Kakapasok pa lang ni Akino sa penthouse nang makarinig siya ng mga kalabog at nababasag na mga gamit. Sinalakay siya ng kaba dahil sa posibilidad na pumasok sa isip niya.
"What just happened, Master Ken? Kailangan na rin ba kitang bantayan hanggang dito sa penthouse? Look at you hands, your bone was—"
Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito para gawin iyon. Sapat na ba ang magpakasira ito sa sarili dahil sa isang babae. For her, that was absurd!
"Leave it, Akino!" Tinabig nito ang kamay niya na nakahawak sa duguan nitong kamay. She was putting a first aid into his wounds.
"Hindi mo kailangang gawin ito. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na ako bata para asikasuhin pa, pwede ka nang umalis. Gusto kong mapag-isa," anito sa kaniya.
"I will not leave. You're drunk, and the order is to protect you," sagot niya sa binatang amo kahit alam niya na kahit walang utos ay willing naman siyang gawin iyon.
"Hindi ko kailangan ng proteksyon galing sa kung sino, Akino! Kaya ko ang sarili ko."
"I still not gonna leave." Ngumiti siya bago tumayo at lumabas ng silid.
Kung nais nitong mapag-isa ay hahayaan niya ito pero hindi siya aalis. Malawak ang penthouse at pwede siyang manatili roon. Hindi niya iniwan ang binata. She was there watching him. Pinanood niya ito habang nagpapakalunod sa alak. Hindi niya alam na may ganito pa palang lalaki sa panahon ngayon. Somehow she envy that woman... who ever she is.
"Those woman are so damn lucky to have a man like this father and son. A faithful loving man," saad niya sa sarili.
Napakaswerte nito na may magmahal dito na kasing loyal ng amo niya. Wala naman pala itong ibang pagmamanahan kung hindi ang kanilang Shujin Hedeo. Ang ama nito na sa paglipat ng mahabang panahon ay nanatiling tapat at iisang babae lang ang minamahal. How she wish there still a man out there na kayang magmahal ng ganito. Kahit na hindi niya alam kung paano ba magmahal ng pabalik, she still hoping to experience that thing called love. Naisip niyang sana siya rin, pero sa huli mas pinili niyang iwaksi iyon sa isip. Ang maranasan man lang ang maging isang normal na babae kahit isang beses sa buhay niya, even though she knows what is her only puspose in living her life. Hindi siya magiging katulad ng mga babaeng iyon na malayang magmahal.
Herself, her life is not belong to her anymore, pag-aari na siya ng Shujin simula nang iligtas nito ang buhay niya. Hindi siya kailanman nagtangkang makipaglapit sa kahit na sinong lalaki hindi dahil sa hindi pwede kung hindi dahil ayaw niyang magbigay ng kahit anong bagay na makakahati sa atensyon at sa trabaho niya. Isa pa makakasakit lang siya ng damdamin. Ayaw niyang dumating ang araw na masasaktan lang niya ang taong magmamahal sa kaniya dahil sa uri ng trabahong meron siya. Because she could be dead before she knew.
Nasa ganoong isipin siya nang biglang mag-vibrate ang mobile phone sa bulsa ng suot niyang blazer. Agad niyang tiningnan iyon, umangat ang sulok ng labi niya nangmakita ang pangalan na nakarehistro sa screen.
"Konbanwa, Shujin-Sama," bati niya. "Hai! Wakarimasen, clearly stated, Senseii. Consider it done," sagot niya sa kaniyang Shujin. Hai, arigatogozaimashita, Senseii," dugtong pa niya.
Hindi rin talaga natiis ni Haruma na ipaalam sa kanilang Senseii ang status ng misyon. That bastard just ruined the surprise. Pero sa halip na mainis ay nakangiti siya dahil alam niya ang sayang nararamdaman ng kaniyang Shujin sa mga sandaling ito. Hindi iyon maitatago sa boses nito habang kausap niya ito.
Nang maibaba niya ang tawag ay muli niyang sinilip ang anak ng kaniyang master sa loob ng silid nitp. Nakalugmok at nakakaawa ang itsura nito habang nakahilata sa ibaba ng sofa. Nakalaylay ang ulo nito at halatang tulog na. Pumasok siya sa loob at tahimik na isa-isang dinampot ang mga nagkalat na bote ng beer. Mga papel at mga hinubad nitong damit. Napansin niyang dumudugo na naman ang kamao nito. Tumigil siya saglit sa paglilinis at tinungo ang banyo kung saan naroon ang maliit na kahon para sa first aid kit. Kinuha niya iyon at binalikan ang binata. Tulog na tulog ito sa kalasingan at hindi na namalayan pa nang muli niyang lilisin at palitan ang gasa at benda na nasa kamay nito.
"Kawaiso ni~ poor you~," sambit niya nang matapos. "You really loved her, huh? Lucky woman. No worries, I will find her for you Kenji-san," bulong niya sa kawalan.
Inayos niya ang ulo nito at ipinatong sa sahig , nilagyan din niya iyon ng unan nang sa ganoon ay maging kumportable ang pagkakahiga nito kahit sa sahig. Carpeted naman iyon kaya ayos lang. Kinuha niya ang kumot sa ibabaw ng kama at inilagay sa katawan nito. Pagkatapos ay bumalik na siya sa paglilinis ng buong silid. Bukas paggising nito panibagong sakit na naman ang iindahin nito. At alam na alam niya ang pakiramdam na iyon. Ganoon din siya nang ubusin ng mga halang ang kululuwang mga nilalang ang buong angkan niya nang dahil lang sa isang samurai. Ang iniingatang yaman ng Katakura Clan. Alam na alam niya ang pakiramdan nang gumising sa araw-araw na wala na ang mga mahal mo sa buhay. Ang kaibahan lang nila nito... ang binata ay may pag-asa pang makita muli ang taong minamahal nito, samantalang siya... kahit yata isangla niya ang kaluluwa kay Satanas ay hindi na niya maibabalik pa ang mga nawalang buhay sa kaniya.
"Sleep Master!" saad niya bago lumabas ng silid. Ihahanda na niya ang pagbalik sa Japan. Hiling ng Shujin na dalhin niya si Janet De Dios sa Kyoto dahil gusto itong makausap ng Shujin sa mga nalalabing araw nito sa mundo. Kailangan niyang maisaayos ang lahat at mailagay sa pwesto ang nararapat na pumalit sa at mamuno sa Kurashima at Thahara Clan. Hindi rin kailangang malaman ng kaaway at ganid sa kapangyarihan na buhay ang tagapagmana ng Shujin dahil malalagay sa malaking peligro ang buhay nito. Hindi pa ito handa sa mundong kinabibilangan niya. Oo nga at malakas ito, ngunit mga demonyo ang kalaban nila. Mga demonyong walang kinikilala kung hindi ang salapi.
Kailangan niyang panatilihing ligtas ang tagapagmana ng Kurashima Red Dragon Mafia Clan. Ang bago niyang master, ang bagong kikilalaning Mafia Lord ng Red Dragon Empire, si Kenji Kurashima Thahara.
KINAUMAGAHAN...
Nagdilat ng mata ang binata matapos niya itong tapik-tapikin sa pisngi. Tanghali na at kailangan na nitong gumising dahil may mga bagay pa siyang dapat ituro sa binata.
"Ano ba Akino, bakit pumapasok ka rito sa kwarto?" bulyaw nito sa kaniya at mabilis na tumayo at dinampot ang t-shirt nito na nakapatong sa couch.
"Why? What is the problem?" inosente niyang tanong. Ano ba naman kasi ang masama kung pumasok siya sa silid nito. Para sa kaniya ay normal lang iyon bilang siya ang personal na magiging tagapagbantay ng binata.
"Wala! Basta huwag kang basta-basta na lang pumapasok sa kwarto, hindi magandang tingnan," anito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.
"Wow! Why? It's normal nowadays, a woman and a man in one room. What worst they could do inside a room? Isa pa I'm your bodyguard, weither you like it or not, I will enter your room to check if you still breathing," sarkastikong aniya saka namulsa sa harap nito.
"It's not normal for me, ok! Just don't... tapos ang usapan!"
"Ok, copy that Master!" sagot na lang niya sabay talikod.
"Saan ka pupunta?"
"You told me to get out isn't it?" Nakita niya kung paano napapikit ang binata na parang ito pa ang naguluhan sa ginawa niya gayong sinunod lang naman niya ang sinabi nito. "By the way I will be out for two weeks," imporma niya sa binata. "I'm going back to Japan, I have a very important person to assist."
"Sino?"
"Soon you will know," nakangiting tugon niya. "Kaya bantayan mo muna ang sarili mo habang wala ako. And please, Master do not fight. Magpahinga ka muna at tigilan mo muna ang laban. You have to be strong and healthy for some reasons." Paalala niya.
"Bakit pakiramdam ko inihahanda mo ako para sa isang gera?" tanong nito sa kaniya.
"It is worst than you think, Master," aniya.
Kung alam lang nito ang susuungin nito sa pagbabalik nito sa Japan. Kung may ideya lang ito sa nakaatang na kapangyarihan at responsibilidad sa balikat nito, baka ngayon pa lang ay takasan na nito iyon. Pero syempre, she won't allow that to happen. She need to make sure na tatanggapin iyon ng binata at yayakapin kung ano man ang magiging buhay nito.
Kailangan niyang bumalik sa Japan para ayusin ang lahat para sa pagdating ng anak ng Shujin. Sooner or later ay kailangan na rin nitong pumunta sa Japan dahil iyon naman talaga ang plano at iyon ang dapat. Walang sino man ang makapagbabago ng mga bagay na nakatadhana na para sa binata. Wither he likes it or not. Taliwas sa alam ng nakararami, hindi masama ang organisasyong kinabibilangan nila na pinamumunuan ng Shujin na siyang ama nito. Sila ang tumatayong taga-pamagitan at taga balanse ng mga bagay bagay sa lipunan. Taga alis ng masasamang damo na lumalason sa masaganang tanim. Taga lipol ng mga kinakain na ng kapangyarihan at salapi. Siguro kung katulad lang ng iba ang kinalakihan niya ay hindi rin siya magtatagal. Hindi siya papayag na itanikala ng mga taong gumagawa ng masama. Katulad ng mga taong pumaslang sa buong pamilya niya. Ang mga bagay bagay ay alam niyang may hangganan at alam niya ang kaniyang dereksyon simula pa noong una. Sa pangakong paghihiganti nakatuon ang lahat ng pansin niya at nararamdaman niyang malapit na iyong maganap basta ba hindi siya malihis ng atensyon. Kaya dapat ay alisin niya sa sistema ang lalaking iyon na palaging ginugulo ang isip niya.
Isang distraction na hindi dapat niya binibigyan ng puwang.