulungan hawakan nina Nanay at Harry. Tumakbo ako palapit sa kanila. “Harry! Tumawag ka ng tulong!” sigaw ko. Tumakbo si Harry palabas habang kami ni Nanay ay pilit na binubuhat si Tatay. “What happened?” Nagulat ako nang makita ko si Lucas. “T-Tulungan mo akong dalhin si Tatay sa ospital.” Lumapit siya sa amin at mag-isang binuhat si Tatay, pagkatapos ay tumakbo palabas patungo sa kotse niya. Sumakay kami ni Nanay sa kotse. Pagkatapos, pinaharurot ni Lucas ang sasakyan. Busina siya nang busina upang tumabi ang mga humaharang sa daan namin. Binuksan ko naman ang bintana at sumigaw ako, “Putang ina! Tumabi kayo! Emergency!” sigaw ko. Iyon ang ginawa ko hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na ospital. Agad naman kaming inasikaso sa ospital. “Diyos ko, sana walang masamang mangyari kay Tatay,” bulong ko. Hinawakan ni Lucas ang palad ko at marahan itong pinisil. “Magiging maayos din ang lahat,” sabi niya. Tumulo ang luha ko. “T-Thank you!” Hindi ko siya tinulak nang yakapin niya ako. Pakiramdam ko'y nakahanap ako ng kakampi sa katauhan niya. Ilang sandali pa ay lumabas ang doktor. “Doc, kumusta po ang Tatay ko?” Ngumiti siya. “Okay na ang tatay mo.” Nakahinga ako ng maluwag. “Salamat sa Diyos.” “Kailangan pa siyang sumailalim sa mga pagsusuri bago siya payagan lumabas,” wika ng doctor. “Salamat.” Inalis na si Tatay sa emergency room at nilipat sa ibang kuwarto. “Halley, umuwi ka na, walang kasama ang kapatid mo,” wika ni Nanay. “Nay, hindi ko pa napapalitan ang tseke. Uutang muna ako para pangbayad sa mga test na gagawin kay Tatay.” Kumunot ang noo ni Nanay. “Ang sabi ng doktor, wala na raw tayong babayaran sa lahat ng mga test na gagawin saTatay mo. Akala ko ay binayaran mo na.” “H-ha?” “Kumunot-noo si Nanay. “Hindi mo ba binayaran?” Bigla kong naisip si Lucas. “Oo, binayaran ko na! Lutang lang ako.” “Sige, umuwi ka na at samahan mo ang kapatid mo. Balikan mo na lang ako dito bukas.” Tumango ako. “Sige,” nagpaalam ako kay Tatay kahit hindi niya ako narinig. Nang lumabas ako, nakita ko si Lucas. Marahil ay hinihintay niya ako. Lumapit ako sa kanya. “Puwede mo ba akong ihatid sa bahay?” tanong ko. “Kaya nga ako nandito, ihahatid kita pauwi,” sagot niya. Tumango ako. “Thank you.” Hindi na ako nagreklamo nang hawakan niya ang kamay ko hanggang makarating kami sa parking lot. Binuksan niya ang pinto ng kotse para makapasok ako sa loob. “Akala ko umuwi ka na kanina?” sabi ko habang binabagtas namin ang daan pauwi. “Pauwi na sana ako, pero naiwan mo ang pitaka mo.” “Naiwan ko ang pitaka ko?” tanong ko. “Oo, nandoon ang mga valid IDs mo kaya bumalik ako para ibigay sa 'yo. Papunta na ako sa inyo nang makasalubong ko ang kapatid mong humihingi ng tulong. Kaya tumakbo ako papasok sa loob ng bahay n'yo.” Bumuntong-hininga ako. “Thank you. Kung hindi dahil sa 'yo, baka kung ano'ng nangyari kay Tatay.” “You're welcome.” “Dinala mo si Tatay sa private hospital. Siguradong malaki ang babayaran namin, pero binayaran mo na lahat.” “Your father’s medical expenses are included in our contract.” “Bakit ako?” tanong ko, naguguluhan. Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko rin alam kung bakit ikaw.” “Puwede ko bang makita ang bahay na binili mo para sa akin?” “Sure. Sabihin mo lang kung kailan mo gustong makita.” “Bigyan mo ako ng isang linggo na makasama ang pamilya ko. Pagkatapos, sasama na ako sa 'yo.” “Okay.” Ang daming tao sa labas nang huminto ang sasakyan ni Lucas sa tapat ng tindahan ni Aling Aroh. “Huwag ka nang bumaba, ang daming tsismosa sa labas,” sabi ko. “Tsimosa? ” Tumango ako. “Ingat ka.” “Thank you.” Tumingin ako sa kanya. “Puwede mo na akong halikan.” Umiling siya. “I’m not in the mood.” Abah! Ang arte! “Okay, ikaw ang bahala,” sabi ko. Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas. Hinintay kong umalis siya bago ako naglakad pauwi. “Halley!” tawag ni Aling Aroh. Lumapit ako. “Bakit po?” “Anong nangyari kay Tatay mo?” “Bigla siyang hinimatay, pero okay na po siya ngayon.” “Mabuti naman kung gano'n. Hinatid ka na naman ng kaibigan mo.” Tumango ako. “Opo, sige po, alis na ako.” “Teka, sandali lang, Halley!” “Bakit po?” “Boyfriend mo na ba ang naghatid sa 'yo?” “Hindi po.” “Sayang, guwapo na, mayaman pa. Kung ako sa 'yo, gamitin mo ang ganda mo para makapag-asawa ka ng mayaman.” Tumalikod ako at naglakad pauwi. Tinatawag pa ako ni Aling Aroh, pero hindi na ako lumingon. “Ate, kumusta na si Tatay?” tanong ni Harry. “Okay na si Tatay. Kumain ka na ba?” “Hindi pa.” “Kumain na tayo.” “Ate, ilang araw si Tatay sa ospital?” “May mga tests lang na gagawin sa kanya. Kapag okay ang resulta, palalabasin na siya.” “Ate, saan tayo kukuha ng pambayad sa ospital?” “Wala na tayong babayaran dahil may tumulong sa atin.” “Si Kuya 'yung guwapo ba?” “Oo, siya ang tumulong sa atin.” “Ang bait talaga niya.” “Kumain na tayo.” Dumiretso ako sa kusina para maghanda ng pagkain naming dalawa ni Harry. Maaga akong nagising para pumunta sa ospital at sunduin si Tatay. Pagkalipas ng tatlong araw na pamamalagi niya sa ospital, makakauwi na rin siya. “Ate, bilisan mo, naghihintay na sa atin si Kuya Lucas!” sigaw ni Harry. Lumabas ako ng kuwarto. “Pakiulit nga ang sinabi mo?” “Kanina pa naghihintay sa labas si Kuya Lucas.” “Nasa labas siya?” “Oo, paulit-ulit.” Lumabas ako para alamin kung totoo ang sinasabi niya. Nakita ko si Lucas sa loob ng bakuran namin, nakaupo sa lumang upuan na yari sa kawayan. Lumapit ako sa kanya. “Paano mo nalaman na ngayon ang labas ni Tatay?” Ngumiti siya. “Of course, ako ang nagbayad ng bill niya sa ospital kaya alam ko na lalabas na siya.” Napakamot ako sa noo. “Oo nga pala!” Tumingin siya sa akin. “Huwag mong sabihing pupunta ka ng ospital nang walang suot na bra?” Pagtingin ko sa sarili ko, wala nga akong suot na bra. “Ay!” Tumakbo ako papasok sa loob. “Ate, bilisan mo!” wika ni Harry. Pulang-pula ang mukha ko habang nagsusuot ng damit. “Nakakainis! Akala niya siguro sinadya kong huwag magsuot ng bra.” Paglabas ko ng kuwarto, nakita ko si Lucas sa sala, umiinom ng kape. “Are you ready?” tanong niya. Tumango ako, sabay yuko. “Okay, ubusin ko lang ang kape na tinimpla sa akin ni Harry,” sabay kindat pa niya kay Harry. Lumapit sa akin si Harry at bumulong. “Ate, galante naman si Kuya Lucas. Pinagtimpla ko lang siya ng kape, binigyan niya ako ng limang daang piso.” “Kaya pala tuwang-tuwa ka.” “Hintayin ko na lang kayo sa labas.” Lumabas siya ng bahay. “Bilisan mong uminom ng kape,” sabi ko. Tumingin siya sa akin. “Maganda ang suot mong damit, bagay sa 'yo.” Ibinaling ko ang tingin upang hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko. “Alam kong maganda ako, kaya lahat ng suot bagay sa akin.” “Damit lang ang sinabi kong maganda, hindi ikaw.” Kainis! Sarap sapakin! Tuwang-tuwa si Harry nang sumakay siya sa kotse ni Lucas. “Ate, mabuti pa ang kotse ni Kuya Lucas, malamig. Sa bahay natin kahit may electric fan, mainit pa rin.” Pinanlakihan ko ng mga mata si Harry. “Tumigil ka na.” “Harry, gusto mo ba ng kuwarto na may aircon?” Tumango siya. “Opo, pero mga mayayaman lang ang may aircon.” Nakaramdam ako ng awa sa kapatid ko. “Huwag kang mag-alala, malapit nang matupad ang pangarap mo,” sabi ni Lucas. Tipid akong ngumiti. Desidido na talaga akong ituloy ang kasunduan namin ni Lucas para guminhawa ang buhay ng pamilya ko. Pagdating namin sa ospital, nakahanda na si Tatay. Naligpit na ang mga gamit niya kaya umalis din agad kami. “Mag-drive thru muna tayo bago umuwi,” sabi ni Lucas. “Busog pa kami,” sabi ni Nanay. Iyon ang madalas niyang sabihin kapag walang pambili. “Huwag po kayong mag-alala, libre ko.” Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Nanay at Harry. “Salamat,” sabi ni Nanay. Dumaan kami sa drive thru para bumili ng pagkain, at pagkatapos ay kinain namin ito habang pauwi ng bahay. “Kumain ka.” Sinubo ko sa kanya ang burger. Kinain naman niya ito. “Thank you.” Sinubuan ko siya hanggang sa maubos niya ang pagkain niya. “Lucas, salamat sa paghatid sa amin,” sabi ni Nanay nang makarating na kami sa bahay. “Walang anuman.” Lumapit ako kay Lucas. “Bukas mo na lang ako samahan sa bahay,” pabulong kong sabi. Tumango siya. “See you tomorrow.” Ngumiti ako. “See you,” sabi ko. Pagkaalis ni Lucas, nagluto naman ako ng pagkain namin. “Halley,” tawag ni Nanay. “Bakit?” Bumuntong-hininga siya. “Si Aroh ay dumalaw kahapon kay Tatay mo. Sinabi niya sa akin na kailangan sa linggo ay bakante na ang bahay.” “Ha? Bakit ang bilis naman?” “Nagmamadali na sila dahil ipapaayos na ang bahay nila. Kuryente at tubig na lang ang babayaran natin sa kanya. Yung sampung araw na hindi kasama sa binayad natin sa bahay, libre na raw.” “Si Aling Aroh talaga, lagi tayong ginigipit.” “Halley, saan tayo maghahanap ng bahay? Naubos na yata ang pera mo sa pagbabayad sa ospital.” “Huwag kayong mag-alala dahil nakahanap na ako ng bagong malilipatan natin.” “Talaga?” Tumango ako. “Huwag n'yo nang problemahin ang tungkol sa bahay dahil nagawan ko na ng paraan.” “Mabuti naman kung gano’n. Si Lucas, kaibigan mo ba talaga siya?” “Opo, bakit?” “Ang bait niya. Handa siyang tumulong sa atin.” “Gano’n po talaga siya kahit noon,” alibi ko. “Sige, puntahan ko ang Tatay mo.” Tumango ako at pinagpatuloy ko ang pagluluto. “Wala na talagang atrasan 'to. Magpapakasal na ako kay Lucas, bulong ko. Bigla kong naalala ang kuwento kong sinulat. “Hays! Ang buhay ko parang isang nobela, 'yon nga lang walang happy ending.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD