CHAPTER 16

1012 Words
Z, makes himself busy. He was too busy even before but he make himself even busier this time. Ang dahilan? Ang babaeng iyon pa rin. Sinabi sa kaniya ni De Dios na isa o dalawang linggo lang ang paalam nito, kaya naman buong akala niya ay makikita na niya ito ulit pagkatapos ng dalawang linggo. God! He missed seeing her. Kulang na nga lang ay makipag-agawan siya kay De Dios kapag kausap nito ang dalaga sa videocall. At nanghahaba ang tenga niya kapag tumatawag ito. Naging tampulan na siya ng tukso kapag nahahalata iyon ng mga kaibigan niya, but he still denied the fact that he really wanted to see her. Ano bang mahika ang ginawa ng singkit na iyon sa kaniya at daig pa niya ang namatanda? “Hey! I have a good news for you!” Si De Dios iyon na kauupo lang sa harapan niya. “Siguraduhin mo lang na good news talaga 'yan dahil kung hindi baka ipakain ko sa'yo lahat itong mga papeles sa harapan ko!” inis niyang saad. Wala siyang tiwala sa walanghiya dahil madalas siyang pagtripan nito. “How could you do that to your bestfriend?” ani ni De Dios na umaktong nasasaktan sa sinabi niya. “You're not my best friend! Umalis ka na nga nakakaabala ka sa traba—” She's back!” “Who?” patay malisya niyang tugon. Pero ang puso niya ay tila bigla na lang dumoble ang bilis ng pagtibok. “Sino pa ba? Edi si Akino,” excited na sabi nito sa kaniya. Gusto niyang mainis dahil excited ito pero siya naman siya para pagbawalan din ito. “So?” pagsisinungaling niyang tugon. Taliwas sa gusto talaga niyang sabihin. “So? So lang ang sasabihin mo? I'm talking about Akino, Z, she's here and I'm fetching her now at the airport. Dumaan nga lang ako para ibalita sa iyo. And that's just what you said?” anito sa kaniya na tila hindi makapaniwala sa sagot niya. “What do you expect me to do, De Dios? Magtatalon sa tuwa, we're not even friends saka isa pa, you know me when it comes to women,” aniya. Taliwas pa rin sa totoong nararamdaman niya ang sinasabi niya. Dahil ang totoo, simula ng makilala niya ang masungit na babaeng iyon ay wala na siyang nakarelasyon pa na tumagal. Ni hindi na nga niya matawag na relasyon ang mga iyon, puro lang siya laro, sa pag-aakalang makakalimutan din niya ang nakakabahalang damdamin na ayaw niyang aminin sa sarili niya. “Oh, okay. Mauna na ako kung ganoon.” Paalam nito sa kaniya. Nang makaalis ang kaibigan ay saka siya nagbuga ng marahas na hininga saka pasalyang sumandal sa inuupuang swivel chair. Naiinis siya sa sarili niya. At dahil sa pagkainis na nararamdaman ay natagpuan na lang niya ang sarili na pinagtatatapon ang mga nakatambak na papeles sa harapan niya. He can't let himself to be distracted by that woman again. Malaki na ang nakukuhang espayo nito sa utak niya at hindi na siya natutuwa. “Boss, anong—” “Ligpitin mo 'yan at ibalik sa lamesa, Pablo! Mamaya ko na 'yan babalikan,” utos niyang saad sa pumasok na tauhan. Walang lingon-likod siyang lumabas ng opisina at mabilis na nagtungo sa parking kung saan naroon ang sasakyan at sumakay roon. Wala siyang balak na sundan si De Dios pero kung saan man ito papunta ay doon din siya. Hindi siya magpapakita sa mga ito. Hindi lang talaga niya matiis na hindi makita ang babaeng iyon kaagad. In fact umaasa siya na magiging maganda na ang pakikitungi nito sa kaniya. Maingat siya na hindi mapansin ng kaibigan na papunta rin siya sa airport. Ang totoo ay inunahan pa niya itong makarating doon para hindi siya mahalata. Malayo siya sa arrival's area pero tanaw na tanaw naman niya ang walanghiya na naghihintay doon. Ilang minuto pa ang lumipas ay lunabas na ang kaniyang isinadya roon. Si Akino, ang babaeng haponesa na nagpapabilis ng t***k ng kaniyang puso. Hindi niya maiwasang mapangiti nang masilayan ang maganda nitong mukha. Masaya itong sinalubong ito ng kaibigan niya. Nakangiti ito at mukhang mas lalo itong gumanda at pumuti. Mas humaba rin ang itim na itim nitong buhok. Ngunit sa isang iglap at wala ang malawak na pagkakangiti niya nang makita ang lalaking umakbay sa dalaga. Yumuko ito sa kaibigan niyang si De Dios pero wala roon ang pansin niya. Kung hindi nasa kamay nitong nakapatong sa balikat ni Akino. Tila gusto niyang tumakbo patungo sa tabi ng mga ito at isalya ang lalaking ubanin na iyon na akala mo'y maedad na dahil sa puti nitong buhok. Ang jologs ng style, akala naman nito ay ikinagwapo nito ang puti nitong buhok. Inis na inis siyang nagtimpi habang pinanonood ang mga itong nagtatawanan habang naglalakad. Ni hindi naalis sa mga mata niya ang braso nitong naroon pa rin sa balikat ng dalaga. Sino ang lalaking iyon at bakit ganoon na lang ito magdidikit kay Akino? At isa pa bakit parang wala lang iyon sa dalaga? Ayos lang ba rito na akbay-akbayan ito ng lalaki? Iritang-irita siya at hindi niya maitago ang pagtatangis ng bagang niya habang nakatanaw sa papalayong bulto ng mga ito. Hindi na lang sana siya sumunod at nagpunta sa lugar na ito. Mas lalo lang tuloy siyang na-badtrip. Kailangan niyang kumalma dahil baka mamaya ay makapatay pa siya ng tao dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya. Galit na hindi niya alam kung saan ba nagmumula. Damn it! Bakit ba siya nagkakaganito? Hindi naman siya dating ganito? Wala naman siyang pakialam noon kahit na makita niyang may ibang kasama ang mga nagiging babae niya. Kapag. natikman naman na kasi niya at wala na siyang pakialam. Kaya bakit siya nagkakaganito sa babaeng iyon. Ni hindi nga sila nagkaroon ng relasyon. Ni pagkakaibigan nga sa pagitan nila ay wala pang nauumpisahan. The hell he is acting stranged toward that woman. He is f*****g jealous with that whiter haired man. Huwag na huwag lang talagang magkakamali si De Dios na isama ang ubaning iyon sa UL.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD