CHAPTER 9

1136 Words
Palabas na si Akino sa elevator nang bumulaga sa kaniya ang lalaking palaging nagpapabilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya inasahan ang makita ito bigla. Gusto sana niyang bumalik o kaya naman ay isara ng mabilis ang elevator pero huli na ang lahat. Iniumang nito ang kamay nito roon upang pigilan iyon sa pagsara. Hindi na rin niya nakuha pa ang lumabas. Balak niya sana ang pumunta sa UL pero nanatiling natuod siya sa kinatatayuan. Pumasok ang lalaki sa loob ng elevator at napasandal siya sa malamig na stainless steel wall nang magsara ang pinto. Katahimikan ang namayani sa kanila at halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Medyo kinabahan pa siya at inisip na baka marinig nito iyon. “Ehem!” Napalunok siya bigla nang marinig iyon. “Hi... you're new here, right?” tanong nito sa kaniya. Humarap ito sa kaniya at bukod sa panlalaki nitong pabango ay halos malanghap na niya ang mabangong hininga ng lalaki. Nakasuot ito ng suit and tie at napaka-formal nitong tingnan. “Ah... yah!” tipid na tugon niya. Wala siyang maisip na sasabihin at iniwasan niyang magsalita dahil pakiramdam niya ay magbubuhol ang hininga at mauutal siya. f**k, for the first time ngayon lang siya nakaramdam ng ganito sa dibdib niya. Something unexplainable. “I saw you at the UL. So... you're a VVIP also? I'm Luke Zandre Zuniga, the owner of this Club. Welcome here at AD CLUB, my lady!” anito sa kaniya. Alam niyang umawang ang labi niya dahil sa pagpapakilala nito sa kaniya. Tatlong segundo rin yata iyon na nanatiling nakabuka bago niya mapagdesisyunan na isara iyon. "Ahm... yes. Thank you," aniya. Nagbaba siya ng paningin dahil sa nakaka-distract na presensya ng kaharap pero bago pa siya makahuma sa nakakatulirong presensya nito at nagulantang na lang siya nang kornerin siya nito sa sulok ng elevator. Hindi naman ito banta sa kaligtasan niya pero ang pagkakalapit ng katawan nito sa kaniya ay nagdulot sa kaniya ng ibayong kaba. Ang tahip ng puso sa loob ng kaniyang dibdib ay hindi na normal. "I've seen you on the CCTV and you visit my friend down at the UL4. Do you know him?" deretsong tanong nito sa kaniya. Nag-iisip pa siya ng isasagot nang magsalita ito ulit. "Hindi mo naman siguro boyfriend ang isang iyon hindi ba?" dugtong pa nito. "What? No! He's not a boyfriend... I just know him, I watched him before at some random street-fights outside and I instantly become a fan," saad niya. At seriously, iyon pa talaga ang naisip niyang sabihin. "Uhm... I get it," mahinang sambit nito at nakahinga siya nang maluwag nang umalis ito sa harap niya at bahagyang dumistansya. "Do you want to see him fight closer? I-I can take you there," anito. "Really?" Pinilit niyang pasiglahin ang boses para nang sa ganoon ay magmukha siyang totoong na-excite sa sinabi nito. Offer na iyon mula sa may-ari ay sino siya para tumanggi. Pabor sa kaniya ang mapalapit sa binata at kapag nangyari iyon ay malaya siyang makakapagmasid nang wala ng inaalala pa. She don't usually do this dahil sanay naman siya na magtrabaho ng patago, at hindi niya alam kung ano ang nag-uudyok sa kaniya na mas alamin ang buong pagkatao ng binata at ng mga nakapalibot dito including this man na nasa tabi niya. "Yes, but in due time. Hindi siya pwedeng isabak sa laban ngayon, he's out of shape," imporma nito sa kaniya. "Why? What happened to him?" "What happened? Hindi ba pinuntahan mo siya, hindi mo ba siya nakausap?" usisa nito. "A-Ahm... No! I just saw him sleeping. So, I've decided to visit him some other time," pagdadahilang saad niya. "So, hindi talaga kayo close?" Pakiramdam niya ay nag-iimbestiga ang binata. Hindi naman niya ito masisisi. Ito ang may-ari ng Club at obligasyon nito na protektahan ang mga nasa loob ng nasasakupan nito. "Hindi. Like what I've said, I'm just a fan. It just happened that I saw him here and I'm surprised na may street-fights din pala rito sa Club. It was so nice since I love watching fights," mahabang litanya niya. Akino was trying to make this man person to believe her. "Sabi ko nga hindi kayo dapat maging close," bulong nito. "What?" "Nothing... do you want me to tour you around the place," alok nitong saad sa kaniya. Nginitian niya ito nang tipid bago sagutin at eksakto rin naman na bumukas ang elevator kung saan sila nakasakay na dalawa. "Some other time, Zandro." "It's Zandre!" Lumabas siya ng elevator at mabilis na naglakad patungo sa unit niya. Nang makapasok ay mabilis niyang sinira at sumandal sa dahon ng pinto. "Whoah... what the f**k was that!?" Kinapa niya kaagad ang tapat ng dibdib. It was beating so damn fast, daig pa niya ang naki-hand to hand combat. Palakad pa lang siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon. Nang sipatin niya iyon ay pangalan ni Haruma ang nasa screen. "Hello, Haru. How's the result? Is there any update?" tanong kaagad niya sa kababata. "Hey, babygirl, relax! Hindi mo man lang ba ako kakumustahin?" may bakas tampo sa boses nito. "How are you then?" Umiikot ang mga matang saad niya. "Bakit pakiramdam ko umiikot na naman iyang mata mo, Aki? Relax okay, tumawag na ang contact ko sa Manila , I'll forward him to you for the result okay," saad nito sa kaniya. "What do you think, is it a bad or a good news?" tanong niya sa kababata habang naglalakad sa patungo sa kama at nang makarating ay ibinagsak ang sarili roon. "I can't say anything Aki, alam mo naman wala tayong pwedeng gawin kung hindi mag-umpisa sa wala kapag mali pa rin ang isang iyan." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. Haru is right, wala silang magagawa kapag mali pa rin sila. Kahit pagod na siya sa kakahanap ay wala sa loob niya ang sukuan ang pangako niya sa sarili para sa kanilang master. Even it takes a lifetime, she'll do it. "Ayaw ko lang na umasa na naman tayo sa wala, Aki!" dugtong pa nito. "Yah... I understand Haru, no worries. I'm always ready. If he wasn't the person we're looking for, let's move on and start again. That's life at ganoon lang ang cycle niyon. Moving on weren't too bad after all." "Moving on weren't too bad? So, kaya mong mag-move on at kalimutan ang dahilan kung bakit tayo nasa poder ni Shujin Hedeo?" Naumid siya. Why Haruma suddenly bring out that sensetive topic? Alam naman nito na para doon lang kaya siya nabubuhay. Para sa araw na iyon. At kahit masayang pa ang kalahati ng buhay niya o kahit kabuuan ay wala siyang pakialam mabigyan lang niya ng katarungan ang buong angkan niya. "Don't go there Haru! It won't change anything.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD