“Ma! And'yan ka pala, bakit hindi ka sumasagot. At saka bakit iniwan mo na bukas itong pinto. Delikado ang panahon ngayon.”
Pumasok ito sa loob at inihagis ang hinubad na leather jacket sa sofa bago humalik sa pisngi ng ina.
“Ah— ano kasi may bi—”
Luminga ang ginang sa pinag-iwanan nito sa dalagang kausap ngunit wala na ito sa kinauupuan nito. Takang-taka ang ginang hindi nito lubos maisip kung paano ito biglang nawala. At kung saan ito nagpunta. Wala man lang kasi itong naramdaman. Ni hindi nito nakita na lumabas ang dalaga.
“May bisita ka ba kanina, Ma?” Naputol ang isipin ng ginang sa tanong na iyon ng anak na bagong dating. “Sinong bumisita mo?” Nakatingin ito sa dalawang tasa ng kape na nasa maliit na lamesa.
“H-Ha? Ah– e, oo meron. 'Yong kapitbahay natin diyan sa kabilang lote. May itinatanong lang,” anito. Nagdahilan na lang ang ginang para hindi na magtanong pa ang anak. Isa pa hindi pa rin nito alam kung paano uumpisahang sabihin sa anak ang tungkol sa bagay na dapat nitong malaman. Hindi pa ito handa. Lalo na at bigla na lang nawala ang babae na iyon.
“Lalaki ba?” Natawa ang ginang sa tanong na iyon ng binata niyang anak. Tila umiiral na naman ang pagiging protektado nito sa mga taong malapit dito.
“Ano ka ba namang bata ka!? Kailan mo ba ako nakitang nagpapasok ng lalaki rito sa bahay? Saka isa pa wala akong balak, kung iyan ang ipinag-aalala mo. Teka, ano iyang nasa mukha mo ha, Kentoy! Bakit may mga pasa at galos na naman iyang mukha mo, bata ka! Ano na namang ginawa mo!?” nag-aalalang saad nito.
Kaagad hinaplos ang puno ng pasa na mukha ng anak. Nangilid kaagad ang luha ng ginang sa hindi maitagong pag-aalala at awa sa binata.
“Hanggang kailan mo ba gagawin ito, ha!?” Tuluyan na itong naiyak. “Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo anak!?”
“Ma, enough. Okay lang ako, galos lang ito dahil sa laro. Ito nga pala ang panalo ko,” nakangiting saad nito at naglalambing na yumakap sa ina.
“Hindi ko kailangan ang mga iyan Kentoy! Ang kailangan at gusto ko ay ang tumigil ka na sa kahibangang pinag gagagawa mo! Huwag mong sayangin ang buhay mo sa kakahintay sa walang kwentang—”
“Ma!”
Napapitlag ang ginang nang marinig ang galit na sigaw ng anak. Alam nito na hindi nito dapat sinabi iyon, ngunit nadala ito ng labis na pag-aalala sa nag-iisang anak. Sinisira nito ang sarili nitong buhay dahil lang sa isang babae. At ayaw niyang maging miserable ang buhay nito at makagawa ng mga bagay na ikapapahamak nito sa huli. Ilang beses na itong napasok sa rehabilitation center dahil sa pagkalulong sa droga. Kinailangan din nito na magpatingin noon sa Psychiatrists dahil sa depression at hindi na niya papayagan na bumalik pa ang anak sa ganoong sitwasyon dahil iyon ang pinakamasakit sa ginang bilang isang ina.
“I'm sorry, Ma. Hindi ko sinasadyang pagtaasan ka ng boses. It's just that, I don't want you to say anything against Lena. You know her, Ma. Halos parang anak n'yo na rin siya hindi ba?” paliwanag nito.
“Patawad rin, hindi ko sinasadyang magsalita ng masama tungkol kay Lena. Gusto ko lang maintindihan mo na wala na siya Kelvin, umalis na siya at iniwan ka. At hindi ka dapat nagkukulong sa nakaraan n'yong dalawa.”
“Mahal na mahal ko si Lena, Ma,” anito at dinig na dinig niya iyong lahat.
“I know, son. I know!”
Sinulyapan nito ang magkayakap na mag-ina bago tuluyang umalis. Nasa itaas lang naman siya ng hagdan at sa kwarto siya sa ikalawang palapag dumaan palabas ng kabahayan ng mga ito.
That man. His Shujin's heir, was madly, deeply in love to a woman and that was the reason why he wanted to hurt himself in fights. She don't understand. Bakit kailangan nitong gawin iyon? Why he can't just forget who ever that woman is, and find a new one. Madali lang naman iyon kung tutuusin para sa binata. Gwapo naman ito, matikas, at malakas. Isa pa ay makapangyarihan ang pamilyang kinabibilangan nito at kung magkataon na tanggapin nito kaagad ang posisyon ay wala na itong hindi kayang gawin.
“Mahal na mahal ko si Lena, Ma.”
Akino tsked, she really don't understand where is he coming from. That love, there's no such thing that last forever. There is no such thing as forever after all. Everyone is leaving, and sometimes, they leave even they don't want to leave, in most painful way.
Pinaandar niya ang Curtiss na sinakyan niya patungo sa bahay ng mag-ina at minaneho iyon pabalik sa ADC. Parang bigla ay gusto niyang maglibot sa loob ng so called leisure place na iyon at alamin pa ang ibang mga bagay na dapat niyang alamin sa buong lugar. A place that was owned by a man named Z. Lugar kung saan may mga VVIP members na mga highborn. Interesting, kasing interesting ng may-ari.
Pagkababa niya ng motor ay tyempo naman din ang pagbaba sa sasakyan ng lalaking kani-kanina lang ay nasa isip niya. No other than but the owner of this freaking place.
“Hi!”bati nito sa kaniya. Kakatanggal pa lang niya sa suot na helmet pero tila gusto na lang niyang ibalik iyon ulit sa ulo niya dahil parang nag-init ang pisngi niya.
Godness! Dahil sa simpleng 'Hi' lang nagkakagulo ang mga bituka niya sa tiyan na para bang may libu-libong paru-paro na nagliliparan doon.
“Hi,” tipid na tugon niya. Mabuti na nga lang at hindi nagbuhol ang dila niya sa simple at maikling salitang sinabi niya.
Damn it! What the f**k is happening to her? What sorcery is this?
“Hey, are you okay? Medyo natutulala ka yata, masama ba ang pakiramdam mo?” tanong nito.
“No! I'm just not in the mood to talk to strangers,” pagsisinungaling niyang tugon.
“I'm not a stranger. I am the owner of this—”
“You are a stranger to me,” aniya. Totoo naman 'yon. Hindi naman talaga niya ito lubos na kilala maliban sa kaibigan ito ng taong magiging susunod na pagsisilbihan niya.
The feeling that she was feeling toward this man was useless. At hindi dapat niya hinahayaan ang bagay na iyon na manatili sa loob niya dahil isa iyong malaking destruction para sa mga plano niya sa buhay. She don't have time for this. She don't!
“Wow! Kahapon lang magkausap tayo, akala ko naman nagpakilala na ako ng maayos,” anito at muling inilahad ang kamay sa kaniya.
“Hi, I'm Luke Zandre Zuniga, at your service.” Hindi niya maiwasan ang mapalunok. Nagbalik sa isip niya ang hindi sinasadyang nakita niya sa taas ng building na inuukopa nito.
This man's body. His ripped abdomen and his muscle, and that thing between his thighs.
Yamete!