Hindi nila inaasahan ni Kelvin na naroon ang ina nito at naghihintay sa bahay na nakalaan para sa binata. Hindi naman kasi sila nito iisa ng tinitirahan at iyon ay para na rin sa kaligtasan ng mga nito. Kaya naman nagulat sila nang tumambad ito sa harap nila pagpasok nila ng kabahayan. Hindi rin sila naging handa sa naging reaksyon ng ginang. Matapos nitong sumigaw pagkakita sa kanila at bigla na lang itong nabuwal at nawalan ng malay.
"Lady J was shocked! Makita ka ba naman sa ganiyang itsura!" saad niya referring to him. Tiningnan nito ang sarili niya na nanlilimahid sa pulang likido.
"It was your fault anyway!" saad nito sa kaniya.
"Yeah! It was all my fault that you are full of blood but still breathing... it was all my fault! Thanks to me, huh!?" puno ng sarkasmo niyang tugon.
Inutos na lang nito sa iba ang pagbuhat sa ina nito dahil sa puro dugo nga ang katawan ng lalaki. Siya naman ay kaagad na tumawag ng doktor para masuri ang ginang.
"I didn't blame you ok," anito.
"I know! You don't have to explain anything to me. I did my job and ended it very well," taas noong saad niya. Ngumiti naman ito bilang tugon.
They both ended up drinking with a bottle of Yamazaki Whisky while waiting for Lady Janet to wake up. Katatapos lang itong tingnan ng doktor at maayos naman daw ang lagay ng ina nito. Maliban sa kaunting bugbog nito sa braso dahil hindi ito nasalo nang bumagsak ito sa sahig.
“What is going to happen next, Akino?” putol nito sa katahimikan ng paligid because she is in total silence. Hindi niya alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip nito.
“What do you want? Just tell!” tanong niya habang umiinom ng on the rocks na hawak.
Tiningnan lang siya nito dahil hindi nito marahil kaagad nakuha ang pinupunto niya.
“Don't look at me like that! I'm serious, what do you want?” dugtong pa niya.
“Parang ganoon lang kadali ah,” wala sa loob na anito.
“You are the new Shujin now, aren't you forget that? Hindi ko nilaslasan ang leeg ang mga tampalasan at traydor na iyon para sa wala, Master Ken! Tandaan mo kung ano ka, kung sino ka! At kung ano ang kaya mong gawin,” saad niya.
“Magandang pakinggan na lahat ng bagay ngayon pwede ko ng makuha sa isang utos lang. Na lahat susunod kapag sinabi ko. Kung pwede lang din sana na—”
“Say it, and I will do it!” seryosong saad niya.
“f**k!”
“Nani? Daijōbudesuka?”
“Shugin, okāsan!”
Kapwa sila tumayo ng binata nang marinig iyon. Maaring gising na ang ina nito kaya naman nagmadali na sila na magtungo kung saang silid ito naroon. Nang makapasok sila ay nakita niyang nagpipilit na tumayo ang ina nito at inaalalayan ito ng kasambahay. Agad nila itong nilapitan.
“Ma, Relax! I'm fine, nothing to worry about me,” saad ng binata upang huminahon ang ina nito Ngunit imbes na ma-relax ay humagulhol pa ang ginang. Niyakap nito ng mahigpit ang binata at dama niya ang labis na pag-aalala nito para sa anak.
“What the hell is that blood in your clothes Kenji!? You scared me!” umiiyak nitong saad habang nakayakap sa balikat ng kaniyang master. “Huwag mo ng uulitin 'yon papatayin mo ako sa pag-aalala na bata ka!”
“Don't blame me, Ma. It was Akino's fault. Hey you, explain to my mom that it was your fault silly girl!” baling nito sa kaniya. Nagulat at napatuwid siya sa pagkakatayo sa harap ng ina nito. At talatang siya pa ang itinuro.
“It was my fault, Lady J,” pormal niyang saad sa ina nito. Inako na niya ang kasalanan dahil siya naman talaga ang may kasalanan. “It was my fault! I slashed those bastards throat before they kill us,” walang kagatol-gatol niyang saad.
His mother opened her mouth in shocked, again. Gusto nitong magsalita, alam niya na may nais na sabihin ito sa kaniya kaya nagpasya ang binata na iwan sila ng ginang.
“Come here Akino! Explain everything to my mom. Kukuha lang ako sa labas ng makakain natin at nagutom ako sa mga nasaksihan ko ngayong araw! It was like a bloody f*****g movie,” anito at saka lumabas nang tuluyan at iniwan ang silang dalawang sa loob.
“Akino, hija! You know you can treat me as your mother, right?” umpisa ng ginang. Ramdam niya ang tensyon sa mga kamay niya nang ginagap ng ginang iyon. “Relax hija! Treat me like how you treat my son. You are a family to us Akino!”
“Family? I-i don't have a family, Lady J. They all died,” walang buhay na tugon ng niya.
“I know sweetheart, Hedeo told me everything about you that's why I adore you,” nakangiti ang ginang habang sinasabi iyon. “You know what?”
“What is it, Lady J?”
“Hedeo was so happy when I told him that maybe you are the daughter that we never had.” Kinagat ng dalaga ang kaniyang labi.
Pilit pinipigil ang namumuong emosyon sa loob niya. Hindi niya inasahan o naisip man lang ang ganoong bagay. Itinatak na niya sa isip na mag-isa siya sa mundong ito. Na nabubuhay lang siya para sa Shugin na pinagkakautangan niya ng lahat. Tumingala siya saglit habang hawak ng ginang ang kaniyang mga palad. Magkasalikop iyon sa mga palad nito. Tumingala siya dahil sa namumuong likido na nagbabandya sa paglabas. She wasn't prepared for this. Mas gusto pa niya ang pakipaglaban at pakipagsagupaan sa mga masasamang tao sa labas kaysa sa emosyonal na usapan na katulad nito.
“Loosen up sweetheart, I won't mind telling anyone if you cry in front of me,” magiliw na saad ng ginang.
Ang sarap sa pandinig ng boses nito. Naisip niya kung ganito rin ba kalumanay at nalambing ang boses ng kaniyang ina na walang awang pinaslang ng mga walang kaluluwang nilalang na iyon. Humigpit ang hawak niya sa kamay ng ginang ng maalala na naman ang tagpong iyon.
Napakasakit... walang kasing sakit para sa pitong taong gulang na batang katulad niya ang masaksihan ang isa-isang pagkitil sa buhay ng kaniyang pamilya.
“I wish I died with them... I wish I died with my mother,” usal niya. Habang isa-isang naglalandas at kumikislap sa dilim at liwanag ng buwan ang mga luhang kay tagal niyang itinago at kinimkim.
“I wish I died with my Clan!” saad niya bago siya yakapin ng mahigpit ng ina ng kaniyang bagong Shujin.
She could be a Ronin if her Master would die. Pwede niyang piliin ang lumayo sa lugar na ito at mamuhay bilang isang normal na babae lang. Malaya at malayo sa marahas na mundo na kinalakihan niya. But, there is something inside of her that wants to stay with this family. Hindi niya kayang iwan at ipagkatiwala ang posisyon niya sa iba lalo na kung kaligtasan ng Thahara Clan ang nakataya.
She will give her life to this family. Bumuntong-hininga siya habang nakatanaw sa labas mula sa bintana ng nagsisilbi niyang silid sa bahay ng binata. Kanina nang kausap niya ang ina nito ay hindi niya napigilan ang sariling emosyon. Hinayaan niyang humulagpos ang kinimkim niyang pait sa loob ng labing-walong taon.
Hinayaan niyang bumuhos ang mga luha ng kaniyang pighati sa balikat ng ibang tao. Hindi niya maitatanggi kung gaano siya kasabik sa yakap ng isang ina. At naramdaman niya ang kaparehong init mula sa kaniyang ina nang yakapin siya ng ginang.
Nagsindi siya ng sigarilyo at niyapos ang sarili. Malamig pa rin ang simoy ng hangin kahit tapos na ang taglamig. Nag-uumpisa na ngang magsibalik ang mga damo sa hardin. Unti-unti na ring nagkakaroon ng talululot ang mga sanga. Ilang linggo mula ngayon marahil magkukulay rosas na naman ang paligid dahil sa mga puno ng cherry blossoms na nagkalat sa bakuran.
Nakakapanlumo na alalahanin ang nakaraan, nakaraang dapat ay masaya para sa kaniya. Dapat ay ang nasa alaala niya ay ang paglalaro niya kasama ang kaniyang pamilya sa kanilang bakuran. Ang mga masasayang halakhak dapat ng kaniyang ina at nakatatandang kapatid na lalaki ang pumupuno sa kaniyang pandinig. Ang walang katulad na ngiti ng kaniyang ama habang nakaupo sa hardin at pinagmamasdan silang tatlo ng kaniyang ina habang sumisimsim ng mainit na kape. Iyon dapat ang nasa isip niya at hindi ang bangungot na tumapos sa masayang alaala ng kabataan niya. Bumuga siya ng marahas na hininga kasabay ng pagbuga rin ng usok mula sa kaniyang bibig.
Hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon. Hindi niya magawang iwaksi sa isip ang nasaksihan niya. Kung paano binaboy ng mga demonyo na iyon ang kaniyang ina sa harapan ng kaniyang ama. Doon rin ito ginilitan ng leeg sa mismong harapan nila na maging siya na pitong taong gulang pa lang ng mga panahon na iyon ay hindi nakaligtas sa makamundong pagnanasa ng mga demonyong hayok sa laman. Ginawa ng ama niya ang lahat, maging ang kapatid niyang lalaki ay halos itaya ang buhay para lamang hindi dumapo sa katawan niya ang kamay ng mga demonyong iyon. Nasawi ang dalawa dahil sa pagtatanggol sa kaniya. Sa kawalang pag-asa, takot at hinagpis nanatili lang siyang umiiyak habang hinahanda ang sarili sa kamatayan. Hinubaran siya ng mga demonyo at handa na ang mga ito sa masamang balak gawin sa mura niyang katawan. Ipinaubaya na niya kay Kami-sama ang lahat. Ngunit isang iglap isa-isang nagliparan ang mga ulo ng mga lalaking iyon sa kaniyang harapan. Isa-isang nangisay ang mga katawan ng mga ito sa lupa. Naligo siya sa tilamsik ng dugo ng mga demonyong walang awa.
Humalakhak siya na parang baliw, nagalak siya sa sinapit ng mga demonyo. Tumawa siya habang lumuluha. Kitang kita niya ang lalaking mag-isang sinasagupa ang halos isang batalyong demonyo sa kaniyang paningin. Para itong isang Diyos na taga lipol ng mga masasama sa lupa. Buong paghanga niyang pinagmasdan ang bawat wasiwas ng hawak nitong talim. Kung paano iyon ibaon at hugutin sa katawan ng mga demonyo. Kay sarap niyon sa kaniyang paningin, kay sarap sa pakiramdam ang pagtampisaw sa dugo ng mga walang awang nilalang. Kay sarap paglaruan ang mga ulo ng mga ito at sipasipain na parang isang bola. Kay sarap sa pakiramdam na isa-isa silang namamatay. Nagsipulasan ang iba sa takot sa iisang tao lang, kung tao pa nga ba ang isang ito na ngayon ay nasa kaniyang harapan at lumuhod upang pumantay sa kaniyang taas.
"Osoku natte gomen'nasai!" ~ Patawad, nahuli ako!~ saad nito sa kaniya. Umiyak ang langit at humalo ang luha nito sa karagatan ng dugo sa kanilang bakuran. Binuhat siya ng lalaki at tangka siyang ilabas nang pigilin niya ito.
"Otosan! Okaasan! Oniichan!" malakas niyang atungal habang buhat siya nito.
Ilalayo siya nito sa kaniyang mga magulang, sa kaniyang pamilya. Umatungal siya at magpumiglas. Gusto niyang bumalik, gusto niyang balikan ang mga ito sa hardin ngunit hindi na niya nagawa nang pitikin ng daliri ng lalaki ang kung ano sa kaniyang leeg.
Laglag ang ulo niya sa balikat ng estranghero ng mawalan siya ng malay.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatulog. Nang magising siya ay malinis at wala na amg bahid ng karimarimrim nilang sinapit. Malawak na silid ang sumalubong sa pagdilat ng kaniyang mga mata.
“Shujin-Sama!” narinig niyang sigaw ng babae na hindi niya napansin kaagad. Naroon lang pala ito sa kaniyang tabi. Naghihintay marahil para sa kaniyang paggising.
Tahimik siya habang nakamasid. Pumasok ang lalaki na ubod ng pamilyar sa kaniya. Ang Diyos sa kaniyang panaginip, alam niya panaginip lang ang lahat.
“Watashinochichi wa dokodesu ka?” ~Where is my father?~ tanong niya sa ginoo nang umupo ito sa tapat niya. Hinaplos nito ang kaniyang mahabang buhok at bumuntong-hininga na tila nahihirapang magsalita.
“Daijōbudesuka?” ~Are you alright? ~ sa halip na sagutin siya ay iyon ang saad nito.
“Ima wa daijōbudesu,” ~I'm fine, now~ sagot niya. “Watashinokazoku wa dokodesu ka?” ~ Where are my family?~ ulit niya.
“Kodomo to issho ni kuru,” ~Come with me, kid~ anito at agad naman siyang tumalima.
Nakatingin siya sa tatlong maliit na bundok ng bato sa kaniyang harapan. Itinumpok iyon sa isang burol. Alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon, kung ano ang nasa ilalim ng mga tumpok ng bato ngunit hindi siya makapagsalita. Ayaw tanggapin ng mura niyang isip na wala na ang mga ito. Na wala na siyang pamilya at mag-isa na siya sa mapait na mundo.
“Mamaaa!” atungal niya. Nag-umpisa na siyang lumuha at maglupasay sa kakaiyak. “Otôsan! Oniichan!
“Naze watashi o koko ni oite kita nodesu ka?” ~Bakit n'yo ako iniwan mag-isa?~
Umiyak siya hanggang sa magsawa siya. Hanggang matuyo halos ang luha at ayaw nang lumabas. At ang lalaki sa kaniyang likuran ay nanatiling nakamasid lang sa kaniya. Hinayaan nitong ibuhos niya ang lahat sa harap ng puntod ng kaniyang mga yumao.
“Karera wa shiharaudeshou, chichi,” ~They will pay, father~ aniya. “Watashi wa anata ni atama o sagemasu, watashi wa karera ni shiharai o sa semasu.” ~I bow to you, I will make them pay.~
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagbigay galang siya sa kaniyang mga magulang at maging sa kaniyang kapatid na lalaki. Hindi niya kakalimutan ang pangako na binitiwan niya. Hindi siya titigil hanggang hindi nananagot ang lahat ng dapat managot. Bubutin niya ang masamang damo mula sa pinakaugat para hindi na ito lumago at makapamunga pa ng masasama.
“Ikimashou, Senseii!” ~Let's go, teacher!~ aniya. Pinangunahan na kaagad niya ang lalaki. Ngayon pa lang ay may nais na siya, at iyon ay ang matutunan ang lahat ng alam nito sa pakikipaglaban.
“Senseii, huh!? Watashi wa sore ga sukidesu!” ~Teacher, huh!? I like it!~
Mula pitong taong gulang hanggang ngayon.
Labing walong taon na ang nakalipas ngunit bigo pa rin siya. Hindi pa rin niya nauubos lahat ng demonyo. Maituturing na nga rin marahil siyang isa sa mga ito. Wala na rin siyang pinagkaiba sa dami ng kaniyang napaslang. Kinain na ng poot ang kaniyang puso. Ang nais niya ay hustisya para sa kaniyang pamilya. Handa siya sa kahit anong kahihinatnan ng kaniyang paghihiganti.
Ang hindi lang niya napaghandaan ay ang pagdating ng lalaking iyon sa kaniyang buhay. At ang puso niyang akala niya ay wala nang kasing tigas ay unti-unti nitong tinunaw sa mga nakakapanghina nitong ngiti at titig. Akala niya ay matatag na siya sa lahat. Hindi naman ito ang unang beses na may lalaking nagpakita sa kaniya ng interes. Anong mayroon sa lalaking iyon at para siyang kinakapos ng hininga kapag nakatingin ito sa kaniya. Tumatayo ang balahibo niya at naiipon ang kiliti sa hindi niya malamang dahil sa tuwing makikita niyang kinakagat nito ang labi kapag nakatingin sa kaniya. Hindi niya makilala ang sarili kapag nasa malapit ito. Kapag kasama nila ito at nawawala siya sa focus dahil sa masidhing pagtibok ng kaniyang puso. Tinatambol sa bilis at sobrang lakas at tila nais na niyong lumabas.
At nang unang beses na naglapat ang kanilang balat nito nang minsang mag-sparing sila sa underground. Parang may kung ano sa kaibuturan niya ang nabuhay. Tila boltahe ng kuryente iyon na dumaloy sa kaniyang dugo. Ang kaniyang sikmura na kinikiliti ng libo-libong paruparo sa loob niyon. Nakakabaliw ang pakiramdam. Mula noon nagkaroon siya ng takot. Takot sa kaniyang sarili dahil nagkakaroon na ulit siya ng emosyon. Emosyon na ibinaon niya sa matagal na panahon ng pagsasanay sa kaniya ng Shujin. Emosyon na ayaw niyang maramdaman dahil takot siya. Takot siyang may maging mas malapit sa loob niya bukod sa Shujin. Takot siya mapalapit at mapamahal sa iba. Takot siyang maulit ang nakaraan na mawalan ng minamahal, takot siyang maiwan muli mag-isa.