CHAPTER 15

1318 Words
"Zup, De Dios!" bati ni Zandre nang makita ang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ngayon lang yata siya na-excite na makita ang binata rito sa UL. Hindi mapakali ang mata niya na tumatanaw sa gawing likuran nito na tila ba may hinahanap pa na iba. "She is not with me! She travelled back to Japan, working..." "Wala naman akong tinatanong, bakit sinasabi mo sa akin? Saka ano ba ang pakialam ko sa alalay mo?" putol niya sa sinasabi nito. He suddenly felt irritated. Bigla nag-iba ang timpla niya sa nalaman. Disappointed maybe, at hindi niya alam kung bakit niya nararamdaman iyon. "Sorry naman! Mababali na kasi iyang leeg mo kakatingin sa likuran ko. Akala ko lang kasi hinahanap mo si Akino, wala siya may hinatid sa Japan," sagot pa nito na lalong nakadagdag sa inis niya. At sino naman kaya ang inihatid nito? Bakit kailangan pang ihatid? Lalaki ba o babae? "Who's Akino?" biglang sabat ni Kirito. "Wala!" "My bodyguard!" halos sabay pa nilang sambit ni De Dios. "Woah! May bodyguard ka na? Bigatin, tinalo mo pa ako, anong balita ha, anong meron? Baka mamaya magkatulad lang tayo, isa ka ring prinsepeng nawawala at nagpapanggap na mahirap," dinig niyang saad ni Kirito sa kaibigang si De Dios. "He wasn't!" hindi niya napigilang sabat. "Anak lang siya ng businessman na hapon, kaya pala ganyan ang mata niyan, may lahi palang sakang," pang-aasar niya para itago ang inis niya. "At least may maganda at sexy na bodyguard, akalain mo 'yon," saad nito. Sa sinabi nito ay tila may pumitik sa ugat niya. Parang bigla ay gusto na lang niya itong sakalin. So, De Dios find Akino attractive... because if he was right De Dios just said Akino was sexy. "H-How did you know that she was sexy? Have you seen her n-naked?" tila bumara sa lalamunan niya ang salitang iyon nang sabihin niya. "What do you think, Zuniga? Last night she was in my room and..." “Stop it asshole! Wala akong pakialam, hindi ako interesadong malaman kung anong pinaggagawa ninyo ng alalay mo!" Sa inis niya ay tumayo siya at nag-walk out. Baka kapag hindi pa siya umalis ay makuha pa niyang pilipitin ang leeg ni De Dios sa sobrang inis niya. The nerve of that son of a b***h. Alam niyang iniinis lang siya nito. Alam niyang imposibleng magkainteres ito sa ibabang babae dahil alam naman niya na sa iisang babae lang nababaliw ang walanghiya. But the thought of what De Dios said keeps on banging inside his mind. Alam niyang gawa-gawa lang nito iyon pero ang malikot niyang isip ay hindi siya patahimikin. Sinabi niyang wala siyang pakialam pero kabaliktaran iyon ng totoong nararamdaman niya. Tila nilalamon na siya ng mga salita niya at hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Nagtungo siya sa opisina niya at doon ginugol ang sarili sa pag-inom. Maghapon siyang bad mood at hindi maipinta ang mukha. Nagulantang na lang siya sa tawag ni Kirito at ipinaalam sa kaniya ang nangyari. It was about De Dios at sa paghahanap nito sa kababata at kasintahan nito. Siya ang nagsabi sa binata na lumapit sa mga kaibigan niya para matulungan ito sa problema nito. At ngayong mukhan alam na nito ang totoong dahilan ay hindi siya mapakali dahil alam niya ang trip ni De Dios, baka mamaya ay maisip na lang nito na magpasagasa sa tren at bilang kaibigan ay hindi naman niya kayang maatim iyon kahit pa inis na inis siya rito. Hinanap nila si De Dios buong gabi ngunit hindi nila ito natagpuan. Kinaumagahan ay nagbaka-sakali siya na puntahan ito sa binili nitong bahay na alam niyang dating pag-aari ng babaeng kinababaliwan nito. At hindi nga siya nagkamali. "Hey De Dios! f**k man, look at your fist," sigaw niya sa kaibigang mukhang langong-lango sa alcohol. Ni hindi nito maidilat ang mga mata dahil sa kalasingan. "f**k dude! Kaya ayaw kong ma-il love in, nakakabaliw. I mean look at you." Hindi niya alam kung saan galig ang salitang iyon. Iyon ang pinaniniwalaan niya noon pa na mukhang ngayon ay siyang bagay a kinatatakutan niya, ang ma-in love. Ayaw niyang mabigo at maging katulad ng kaibigan na halos pagbagsakan na ng langit at lupa. "Nagsalita ang magaling! Alam mo Zuniga, hindi ka dapat nagsasalita ng ganiyan. Baka dumating ang araw mas masahol ka pa diyan sa alaga mo. You know what I'm saying man, been there, done that!" sabat ni Alas na lalo lang nakadagdag sa kaba niya. Disgusting love, ugh! Hey De Dios do you f*****g hear me? GEt yourself man, pull yourself together," aniya ngunit tinabig lang nito ang kamay niya at pinilit umupo. "Maganda pala talaga itong girlfriend mo, kaya hindi nakapagtatakang nagkakaganyan ka! I remember myself way back..." Napalingon siya nang magsalita si Alas, hawak nito ang larawan ng kasintahan ni De Dios na kaagad namang inagaw ng binata. "This is mine! Pwede ba lumabas nga kayo rito. Bakit ba hanggang dito nakakarating kayo? Gusto kong mapag-isa kaya pwede?" galit na asik sa kanila ng kaibigan. Ibinalik nito sa ibabaw ang frame at napahilamos sa sariling mukha. Hindi man niya aminin ay dama niya ang nararamdaman ng kaibigan. Alam niya ang hirap nito na siyang ayaw niyang maranasan kahit kailan. "I want to be alone... please, Zuniga! Respect for once," dugtong pa nito. "Got bro! Tiningnan ko lang naman kung buhay ka pa. Ito kasing si Karloz, kagabi pa ako kinukulit na puntahan ka dahil may masamang balita ka raw na nalaman at baka mamaya magpatiwakal ka na," aniya. I won't f*****g do that! May nanay pa ako ulol," sagot nito. "Good to hear that! Just call us if you need something," saad niya. Nang lingunin niya si Karloz ay wala na ito at nauna pang lumabas sa kaniya. "De Dios, I said we will go now!" Tila wala itong naririnig sa mga sinabi niya. "Give us a phone call if you need something. Nag-iwan na kami ng mga beer d'yan sa ref sa baba. Drunk till you drop fucker, but do not harm yourself! I need you at the Ul!" aniya sa binata na tila lutang. Iniwan nila ito na parang wala pa rin sa sarili. Kelvin is hopeless at ayaw niyang maging katulad nito. He will never allow that to happen to himself at wala pang babae ang may kayang magpabaliw sa kaniya. Wala pa! Tumuloy siya sa sarili niyang bahay at hindi sa ADC Building. Of course he owns a house, a freaking huge house but it feels so empty. Matagal na siyang bumukod at nagsarili sa buhay kahit pa taliwas iyon sa kagustohan ng kaniyang ina. Kahit ayaw niya ang malayo rito ay minabuti na lang din niyang gawin dahil hindi na rin niya kaya ang pagmamanipula sa kaniya ng ama. That old greedy bastard na walang ibang alam mahalin kung hindi ang pera nito. Zandre asked his mom not just multiple times, he asked her and begged na sumama na ito sa kaniya at dito na manirahan sa bahay niya pero gaya ng palagi nitong sinasabi at ginagawa. “I can't come with you son. God knows how much I want too, but I couldn't.” He don't understand why? His mother didn't tell him anything reason, she just said she couldn't. Dumeretso siya sa bar counter at kumuha ng maiinom. Para ng sa ganoon ay kumalma rin naman siya at mawala sa isip ang kanina pa bumabagabag doon. That woman! His friend's bodyguard. Okupado nito kanina pa ang isip niya. Magmula ng malaman na umalis ito. Hindi siya mapakali. May kung anong nag-uudyok sa kaniya na sundan ito pero siya na rin ang sumawata sa naisip. Why the f**k he would do that? They didn't even in good terms. They didn't even friends kaya bakit siya nag-iisip na sundan ito? Ano na lang ang sasabihin niya sa dalaga kung sakali? Na naligaw lang siya sa Japan, turista na gusto ng bakasyon? That was hell absurd!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD