Kinaumagahan, nakaabang na kaagad siya sa lobby. Inaabangan niya ang binata kung darating ba ito ngayon. Pero sa halip ay ang bartender na nakausap niya kagabi sa UL ang nakita niya. Nilapitan niya ang binata at halata ang gulat sa mukha nito dahil sa pagsulpot niya.
"Hi... you are Lee, right?" nakangiting bati niya. Pansin niya na naging malikot ang mga mata ng binata at panay ang linga sa paligid. Daig pa nito ang may iniiwasang makakita sa kanila.
"H-Hi!" alanganin ang tono ng bati nito sa kaniya kaya alam niyang may hindi magandang nangyari kahapon nang umalis siya.
"I just wanna ask you again if you seen Kel-"
"He's down, he got into fight last night and it was terrible," anito sa kaniya.
"What happened to him? Is he okay?" nilakipan niya ng pag-aalala ang boses nang itanong iyon para magmukhang kakilala talaga niya ang binata.
"Wow! You sound like a worried girlfriend, how long you've been together because as far as I know he was a wounded animal. Hindi ko alam na sa wakas naka-move on na pala siya. Well, hindi ko naman siya masisisi. You are very beautiful and se-"
"Cut that crop! Where is he? Can you take me to him?" aniya. Pwede na siyang manalo ng best actress sa FAMAS sa acting niya. And for f**k sake ngayon lang niya kinailangang gawin ang ganito. Mas madali pa yatang trabaho ang tumapos ng buhay ng mga masasamang damo sa lipunan kaysa ganito.
"Do you have your black card with you?" sa halip ay tanong nito sa kaniya.
Agad naman siyang tumango. "Yah, I have it with me."
"Then let's go!" saad nito at iginiya siya. They both walk toward the middle elevator and Lee press the UL4 button.
Pinakikiramdaman niya ang galaw ng lalaki habang pababa sila. Hindi siya pwedeng magpakakampante lalo na at hindi naman niya kabisado at kilala talaga ang lalaking sinamahan niya. Ilang sandali lang at tumunog na ang elevator kasabay nang pahinto nito ay naunang lumabas si Lee at sumunod naman siya. Malayo pa sila ay dinig na dinig na niya ang hiyawan. Gusto man niyang magtanong ay nanatiling tikom muna ang kaniyang bibig. She just followed Lee at nang tumigil ito sa paglalakad ay napahinto rin siya.
"Whut?" takang tanong niya sa binata.
"I-I can't go inside. Zuniga is here, the last time we bumped into each other it wasn't that good kaya ako na ang iiwas," mariing saad nito.
"And who is that?" wala sa loob na tanong niya.
"Girlfriend ka ni De Dios pero hindi mo kilala ni Zuniga?" anito sa kaniya,.
"Oh well, do I need to know every friends he has? Asan ba kasi siya?"
"Just get inside lady... he's there. Kakatapos lang ng laban niya and he's a mess. Deretsuhin mo lang pagpasok mo. There's a clinic inside, kapag wala na siya sa clinic...ahm! Just walk straight to the left door I'm sure he was there," saad nito sa kaniya.
Itinulak pa siya nito bahagya pagkatapos ay bigla na lang itong nawala. Naiwan siyang nakatanga at mangha ang sumalubong sa kaniya pagpasok niya sa loob. There was a ring na para sa mga laban. At malakas ang kutob niya na illegal ang mga laban na ginagawa sa lugar na ito. Muntik na niyang makalimutan ang pakay, nalibang siya sa kakalibot ng tingin sa buong lugar. Napag-alaman din niya na hindi lang pala basta simpleng laban ang ginagawa roon kung hindi isang cage fight na kapag pinasok mo ay walang kasiguraduhan kung makakalabas ka pa ng buhay.
Nang maalala niya ang pakay ay nilisan na niya ang dinaanan at dumeretso na siya sa sinabi ng binata kung saan niya matatagpuan ang pakay. Sinunod niya lahat ng sinabi nito. Hinanap niya ang clinic at nang wala siyang nakita roon ay tinungo niya kaagad ang kaliwang pinto na bilin nito. At nang buksan nga niya iyon at tumambad sa kaniya ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit siya kaagad at sinugurado na ito nga ang pakay niya at kinuha ang sadya niya sa binata. Walang lingon-likod siyang naglakad palabas ng silid at parang walang nangyari na binagtas ang patungo sa elevator.
SAMANTALA...
“Ano ka ba naman De Dios!? Sa tuwing malilingat na lang ba ako pupuslit ka sa cage fight. How many times do I have to remind you that my place is not a suicide venue. Kung gusto mong magpakamatay, huwag dito!” gigil niyang saad sa kaibigan.
Hindi niya alam kung kailan matatauhan ang binata. Pagod na siya sa kakasaway. Naka-banned na ito sa line up pero hindi pa rin ito maawat ng mga tauhan niya kapag gusto nitong lumaban, lalo na kapag wala siya roon. Mabuti na lang at inaabutan pa niya itong buhay. Worst is kapag nasa loob na ito ng cage ay wala nang pwede pa ang umawat unless patulugin niya ang mabangis pa sa hayop na binata.
Para tuloy siyang may alagang mabangis na leon na kailangang pakalmahin kapag gustong manakit ng tao sa paligid.
Hindi niya alam kung hanggang kailan nito parurusahan ang sarili. Sinasaktan nito ang sarili nito, lumalaban ito dahil gusto talaga nito na mabugbog ang katawan nito sa sakit. At kahit sobra na ang awa niya sa kaibigan ay hindi niya kailanman ipinakita iyon. He won't show his soft side to anyone.
“Okay lang naman ako, Z! I'm still breathing... hindi mo ba nakikita?” nakangising tugon nito sa kaniya.
Mula sa pagkakahiga ay umupo ito. Puno ng pasa ang mukha nito at halos magdikit na ang mata dahil sa pamamaga. Ni ayaw niya itong tingnan dahil ang sama ng hitsura ng walang hiya.
“f**k you! Hindi ako nakikipagbiruan sayo Kelvin. I told you so many times, if that woman leave you, move on! Don't waste your f*****g time, chasing and waiting for some worthless b***h! Madaming babae riyan... iyong mga babaeng gugulong sa harapan mo para lang mapansin mo. Bakit ka nag-aaksaya ng panahon—”
“Magdalena is not a b***h, Z! Hindi siya katulad ng mga babae mo. Kilala ko siya mula pagkabata, iningatan ko siya, matino siyang babae. Hindi siya katulad ng mga babaeng ikinakama mo! At isa pa wala kang pakialam kung ano ang gawin ko, kung maghintay ako sa wala. I hope you will never experience this kind of pain in the future... kapag natagpuan mo at nakilala mo ang babaeng babago sa buhay mo, sana hindi ganito kakumplikado ang lahat. This pain...” Itinuro nito ang mga pasa sa mukha at tumuon ang buong atensyon niya sa binata. “This pain is nothing, Z! Ang mga pasa at sugat na 'to... wala lang ito. Lilipas din ito at gagaling, pero ang sugat dito...” Itinuro nito ang tapat ng dibdib nito.
“This pain is unbearable, Z!”
“That's absurd!” nasambit niya. Wala siyang ibang masabi dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba sa mga sinabi nito. Para itong nagbitaw ng isang sumpa. Although hindi siya naniniwala sa mga kadramahan at kakornihang pinagsasabi nito.
Every pain is tolerable for him.
“Yes, that was absurd... but it's true,” sagot nito. Naumid siya at nanahimik na lang. Wala siyang maisip na sasabihin pa sa kaibigan lalo na at nag-uumpisa na naman itong mag-senti.
“Magpahinga ka na... at magpagaling. And please lang, off limits ka na muna rito sa UL. Makinig ka kung ayaw mong ipaabot at ipaalam ko na ito sa mama mo,” banta niyang saad.
“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Z. Alam mo namang masyadong over acting si Mama sa mga ganitong bagay, e.”
“Exactly! Kaya makinig ka, kung ayaw mong sumugod dito si Tita Janet at mag-hysterical iyon dito,” aniya.
“Okay fine! Sige na makakalayas ka na, magpapahinga na ako,” saad nito sa kaniya.
Iniwan niya ito at nagpasya na lang siyang umakyat sa opisina niya sa itaas. Kailangan niya ng mga bagong data dahil may mga bagon members at lumalago na lalo ang CLUB. Kailangan niyang suruin iyon, dahil kailangan din nila ng ibayong pag-iingat sa mga taong nakakapasok sa loob.
Nang makarating sa opisina, s***h unit niya sa Twenty-second floor ay dumeretso kaagad siya sa nagsisilbing opisina niya roon. Malawak ang buong floor at ang buong iyon ay lugar niya. Sinalubong kaagad siya ng sekretarya at iniabot kaagad ang mga files na kailangan niya.
“Here's what you need, Boss! Everything is set,” saad nito. Kinuha niya ang folder at nginitian lang ang babae. Maganda ang babae at ilang beses na itong nagpakita ng motibo sa kaniya pero hindi niya ito kailan man binigyan ng pansin. Babaero siya pero hindi niya gagawin ang bagay na iyon sa mga nagtatrabaho sa poder niya, wither they throw themselves on him. He knows how to separate his s****l desire and his work.
“Thank you, Lovie.”
Nakadekwatro siya habang nakaupo sa swivel chair at binubuklat ang mga folders. Hindi pa man siya nakakadalawa ay inaantok na siya. Hindi talaga niya trip ang humarap sa mga papel pero wala siyang choice. Papikit-pikit na siya ngunit bigla siyang napamulaga't nang makita ang larawan sa pang-apat na binuklat niya.
His eyes settled on a black haired woman. He stared at it with a lusful desire. And if he was not mistaken, it was her. That woman, was the assassin that see saw in the annual fashion show.
“Akino Katakura,” sambit niya habang niluluwagan ang necktie ng suot niyang suit. “What are you doing here in my territory, baby!?”
Zandre was staring on the multiple cctv monitors for almost an hour. He was inside in his secret room na nasa floor unit din niya. Nakapameywang pa siya habang nakatitig doon at nakadikit ang mapalad na ngisi sa kaniyang mga labi. Isang nakakatakot at delikadong ngisi.
After he found the files of that woman ay hinarap kaagad niya ang cctv footages at hinanap kung saang unit ito naroon. Excited pa siya kanina na makita ito. Ngunit lahat ng ngiti sa labi niya ay naglaho nang makita itong nasa lobby at nilapitan si Lee. Hinintay ng dalaga si Lee. At ang mas nagpakulo ng dugo niya ay ang paglalakad nito kasabay ang lalaki nang nakangiti na para bang ang saya-saya at close ang dalawa.
At ang walang hiyang lalaki ay isinama talaga ang dalaga sa UL4. What are they doing there? Anong dahilan at isinama ito ni Lee sa underground. Alam naman nito na forbidden ang bagay na iyon sa mga bagong salta lalo na kung hindi pa sila sigurado sa background ng bagong members. Lahat ay dumadaan sa masusing background check bago ito makapasok sa hindi lalampas sa UL1. Hindi purki mayroon ang mga itong black card ay sakop na iyon ng lahat ng prebilehiyo na mayroon sa lugar, dahil isang maling galaw ay malalagay sa alanganin ang buong organisasyon.
“What the f**k are you doing, Lee Zanders!?” gigil niyang sambit habang matamang nakatitig ang mga mata sa dalawa.
Nag-ngangalit ang panga niya sa galit at hindi niya maunawaan kung dahil ba sa pagsama ni Lee sa dalaga sa UL o dahil sa paghawak-hawak nito sa balikat ng dalaga na mukhang okay lang naman sa babae.
Inis na inis siya at akmang tatalikuran na sana ang nakikita nang mahagip ng mga mata niya na pinapasok lang ito basta ni Lee sa UL4 at iniwan na para bang inihatid lang ito ng binata roon. Matama niyang pinanood ang galaw nito at napailing siya nang lumakad ito patungo sa clinic. Wala na siyang access sa loob niyon kaya naman naghintay siya. At wala pa man ang dalawang minuto ay nagmamadali na itong lumabas. Kung kahapon pa siguro niya napanood ang footage malamang ay mag-aalala siya para sa buhay ni De Dios dahil alam naman niya kung anong klaseng babae ang pumasok doon na tanging ang kaibigan lang niya ang tao nang mga sandaling iyon. Wala namang mali sa binatang kaibigan nang kausap niya ito kanina. Normal naman ito bukod sa sandamakmak na pasa nito sa mukha. Hindi niya maisip kung ano ang pakay ng dalaga sa kaibigan niya. Anong sadya nito sa building na pag-aari niya, bakit ito naroon?
Mga tanong na hindi niya mabibigyan ng sagot kung hindi siya makikipaglapit sa dalaga. He needs to, kahit gaano pa kadelikado ang babaeng iyon. Exciting nga para sa kaniya iyon, kung paano niya paaamuin ang isang amasona na gaya nito.
Nakangisi siyang lumabas sa silid at binagtas ang hallway. Malawak ang sakop niyang floor at lahat ng kailangan niya ay narito na . Tirahan, opisina, at mga personal na bagay na ayaw niyang puntahan pa sa malayo. This place just have a twenty five floors at ang huling lima ay pawang may nag mamay-ari na indibidwal. At sa kaniya ang buong twenty-second floor, bilang siya ang may-ari nang buong building. Bakit hindi sa pinakataas? Simple lang... he don't like there kaya ipinaubaya na lang niya iyon sa malayong kaibigan na feeling simpleng mamamayan sa bansa nila.
Hindi pa rin nawala ang inis niya sa nakitang paghatid ni Lee sa dalaga, lalo na ang paghawak-hawak nito. At balak pa yata siyang unahan ng kumag na iyon sa babae. Well, hindi niya hahayaang mangyari iyon dahil ngayon pa lang ay ipapaalam na niya kay Lee na lumagay ito sa lugar nito lalo na sa loob ng teritoryo niya.
Dumeretso siya pababa sa UL1 kung saan sigurado siya na naroon ang binata. It was Lee's haven at libangan na nito ang magpanggap na bartender sa disco pub. Agad siyang huminto sa tapat ng counter kung saan naroon ang binata. Hindi siya nagsalita pero inabutan siya nito ng baso na may lamang Dalmore at isang serving ng aged smoked cheddar cheese.
"Are you going to scold me, dear brother?"
Mapakla siyang tumingin sa lalaki nang marinig ang huling kataga sa sinabi nito. Matagal-tagal na rin niyang hindi naririnig sa binata ang salitang iyon na kahit siya ay hindi niya inasahang maririnig pa niya ulit na sabihin nito.
"I'm not in the mood, Lee. I just came to ask you a question," walang kalatoy-latoy na aniya.
Lumapit ang lalaki matapos gawan ng maiinom ang ibang naroon bago humarap sa kaniya.
"You're always not in the mood, Z. Wala namang bago r'on!" sarkastikong sagot nito.
"The lady, yesterday!" umpisa niya. "She's new here at alam mo 'yon..."
"And?"
"And you f*****g brought her at the UL4, you f*****g son of a b***h!" gigil niyang saad ngunit sa mahinang boses lang.
Ayaw naman niya na makabulahaw siya sa mga guest na nag-eenjoy sa Pub kaya nagtimpi pa siya.
"That b***h is also your mom... aren't you forget that, bro?" pang-iinis pa nito sa kaniya.
Kahit kailan talaga wala itong ginawa kung hindi ang painitin ang ulo niya. Kung hindi lang siguro sila nito pareho ng ina ay baka hindi siya nagdalawang isip na pilipitin ang leeg nito ora mismo.
"Watch your word, Lee! Baka nakakalimutan mo kung saan nakatapak ang mga paa mo... you've no power here!" bata niyang saad sa binata.
"I always carefull about my words 'KUYA', You're the one who aren't. Sa susunod na tatawagin mo nang ganyan ang nanay ko, baka makalimutan ko na anak ka rin niya."
Nagsukatan sila nito ng tingin. Napangisi siya, soon he realised na hindi na pala bata si Lee. Hindi na niya ito pwedeng kutos-kutusan kapag may nagagawa itong ayaw niya. Hindi na niya ito pwedeng sigaw-sigawan na lang at susunod sa kaniya. Lee is a grown up man now. At kahit hindi niya aminin sa sarili niya ay humahanga siya sa nakababatang kapatid. Sa pagiging malaya nito at matatag. Lalo na pagdating sa pagtatanggol nito sa kanilang ina, bagay na hindi niya nagawa noon nasa ganitong edad siya.
"I'm not into that chic, Z! Saka isa pa girlfriend yata ni De Dios ang isang iyon, so, it's off limit, right?" Muntik na niyang maibuga ang alak sa bibig dahil sa sinabi nito.
"What!?" takang tanong niya. "Saan mo naman napulot an kahibangan na 'yan Lee?"
"Sa kaniya mismo," seryosong saad ng labing-pitong taong gulang niyang.
"What!?" ulit niya. Nagliparan ang tingin sa kaniya ng ilang tao na malapit sa pwesto nila dahil hindi na niya napigilan ang magtaas ng boses. "What the f**k are you saying, Lee? Alam mong imposible 'yon!"
"Anong imposible r'on? Your crazy friend was single for a very long time. Come on! Accept it bro! That chic was hot but absolutely taken," anito sa kaniya na para bang nababasa nito ang nasa loob niya ng mga sandaling iyon.
Hindi niya alam kung bakit hindi yata kayang i-process ng utak niya ang sinabi nito na sa babae mismo galing na kasintahan ito ni De Dios. Bakit wala siyang alam? Kanina lang ay halos sermunan pa siya sa pagsesenti ang gagong De Dios na 'yon tapos ngayon may babae rin naman pala itong iba. Inis na nilagok niya ang laman ng baso at tumayo.
"Oh, saan ka na pupunta?" Hindi na niya pinansin ang nakababatang kapatid. Lumabas siya ng Pub para puntahan at kumprotahin si De Dios nang bigla na lang sumulpot ang babae sa daraanan niya.