Walang nagawa si Zandre kung hindi ang pumikit habang nakatingin habang hinuhubaran ng ibang lalaki sa harapan niya ang kasintahan.
“Do you really need to do that? Why can't we just bring her to the nearest hospital instead of you, taking advantage of touching my—”
“I am a Doctor for your peace of mind. At kung ang inaalala mo ay ang makita ko ang katawan ni Akino, you're too late, Mister. I've seen it, not just once.”
“Aba'y gago ka pala, e!”
“Kung gusto mo akong patayin, pwede bang ipagpaliban mo na lang? I need to treat her first before anything else,” anito nang akmang susugurin niya ito mula sa likuran.
Wala siyang nagawa kung hindi ang manahimik. Pumikit at bumuntong-hininga habang inaalis nito ang leather jacket ng dalaga mula sa katawan nito. Sumunod ay ang itim na vest nito na may mga sandata. Nag-ngingitngit ang kalooban niya dahil wala man lang siyang magawa sa mga sandaling kailangan siya ni Akino. Tanging manood lang sa paghihirap nito ang ambag niya.
Napamulagat ang mga mata niya at hindi niya maiwasan ang mapalunok nang gupitin nito ang puting polo na suot ng dalaga at tumambad sa kanilang paningin ang maputing balat ng pantay na sikmura ni Akino na may mahabang hiwa. Gunupit iyon ng lalaki hanggang sa masilayan din nito ang dibdib ng kasintahan na natatakpan ng bra. Punong-puno siya ng panibugho, pero nang makita niya ang kabuuan ng sugat na tinamo nito ay parang gusto niyang sabunutan ang sarili dahil mas inuna pa niya ang sarili niyang damdamin kaysa sa buhay ng babaeng minamahal. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya hahayaan pang madagdagan ang mga pilat nito sa katawan, and yet nandito ang dalaga sa agaw-buhay na tagpo.
“Can you get me a warm water, there at the right side, sa kusina,” kalmadong utos nito sa kaniya na para bang sanay na sanay ito sa nangyayari. If that what he means when this man told him that he seen Akino's body not just once? Sa ganitong paraan ba nito palaging nakikita ang katawan ng dalaga? Sa mga ganitong tagpo kapag wala na itong halos ulirat at nanganganib ang buhay.
Tumalikod siya nang mabilis at tinungo ang kusina. Ilang minuto rin ang tinagal niya roon bago siya bumalik na may bitbit na planggana na may maligamgam na tubig. Nakahiga lang si Akino sa mahabang couch ang lalaki at abalang nakaluhod sa harap ng dalaga. He looks very calm.
“Nandito na ang tubig,” saad niya.
“Get her naked, her clothes and undergarments soaked in blood,” utos nito sa kaniya saka ito tumayo at akmang aalis.
“Akala ko ba nakita mo na ang katawan niya ng ilang ulit, then why are you—”
“You're here, and I'm not comfortable doing it myself now because I feel your stares stabbing me to death! Kukuha ako ng benda sa taas, get her naked and clean her good. She got a long cut of blades!”
Mabilis na umalis ang lalaki sa harapan niya at naiwan siya roon. Hindi niya maintindihan ang gagawin. Bigla siyang nataranta dahil ngayon lang siya mag-aasikaso ng sugatan. Nanginig ang kamay niya nang hawakan ito. Akino's body is cold. Natakot siya, halos tumigil sa pagtibok ang puso niya habang tinitingnan ang sugat sa tiyan nito na halos umabot sa gitna ng dibdib nito.
“Baby, who the hell did this to you!?”
Marahan niyang pinunasan ang duguang katawan ng kasintahan. Kahit nanginginig ang kamay ay inayos niya ang ginagawa. Maingat na maingat siya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman nito.
“Are you done? If yes lift her carefully and bring her to my clinic, I need to do some stitches,” utos na naman nito.
Kuyom ang kamaong sumunod siya sa sinabi nito. Maingat niyang binuhat ang kasintahan at sinundan ang lalaki paakyat sa ikalawang palapag ng kabahayan at punasok sa isang silid na hindi naman mukhang clinic kung wala roon ang operating table na nasa pinakagitna. Mas marami pa nga ang iba't-ibang uri ng sandata ang naroon kaysa sa mga gamit pang-medikal.
“You can stay, pero kung balak mo lang kwestyunin ang gagawin ko kay Akino, you better leave this room,” saad nito sa kaniya.
“I'll stay!” mabilis pa sa alas-kwatro niyang tugon. Who would dare to leave his own girlfriend na halos hubad na sa harapan ng ibang lalaki. Kahit pa sabihin nito na ilang beses na nitong nakita ang katawan ng dalaga. It's before, at iba na ngayon dahil nandito na siya sa buhay ni Akino at hindi na niya papayagang mangyari iyon.
“Okay, stay if you want, pero mind if I asked you.” Tumingin ito derekta sa mga mata niya at ramdam niya ang kaseryosohan nito. “Sino ka nga pala?”
“I'm Luke Zandre Zuniga, Akino's b-boyfriend.” Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nautal. He should be proud na ipakilala ang sarili niya sa lalaking kaharap but something is tormenting him inside. Dapat ba niyang ipakilala ang sarili niya bilang boyfriend ni Akino? Boyfriend ba talaga siya nito o siya lang ang nag-iisip niyon para sa sarili niya dahil sa nangyari sa kanila? Akino didn't even answer his confession about his feelings, kaya ano ba talaga ang meron sila nito?
“Do you know what you are saying? Akino's boyfriend, huh?”
Namintig ang ugat sa sintido niya at tila ba gusto niya itong sapakin sa narinig, mabuti na lang at ginagamot nito ang dalaga dahil kung hindi ay baka mapatay pa niya sa suntok ang tampalasang bibig nito.
“I feel how mad you are right now. I guess I'd better shut my mouth,” dugtong pa nito.
“If you don't mind, pwede bang malaman kung sino ka rin?”
“Haruma, Akino's brother.”
“Brother? I thought—”
“We're not blood related. I just treated her as my sister, that's it! We grow up together, same tragic past, same fate.”
“Tragic past?” aniya. Bigla siyang nagkainteres sa mga sinasabi nito.
“Done! Whoah, babygirl, you should wake up so I can know who did this to you. I will slice that motherfucker in tiny bits, I promised that.”
Napalunok siya sa sinabi ng binatang kaharap. Siya, ano ba ang kaya niyang gawin para kay Akino?