bc

AKINO (The Last Serpent

book_age18+
211
FOLLOW
1K
READ
revenge
possessive
arrogant
kickass heroine
mafia
heir/heiress
twisted
bxg
realistic earth
seductive
like
intro-logo
Blurb

Akino was supposed to the bride's maid pero dahil sa isang bagay na nakita ng dalaga ay hindi na nito nagawa pa ang pumasok sa loob ng simbahan. She desperately running and looking for that person she just saw. Hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya. Buong buhay niya ay hindi nawaglit sa isip niya ang bagay na iyon.

She was trained so well to be tough and merciless para sa araw na pinakahihintay niya. She knows that this wasn't the right time because it was her Master's wedding day, pero hindi niya pwedeng balewalain ang buong buhay niyang pinaghandaan. Kahit pa nasa maling pagkakataon at lugar sila. Pero tama ba siya sa nakita? Sa bansang ito talaga? She was born in Japan, that was her origin. There was where her parents killed. Kaya paanong mangyayari na narito sa bansang ni sa hinagap ay hindi niya napagtantong matatagpuan ang matagal na niyang hinahanap. Ang taong walang awang kumitil sa buhay ng buo niyang pamilya.

How could she forget that day, kung ang araw na iyon ang simula ng miserable niyang buhay?

That man and that mark on the left side of his hand. The mark on the hand of the person who killed her entire family. This man... in front of her now was her beloved boyfriend's father.

Of all people... why?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Patakbong umakyat sa kuwarto ang ina ng tahanan. Hawak nito ang iniingatang yaman at kapangyarihan ng kanilang angkan. Humahangos nito na ginising ang pitong taong gulang na anak na noon ay walang kamalay-malay at himbing na natutulog, habang ang kanyang ama at dalawang kapatid na lalaki ay nakikipagpatayan sa mga hindi kilalang tao na pumasok sa kanilang mansion. “Watashi no musume, mewosamasu!” ~anak gumising ka~ saad nito sa bata. Pupungas-pungas na nagmulat ng mata ang batang si Akino. Napamulagat ito nang makitang may mga bahid ng dugo ang damit ng kanyang ina. “Momma!?” sambit nito, ngunit maagap ang palad ng kanyang ina sa pagtakip sa kanyang bibig. “Kiite kure, Akino!” kinakapos na sa hiningang sabi ng kaniyang ina. “Yoku kiitekudasai!” ~Listen to me, Akino! Listen very carefully!” Tumangu-tango lang ang bata kahit wala siyang maunawaan. “Anata wa kore o mimasu ka?” ~nakikita mo ito?~ sabi nito nang ipatong sa kandungan niya ang may kasing haba yata ng mura niyang katawan na katana. “Kore o motte kaeri nasai! ~take this and leave!~ “Nani ga okotte mo darenimo kore o mota senaide kudasai!” ~no matter what happen don’t let anyone have this~ paliwanag nito. “Okāsan,-dōshita no?” naguguluhan niyang tanong. “Akino o yakusoku shite! Yakusoku shite!” ~promise me, Akino! Promise me!~ umiiyak na sabi ng ina. Wala man siyang maintindihan sa nangyayari. Tumango na lamang sya. Tumayo ang kaniyang ina at naghalungkat sa mga drawer. Paglapit nito sa kaniya ay may hawak na itong packing tape at walang anu-anong tinakpan gamit iyon ang kaniyang bibig. Nagtatanong ang kanyang mga mata ngunit inisang tabi na lang niya iyon nang makita ang senyas nito na tumahimik s’ya. Bunuhat s’ya nito mula sa kama at ipinasok sa malaking garbage can. “Oto o tatenaide kudasai, Akino!” ~don’t make a noise, Akino!~ “Onegaidesu!” ~I beg you!~ bilin nito sa kaniya. “Watashi wa anata o aishiteimasu watashi no musume!” ~mahal na ahal kita, anak!~ Lumayo ito sa kinalalagyan n’ya nang biglang bumukas ang pinto at isang lalaki ang pumasok mula roon na may hawak na katana. “Sore wa doko ni aru?” ~where is it?~ Mariing tanong nito sa kanyang ina. Tanaw n’ya mula sa maliit na butas kung paano nito inangat ang kaniyang ina gamit ang kamay nito. “Koko ni wa nakatta!” ~it wasn’t here!~ “Hanarete, watashinokazoku o hanatte oite!” ~leave, leave my family alone!~ sigaw ng kaniyang ina. “Sonogo, anata wa yakunitatanai!” ~then, you’re useless~ sambit ng lalaki at kasabay niyon ay ang pagsampal nito sa kaniyang ina saka ito sakalin at iangat pataas. Halos mapasigaw s’ya sa nakita. Ngunit nakasarado ang kaniyang bibig, ngayon ay alam na niya kung para saan ang busal niya sa bibig. Nanginginig ang boung katawan niya sa takot habang titig na titig sa kamay ng lalaking nagbabadyang kumitil sa buhay ng kaniyang ina. Nakita niya ang marka sa pagitan ng hinlalaki nito at hintuturo. Pinakatitigan n’ya ito nang mabuti. Hinalughug nito ang buong kwarto, Halos hindi na yata siya humihinga ng mga sandaling iyon. Ano mang oras ay maaari siyang matagpuan ng estranggero, ngunit nakahinga siya ng bahagya nang lumabas ito bitbit ang ina niya. Malalakas na kalabog ang naririnig niya mula sa kaniyang silid. Mga malalakas na boses at palahaw ng kaniyang ina. Nang mga sandaling iyon ay naisip niya na kailangan niyang lumabas mula sa pinagtaguan sa kaniya ng kaniyang ina. Dahan-dahan siyang lumabas mula roon bitbit ang asul na katana na ibilin sa kaniya. Tumakbo siya sa beranda ng kaniyang silid. Mataas iyon ngunit kailangan niyang makalabas sa bahay dahil tiyak na ang kamatayan niya kapag hindi siya nakaalis. Buong tapang niyang tinalon ang beranda. Halos mapangiwi siya sa sakit nang pagbagsak niya. Nasa likurang bahagi siya ng hardin kung saan isang matarik na bangin ang naroon, at sa ibaba niyon ay ang nag-ngangalit na karagatan. “Aoi hebi wa koko ni arimasu!” ~the Blue Serpent is here!~ sigaw ng lalaki mula sa itaas na pinanggalingan niya. Buong lakas siyang tumakbo kahit halos mamilipit ang binti niya sa sakit ngunit nagsulpotan ang mga lalaking estranghero sa harapan ng kaniyang daraanan. “Ano ko o kudasai!” ~give me that, kid~ saad nito sa kaniya ngunit imbes na matakot ay matalim na tingin ang ipinukol niya sa lalaki. Pinakatitigan niya itong mabuti bago nagpasyang hugutin ang katana ng kaniyang ina. Alam niyang wala siyang laban sa murang edad, wala siyang alam sa pakikipaglaban. Kahit kailan ay hindi pa siya nakahawak ng patalim ngunit sa oras na ito ay susubukan niya. Ngunit bago pa man niya mailabas ang katana na sisidlan nito ay dinig niya ang palahaw ng kaniyang ama. “Otosan!” ~father!~ Nawala siya sa konsentrasyon at hindi niya namalayan ang lalaki na nakalapit sa kaniya. Hinablot nito ang mura niyang katawan at bitbit siya na para lang siyang bulak gamit ang isang kamay. Doon niya nakita at nasaksihan ang karumaldumal na sinasapit ng kaniyang buong pamilya. Ang mga kapatid niyang lalaki na isa-isang kinikitalan ng buhay. Ang ina niyang walang saplot at nilalapastangan ng maraming kalalakihan sa harapan mismo ng duguan at tumatangis niyang ama. Mga hayop! Mga walang kaluluwang nilalang! Mga demonyo! Magbabayad kayong lahat! Tulala siya habang paulit-ulit ang pambababoy sa kaniyang ina at lahat ng iyon ay nasaksihan nila ng kaniyang ama. Wala siyang nagawa, wala siyang silbi, bakit ganoon? Kung sana lang ay malaki na siya at kayang makipaglaban, kung sana lang ay malakas siya, hindi sana ganito ang sinapit ng kaniyang pamilya. Napapitlag siya nang marinig ang sigaw ng kaniyang ama. Inuusal nito ang pangalan niya, Ngunit siya ay nanatili sa pagkakasalampak sa damuhan. Wala siyang ibang marinig at maunawaan. “Anata ga komodo to yaritai koto wa nani demo shi nasai. Anata ga nozomunara kanojo o fakku shite, soshite kanojo no buaisona chichioya to issho ni kanojo o koroshite kudasai!” ~ do whatever you want to do with the child. f**k her if you want then kill her together with her imbecile father!~ utos ng lalaking may marka sa kamay. “Watashi o koroshite!” ~kill me!~ lumuluhang palahaw ng kaniyang ama. “Watashi o koroshite!” paulit-ulit nitong sigaw. Marahil ay ayaw na nitong makita pa kung ano man ang balak gawin sa kaniya ng mga lalaking naroon. Sino ba naman ang magulang na gugustuhin pa na masaksihan ang kahayupang balak ng mga ito. “Watashi o koroshite, kudasai!” ~kill me, please~ Handa na nilang tanggapin ang kapalaran. Mamamatay rin naman sila ng kaniyang ama. Wala na siyang kakayahan pa na umasa na mabubuhay dahil sa sinapit ng buong angkan niya ay parang pinatay na talaga sila nito. Nakapikit siya habang hinihintay ang kaniyang kasawian. Sa murang edad ay hindi talaga siya pinalagpas ng mapait na tadhana. Dinig niya ang wasiwas ng katana, ramdam niya ang init nang tumalsik na likido sa kaniyang katawan. Marahil dugo iyon ng kaniyang ama. Ayaw niya sana ang dumilat! Ngunit ilang sandali ay katahimikan ang namayani. Gimbal siya na sa pagdilat ng mata ay mga pugot na ulo nang mga taong lumapastangan sa ina niya ang mga walang buhay sa kaniyang harapan. Akala niya ay ang ama niya ang may gawa, akala niya ay nakaligtas ito at nakuha pa ang lumaban. Ngunit nanlumo siya nang makita itong nakayakap sa hubad na katawan ng kaniyang ina. Kapwa wala nang mga buhay. “CHIKOKUDA. MOSHIWAKEARIMASEN!” ~I’M LATE. I’M SORRY~ “GOMEN’NASAI! GOMEN’NASAI!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook