CHAPTER 18

1286 Words
Limang minuto na silang nakatayo sa harapan ng Kaisai International Airport. Katabi niya ang binata na mukhang tense at hindi mapakali. Kanina pa rin siya nakikipag-usap sa mga tauhan sa telepono na siyang susundo sa kanila ng binata. Hindi pa umiinit halos ang pwet nila ni Haruma sa Pilipinas ay ito sila at bumalik sa Japan. But this time ay kasama na nila ang pakay. She should be happy dahil sa wakas nakumpleto niya ang misyon niyang mapaligaya ang kanilang Shujin dahil nadala na nito ang anak nito sa bansa kung saan ito nararapat. Peor sa halip ay binabagabag siya ng damdaming alam niyang hindi niya dapat binibigyang pansin, because that was nothing in the first place. "At last, here they are Master Ken!" aniya sa binata na mukhang nagulat pa sa sinabi niya. Tulala ito at mukhang may malalim na iniisip. Mukhang wala ito sa sarili nang bumaling sa kaniya. Kailangan niyang gawin ang trabaho niya ng maayos kaya dapat alisin muna niya ang lalaking iyon sa isip. Ang malungkot nitong mukha nang malaman na babalik na sila ulit at baka hindi na bumalik pa. Sunod-sunod ang pumaradang itim na armored limousine sa harap ng airport. Ang pinakauna ay sa harapan mismo nila huminto. Lumabas ang isang lalaking nakaitim at yumuko ito sa harapan ng binata habang siya ay nakangiting nakamasid lang. Gusto sana niyang sabihan si Haruma ng mga dapat nitong gawin pero naunsyami iyon nang magsipila ang iba pa at magbigay galang din sa binata. "Okaerinasai Masuta!" "They are welcoming you, Master Ken!" aniya sa binata na halatang hindi makahuma sa pagkabigla. Malamang na hindi nito inasahan ang ganoong klaseng pagsalubong. "Akino..." "Alam kong ayaw mo ng ganito, pero this is how it goes Master. And you need to accept that you are not just a simple person from the Philippines. Anak ka ng Shujin ng Thahara at Kurashima Clan na iginagalang at kinatatakutan sa bansang ito. That was just a start, there's more you need to know," aniya saka yumuko katulad ng iba. Ngayon na lang ulit siya nagbigay-galang sa binata. Bagay na ikinasasaya ng puso niya kahit paano dahil nagawa na niyang maisama ito rito sa bansa. Tiyak na magiging lubos na ang kasiyahan ng kaniyang Senseii. Iginiya niya ang binata papasok sa loob ng sasakyan, pagkatapos ay sumunod na rin siya. Nabalot sila nang katahimikan sa loob ng sasakyan. Kahit ang batiin si Haru na nagsilbing driver ay hindi niya nagawa. Saka na lang niya babatiin ang kababata, marami pa naman sila nitong oras para doon. Wala pa man ang binata sa bansa ay naayos na niya ang lahat para sa pagdating ng araw na ito. Lahat, maging ang bahay na titirhan nito kung sakali. "Welcome to your house Master!" masayang bati niya. Mas excited pa nga siya yata kaysa sa binata sa totoo lang, dahil sa wakas nagbunga rin ang mga paghahanda niya para sa araw na ito. Ramdam niya ang gulat nito. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa malapalasyong mansion at mas lalong bumadha ang gulat sa mukha nito nang pagbukas ng malaking gateay nagsipaghilera ang mga tauhan sa loob. "Akino..." "Yes, Master?" mabilis niyang tugon. "Cut the crap Akino, bakit bigla-bigla ka nang naging pormal d'yan? Stop it please... hindi ako makahinga," saad nito sa kaniya. "Are you sick Master? Sandali at magpapatawag ako ng doktor!" nag-aalalang saad niya. "Nope! I'm not sick Akino. Na-su-suffocate lang ako sa mga nangyayari, sa pagtanggap ng mga tao rito sa akin! As if I'm someone important here!" "Because you are, Master Ken! Ikaw ang bagong magiging master nilang lahat. Kaya dapat lang na maging magalang silang lahat at yumuko sa paanan mo!" seryosong sabi niya. "Take a rest! We will meet Shujin Hedeo tomorrow morning. Your mom, Lady Janet was there too," dugtong pa niya. Tumango-tango lang ang binata nang ihatid niya ito sa magsisilbi nitong silid. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata pero kailangan na nito ang magpahinga. Ngayong nandito na ito sa Japan, mag-uumpisa na ang totoong laban na kailangan nitong harapin. "If you need anything just call me. I'm just right there at the next room, Master!" pahabol na saad niya. Bago niya iwan ang binata ay nakita niya ang paghanga sa mga mata nito nang masilayan nito ang buong silid. Alam niyang magugustuhan nito iyon at walang duda dahil siya ang personal na nag-asikaso ng bawat detalye na gagawin doon ayon na rin sa alam niyang magugustohan ng binatang amo. Patungo na siya sa sariling silid nang makasalubong niya si Haruma, o mas tamang sabihin na nakatayo ito sa tapat ng pinto malapit sa silid na uukopahin niya at mukhang hinihintay siya nito. "Hey!" bati kaagad nito sa kaniya. "I missed you, babygirl," dugtong pa nito. "Ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita, Haru. Kumusta na ang lagay ng Senseii?" tanong niya sa kababata. Hindi pa man ito nagsasalita ay alam niyang hindi na maganda ang lalabas sa bibig nito dahil sa biglang paglungkot ng mga mata nito. "Sensei was very ill , Aki. He is not getting any better... mukhang hinihintay na lang niyang dumating ang young master bago siya magpahinga. Minsan naiisip ko na kapag siguro hindi pa sila magkita ay kakayanin pa niyang labanan ang sakit niya, na tatagal pa siya," madamdaming saad ni Haru. "Don't say that Haru... alam mong ito lang ang magpapasaya sa kaniya ng totoo. And he needs them, he deserved to be with his family..." "Alam ko Aki... alam ko," anito. KINABUKASAN... Maaga niyang ginising at binulahaw ang binata. Kung anu-ano kaagad ang pinagawa niya rito. Kung sinu-sino kaagad ang pinaharap at pinakilala niya na mga matataas na tao at ang mga ilan sa mga ito ay mga Elders. Nang matapos ay saka pa lang niya ito isinama sa ospital, ngunit nang makarating sila nito ay pinauna pa siya nito sa loob. Ihahanda raw muna nito ang sarili nito sa pagharap sa ama nito at iginalang naman niya ang desisyon nito. Nauna na siyang pumasok at dinatnan niyang naroon ang ginang at inaasikaso ang Shujin. Ilang sandali pa ay may dumating na babae na may kasamang bata at bumati sa Shujin. Pamilyar sa kaniya ang babae ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita dati. Alam niyang malayong kamang-anak ito ng Shujin. Palibhasa ay hindi naman siya nakikialam sa personal na buhay ng kaniyang Senseii maliban na lang kung utos nito na alamin niya. Saka isa pa ay iilan lang naman talaga ang nakakasalmuha niya na kamag-anak ng Shujin at isa na roon ang lalaking kinaiinisan niya ang kapreskuhan. Ang pamangkin nitong hilaw na si James Nhorman. Kalahating oras ang lumipas nang pumasok ang binata. Nginitian pa niya ito nang magtama ang kanilang paningin. "Ohayo guzaimasu,' bati nito. "Ohay..." Natigilan ang babae nang humarap ito at makita ang binata. "Lena?" dinig niyang banggit ng binata sa pangalan ng babaeng nasa harapan nito. Bakas din sa mukha ng dalawa ang pagkagulat. "Magdalena!" ulit pa nitong sambit. At doon napagtanto niya kung sino ang babae. Ito ang babaeng minamahal nito ng napakatagal nang panahon. "Mommy!" Sumulpot ang bata na alam niyang anak ng babae. Kanina pa kasi ang mag-ina sa silid na iyon at dumalaw sa kaniyang Shujin. "Konichiwa!" bati ng bata sa binata. Para silang nasa pinaka-awkward na posisyon, at mas lalong nadagdagan iyon nang biglang pumasok ang lalaking kinaiinisan niya. "Daddy!" sigaw ng bata. Kumpirmado, ito ang asawa ng babaeng kinababaliwan ng binatang pinagliingkuran niya ngayon. Damang-dama niya ang tensyon sa pagitan ng mga tao sa loob ng silid na iyon. Maging siya ay parang nararamdaman ang bigat na nararamdaman ng binata. Ang pagtatangis ng panga nito at ang pagkuyom ng kamao. Mapaglaro nga talaga ang tadhana. Nakakatakot na laro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD