“Drive faster Z, follow that car! Call Akino!” utos ng kaibigan na halatang nagpa-panic na dahil nasalisihan na naman sila sa ospital at natangay ang asawa nito.
“Akino will follow us. Calm down! She's just making sure that your son is safe first,” pagkumbinsi niya sa kaibigan.
Ang totoo ay kinakabahan din siya. Ngunit hindi para sa sarili niya kung hindi para sa kasintahan. Tiyak, anu't ano man ang mangyari ay ito ang masisisi sa lahat. And as usual wala na naman siyang magagawa knowing Akino. She will gladly accept whatever punishment will be given to her.
“f**k! How could I calm down?”
Halos paliparin na niya ang sasakyan, umaandar pa nga iyon nang buksan ni Kelvin ang pinto at umibis mula roon. He can't blame him. Kung siya siguro ang nasa posisyon nito ay ganoon din siya.
Mabilis din niyang inihinto ang sasakyan at umibis upang sumunod sa kaibigan. Nakapasok sila sa airport at halos takbuhin na nito ang departure area nang mamataan nito ang hinahabol nila.
“Where is she?” Ang kasintahan niyang si Akino ang tinutukoy nito dahil alam niyang kailangan nito iyon ngayon.
Ang totoo ay hindi niya pa nakausap ang dalaga. Pagdating nila kagabi sa bahay ay pinagsarhan niya ito ng pinto at hindi kinausap magdamag. Narinig lang niya kanina sa mga tauhan na maaga itong umalis at dinala nito sa bahay ang anak ni Lena at Kelvin para masigurado na ang kaligtasan ng bata. Wala siyang balita dahil wala rin itong text message man lang sa kaniya. Matigas ang dalaga at alam niyang hindi ito manunuyo sa kaniya, bagay na ikinalulungkot niya dahil totoo.
“She's coming...” pagsisinungaling niyang tugon sa kaibigan. Bahala na ang kalabasan.
Sumunod lang siya nang sumunod sa binata.
Hindi inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Nakakatakot kung siya ang nasa sitwasyon at hindi niya papangarapin na malagay sa ganitong tagpo. Ang makitang may nakatutok na nakamamatay na bagay sa babaeng pinakamamahal mo, na sa isang maling galaw ay pwede maging katapusan ng lahat.
Makapigil hiningang negosasyon ang ginagawa ng mga Japanese Authorities sa tuluyan na yatang nasiran ng bait na lalaki. Hostage nito si Lena at napakadelikado ng sitwasyon. Tiningnan niya ang kaibigan sa nakalulumong sitwasyon. Bakas ang pamumutla sa mukha nito, walang kapantay na takot at pag-aalala.
Ilang minuto ang lumipas nang biglang bumulagta ang hostage taker na si James Normhan sa tiled floor ng airport.
Sniper!
Mabilis na inilibot niya ang paningin. Sigurado siyang si Akino ang gumawa ng bagay na iyon kaya't hinanap niya ang dalaga. Iniwan niya ang kaibigan kasama ang mga tauhan nito na nagdatingan din naman kaagad. Dadalhin si Lena sa ospital dahil nawalan ito ng malay at lulan ang mga ito ng ambulansya na rumesponde. Lakad-takbo ang ginawa niya upang mahanap ang dalaga. Tyempo namang palabas na siya sa airport ng sunakay ito sa motorsiklo nito.
Hindi nga siya nagkamali na ito ang gumawa ng bagay na iyon. Ito ang sniper na nagligtas sa buhay ng kasintahan ng kaibigan niya, ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito biglang umalis nang hindi nagpapakita sa master nito gayong alam naman niyang mas importante pa ang trabaho nito kaysa sa kaniya.
Mabilis siyang sumakay sa kotseng dala at pinasibad iyon pasunod sa dalaga. Maingat niyang sinubaybayan ang galaw nito upang hindi nito maramdaman na may sumunod dito. Nagtaka pa siya dahil sa halip na sa bahay ito dumeretso ay ibang lugar ang pinuntahan nito. Simple lang ang bahay at walang gasinong security kaya't mabilis din niyang napasok iyon nang makita niyang pumasok doon ang dalaga.
Ngunit nang makita niya kung sino ang sinadya roon ng kasintahan niya ay hindi niya napigilan ang pagkuyom ng kamao at ang mabilis na paghakbang. Sinugod niya sa kinauupuan ang lalaking may puting buhok at inundayan ito ng malakas na suntok at tadyak na siyang nagpatilapon dito pabalandra sa sahig.
Sinong hindi magliliyab sa galit kung makikita mo ang kasintahan mo na hinihubaran ng kung sinong herodes sa harapan mo. Hindi niya lubos maisip na magagawa ito ni Akino sa kaniya, akala pa naman niya ay totoong sa kaniya lang nito ibibigay ang sarili ngunit mukhang nagkamali siya.
“Tapos ka na ba?” Nagtaka siya sa tinuran ng lalaki na mabilis ding nakatayo mula sa pagkakalugmok sa sahig. Pinahid nito ang kumalat na dugo sa gilid ng labi nito at nakangising tumingin sa kaniya ng deresto.
“If you are done hitting me, will you please excuse us!” mariing saad nito. This white haired man is named Haruma, this f*****g asshole. Anong karapatan nitong paalisin siya gayong tinatampalasan nito ang pag-aari niya.
“You f*****g sh—”
“Enough, Z!” Boses iyon ni Akino na nakapagpatigil sa kaniya. Pero hindi iyon dahil sa pagsaway nito sa kaniya kaya siya huminto, kung hindi dahil sa tono ng boses nito na para bang hinang-hina ito at may dinaramdam. At bago pa niya lingunin ang kasintahan ay nauna na sa pagtakbo palapit sa dalaga ang lalaking may puting buhok na kinaiinisan niya.
“Okiro, Akino-san! Okiro!” ~Wake up, Akino! Wake up!”
Halos gumuho ang mundo niya nang makita ang babaeng minahal niya sa unang pagkakataon, ang babaeng nagparamdam sa kaniya na kaya pala niyang magmahal. Walang malay at duguan sa bisig ng lalaking akala niya ay kasama nitong nagtataksil sa kaniya.
“Akino!”
Mabilis siyang lumapit at tinabig ang lalaking may puting buhok. Inis na inis siya sa lalaking ito noon pa mang una niya itong makita na kasama ng dalaga nang bumalik ito sa Pilipinas, tapos ngayon makikita niya ang kasintahan niyang nabuwal at naliligo sa sarili nitong dugo. Nakakagimbal iyon para sa kaniya, ngunit mas nakakagulat para sa kaniya ay ang isiping siya ang kasintahan nito pero sa ganitong pangyayari ay ibang lalaki ang tinakbuhan nito at hindi siya iyon.
Maingat niyang binuhat ang dalaga at akma g ilalabas ito sa bahay ng lalaking ngayon ay sobrang dahilan ng kaniyang panibugho nang hagipin nito ang kaniyang braso at pigilan siyang lumabas.
“Hey, you can't take her just like that!” anito sa kaniya na lalong nagpakulo ng dugo niya.
“And who are you to tell me that!?” mariing sabi niya ngunit ngumisi lang ang lalaking kaharap na parang isang malaking joke ang sinabi niya.
“You don't have the right to know who I am, Mister. Pero kung karapatan lang din naman ang pag-uusapan nating dalaga. I have the full rights on her, isa pa, siya ang nagpunta rito and you already knows what it means.”
Mahinahon ang pagkakasabi nito, ngunit para iyong isang mga patalim na bumaon sa pagkatao niya na sumugat hanggang sa kaloob-looban ng kaniyang kaluluwa. Nagtangis ang panga niya sa galit habang nasa bisig ang walang malay na dalaga.
“Better put her down before it was too late!”