CHAPTER 19

1600 Words
Nang lumabas ang binatang amo ay binalak niya itong sundan ngunit pinigilan siya ng ina ng binata. "Let him, Akino," saad ng ginang sa kaniya habang hawak ang braso niya. Tumango na lang siya bilang tugon saka naglakad palapit sa kama na kinaroroonan ng kaniyang Senseii. Nakapikit ito at nagpapahinga. Bakas na bakas din sa mukha nito ang hirap. Bagsak na ang katawan nito dahil sa sakit nito. "Salamat sa pagbabantay sa anak ko Akino..." saad sa kaniya ng ginang. Kasalukuyan na itong nakaupo ngayon sa couch na kanila lang ay inuupuan din niya. "It's my Job, Lady Ja–" "Tita! Call me Tita, Aki. You're like a daughter to me alam mo naman iyon?" anito na sinuklian naman niya ng ngiti. Sino ba naman siya para tumanggi? Pagkatapos ng ilang oras na pananatili niya sa ospital ay nagpasya na siyang umuwi. Siguradong nasa bahay na rin ang binatang amo at baka may kailanganin ito kaya hindi siya maari ring magtagal sa labas. Nang makapasok siya sa mansion ay kaagad siyang sinalubong ng tauhan. "What?" malakas na saad niya nang sabihin nito sa kaniya na kanina pa nagwawala ang binata sa silid nito at walang nagtangkang pumasok. Mabilis pa sa alas-kwatro na tinungo niya ang silid ng binata at nang buksan niya iyon ay sumalubong sa kaniya ang nakakasulasok na amoy ng alcohol. Nagkalat na naman ang basag na mga bote, at ang mas malala. Nakahandusay na naman ang binata sa kalasingan. Halos madurog na naman ang kamao nito na puno ng dugo. "Baka! Why do you have to do this to yourself?" nasambit niya sa tulog na binata. Nagpatawag siya ng tauhan na tutulong sa kaniya upang malinisan ang binata at maihiga ito nang maayos sa kama nito. Pagkatapos ay pinalinis na rin niya ang buong silid na nangangamoy alak dahil sa mha nabasag na bote na naroon. Siya na mismo ang gumamot sa kamao nito. At nang matapos niya ang lahat ng iyon ay halos hindi na niya namalayan kung anong oras na. Nang masigurado niyang maayos na ito at malinis na ang buong silid ay saka siya nagmatsa palabas ng silid. Dumeretso siya kung saan naroon ang sa mga tauhan at inutusan ang mga ito na iharap sa kaniya kung sino man sa mga ito ang nagbigay sa binatang amo nila ng nakalalasing na inumin. Hindi siya makakapayag na ganoon na lang iyon. Paano na lang kung naisipan nito na lumabas at magkataon na may magtangka sa buhay nito. Tiyak na katapusan na nito kaagad at iyon ang iniiwasan niya. Kaagad namang humarap sa kaniya ang isa sa mga tauhan na siyang nagbigay sa binata ng alak. Bakas kaagad ang takot sa mukha ng medyo may edad ng lalaki. Sinenyasan ito ng dalaga na lumapit na atubili naman nitong ginawa. Naningkit ang mga mata ni Akino sa galit at hindi na hinintay pa na makapagpaliwanag ang tauhan. Walang habas niya itong pinaghahampas ng espadang yari sa kahoy hanggang sa mapaluhod na ito sa harap ng hardin. Wala ni katiting na awang nararamdaman ang dalaga habang dumadapo sa nagmamakaawang lalaki ang hawak na matigas na bagay. "Dare ga anata ni kare ni arukoru o ataeru kyuka o ataemasu! Baka! Baka! ~ Who give you a permission to give him an alcohol! Idiot! Idiot!~ galit na galit na sigaw niya. Yamete! Gomenasai Akino-san!" nagmamakaawang saad nito na halos humandusay na sa semento. Duguan na ang mukha ng lalaki dahil sa parusa niya ngunit wala pa siyang balak na huminto dahil hindi pa iyon sapat. Ngunit nagulat siya nang marinig ang malakas na sigaw mula sa kaniyang likuran. "AKINO!" Agad siyang napatigil sa ginagawa at humarap sa binatang amo. "Kenji-sama!" gulat niyang saad. "I'm just giving someone a punishment to teach him a lesson not to–" "Giving him a lesson? Akino, nakikita mo ba ang ginagawa? Nakikita mo ba halos patayin mo na itong tao!" Nang ituro ng binata ang lalaking pinarusahan niya ay kaagad itong nagkumahog sa paanan ng binata at nakaluhod na yumuko. Puno ng takot ang mukha nito marahil dahil sa hindi naman nito naunawaan ang lenggwaheng ginamit ng binata at inakala nito na pinapatapos ng binata ang buhay nito. "Gomenasai, Shujin-sama! Gomenasai! paghingi nito ng tawad. Naningkit ang mata nang binata ng tumitig sa kaniya at halos tumagos ang galit nito sa pagkatao niya. "Stand up!" utos nito. "Shujin-sama?" "Tachiagaru!" ulit niya sa sinabi ng binata at kaagad na sumunod ang lalaki. "Tell him to go in the hospital and get a treatment!' utos nito sa kaniya. "Byoin ni itte chiryo o ukemashou!" aniya. "Hai, masuta! Hai! Arigatogozaimashita, Shujin-sama! Arigatogozaimashita!" ani ng lalaki habang paulit-ulit na yumayuko sa harapan ni Kelvin na amo nila. "Get inside! Mag-usap tayo." Napalunok siya nang wala sa oras dahil sa pagkakasabi nito. Mukhang nagalit yata talaga niya ang binata sa ginawa niya. "WHAT WAS THAT AKINO!?" galit na saad sa kaniya ng binata nang makapasok sila sa loob ng kabahayan. "Hindi ka dapat nananakit ng tao lalo na kung wala namang malaking kasalanan sayo!" "This is how we live Master Ken! Every person here, every person who works for Shujin Hedeo. Hindi ka dapat nagpapakita ng kahit na katiting na kahinaan sa kahit na sino. You shouldn't be a softy," sagot niya. Gusto niyang imulat ang binata sa mundo nila. Sa totoong mundo kung saan walang puwang ang mahihina. Dahil sa totoong mundo nila, kapag mahina ka talo ka, and worst is hindi tatagal ang buhay mo. “You have to rest now Master! We need to go back to your father at the hospital tomorrow," imporma niya sa binata. "Why, what happen?" "Your father's last will was already signed, and someone wasn't happy with the result. We have to be ready for that," aniya. "Who would not be happy with the result? May iba pa bang pamilya ang ama ko bukod sa amin? May anak pa ba siya sa iba?" halatang iretable ang binata sa tanong nito. "You're the only son, Master! You're the only heir as well. But you know in this world, people will do everything for the sake of money and power," seryosong sabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" “Not everyone will bow to you not because you are the Master's son! And not everyone who bows to you was real. Sometimes they're just waiting for the right time to stab your back! You can't trust no one Master Ken, even me!" Nakatingin siya nang deretso sa binata nang sabihin niya iyon. Nais niya mabatid nito na hindi biro ang mga maaaring mangyari sa mga susunod araw. They have to be prepared. "Just stab me directly on my heart Akino. Not at my f*****g back!" saad nito sa kaniya. "I would gladly do that, Master," nakangit niyang tugon. Lumipas ang isang linggo at balik na ulit sa normal ang sitwasyon nila ng binata. Hindi na ito galit sa kaniya at ngayon nga ay may hinihingi pang pabor sa kaniya tungkol sa lalaking nagrereklamo sa kakarampot daw na mana na napunta rito galing sa kanilang Shujin. Pinaiimbestigahan ng binata ang lalaki at gusto nitong malaman ang lahat ng impormasyon lalo na ang tungkol sa asawa nito na napag-alaman niya na siyang dating kasintahan at ang babaeng kinalulukuhan ng binata ay iisa. The other day ay ipinakilala niya ang binata sa mga elders. Ang mga nakatatandang myembro ng organisasyon at ang ilan sa mga ito ay sumumpa ng katapatan sa binata bilang pagtanaw ng utang na loob ng mga ito sa Shujin. Nag-umpisa na rin ang pagsasanay ng binata sa paggamit ng katana. Katulad ng ama nito na isang bihasa at magiting na Shogun ay kailangan din nito na sanayin ang sarili at maging magaling sa larangang iyon. "That was you father's samurai," aniya at kaagad namang napalingon ang binata na hawak ang katana ng kaniyang master. "Akino! What are you doing here? Hindi ko naman sinabing pumunta ka, ikaw talaga," saad nito sa kaniya. "It's okay, plano ko rin naman na bisitahin ka talaga rito!" May isang linggo na rin nang lumipat siya ng matitirhan. Iyon ay sa mismong bahay na pag-aari niya. "Wanna fight me?" Hamon niya sa binata. "Sure! Why not?" nakangiting tugon ng binata. Nakangisi niyang tinungo ang lalagyan ng mga sandata at humugot ng katana mula roon. Lumakad siya sa pinakagitna saka pumorma sa pagsugod. "Have you ever killed someone using this, Akino?" tanong nito sa kaniya. "Since I was a kid, I have been always using this to defend myself. So, yes I killed using this!" Sumugod siya pagkasabi ng huling kataga na siyang ikinabigla ng binata. Ngunit ang nakakahanga ay nasalag nito iiyon kahit na hindi ito handa sa atake niya. "Quite impressive for a first timer, Master Ken! I guess it really runs in the blood," nakangising aniya saka muling inundayan ito ng wasiwas ng sandata. Isa, dalawa, tatlong beses nagsalpukan ang talim ng kanilang mga hawak na sandata. Sa huli ay siya na ang nagbaba ng talim dahil mukhang walang balak sumuko ang binata. "I quite!" saad niya saka yumuko bilang paggalang. "Why? Hindi pa naman tayo tapos?" reklamo nito sa kaniya. "We can't be finish, Master Ken! Finished word means one of us needs to be dead! And I'm sure by now that it wasn't me," nakangiting tugin niya. "Silly girl! Let's do this again when I learn enough. Then tell that to me again," kumpyansang hamon nito. Kinasabaduhan ay naisipan niyang yayain ang binata na mamasyal. Maganda ang mood niya ngayon at balak niyang huminga muna sandali mula sa sandamakmak na trabahong nakaatang sa kaniya. At para na rin makalimutan ang lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD