CHAPTER 12

2122 Words
“Ma!” sigaw ng binata. Halos mabingi siya habang suot ang earpiece na nakakonekta sa ikinabit nilang spying device sa loob ng bahay ng mga ito. It was her Shujin's wife plan to get her own son. “Maaa!” ulit nito. Walang sasagot sa buong bahay na iyon dahil wala naman doon ang ginang. Prente itong nakaupo sa harapan niya at kapwa sila nito naghihintay sa pagdating ng binata. “Kurashima Akino?” banggit nito sa pangalan niya. Hindi niya mawari ngunit napangiti siya nang banggitin nito ang kaniyang pangalan. It was a pleasure after all. “Kenji?” Dinig niyang sabi pa nito. Mukhang wala pa talaga itong kaide-ideya kung sino talaga ito. At tama nga ang ginang, hindi ito basta pupunta na lang basta at sasama sa kanila kahit pa sabihin nila ang totoo. Kaya ito ang plano, sumama sa kaniya ang ginang at pinagmukha pa nilang nanganganib ang buhay nito ng sa gayon ay magkumahog ang binata sa pagpunta. Good plan, pero kinakabahan siya. Ilang oras na lang ang hihintayin at makakaharap niya itong muli. At hindi nga siya nagkamali, eksaktong isang oras ay tumunog ang cellphone niya at mabilis niyang sumagot iyon. “Hello, uhm... let him in,” kampanteng aniya sa kausap na receptionist na nakaposisyon sa lobby ng Red Dragon Empire. Pagkababa niya sa tawag ay hinaharap niya ang ginang. Mukhang kabado rin ito sa magaganap. Nabanggit kasi nito na mainitin ang ulo ng binata at mahirap itong pasunudin. Oh well, she'll take that as a challenge. Unang misyon ika nga. “Master Kenji is here, Madam,” imporma niya sa ginang. Hindi pa man ito nakakasagot at napatayo na ito sa kinauupuan. “Kelvin, anak!” Napatayo rin siya at nang makalapit ang binata sa kinaroroonan nila ng ginang ay awtomatiko siyang napayuko. “Ohayōgozaimasu, Young Master Kenji-San, ikinagagalak kitang makilala. Kurashima Akino ang iyong—” “T-teka nga." Naputol ang pormal na pagpapakilala niya nang iniharang nito ang palad sa harap niya. Agad naman siyang tumigil at yumuko ulit. Humarap ito sa ina at nagtatanong ang mga matang tiningnan ito. “Ano 'to, Ma?” tanong nito. Gustong sumabat ni Akino ngunit hinayaan muna niya na magsalita ang ginang. “This is your life anak, ang totoong buhay at pagkatao mo. Lahat ng nasa paligid mo, lahat ng nakikita mo rito, ang buong building na ito, pag-aari ng ama mo, Kelvin, anak. Patawarin mo ako kung inilihim ko ito. Ayaw ko lang lumaki at mabuhay ka sa marahas pero ngayon hindi ko na yata matatakasan ito, anak,” emosyonal na saad ng ginang. Tumunghay si Akino at sumenyas. Lahat ng naroon sa paligid ay buong pag galang na humanay na para bang mga sundalo. “Okaerinasai, Yangumasutā! ~Young Master~ bulol na wika ng lahat ng mga na yumuko at nagbigay galang sa harapan ng binata. Nahihiwagaan itong tumingin sa kaniya na nakangiti ngunit mabilis ding nawala at napalitan ng seryoso ang mukha at muling yumuko sa harapan nito bago niya sinenyasang umupo. “Umuwi na tayo, Ma,” agad na sabi nito . “You're not allowed to go back to that small house, Master Kenji,” sabat niya. “Kelvin ang pangalan ko! At sino ka para sabihan ako ng dapat kong gawin?” sikmat nito sa kaniya. Alam niya na ganito ang magiging reaksyon ng binata. Na hindi magiging madali na basta na lang ito susunod sa mga taong gaya niya na bigla na lag darating sa buhay nito. “I'm Kurashima Akino, Master. Akino, you can call me, Akino,” seryosong sagot niya. “Akino, o kung sino ka man, wala akong panahon sa mga kalukohan n'yo sa buhay. May sarili kaming bahay at iuuwi ko na ang nanay ko kaya pwede ba?” Hinawakan nito ang kamay ng ina ngunit agad niyang pinitik iyon. Tumingin ito sa mukha sa mukha niya habang pinipigil niya ang pagtawa sa pamamagitang ng walang emosyong mukha. “Aba't—” gigil nitong sambit. “You can't fight with me with that weak body Young Master. I advice you have to take a rest and heal yourself first so we can have a good and fair fight,” nakangiti niyang saad. Bago pa ito makasagot sa kaniya ay hawak na ng ina nito ang kamao nito na nang-gi-gigil sa inis. “Hindi mo sila kaya, anak. Lahat ng tao sa lugar na ito ay tauhan ng ama mo. At lahat sila kayang mamatay at pumatay ng tao kung nanaisin nila,” saad ng ginang. Hinaplos pa nito ang puro pasa at galos na mukha ng anak. “Tama na anak, hindi mo sila kaya.” Wala itong nagawa kung hindi ang sumunod at maupo na lang kaharap niya. Tagumpay ang plano ng ginang. Tama ito hindi basta susunod ang binata ng ganoon na lang. Marahil kung wala ang ina nito at hindi nito iniisip na mapapahamak ang ina nito ay magtangka itong labanan silang lahat. Hindi maipinta ang mukha ng binata habang ipinaliliwanag niya rito ang lahat. Parang hindi nito sineseryoso ang mga sinasabi niya. Mukhang lumilipad ang utak nito sa kung saan. "This is your penthouse, Master..." saad niya habang tinu-tour ang binata sa buong building ng RED DRAGON EMPIRE. Malawak ang buong building at kung tutuusin ay hindi na siya dapat pang kumuha ng ibang unit sa labas pero mas pinili niya iyon dahil na rin sa ayaw niyang may makatunog na mula siya sa RDE at nagtatrabaho para sa Shujin. "Teka nga, pwede bang huwag mo akong tawaging master. Kanina pa sumasakit ang tenga ko sa kaka-master mo, e." Muntik na siyang matawa sa sinabi nito. Kasalukuyan silang nasa tuktok ng gusali kung saan naroon ang sinasabi niyang penthouse na magiging bago nitong tirahan. "I can't do that Master Ken..." tipid niyang tugon. "That's an order!" matigas na bulyaw nito sa kaniya na nagpatahimik sa kaniya. Hindi siya takot o ano pa man. She just got shock dahil tila narinig niya ang boses ng kaniyang Shujin nang utusan siya nito. "Maaari akong maparusahan sa hiling mo ngunit sige, kung iyon ang nais ng aking master," saad niya kasabay nang pagyuko. "This is your penthouse Mas- Kenjie-san," ulit niya. "Sandali nga! Masakit pa rin sa tenga iyang itinatawag mo sa akin, ayuko n'yan!" reklamo nito. Napailing na lang siya. Mukhang sasakit yata ang ulo niya sa binata. Hindi niya alam kung paano niya uumpisahang turuan ito sa lahat ng dapat nitong malaman. "What do you want me to call you then Kenjie-san?" tanong niya. "Kung Kurashima ang apelyido mo ibig sabihin magpinsan tayo, tama? Pwede mo akong tawaging Kelvin o kaya naman pinsan, insan, tol-" "It's not appropriate, pwede akong mapugutan ng ulo dahil sa hinihiling mo. At isa pa hindi tayo magpinsan." Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa binata na tatlong iba't-ibang apelyido ang ang ginagamit niya. " i was just saved and adopted by Shujin-sama, your father," saad niya. Paano ba niya sasabihin na ginagamit lang niya ang Kurashima kapag malalapit na tao ang nasa paligid. Na Katakura talaga ang angkang kinabibilangan niya at siya na ang huli sa kanilang angkan kaya parang hindi na irin iyon nag-i-exist pa. At Oren Ishie naman ang pagkakakilanlan niya bilang isang Elite member ng Death Doll. "Tell that Shujin to give you a permission to call me to what name I want," seryosong utos nito sa kaniya. Napapailing talaga siya sa tuwing mag-uutos ito. Nag-uumapaw ang dugo ng isang Thahara sa binata. Walang duda na ito ang tagapagmana ng angkan nito. 'Hai!" sagot niya bago tumalikod. Napangiti siya at mabilis pa sa alas kwatrong sinunod ang utos ng anak ng kaniyang Shujin. That was the first order. Matagal na siyang pinalaya ng Shujin para gawin ang nais niya sa buhay. Malaya na siyang pumunta sa nais niyang lugar lalo na ngayon tapos na niya ang misyon na ibinigay niya sa sarili. Ngunit para sa kaniya ay habang-buhay ang utang na loob na dapat niyang bayaran sa kaniyang guro at pangalawang ama. At siya na mismo ang namili kung saan siya dapat itadhana. Iyon ay ang pagsilbihan si Kenji Kurashima Thahara sa lahat ng aspetong nais nito. Maging buhay man niya ang kapalit. Kinabukasan... "Saan ka pupunta, Mast- Kenji?" Tiningnan siya nito nang masama sumagot. "Kelvin ang pangalan ko hindi Kenji, walang nakakakilala sa akin sa pangalang 'yan." Naglakad ito patungo sa parking area ng building at tila may hinahanap. "Nasaan na ba 'yon, lintik naman ma-la-late na ako," dinig niyang litanya nito. "What are you looking for?" tanong niya habang nakasunod sa binata. "Hinahanap ko ang motor ko at pwede ba 'wag ka ngang sumunod-sunod sa akin. Lumakad kang mag-isa dahil may pupuntahan akong trabaho!" sikmat nito sa kaniya. "Pardon, but I can't do that. I am your Bodyguard, and about your motorcycle, here," aniya at inihagis dito ang susi. Inginuso niya rito sa gawing kaliwa. Kahapon nang makita niya kung gaano kaluma at kapangit ang sinasakyan nitong motorsiklo ay ito kaagad ang naisip niyang gawin. Kahapon pa lang nang isinama at niyaya niya ang ina ng binata sa RED DRAGON BUILDING ay inasikaso na rin niya ang pagbili nito at ngayong umaga nga ito dinala rito. “Diavel 1260, wow!" puno ng paghanga nitong sambit. Mabuti naman at hindi pumalya ang taste niya at mukhang nagustuhan naman nito iyon. "It is yours, Mas- I mean Ken- Kelvin pala," saad niya. "Astig!" excited nitong sabi. Sino ba naman kasi ang aayaw sa isang Ducati Diavel? sa dami ng motor na pinagpiliian niya ito lang talaga ang angkop at sa tingin niya na magugustuhan ng binata. At hindi nga siya nagkamali lalo na nang sumampa ito roon. Bagay na bagay sa binata ang porma at mas lalo lang itong nagmukhang yayamanin sa itsura nito. Hindi pa man ay lutang na sa awra nito ang pagiging makapangyarihang pinuno ng organisasyon. "Hindi ka na sasama sa lakad ko?" tanong nito sa kaniya. "I have my own, I'll follow you," nakangiting saad niya. Naglakad siya ilang metro ang layo sa binata saka siya sumakay sa sarili niyang motor. At kita niya ang pagnganga nito nang masilayan ang kabuoan ng motor na sinakyan niya. Who would haven't been swoon by a Curtiss Zues Motorcycle model. It was thug! "Let's go" 'O-Oo, tara na," tugon nito. Nag-convoy sila ng binata patungo sa AD CLUB BUILDING kung saan VIP member siya at black card holder. Hindi pa niya nasasabi iyon sa binata. Magkasabay sila halos nito sa paglalakad. "Bakit alam na alam mo yata kung saan ako pupunta, ha?" walang anu-ano ay tanong nito sa kaniya. Hai! Mast- K-Kelvin, I've been here before. So many times. I spied on you remember?" pagpapalusot niyang saad. Half truth... nag-iispiya naman talaga siya kaya siya nagpa-member sa lugar na ito kaya bakit ba siya nauutal. "Ang galing mo namang spy, anong ginawa mo para makapasok sa loob eh may VVIP BLACK CARD HOLDER lang ang-" Naputol ang ano pa mang sasabihin nito nang ilagay niya mula sa bulsa ng suot na leather jacket ang VVIP card at iwagayway sa mukha nito. "You're a VVIP?" "Nope... not really. But you, yes!" aniya. Isa rin ito sa mga inayos niya. She doesn't need to be a member here. Ginawa lang naman niya iyon para makapasok nang maluwag sa gusali, at ngayon nga na tapos na ang misyon niya at napatunayan na niya na ito ang anak ng kaniyang Shujin at ipinalipat na niya ang membership sa pangalan nito dahil pera naman ng ama nito ang lahat ng ginagamit niya sa ngayon. "Ako? Paanong?" Inilagay niya ang card sa palad nito at pinakatitigan iyon ng binata. "Oh, De Dios nandito ka na pala!" Kaagad na lumipad ang paningin niya nang marinig ang boses na iyon. Umangat bigla ang kamao ng lalaki at naging maagap ang reflex niya na saluhin iyon ng palad niya. Hindi niya napigilan ang sarili na tila automatic na gumalaw ang katawan niya at binanatan ang lalaki upang ipagtanggol ang kaniyang master sa balak nitong pananakit. "What the f**k is wrong with you woman!?" naningkit ang mata ng lalaking nagngangalang Z na nakilala niya kamakailan lang. Ito ang may ari ng building at ilang beses nang nagkrus ang landas nila nito. "You're conducting a violent behavior to my Master, and I won't let that," saad niya. "Ano raw? Conducting violent f**k? What the hell are you talking about? De Dios, sino ba itong kutong lupa na ito, ha?" Naningkit lalo ang mga mata niya sa narinig... siya? Tinawag nito na kutong lupa? Hindi na yata gustong magtagal ng lalaking ito sa mundo kung ganoon. At talagang tinanong nito sa kaibigan kung sino siya? Samantalang nung isang araw lang ay nagpapa-cute ito sa kaniya. “Excuse me?” inis niyang sabat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD