Hindi maalis ang mga mata ni Akino sa monitor kung saan naroon ang email na naglalaman ng resulta nang isinagawa nilang test ni Haruma sa binata na posibleng anak ng kanilang Shujin. Hindi pa siya nakuntento roon hinintay pa rin talaga niya na mapasakamay iyon.
And now, holding that piece of paper that serves as proof while staring at her monitor with the same written result makes her heart overwhelmed. She felt genuinely happy. At last nagbunga na rin ang ilang taon na ginugol nila ni Haruma sa paghahanap, and it was all worth it. Lahat ng pagod nila at sakripisyo pakiramdam niya ay napunoan lahat. She was so happy lalo na at alam niya ito ang magbibigay ng lubos na kaligayan sa kanilang Shujin. Ngayon pa lang ay excited na siya sa magiging reaksyon nito. She wanted to witness how happy her Shujin would be when he reunites with his son. No doubt, it will going to be remarkable.
99.9 PERCENT POSITIVE MATCH.
Iyan ang nakasulat sa papel na hawak niya at gayon din sa email na pinadala sa kanila ng DNA TESTING FACILITY na siyang contact ni Haru. Malamang ay alam na rin nito ang balita, at alam din niya na hindi magsasalita si Haruma sa kanilang master hangga't hindi nila naiuuwi ang anak nito sa lugar kung saan ito nararapat. That was her mission now. Ang iuwi ang binata at baguhin ang buhay nito. There still a lot of things to do. At ang una na rito ay ang kausapin si Janet De Dios.
"God!" naubulalas niya. "That's why you have a good resemblance to him." Malapad ang pagkakangiti ni Akino at puno siya ng pag-asa na magagawa niya ng tama ang dapat niyang gawin.
Kinabukasan ay maaga siyang nagpunta sa address na ilang beses na niyang binalik-balikan. Pero iba ngayon dahil nakatayo siya sa mismong tapat nito habang naghihintay matapos niyang kumatok. This is the time.
Walang dalawang minuto ay bumukas ang pinto at iniluwa niyon sa harapan niya ang nasa mid-fifties na ginang. Bakas pa rin sa mukha nito ang kagandahan na alam niyang taglay na nito noon pa man. She had seen this woman's old photos in her Shujin's possession.
"Hi, good morning," bati niya. Nakangiti ito nang pagbuksan siya ngunit tila nag-iba ang emosyon sa mukha nito na siyang napansin niya kaagad.
"H-Hi... good morning din. Sino sila?" Halata ang kaba sa boses ng ginang. Mukhang hindi pa man siya nagsasalita ay may kutob na ito.
"I'm Akino..."
'Y-You're a J-Japanese?" Ramdam niya ang lalong pag-iiba sa tono ng boses ng ginang. Hindi na bago sa kaniya ang mga ganito, ang ipinagtataka lang niya ay bakit ito natatakot sa kaniya gayong wala naman siyang intensyon na masama.
"Yes, I'm a Japanese and I'm here to serve you my lady." Yumuko siya bilang pagbibigay galang. at nakita niya kung paano umawang ang bibig ng ginang. It was her Shujin's wife at nararapat lang na bigyan niya ng respeto ang babae at para na rin maging palagay ang loob nito sa kaniya. Kailangan niyang makuha ang loob nito upang magtiwala ito sa kaniya at hindi siya ituring nitong kaaway.
"A-anong sadya mo rito? H-hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi mo, b-bakit mo ako tinatawag ng ganiyan," saad nito sa kaniya.
"If you don't mind, can I come in? So, we can discuss the matters," aniya.
Alam ng dalaga na hindi bukal sa loob ng ginang ang pagbuksan siya ng pinto. Halata sa mga kilos nito ang takot at kaba. At hindi niya batid ay ang dahilan niyon. Ano ang kinatatakutan nito gayong sa isang kisap-mata ay maaari itong magtamasa ng marangyang buhay na pangarap ng kahit na sino.
Pumasok siya sa loob at sumunod sa ginang. Iginiya siya nito sa munting sala at doon iminuwestra nito na siya ay maupo. Naupo naman siya upang magpaunlak sa babae.
"Anong gusto mong mainom? K-kape, juice?" the woman's voice just cracked in fron of her when she asked her at hindi na niya iyon matiis.
"With all due respect my Lady, please don't be scared of me. I'm not here to do something not nice to you and your son,' mahinahon niyang saad. Kailangan niyang alisin ang pangamba nito
"K-Kilala mo ang anak ko?"
"Yes, ma'am, I know you, and your son as well. We've been looking for you and your son for how many years. And I've been following your son since I got all of his information details," mahabang litanya niya.
No reasons to lie, kailangan niyang sabihin sa ginang ang lahat to build a foundation of trust between them.
"Who asked you to do this? That Mafia Boss?" bakas sa tono nito ang hinanakit sa kahapon.
Akino didn't know anything about her Master's past. Lalo na sa mga naging love interest nito, dahil alam naman niya na na mula nang dumating siya sa poder nito ay iisang babae lang ang palagi niyang nakikita na pinagmamasdan ng kaniynag Shujin at ang babaeng kaharap niya iyon wala ng iba pa.
"Even he won't ask, I will still look for you," nakangiti niyang tugon. Tinalikuran siya ng ginang at pagbalik nito ay may dala itong dalawang tasa ng mainit na kape.
"I bring you a coffee since sobrang aga mo rito at hindi ka pa yata nag-aalmusal," saad nito sa kaniya nang ibaba ang dalang tray na may lamang dalawang tasa. Umupo ito sa pang-isahang sofa na nasa harapan lang niya. "Ano ang eksaktong sadya mo?" tanong nito.
Nag-umpisa silang mag-usap ng ginang. Lahat ng detalye ay sinabi niya rito. Wala siyang inilihim maski isa. Nakita rin niya na umiyak ito dahil sa maling espikulasyong ginawa nito nang ilayo nito ang anak nito sa Shujin. Nalaman nito ang lahat ng alam niya sa buhay ng Shujin at mukhang sapat naman na iyon para makumbinsi ito sa nais niyang mangyari. Napag-alaman niya na walang kahit na katiting na ideya ang binata sa buong pagkatao nito. Ni hindi nga raw nito alam na isa itong half japanese kahit na nasa itsura naman nito iyon. Sinabi rin ng ginang na baka mahirapan sila sa binata dahil sa miserableng sitwasyon nito ngayon. Nasabi na ng ginang ang lahat ng maaari pa niyang malaman tungkol sa tagapagmana. At ang dapat na lang niyang gawin ay ang makumbinsi ito at mapapayag na sumama sa kaniya pabalik sa Japan.
"Let me talk to my son first okay. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya ng lahat. Hindi ito madali dahil halos buong buhay niya ay itinato ko sa kaniya ang pagkatao niya," sambit nito matapos magpahid ng luha dahil sa pagiging emosyonal nito sa paglalahad ng totoo.
Kahit hindi niya maunawaan kung paano nito nagawang matakot sa kaniyang master gayong ito na yata ang pinakamabuting tao na nakilala niya sa buong buhay niya. Paano nito nagawang lumayo sa piling ng asawa nito gayong iyon ang pinakaligtas na lugar para sa kanilang mag-ina. At hindi lang iyon, kung hindi ang buhay na puno ng karangyaan na pinagpalit nito sa ganito kasimpleng pamumuhay. Paano nito nagawang itaguyod ang anak nito ng mag-isa lang s buhay.
Matama siyang nakamasid, hindi alam ni Akino kung ano ang tamang sasabihin. Hindi siya aalis at hindi matatapos ang araw na hindi naipapaliwanag sa tagapagmana ang totoo. Kailangan na niya itong magabayan sa lahat ng bagay na alam niya bago mahuli ang lahat. Gusto niyang sabihin sa ginang ang totoo ngunit hindi niya magawa. Hahayaan na niya sa kaniyang Master ang bagay na iyon hangga't hindi hinihigi ng pagkakataon na sa kaniya o siya ang magsabi.
Marami pa silang napag-usapan ng ginang. Hindi na siya umuwi dahil hinihintay niya ang pagdating ng binata. Madali silang nagkapalagayan ng loob ng babae tinulungan din niya ito sa kusina at hindi niya maiwasan ang malungkot dahil sa alaala ng sarili niyang ina. Kung hindi siguro nangyari ang trahedya na iyon, malamang ay ganito rin sila ng kaniyang ina. Magkasama sa kusina habang tinuturuan siyang magluto bagay na dapat natututunan ng isang babae. Pero dahil maaga itong kinuha sa kaniya ay hindi na siya nagkaroon ng pribelihiyong maranasan iyon sa halip ay puro hirap at paggamit ng sandata ang natutunan niya nang sa ganoon sa araw ng pagtutuos ay maibigay niya ang hustisya na nararapat sa mga magulang at kapatid niya.
Mabilis na lumipas ang oras, ni hindi na niya namalayan na magdidilim na pala. Hindi rin siya sigurado kung darating o uuwi pa ang binata ngayong araw.
"Gabi na, kung balak mo ang maghintay ay ayos lang naman sa akin na dumito ka na muna. Maaari kang matulog dito. Hindi ko rin kasi sigurado kung uuwi o hindi ang batang iyon... he's been like this since Le..."
Naputol ang sasabihin ng ginang nang may magbukas ng pinto.
"MA!" malakas na tawag ng dumating. "Ma, nasan ka... bakit hindi naka-locked 'yong pinto!? Ma..."