Umagang-umaga nang makatanggap siya ng tawag mula kay Haruma. At nang mag-usap sila ng binata ay sinabi nito sa kaniya ang ipinagagawa rito ng pinaglilingkuran nito na si Lady Janet, ang ina ng kaniyang master. Ito ang tadhana nilang dalawa ni Haru, and they both fine with it. Ito ang sinumpaan nila sa mga sarili nila. Iyon ay ang pagsilbihan ang mga mahal sa buhay ng nag-iisang tao naging dahilan kung bakit buhay pa rin sila sa mga sandaling ito.
Si Haruma para sa sa kaligtasan ng asawa ng Shujin, at siya para sa kaligtasan ng nag-iisa nitong anak at tagapagmana ng lahat.
Ang hindi niya maunawaan ay kung ano ang ibig sabihin ni Haru kanina na nakipagkita ang ginang sa asawa ng pamangkin ng Shujin at nag-utos sa kaniya para sa isang DNA test result matapos ang meeting ng mga ito. Alam niyang malapit ang ginang sa babae dahil minsan na nitong naikwento sa kaniya ang lahat ng may kinalaman sa nakaraan ng kaniyang master at ang mga dahilan kung bakit ganoon minsan ang ugali ng binata. Ang hindi lang niya lubos na maintindihan at maikonekta ay kung para saan ang DNA TEST.
Samahan pa ng inis niya dahil umagang-umaga ay wala ang binata sa bahay at hindi na naman niya alam kung saan ito nagpunta. Nagpalipas lang siya ng ilang sandali at binabalak na niya itong sundan nang makarinig siya ng tunog ng motorsiklo sa labas. Atubili siyang pinuntahan iyon.
"Where have you been?" salubong na tanong niya kaagad sa binata na pababa na sa motor nito. "Kanina pa kita hinahanap! Hindi ka dapat lumalabas ng walang convoy o kaya ay kasama ako!" asik niya.
Alam niyang daig pa niya ang nanay na naninermon ng matigas na ulong anak pero wala siyang pakialam. Kapakanan lang naman nito ang iniisip niya at wala ng iba.
I'm fine! Saka hindi na ako kinder, Akino, ano ka ba naman–"
"Yeah! Say that to the people who is planning to kill you. You didn't know who is behind you! Huwag kang masyadong kampante," aniya bilang isang babala.
"Ang OA mo, halika ka rito! Ice cream gusto mo?"
"Ice cream your face! Pasalamat ka at anak ka ng Shujin kung hindi–"
"Kung hindi ano?"
"Lulumpuhin kita para hindi ka makaalis ng bahay!" inis niyang saad pero sa halip na makinig at tinawanan lang siya nito at kakamot-kamot pa ng ulo habang papasok sila sa kabahayan. Oo nga at sumusunod siya sa mga utos ng binata, pero sa oras na alam niyang malalagay sa peligro ang buhay nito ay hind siya mangingimi na gawin ang banta niya sa binata. Mas mabuti ang magkaroon ng among paralisado kaysa sa walang hininga.
Nang makapasok sila nito sa bahay ay sa kwarto kung saan sila nito nag-eensayo sa paggamit ng sandata. Hinubad na rin niya kaagad ang suot na leather jacket at humugot na rin ng katana gaya nito.
"Where have you been?" muli niyang tanong ngunit hindi man lang nito nakuhang sumagot.
"Are you going to answer me or not?"
"Where do you think?" balik na tanong nito sa kaniya.
"Based on your facial expression. You are very angry, your eyes looks deadly. You go there, don't you?"
Hindi na naman ito sumagot. Sa halip ay nginitian lang siya nito at mabilis na inundayan siya ng hawak nitong sandata. Muntik na siya dahil hindi niya naisip na susugod ito kaagad. Ngunit dahil sa ginawa nito ay nabuhay ang tinatamad niyang kaluluwa kanina pa.
"That was fast! You are improving, Master Ken!" puri niya
"But still not enough to beat a lady like you..." anito sa kaniya.
"Patience is a virtue, Master! I had enough training with your father Shujin-sama before I reached where I am now! But still not enough to avenge my family," seryosong saad niya.
"Akino–"
"I vowed in silent fervour in front of my families death to avenge their murderers!" Punong-puno ng galit ang puso niya. Galit na minsan ay tumutupok sa pagkatao niya.
Minsan natatakot din siya sa sarili niya dahil hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng pagnanais niya na maipaghigante ang sinapit ng buong pamilya niya sa mga walang pusong nilalang na iyon.
"I got your back!" saad nito at mabilis na nilipad ng paningin niya ang binata. He shouldn't... she will never allow him to missed up with her miserable life.
"Beat me first, before going to my back!" nakangising aniya at muling inundayan ng talim ng katana nito na sinalag naman niya. Daig pa ang nagsasayaw ng mga talim at sa tuwing nagtatama ang mga iyon at lumilikha ng ingay ay tila sumasarap iyon sa kaniyang pandinig.
"Your father ordered me to bring you to the council tomorrow. We'll meet the elders. Be ready, it may be bloody!"
KINABUKASAN...
Umibis silang dalawa ng binata sa sasakyan. Siya suot ang Haori Kimono at ang binata naman nakasuot ng Hakama na kulay itim. Siya ang nagsabi sa binata na iyon dapat ang isuot na muntik pa nilang pag-awayan dahil ayaw nitong sumunod. Pero sa huli ay wala rin itong nagawa kung hindi ang sumunod sa tradisyon. Panay ang paalala niya rito na maghanda at huwag magpapakita ng kahit anong kahinaan kahit pa ano ang ibato at marinig niyang salita lalo na sa mga matatandang nakakataas. Pinaalalahanan niya ang binata na kahit ano man ang mangyari ay itatak nito sa isip nito na anak ito ng Shujin at siya ang mas nakakataas kaysa sa mga taong makakaharap nila.
"Konbanwa. Shujin!" bati ng mga sumalubong sa kanila.
Nanatili siya sa likod ng binata para maging gabay nito sa lahat. Iginiya ang binata papasok nang sumungaw sa labi nito ang isang pilyong ngiti. Alam niyang nakakaisip na naman ito ng kalukuhan ngunit hindi ito ang tamang panahon kaya naman...
"Be serious! Don't do anything stupid. There's an Elders inside. You should pay respect to them kahit na mas mataas ang posisyon mo sa kanila. Ang ilan sa mga tao sa loob ay naging Senseii ng Shujin. Kaya umayos ka, at huwag kang pangiti-ngiti diyan na parang nakakaisip ka na naman ng kabaliwan!" litanya niya.
"Copy that, Master!" pang-aasar pa nito na parang hindi rin naman in-absorb ang babala niya. Pagpasok nila ay nagsitayo ang lahat ng naroon.
"Yokoso, Shujin." iginiya sila ng isang lalaki na sumalubong sa kanila patungo sa pinakadulong bahagi at doon naupo ang binata sa pwesto kung saan ito nararapat, at siya sa gawing likuran nito bilang tumatayong kanan nitong kamay.
"Why are you not sitting here in front?" kapag-daka ay tanong ng binata sa kaniya.
"This is my place," mahina niyang tugon. Nanatili siyang nakayuko hanggang sa pumasok ang iba pang kukumpleto sa pagpupulong na iyon.
"What place?" usisa nito.
"My place! Here, at your back, I'm your right hand, Kenji-sama," sagot niya. Hindi niya alam kung naintindihan ba iyon ng binata pero laking pasalamat niya nang hindi na ito mangulit pa na umupo siya sa mismong harapan ng lamesa.
"Hedeo no musuko ga watashiitachi to issho ni imasu," ~Hedeo's son is here with us~ "Kami kara no nan toiu shukufuku!" ~ What a blessing from God!~
Sinenyasan niya ang binata na tumayo at bumati at ganoon nga ang ginawa nito. Lahat ng naroon at mga taong may matataas ang katungkulan sa organisanyon kabilang na ang lalaking kinaiinisan niya dahil sa matinding kapreskuhan, na alam din niya na labis na kinamumuhian ng kaniyang master. At nang lingunin nga niya ang binata ay halos magliyab na sa galit ang mga mata nito na nakatuon sa lalaking kaharap nito sa kabilang dulo ng mesa.
"Relax! Don't get pissed, it shows on your face," paalala niyang saad. "I knew it already..." bulong niya sa binata. "Get ready!"
Nag-umpisa nang magdiskusyon. Lalo na ang matatanda.
"Anong pinagtatalunan nila Akino?" mahinang tanong ng binata sa kaniya na alam niyang naguguluhan at hindi gaano makasabay lalo na sa malalalim na salita nila.
"They're voting at may ilan sa kanila na ayaw na ikaw ang pumalit sa ama mo bilang pinuno dahil hindi ka raw dito lumaki sa bansa. That you can't even speak and understand our languange fluently," paliwanag niya.
"At sino raw ang nais nila kung hindi ako?" wala sa loob na tanong nito.
"Him! The one in front of you." Tiningnan nito ang itinuro niya at nakita niya kung paano magbago ang ekspresyon sa mukha ng binatang amo.
"What are we going to do now?" anito na para bang binibigyan siya nito ng karapatan na magdesiyon para sa buhay nito.
"Just wait! Let them vote..." simpleng tugon niya habang ang mga mata ay matiim na nakamasid lang.
"Wait? 'Yon lang? Are you f*****g kidding me," saad nito sa kaniya. Para silang mga bubuyog na nagbubulungan nito. Ilang sandali pa ay nagsitaasan na ang mga kamay ng ilan para sa boto ng mga ito at ang kinalabasan ay hindi pabor sa kanila. Napansin din niya ang ngisi ng lalaki sa kabilang dulo ng mesa na halatang may pakana ng lahat. Mukhang nagapang at nalason na nito ang isip ng ibang Elders, at siya... bilang tagapangalaga at tumatayong kanang kamay ng totoong dapat magmana at umupo sa pwestong pinag-uusapan at pinagbotohan ngayon lang ay kailangang gumawa ng isang mabigat na hakbang dahil kung hindi ay tiyak na hindi na sila makakalabas pa ng buhay.
Mabilis pa sa kidlat ang paghugot niya ng mahabang katana na nakasukbit sa kaniyang likuran. Parang hangin ang talim niyon na humati sa mga ulo ng tampalasang naglakas ng loob na kalabanin ang kaniyang Shujin. Tumahimik ang kanina ay nagtatalo-talo sa kanilang harapan. Kumalat ang masaganang dugo mula sa lamesa hanggang sa sahig ng buong silid. Nagsi-gulong ang mga ulo na inihiwalay niya sa mga walang buhay na nitong mga katawan. Ang kaniyang puti at bulaklaking kimono at nagmistulang kulay pula, pula dahil sa mantsa ng mga likido mula sa mga taong binawian niya ng buhay. . Maging ang lalaki sa kabilang dulo ng lamesa ay maihahalintulad sa binalatang patatas ang mukha dahil sa pamumutla. Wala kang mababakas ni katiting na pagsisisi sa kaniyang mukha. Ito ang bilin sa kaniya ng kaniyang Shujin-sama. Ang ingatan ang anak nito at tapusin ang sino mang tututol at magiging hadlang para sa pamumuno ng tunay at nag-iisang tagapagmana ng Thahara at Kurashima Clan.
"Ak-kino..."
Doon tila siya natauhan. Bigla ay nakaramdam siya ng pangamba sa kung ano ang magiging tingin ng binata sa nasaksihan nito. Alam niyang alam nito ang kaya niyang gawin, ngunit ni minsan ay hindi pa siya nakita nito na pumaslang ng ganito ka-brutal. Nangamba siyang baka mag-iba ang turing nito sa kaniya.
"Masuta o nagaiki sa seru!" paulit-ulit na sigaw ng mga natirang buhay sa loob ng silid na iyon. Sigaw ng pagtanggap sa binata bilang bagong pinuno. Tagumpay naman ang misyon niya ngunit bakit tila binabagabag siya sa tinging nagmumula sa gulat na mga mata ng binatang pinaglilingkuran.
"WHY ARE YOU IN TOTAL SILENCE? NAMUMUHI KA BA SA GINAWA KO?”
Kanina pa walang imik ang binata habang pauwi sila nito. Ni ang tingnan siya ay hindi na yata nito magawa. "I DID WHAT I DID... IF NOT, IT WILL BE US!" aniya. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita kahit hindi niya tiyak kung nakikinig pa ba ito.
Alam niyang na-shocked ito sa kaniyang ginawa at hindi naman niya ito masisisi.
"Anong ibig mong sabihin?" sa wakas ay tugon nito. Mukhang napukaw niya ang atensyon nito kaya hinarap siya.
"If I didn't moved it could be us. We could be dead by now. Do you think it was just a simple voting system, na kapag natalo ka ay pwede ka nang umuwi! Hindi mo nakuha ang boto ng lahat, ngunit ikaw pa rin ang mas may karapatan sa sinumang naroon. And everything will be easier if they just kill us," mahabang paliwanag niya. Kinuha niya ang pagkakaton na masabi na lahat dahil baka mamaya ay hindi na naman ito makinig.
"Pero Akino, some of them are older, sooner or later they will die naturally dahil matanda na sila."
"Oldest people is more scariest than the younger ones. Don't under estimate their old faces, they're once an Hatamoto!"
Hatamoto was one of the samurai ranks. It was the highest below the Master. Hatamoto samurai's bowed their lives for their Master. She explaned everything to him. That her Shujin Hedeo was a Shogun, a samurai noble from birth. A full blooded samurai and because of that he can't just marry anyone. He needs to marry a female from the same family rank as him. And because her Shujin loved Lady Janet, a commoner. Shujin Hedeo breaks all the rules when he married her. At kaya rin ayaw sa binata ng ibang Elders ay iyon ang totoong dahilan.
"Are you scared of me Master Ken?" tanong niya habang nasa loob sila ng sasakyan ngunit natahimik na naman ito. "Can you please say something," malungkot niyang saad. Bigla na lang siyang nag-alala na baka sabihin pa ng binata sa kaibigan nito kung anong klase siyang tao. Ano na lang ang sasabihin ng isang iyon sa kaniya. "You're not gonna tell him what you saw, right?"
Huli na para bawiin pa niya ang lumabas sa bibig niya. Kung bakit ba naman kasi na-voice out pa niya ang laman ng isip niya.
"Gonna tell to whom?"
"Him... you know who is it!"
"Do I have to tell him?" balik tanong nito sa kaniya.
"No! Don't please..." pakiusap niya. She looks desperate.
"Why do I smell something fishy from here to Philippines?" bahagyang nabawasan ang tensyon dahil sa sinabi nito.
"It was your f*****g Hakama! It soaked in blood," sikmat niya.
"Funny!" anito. "And speaking of your question if I was shocked or scared of you... the answer is yes. Sort of, I mean at that very moment I was hell scared seeing you taking lives in just a blink of an eye. You looked so calmed and no remorse at all," litanya nito.
"Yeah, I thought so!" sagot niya. "Do I look evil?"
"No, of course not! But you can replace Satan for what you did," biro nito sa kaniya.
"Can I say something, Master Ken?"
"Ano naman 'yan, bigla yata tayong naging seryoso?" anito.
"Because it is serious," umpisang saad niya. "I don't do friends, I take every order as work or p*****t for what I owe to your father. I was your father's Onna-bugeisha. I take countless of lives, many as I could remember. My life is worthless if Shujin-sama did not save me from those evil Gokenin and Goshi who murdered my entire clan. My life was full of sadness and what all I had in my mind was revenge. I wanted to avange my Ancestors, my families brutal death. I bowed that into their grave. I was all set, untill Shujin-sama asked me leave this country to find his son in Philippines," mahabang litanya niya at ewan ba niya kung bakit niya sinasabi sa binata anh mga bagay na iyon. Siguro dahil natakot siya na lumayo ang loob nito sa kaniya.
"Akino–"
"I was all set. I told myself that I'm going to find the Shujin's son and come back here and continue what I was supposed to do! Wala akong pakialam kung mamatay ako sa gagawin ko. Ang importante ay maipaghigante ko ang buong pamilya. I wasn't scared of death, I'm more than prepared for that. But when I found you. When I saw you miserable like that, when I was watching everytime. And when I finally meet you, talked to you. Make friends with you even if I didn't wanted to. Everything was change! I never been lively since I was alone," saad niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha. Luha na napakatagal ng panahon na hindi yata lumabas sa mga mata niya simula nang mamulat siya sa karahasang sinapit ng buong pamilya niya. Ito ang unang beses na umiyak siya sa harapan ng ibang tao.
"I learned to make friends, I learned how to laughed for real. And the worst is, I learned how to fall in love and it scares the hell out of me! I don't know what to do, Master Ken?" pagtatapat niya.
"Ang malas naman ni Zuniga kung ganoon!" pabirong saad nito dahilan ng biglang pagtawa niya.
"Alam mo minsan panira ka talaga ng moment, e! Ngayon lang ako ulit umiyak simula nang pulitin ako ng Shujin at bihisan, pakainin at pag-aralin. Tapos isang walang kwentang diyalog mo lang sinira mo ang momentum ko! Ang sarap mo ring saksakin ng dagger sa leeg alam mo 'yon!" saad at banta niya sa binata.
Ngunit sa halip na matakot at tinawanan na lang siya nito.
"Totoo naman ang sinabi ko! Malas talaga si Zuniga kapag ikaw ang napangasawa niya, hindi ko ma-imagine kung paano siya poporma sayo kapag may hawak kang katana," natatawang anito.
"I didn't dare to imagine that, ayaw ko ang umasa. That's way to far!" malungkot na saad niya. Asawa? Malabo na siyang magkaroon ng ganoon sa uri ng buhay mayroon siya.
"Do you love him?" Wala na siyang kawala, sumagot man siya ng taliwas sa inaasahan nito ay alam niyang hindi niya maipagkakaila ang totoong nararamdaman.
"YES! I LOVE HIM, AND I'M SCARED."