CHAPTER 7

2792 Words
Ngiting-ngiti si Akino habang iginagala ang tingin sa lobby ng AD CLUB building. Kinuha ng bell boy ang mga luggages niya at sinamahan siya nito sa unit na kinuha ni Haruma para sa kaniya. Gamit ang VIP card ay pinasok niya ang magarang unit. Humanga siya sa ganda ng buong silid. Madalas siya sa mga five star na hotel dito sa bansa pero hindi pa siya napahanga sa mga iyon. Pwede nang ihalintulad sa mga luxurious places sa bansa nila ang kinaroroonan niya ngayon. Napako ang paningin niya sa malawak na kama na parang pang royal blood ang desenyo. Nilibot niya ang buong silid. Kumpleto iyon, may kusina, may sala at dalawang banyo. Kaagad niyang kinalkal ang luggage niya at hinanap ang laptop. Naupo siya sa kama at doon binuksan iyon. Tumambad kaagad sa kaniya ang email mula kay Haruma. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang impormasyon ng ADC Building, kasama ang blueprint ng buong gusali. Napailing na lang siya sa paghanga kay Haruma. Hindi niya lubos maisip kung paano iyon nagagawa ng kababata. His ability is beyond normal. Ang mga impormasyong nakukuha nito ay sobrang mga confidential at mahirap mahanap kung wala kang kapit sa loob. Kaya hindi niya alam kung saan nahuhugot ni Haruma ang mga bagay na kailangan niya. Nagtataka rin siya kung paano ito nakakuha ng VIP card ng ganoong kabilis. Sinara niya ang laptop saka sumalampak sa kama. Hinugot niya ang cellphone sa bulsa saka idinayal ang numero ng binata. Saglit na katahimikan at makalipas ang tatlong ring ay kaagad na sumagot ito. "Hey babygirl, how's your new place?" bungad nitong saad sa kaniya. Nahiga siya nang tuluyan sa malambot na kama saka pinagkrus doon ang paa. "It was so nice, Haru. I can't believe there is such place," parang batang aniya. "Nakita ko na iyong senend mo. Where did you get that information Haru? Paano ka nagkaroon ng access ng blueprint nitong buong building, ha?" sunod-sunod niyang tanong. "Babygirl, ang importante nakuha natin ang kailangan mo. Isa pa walang limit iyang VIP black card na nasa iyo. You can go down to their forbidden levels," imporma nito sa kaniya. "Anong sinasabi mo, Haru? Anong forbidden levels?" "See it for yourself babygirl. I gotta go, madaming trabaho na binigay ang Shujin. I have to finish it kaya sige na... call me if you need anything, okay!" bilin nitong saad sa kaniya. "Haru, wait..." Hindi na siya nito nahintay pa. Haru just cut the line. Naibaon na lang tuloy niya ang sarili sa kama. Napagod pa naman siya sa pag-iempake ng mga gamit niya papunta rito sa nilipatan, Hindi naman niya pwedeng iutos ang mga iyon sa iba, lalo na ang mga weapons niya na iniingatan. Sa bigat at sa dami ng mga iyon ay sumakit ang katawan niya sa kakabalot at kakalagay sa luggages niya. Tapos ngayon na tinitingnan pa lang niya ito ay parang tinatamad na siya kaagad. Damn! Bakit naman kasi ang dami niyang dala? Akala mo naman susugod siya sa gera. "Arggh!" asik niya. Tinatamad talaga siyang bumangon. Kailangan niyang pag-aralan ang plano at pasikot-sikot ng buong lugar nang sa gayon ay makakilos siya ng tama. Palagi lang din naman na narito ang lalaking minamanmanan niya kaya minabuti niya na dito na rin manatili. Pero bukas na niya iyon gagawin dahil talagang tamad na tamad siyang kumilos ngayon araw. Nang magising ay pinag-aralan ni Akino ang lahat ng data at impormasyon na pinadala ni Haru. From the building structures hanggang sa kaliit-liitang detalye. Napag-alaman niya na Zuniga ang pamilyang may ari ng buong lugar. Kilala sa business industry but she never heard of it. Palibhasa sa bagay na may kinalaman lang sa misyon niya siya nagkakaroon ng pakialam at atensyon. Wala siyang panahon sa ibang bagay maliban sa trabaho at paghahanda sa sarili para sa tamang panahon. Isinuksok niya ang card sa bulsa ng suot na leather jacket. Lumabas siya at sumakay sa gitnang elevator na nakalaan lang para sa mga VIP. Napangisi siya nang pindutin ang UL1 o underground level one. Kinakain siya ng kuryusidad sa kung ano ang mayroon sa lugar na iyon. Hindi niya lubos maisip na mayroong underground level ang isang leisure place na katulad nito. Kung sa ibang bansa pa siguro ito nakatayo ay baka hindi na siya nagtaka pa, pero dito sa bansang sa pagkakaalam niya ay baon sa utang at hindi naman ganoon kaasenso ang economy, nakakapagduda. At hindi lang iyon ang nakapagpataas ng kilay niya kung hindi ang kaalamang hindi lang pala isa o dalawang groundfloors ang mayroon ang building kung hindi lima. Limang level ang ilalim ng gusali at bawal level niyon ay iba-iba rin ang level ng security. Something is really fishy in this kind of place, sa loob-loob niya. Pagtunog ng elevator ay kaagad din siyang humakbang palabas. Isang malinis at walang katau-taong pasilyo ang bumungad sa kaniya. Iginiya niya ang paligid at nang may marinig siyang nag-uusap ay saka pa lang niya napagdesisyunan na ihakbang ang mga paa. Mukha talagang may something sa lugar, lalo na nang malayo pa lang siya ay tanaw na niya ang dalawang lalaki sa bukana na at mukhang iyon ang papasok sa loob. That elevator na sinakyan niya ay mukhang hanggang dito na lang then how could she possibly reach the other four levels? Sigurado siya na kapag nakapasok siya sa loob nito ay doon niya makikita ang sagot. "Card?" ani kaagad ng lalaki may dalawang hakbang pa ang layo niya mula sa mga ito. Agad din siyang napangisi. Bagong mukha siya rito kaya malamang ay hihingian talaga siya ng membership card. Dinukot niya ang itim na VIP card sa bulsa saka iniabot sa lalaki. "Here!" aniya. Kinuha nito iyon kaagad ay sinuri gamit ang scanner. Kung ganoon hindi pala talaga pipitsugin ang lugar na ito. Hindi rin uubra kung gumamit pala sila ni Haru ng fake ducoments. Mabuti na lang talaga at sa legall na paraan nito nakuha at naayos ang lahat. "You're welcome Ms. Akino," saad sa kaniya ng lalaki nang iabot sa kaniya nito pabalik ang card. Nagulat man siya ay tumango na lang siya saka deretsong pumasok sa loob. Sinalubong siya nang malamlam na ilaw ng disco. So, this place is a disco bar? Disco bar sa ilalim ng lupa? Ano ba ang mga nag-pa-party rito? Mga demonyo? Hindi pa man siya lubos na nakakapasok sa pinakaloob ay nasagot na rin ang tanong niya sa sarili niya. Bumulaga sa dinaraanan niya ang mga taong halos mag-make out na sa mga pwesto ng mga ito. May ilan pang actual na gumagamit ng droga. Like how is it even possible na parang legall dito ang lahat. Lahat ay lantaran at tila mga walang pakialam. Bumuga siya nang malakas na hininga nang lampasan niya ang kumpol ng mga tao at tumigil siya sa bar counter at doon naupo sa stool. "One Mojito please." Kaway niya sa bartender na naroon. Kaagad naman itong ngumiti at hindi inabot ng isang minuto ay nasa harapan na niya ang hiningi. Umikot siya upang tanawin ang paligid habang sinisimsim ang laman ng hawak na baso. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakainom ng alcohol, kaya naman na-enjoy niya iyon kasabay nang pagmamasid. Nandito ang taong hinahanap niya and she's sure about that. Halos memoryado na nga niya ang pagmumukha ng lalaki. Lahat ng impormasyon, detalye na tungkol sa buhay ng binata. Kabilang na ang nakaraan nito, mga kaibigan at iba pa. Ngunit nainip na lang siya ay hindi niya namataan ang hinahanap. Kaya naman inis siyang bumaling sa lalaki na nasa bar counter. "Ahm hi!" bungad niyang saad. Hindi siya masyadong sanay makipag-interact sa mga tao na hindi niya kilala. Madalas ay kay Haru lang siya nakikipag-usap o kung hindi naman ay kay Chaos kapag may trabaho itong binibigay. Pero dahil kailangan ay ito siya. "Do you know a certain person named Kelvin De Dios, here?" Tumigil sa ere ang kamay ng lalaki at kaagad na tumingin ng deretso sa kaniya. Naging malikot ang mga mata nito at may hinala na siya sa itinatakbo ng isip nito. "Why are you asking? Do you know him?" balik na tanong nito sa kaniya. Tumigil ito sa ginagawa at humarap sa kaniya. "Of course I know that bastard! Why do you think I know him?" tanong din niya. Mabuti na lang at nakaisip pa siya kaagad ng idadahilan. Sumimangot ang lalaking kausap niya at halatang dissappointed ang mukha nito. "He's on fight!" sagot nito sa kaniya. "On fight!" ulit niyang saad, at tutal naman nagtanong na rin siya at nagsinungaling ay lulubusin na niya. "Kanino na naman nakikipag-away ang isang 'yon?" makatotohanan pa niyang saad with matching emotion. "He's down," anito. Hindi na niya kailangang magtanong pa kung ano ang ibig sabihin niyon. Hindi nga siya nagkamali na nandito ang lalaki sa building. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang mahanap kung nasaan ang lugar na tinutukoy nito. "Wanna see him? Come with me..." Nagliwanag ang mata niya dahil sa sinabi nito. "Really?" "Yes, but in one condition, lady!" saad nito sa kaniya na ikinakunot naman kaagad ng noo niya. At ano naman kaya ang hihingiin nitong pabor. "Date me!" "Ok, date you. Date... what?" gulat niyang tanong. "Yes, have a date with me," derektang saad nito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Walang duda na kaya niyang protektahan ang sarili niya pero mas pinili niya ang huwag kumilos at hayaan ang lalaki sa balak nitong gawin. Hinapit siya nito sa bewang at tinangka siyang halikan nang bigla na lang may humatak sa balikat nito. "What you think you are doing to our guest, Lee?" "Z!" Nakatitig sa binata ang lalaking bagong dating. At base sa paraan ng pagkakatingin nito ay mukhang may hindi magandang mangyayari dahil bakas ang takot sa mukha ng lalaking kanila lang ay preskong nag-aaya sa kaniya ng date diumano. Umawang ang labi ni Akino nang mapag-sino ang lalaki na humatak sa bartender na nag-aaya sa kaniya ng date. It was him, the man in the hotel suite next to her. Ang lalaking nakita niyang walang saplot sa katawan at nakikipagtalik. For Pete sake, what is he doing here. “It was nothing, Boss! I just offering her a help,” saad nito sa lalaking kausap. “A help? What kind of help, Lee?” Hindi niya alam kung bakit iba ang tono ng pagsasalita ng lalaki. Parang galit ito na ewan. Pero dahil kailangan niya ang tulong ng lalaki para makita ang hinahanap niya ay namagitan siya. “Ahm, excuse me. He is right, I need a help that's why I asked him,” sabad niya. Bumaling sa kaniya ang lalaki at hindi niya inasahan ang pagtambol ng dibdib niya nang nagtama ang kanilang paningin. Muntik pa siyang mapalunok. “What help do you need? Maybe I could help you better,” saad nito sa kaniya. Binitiwan nito ang balikat ng lalaking kausap at humarap sa kaniya. Napatingala siya sa pangahang mukha nito. Matangkad ang lalaki kahit sa malayo at mas lalo siyang nagmukhang bansot dahil hanggang dibdib lang pala nito ang mukha niya nang lumapit at tuluyan itong humarap sa kaniya. Napapikit siya nang malanghap ang lalaking-lalaki nitong amoy. And she couldn't explain what is happening to her. She felt extremely hot because it was like something is flowing in her nerves. Ipinilig niya ang ulo at sinikap supilin kung ano man ang bagay na iyon na nag-uumpisang mapukaw sa loob niya. Hindi niya alam kung ano iyon, it feels good but scary because it was new to her. “I... Ahm! I think I need to go.” Tinalikuran niya ang lalaki at naglakad siya palabas ng lugar. Minabuti niyang lumayo na lang. Maybe it wasn't the right time. Sa ibang araw na lang siguro niya pagbabalakang pasukin ang ibang underground levels. Siguro naman ay magpapakita rin sa kaniya ang hinahanap na binata. Kailangan niyang maingat dahil hindi niya alam kung sino ang mapagkakatiwalaan sa paligid. She trust no one, except Haru and her Shujin. Deretso siyang naglakad patungo sa elevator at eksaktong pasara iyon ay nakita niya na sumulpot ang lalaki at mukhang siya ang pakay. Mabuti na lang at nahuli ito ng ilang segundo at sumara ang pinto. She feels relieved. Hindi niya maintindihan ang palaging kaba sa dibdib niya kapag nakikita ang lalaki, knowing na dalawang beses pa lang yata niya itong nakita. At imbes din na bumalik siya sa suite niya ay nagpasya na lang siya na lubutin ang building. Mabuti na iyon at nanag malaman din niya kung ano pa ang ibang mayroon dito gamit ang sarili niyang mga mata. May limang underground levels sa ibaba at dalawampu at limang palapag na gusali. Ayon sa pinadalang impormasyon ni Haruma ay complete amenities daw ang buong building, tipong hindi mo na kailangang lumabas dahil lahat ng kakailanganin mo ay naroon na. It even have a freaking mall inside. A pool and a freaking cinema. Humanga siya ng sobra. Sinong mag-aakala na posible pala iyon dito sa Pilipinas. It could even surpassed a seven star hotels in Dubai. Pero bakit hindi naman ito ganoon kakilala. This kind of place should be featured in a real state or something magazine. As in a total wow. Naglibot siya, nakuha na rin niya ang mag-shopping dahil mukhang kailangan na niya ng mga bagong damit. Mahigit dalawang oras din nang matapos siya bago niya napagdesisyonan ang bumalik sa unit. She was on the fifth floor at akmang pasakay na siya sa elevator nang may lalaking sumakay rin at ganoon na lamang ang panlalaki ng maliit at singkit niyang mga mata nang makilala ito. It was him. "s**t!" naibulalas niya. "Hi... are you okay? Do you need a hand?" saad nito habang nakatingin sa mga paperbags na hawak niya. Sa itsura niya ay mukhang kailangan niya ng tulong, pero ang totoo ay hindi dahil magaan naman lahat ng bitbit niya. Napakurap-kurap siya. Kapag sinuswerte ka nga naman talaga. Sabi na ba niya at magku-krus din ang landas nila ng lalaking ito. Ang lalaking laman ng files na pinadala ni Haru sa kaniya. Ang prospect nila na anak ng Shujin, ang tagapagmana ng organisasyong kinabibilangan nila ni Haru. Ang nag-iisang magbabalik ng kaligayahan at sigla ng taong kumupkop at nagbigay ng bagong buhay at pag-asa sa mga tulad nila ni Haruma. Her Shujin's heir. "Hey, Miss! Are you okay?" ulit na tanong nito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal natulala sa harapan ng binata. Hindi pa man kasi napapatunayan na anak nga ito ng kanilang master ay malakas na ang kutob niya na ito na ang hinahanap nila. Not just because of this man's resemblance to her Shujin, but because she felt it. She felt it inside of her, the urge to serve this man and protect him with her life as she vowed in her Shujin before. "I'm okay," tanging nasabi lang niya, habang hindi maalis ang titig sa binata. Nginitian naman siya nito bilang tugon pagkatapos ay muli na itong humarap sa pinto ng elevator at nakatalikod sa kaniya. Parang gusto tuloy niyang kunin na ang pagkakataon at nakawan ito ng kahit anong pwedeng magamit para sa pagkakakilanlan nito. Hindi naman kasi siya pwedeng umasa sa kutob lang niya. They still need a scientific proof. That's all matters. Napapitlag pa siya nang tumunog ang eleveator kung saan siya lalabas. Wala siyang choice kung hindi ihakbang ang mga paa palabas at maiwan ang lalaking pakay niya sa loob. Saan ito pupunta? Saang floor? Mga bagay na nasa isip niya kaya naman nanatili siyang nakatayo sa harapan ng sumarang pinto ng elevator at nakamatang nakatitig sa numero habang umaakyat ito pataas. "Twenty-fifth!" nasambit niya. Sa ika-dalawampu at limang palapag ito huminto. Binilisan niya ang mga hakbang papasok sa sarili niyang unit. Nang makapasok ay kaagad niyang ibinalibag sa lapag ang mga hawak at deretsong nagtungo sa pinakasilid niya at hinanap ang kaniyang laptop. Nang makita iyon ay prente siyang naupo sa harap ng lamesa. Hinanap ang mga impormasyon tungkol sa buong building. "Twenty-fifth! Twenty-fifth! Ops, there you are... gotcha!" nakangising sambit niya habang nag-lo-loading ang files tungkol sa mga umuukopa sa twenty-fifth floor. Kailangan niyang malaman kung sinu-sino ang mga naroon at sino ang posibleng pinuntahan ng binata roon. Napatitig siya sa monitor nang lumabas ang nag-iisang pangalan doon. "Just one... what the? He owned the entire twenty-fifth floor?" tanong niya sa kawalan kahit alam naman niyang walang sasagot sa kaniya maliban sa laptop niyang kaharap. "Karloz Ace Montefalco Pavloz? Hmm..." sambit niya sabay pindot ng enter matapos i-type ang mahabang pangalan nito. At doon nag-umpisang maglabasan ang mga larawan at impormasyon nito. At isa lang ang nagpanganga sa kaniya. "Crown Prince of Greece... uhh! Hontoni!?" ~Really!?~ Mukhang hindi basta-basta ang mga taong nakapaligid sa binatang sinusundan nila. It's getting more interesting and she's getting excited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD