CHAPTER 13

2065 Words
"Walangya, bakit nagsama ka ng babaeng tigre dito sa UL? Alam mong bawal magdala ng babae rito!" reklamong saad ni Zandre sa kaibigan matapos siyang makipagtalo sa dalaga at sa huli ay wala ring nagawa. Ewan niya kung bakit hindi rin niya masabi kay De Dios na kilala niya ang babae. "I'm his bodygurad," singit ng dalaga na lalong nagpainit ng ulo niya. The thought of De Dios being protected by this woman suffocates him. Hindi niya alam kung bakit siya naiinis sa bagay na iyon. "Hindi ikaw ang kausap ko, shut up ka muna d'yan," he blatantly said. Alam niyang puno ng gatla ang noo niya at mas lalo lang siyang nainis nang tingnan siya ng dalaga ay ngisian. "Huwag mo na lang siyang pansinin. Isipin mo na hindi ko siya kasama," saad ni De Dios. Parang gusto niya itong batukan sa suhestyon nitong iyon, napaka-brilliant. Paano niya gagawin ang ignorahin ang presensya ng babaeng kasama nito kung ilang araw na niya itong iniisip. "Wow, hanep pang-genius ang idea mo, galing! Gusto mo barilin kita? Muntik na akong balian ng braso niyang alalay mong—" Hindi na niya nakuha pang magsalita nang makita ang pagdidilim ng mukha ng dalaga. The woman looks lethal. Malayo sa dalagang kausap niya kahapon lang. Ganito ang awra nito noong nakita niya ito sa annual fashion show. Nakamamatay. "He won't shoot me Akino, nagbibiro lang siya," natatawa pang saad ni De Dios. Mukhang nag-i-enjoy ito sa idea na pinagtatanggol ito ng dalaga at nag-ngingitngit siya sa ideyang iyon. "Langya, bigatin!" Dinaan na lang niya sa biro ang inis. "So, paano ang schedule mo mamaya, cancel m]na kita sa listahan?" aniya. Sunod-sunod ang schedule na binigay niya sa kaibigan ayon na rin sa hiling nito. "Sino ba ang may sabi na i-cancel mo?" seryosong tanong nito sa kaniya. Alam naman niya na kahit puro pa ito pasa sa katawan ay hindi talaga nito ipapa-cancel ang laban. "You're not allowed." Lumipad ang paningin niya sa dalaga. Kasalukuyan itong nakikipagsukatan ng tingin kay De Dios and he don't really like what that gesture. "Sorry but I won't let you fight with that condition, Master." Nagulat siya sa itinawag ng dalaga sa kaibigan niya. Bakit pakiramdam niya ay sobra naman ang pag-aalala nito sa binata. "Hindi ikaw ang magdedesisyon dito, Akino," tugon ni De Dios. "Yes, but I won't let you fight and get hurt even more! That's my job order, to keep you safe," seryosong saad ng dalaga. Job order nga lang ba ang dahilan kung bakit nito pinipigilan ang binata o may iba pang mas malalim na dahilan. Wala naman siyang pakialam, hindi lang talaga niya mapigil ang mag-isip. "Akino!" "I'll fight in your behalf instead." Umangat ang kilay niya at mas lalong nadagdagan ang gatla niya sa noo. Hell no! He won't allow it either. "Hindi pwede!" Hindi na niya napigilan ang sarili. Hindi maaaring lumaban ang babaeng ito sa lugar niya. Maaari ngang kaya nito ang tumapos ng buhay katulad na lang ng ginawa nito sa annual fashion show pero ang lumaban ng close combat sa mga naglalakihang katawan at mga halang ang kaluluwang players dito sa UL. Hell no! That was a f*****g suicide. "Bawal ang babae rito saka isa pa, hindi uubra ang galing mo rito babaeng tigre! Hindi biro-biro ang laban dito. Umuwi ka na lang at matulog," dugtong pa niya. "Do you want to sleep with me, Z?" deretsong tanong nito at muntik na siyang mabulunan ng sarili niyang laway. "f**k! Pauwiin mo na 'yan De Dios, mauubusan ako ng dugo sa babaeng 'yan!" asik niya, but the truth is he was f*****g aroused right now. Ilang beses na ba niyang pinagpanyasyahan ang babaeng ito. Magmula nang makita niya ito sa fashion show ay hindi na ito nawaglit sa isip niya. Sa mga wild imaginations niya. "Tanginang mukha 'yan, ngayon ka lang ba nagbibinata at natanong ng babae ng ganyan. Huwag ako Z, pa-virgin?" segunda pang saad ni De Dios na lalong nakadagdag sa pamumula niya. Mabuti na lang at inilihis nito sa kaniya ang atensyon ang kaso ay hinarap naman nito ang dalaga at masinsinang nag-usap ang dalawa. And seeing the two, talking at the corner makes his blood boil. f**k, ano ba ang nangyayari sa kaniya. Ilang sandali pa ay bumalik ang dalawa sa tabi niya. "I'll take your place!" saad ng dalaga. "Instead of you it will be me, sounds better, right?" tanong nito sa kanilang dalawa. Ngumisi siya dahil sa inis at matiim itong tinitigan. "Do not look at me like you want to eat me alive!" prangkang sabi nito na dahilan ng pagkalaglag ng panga niya. How this f*****g lady just spitting words like that? Words that can make his arousal intensify. Ilang minuto ang lumipas at para silang aso at pusa na nagbangayan ng dalaga. Hindi siya papayag na lumaban ito sa UL. Mahirap na dahil baka mapahamak pa ito. Hindi man niya tahasang maamin na nag-aalala siya kung papayagan niya ang laban. Pero sa tigas ng ulo at paninindigan nito ay wala rin siyang nagawa kung hindi ang magtangis ng bagang at titigan ito ng masama para iparamdam dito na hindi siya natutuwa. Ang kaso ay manhid ito at walang pakialam. Mukhang sobrang excited pa nga sa kakaharaping panganib. Isang oras yatang hindi maipinta ang mukha niya habang naghihintay sila na mag-umpisa ang laban. “Are you sure with this De Dios?" hindi na niya napigilang itanong. “Kapag napahamak ang babaen 'yan, huwag na huwag mo akong sisisihin, sinasabi ko sayo!" dugtong pa niya. "Relax Mister Grumpy Face! I can take care of myself. You don't need to worry that much," sabat ng daaga na ikinagulat niya. Hindi niya inasahan na nasa likod na pala nila ito at handa na sa laban. “At sinong nagsabi sayo na nag-aalala ako? Maganda at sexy ka lang pero wala akong pakiala," litanya niya at huli na para ma-realised niya kung ano ang lumabas sa bibig niya. Nalingunan na lang niya si De Dios na tumatawa sa tabi niya. “Oh, thank you for the compliment." f**k at nakuha pa talaga nitong sumagot. Balak pa sana niyang magsalita nang iharang ni De Dios ang kamay nito sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. "Pwede ba mamaya na kayo maglambingan!? Mag-uumpisa na ang laban, Akino, sure ka ba rito, Pwede ka namang umatras kung—" "I'm hell sure Master Ken! Ah- I mean Kelvin," sagot nito sa kaibigan niya. Tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang laban. At kasabay niyon ay ang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso ni Z dahil sa matinding kaba. Napalunok siya nang makita ang makakalaban ng dalaga. Sa laki ng katawan nito ay kayang-kaya nitong ipagwasiwasan ang balingkinitang katawan ni Akino. Tila parang gusto niya itong hilahin palabas ng gusali niya at ilayo ito roon. Si Golem ang makaklaban nito unang tingin pa lang ay dehado na. Kahit assassin pa ang dalaga ay hindi malayo na sa laki ni Golem ay magkadurog-durog ang buto nito kapag tinamaan ito kahit isang suntok. Nag-aalala siya at mas lalaong nadagdagan ang pag-aalala niya nang lingunin niya at wala na ito sa tabi nila. Nagsigawan ang mga tao sa maliit na staduim. Alam niyang nag-uumpisa na ang pustahan at sa mga oras na ito ay dapat ay nakaupo na lang siya at nakikipag-usap sa mga bigating bidder sa lugar niya pero sa halip ay napako sia sa kinatatayuan at tila nanigas siya lalo nang makitang umakyat na ito sa ibabaw ng ring na mas lalong nagpalakas sa hindi magkamayaw na sigawan sa loob. Hindi maagwat ang titig niya sa dalagang nakangiti pa at panay ang kaway sa mga manunuod. “That b***h is hell insane, De Dios! Hindi ka dapat pumayag na palitan ka niya!" "Teka nga! Bakit parang tunog nag-aalala ka ha? Don't tell me you're—" “Shut the f**k up!" mura niya at sa halip ay tumawa lang nang malakas si De Dios na animo'y baliw. Zandre's eyes was staring at the ring habang bumababa ang cage roon. That worried eyes that doesn't know where it was heading. Nag-umpisa ang makapigil hiningang laban... “Hoy, humihinga ka pa ba? Don't tell me type mo si Akino," tanong ni De Dios sa kaniya. Wala siya sa mood makipagbiruan kaya tiningnan lang niya ito ng masama. “Hindi ko siya type! Pwede ba De Dios, tantanan mo ako sa mga pinagsasasabi mo. Nag-aalala lang ako dahil baka mapahamak iyan dito sa lugar ko. Alalahanin mo natalo ng milyones dito si Governor Buztamante kaya mainit ang dugo sa negosyo ko, ayaw ko lang mabutasan," pagdadahilan niyang saad. Hindi niya alam kung kumbinsido ba ang dahilan niya. Unang una kilala siya nito na walang pakialam sa lahat dahil kayang-kaya namang tapalan ng pera niya kahit ang nguso ng Gobernador na iyon. Kung tutuusin ay para lang itong dumi sa kuko niya. “Sabi mo e, umupo ka na nahihilo ako sayo! Para kang pusang manganganak!" Sinimangutan lang niya ang walang hiya pero hindi pa rin siya naupo. Hindi talaga siya makapali. Muling tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang laban. Hindi maalis ang mga mata niya sa ring. Hindi niya magawa ang kumurap, maging ang paghinga nga yata niya ay na-hold ng ilang segundo. Pumorma ng pamatay na fighting pose si Golem. Halos makagat niya ang labi nang sumugod ito, ngunit umawang ang bibig niya nang makita ang triple backflip ng dalaga na tumama sa ulo ni Golem kasabay ng sunod-sunod na sipa bago pa man lumapat sa sahig ng ring ang katawan nito. Tumahimik ang buong arena dahil sa nakakagulat na pangyayari. Sa bilis niyon ay tila nag-hang ang lahat ng manonood. Tanging ang lagapak ng malaking katawan ni Golem sa sahig ang nagpabaliksa lahat ng manonood sa reyalidad kasabay ng pagbilang ng tatlo. Bagsak si Golem at hindi na nakabangon pa, daig pa nito ang nabaril ng tranquilizer gun niya. T.K.O ang gago. At ang magandang dalaga na nasa loob ba rin ng ring ay parang batang nagtatatalon sa tuwa. Pagkatapos ay yumuko ito sa tapat ng tulog na kalaban at hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa nito. Tila tumigil sandali sa pagtibok ang puso niya nang mag-flying kiss ito sa kaniya. Natapos ang laban nang maayos. Naglalakad sila ngayong tatlo palabas ng AD CLUB BUILDING. Wala pa ring alam ang kaniyang master na magkakilala na sila ng kaibigan nito. Oh, well hindi pa naman talaga niya ito kilala. Ilang beses pa lang naman niya itong nakita magmula ng mag-stay siya sa lugar na pag-aari nito. “Anong premyo ko?" Basag niya sa katahimikan nilang tatlo. “Gusto ko ng ice cream, doon sa tinutulak ng matanda," aniya. "What?" gulat ay sabay pa na sabi ng dalawa. “May ice cream dito sa loob ng building, may restaurant at diner dito sa loob. Dito ka na lang bumili ng ice cream, Akino," suhestyon ng kaniyang bagong master. “Nope! Gusto ko roon sa tinutulak, mukhang masarap. Maraming pumipila, tapos pwedeng iba ibang flavor," aniya. Palagi niya iyong nakikita ay ni minsan ay hindi man lang niya nakuhang subukan iyon. Maybe this is the right time. “That's dirty stuff, it is called dirty ice cream because it was dirty!" sabat naman ng kaibigan ng binata na dahilan nang pag-ikot ng mata niya. “It's not!" gigil niyang sabi. Pakiramdam niya ay hindi talaga sila nito magkakasundo. It is better this way dahil hindi rin naman niya nagugustuhan ang nararamdaman kapag malapit ito. Kung hindi annoyance at pinabibilis nito ang t***k ng puso niya. And she think that it wasn't normal. Balak pa sana niyang makipagbangayan pero nang lingunin niya ang binatang amo ay malungkot na mukha nito ang sumalubong sa kaniya. “Why you have sudden change of mood, Master Ken?" aniya. “Hindi ba sabi ko 'wag mo akong tatawaging master?" sikmat nito sa kaniya. “Bakit biglang nalungkot ka? I can tell... a woman?" Usisa niya. “Kahit sabihin ko, hindi mo maiintindihan!" Napailing na lang siya dahil nahusgahan na siya nito kaagad. She maybe naive in that thing called love pero pwede naman at marunong naman siyang makinig sa mga taong may problema. “Why not? Try me! Nahanap ko nga kayo ng mama mo," pagkumbinsi niyang saad. Kung tutuusin ay pwede niyang hanapin ang babaeng iyon. “You really loved that woman, huh?" Ngumiti sa kaniya ang binata bilang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD