Bente-kwatro oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nagigising si Akino. The white haired bastard, so called doctor told him to go home pero hindi niya ito sinunod kahit pa kung anu-ano ang sinabi nito. Kung aalis man siya ay dadalhin niya si Akino at hindi siya nito mapipigilan pero dahil alam niyang hindi maganda ang lagay ng kasintahan dahil sa tinamo nito at sa katatapos lang na operasyon na ginawa ng lalaki rito ay mas pinili niya ang manatili sa bahay na iyon at maghintay.
“If you still don't want to go home to change your clothes. Can you atleast get yourself clean and change upstairs. May mga damit doon na kakasya sa'yo. Don't want my place to be stained,” saad nito sa kaniya. Kaagad naman niya itong tinapunan ng masamang tingin na tila ba wala siyang pakialam kahit ipagtabuyan pa siya nito. He will stay because his girlfriend was here, still unconscious. At dahil may point naman ito sa sinabi na ayaw nitong marumihan at mamantyahan ang mga gamit nito ay sumunod na lang siya. He suite himself to get clean and change his bloody clothes. Dugo iyon ng babaeng mahal niya kaya kahit na gaano pa siya karungis sa hitsura niya ay hindi niya iyon binigyang pansin.
“She's going to be fine, right?”
“Is that a question, or you want me to give you assurance to that?” balik tanong nito sa kaniya. He just wanted to make sure if she will br alright. Sa lalim ng sugat na iyon siguradong kritikal ang matatamo.
“Just answer!” tiim-bagang niyang saad.
“Oh well that's my babygirl. Of course she will be alright,”kumpyansang tugon nito.
“Can you please stop. calling her babygirl!” iritableng sabi niya. Masama ang tingin niya sa lalaki pero mukhang hindi naman ito apektado kahit halos lamunin na niya ito ng buhay. “Only me has the right to call her that!”
“I'm impressed! But na-ah I won't stop calling her babygirl because she was my babygirl even before you came! Try harder!” Nagtangis ang panga niya at inundayan ito ng suntok na kaagad naman nitong nasalo. The white haired bastard was holding his fist and it makes him livid even more. Balak pa sana niyang gumalaw when someone spoke.
Halos sabay pa sila nitong napalingon. They both lowered their guard and run towards the bed. Finally, his baby wakes up.
“W-What are you two doing? Are you fighting?”
“Yes— No!” sabay nilang sabi.
“No, babygirl. I just greeted him a warm welcome.” Pinukol niya ito ng masamamg tingin at sinagot lang siya ng nakakairita nitong ngisi. How dare this white haired bastard lie to her girlfriend in front of him.
“H-Haru... I know you. Don't give him a hard time he is my baby!” Nanigas siya sa kinatatayuan sa marinig niya dahil akala niya galit ito sa kaniya or nagtatampo. But now, hearing Akino claiming him as her baby makes his heart fluttered so much. Nag-init ang buong mukha niya dahil sa mga salitang iyon.
“Don't boost this bastard's ego babygirl. I don't like him because he let you get hurt this much! He is useless...” Nawalan ng kulay ang mukha niya sa narinig. Gusto niyang sugurin ito ng suntok para malaman nito kung sino ang sinasabi nitong walang silbi but he reign himself not to retaliate dahil guilty siya. On some part this bastard is right. Hindi niya naipagtanggol ang kasintahan, nasaktan ito nang wala siyang alam and it makes him feel what he said. Useless.
“Haru... enough of that,” mahinang saad ni Akino. She's trying to sit kaya naman naging maagap niya, pero huli pa rin dahil mas maagap ang kutong lupang may puting buhok para alalayan ang kasintahan. His heart tighten in jealousy. Kanina pa talaga siya nagtitimpi, lalo na kapag nakikita niya ang ngisi sa labi nito. Hindi naman halatang nananadya ito.
“Why are you just standing there, baby? Come to me...” anito na mabilis naman niyang sinunod. Hindi siya makatingin ng deretso sa mukha ng kasintahan lalo na at ipinamumukha sa kaniya ng lalaking kasama nila na wala siyang silbi. "Come closer." Utos ni Akino na tinapik pa ang gilid ng kama na kinaroroonan nito. He don't dare to sit on her side, sa halip ay hinila niya ang stool na nasa malapit at doon siya naupo. He held Akino's hand and kiss it before mouthed his sorry to her. Mahina lang iyon pero alam niyang naintindihan naman ito ng kasintahan dahil ngumiti ito.
"I'm fine, Z. There's nothing to worry about. Haru is great in situation like this. I'll be fine, it's just a small wound," anito. Damang-dama rin niya ang tiwala nito sa lalaking gumamot dito. Kaya ba sa halip na siya ang tawagan nito sa mga ganitong sitwasyon ay sa lalaking ito kaagad nagpunta ang dalaga. Ganoon ito kagaling sa paningin ng kasintahan niya.
"Baby that's not just a small wound. I saw it!"
"It is," sabad ng lalaki na nasa kabilang gilid lang ng dalaga. Nang makita niyang hinaplos nito ang noo ng kasintahan ay hindi niya napigilan ang pagtatangis ng panga sa selos. "Compare to her old wounds it's just a scratch."
"Too much inpormation, Haru." Baling nito sa lalaki na nagpapakulo sa dugo niya ng sobra.
"How you feeling? I used anesthetic for you to induce the pain, babygirl."
"You know I don't like that Haru. I could endure the pain... I'm just worried a bit of losing blood you know!"anito na para bang wala lang ang sakit na tinamo nito gayong kanina ng makita niya ito ay halos mapamura siya. Kung siya na lalaki ay halos mangilabot na sa laki ng sugat nito pero ito mismo ay parang wala lang ang bagay na iyon. Hindi naman siya takot masugatan, in fact he has scars too. Nakaranas na rin naman siya ng hirap at sakit mula sa ama niya. Hindi lang niya ma-imagine na ang babaeng katulad ni Akino ay kayang indurahin ang ganoong ka-brutal na sakit.
"And scars too. I know you're too worried of that, and I don't understand why? You're beautiful Aki and you know that," saad ng lalaki.
"Urusai, Haruma!" sikmat ni Akino pero sa halip ay tumawa lang ang lalaking kausap. Siya naman ay nanatiling tahimik at nakikinig sa pag-uusap ng mga ito. He feels a bit out of place pero hindi na lang niya iyon ipinahalata. This bastard treated Akino and he should be thankful for that. This bastard and Akino has a bond like a siblings and he shouldn't be jealous of that. He should keep that in mind.