KABANATA SIYAM

1857 Words
KABANATA SIYAM: KLAYDE CAVEN *** Marami pa akong hindi alam sa bagong mundong ginagalawan ko; wait, hindi naman talaga ito bagong mundo ano? Well, figuratively, Heartveil City is the only place in this island that cannot be touch by the King Servero. And the only place where the people are allowed to use their veils freely without needing to have the veil license — thus the reason why my father taught me how perilous this city. At ngayon, narito na ako sa pintuan ng lumang silid-aklatan dito sa dormitoryo. Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga. It took me half an hour to find this place — ayon sa blueprint ay nasa pang labindalawang palapag daw ang lumang library, inakyat ko, dahan-dahan upang hindi lumikha ng ingay, ngunit nang makarating ako ay bumungad sa akin ang mahabang pasilyo, walang laman. Wala akong ibang pamimilian. Gumawa ako ng sariling pintuan, at tama ako. Everything in that floor is an illusion, and creating a tension between two dimensions, I ended up getting sucked in that whirlpool. Akala ko hindi na matatapos ang paglalakad ko sa kawalan e, mabuti at nakita ko ang liwanag, at heto na ako. Kung hindi siguro sinabi sa akin ni Kuya Klayde na wala talaga sa Heartveil City ang academy at nasa Foresea District ito ay hindi papasok sa isip kong baka illusion lang din ang old library. Siguro ay natutulog na ako nang mahimbing at hindi nagsasayang ng oras para iligtas ang lalaking 'yon. I sighed. Maingat kong tinulak ang pinto na naglikha ng mumunting langingit na tila ba ngayon lang muling nabuksan. Hindi madilim at hindi rin sobrang liwanag, sapat na ang isang malamlam na bumbilya sa gitna upang makita ang kabuuan ng bahay-aklatan. Malawak ito, halos isang metro na lamang ang pagitan ng bawat bookshelf, siguro nasa sampung shelf ang narito? Isang mahabang mesa na may sampung upuan. Huminga ako nang malalim. Ha. Amoy vanilla. Humahalimuyak ang amoy ng mga lumang aklat na para bang tinatawag akong buklatin ang kanilang mga pahina. “Wow, ilang buwan kaya bago ko mabasa ang lahat ng mga librong ito?” manghang tanong ko sa sarili at tuluyang pumasok sa silid-aklatan. I exhaled, and reminisced the time where I spent most of my vacant time reading a book at the library, but, well, sadly, our librarian banned me. “Hindi ka na dapat pang pumunta rito, Earth.” Oh. Agad akong bumaling sa taong nagturan. Parang kinurot ang puso ko nang makita si Kuya Klayde na puno ng pasa ang katawan, grabe naman. Balak ba nilang sirain ang magandang mukha ni Kuya Klayde? Nakaupo ito sa isang silya habang nakagapos ang kamay at paa. “Woah, you came prepared, Earth, right?” Sinamaan ko nang tingin ang lalaking bigla na lang sumulpot sa kung saan at inakbayan ako. Bago ko pa man ito mahablot ay ngingisi-ngising umatras ito palayo at tinuro si Kuya Klayde. “You came for him, right? Relax ka lang,” nakangising sambit niya at lumapit sa mga kasama na pawang mga nakaupo rin na animo'y nasa isang pagtitipon. I eyed the familiar figure lurking behind Kuya Klayde. Hydro, tama? Hindi ko malilimutan ang masakit sa matang gupit ng kanyang buhok, mohawk at blond? Ah, a sponge. “You recognized him?” tanong ng lalaking matangkad at inakbayan si Hydro na kinabigla naman ng huli. Ha. “So, you must be President Lionne, then?” nakangiting tanong ko dahilan upang mapangiti ito at mapahimas sa kanyang mahabang baba. “Hm? Wow, you know me? I'm flattered!” bulalas niya at tumayo pa't pumalakpak. Sarkastikong tumawa ako, “Anong kailangan niyo sa akin? Don't tell me, seryoso kayong vengeance 'to dahil sa nangyari sa opening ceremony? Ha, utos ba ito ng mahal na Prinsipe Seikei, o baka naman utos 'to ng Principal? O baka naman mga worshipper lang kayo ng royal family at sobrang nasaktan ang ego niyo na, ako, sobrang normal na tao, nagawa kong makalapit sa prinsipe? Wait, gusto niyong malaman kung ano ang amoy niya? Hm, nothing spe—” Masakit talagang makagat ang sariling dila, lalo pa at pati yata dila ni Kuya Klayde ay balak nilang putulin. “H-Hey, nagbibiro lang ako,” pigil ko kay Hydro nang itapat niya sa dila ni Kuya Klayde ang isang kutsilyo. Kuya Klayde tried to struggle by biting Hydro's fingers which made the latter removed his filthy hands away from Kuya Klayde. “Seriously, Earth? Balak mo ba akong tulungan o balak mo akong patayin?” he asked, coughing. They all laughed. Ha. Come on, knees stop trembling. I chuckled, “Oh, right. Ngayong narito na po ako, maaari niyo na bang pakawalan si Kuya Klayde? Sobrang considerate niyo naman po at hinintay niyong matapos ang suspension ko bago niyo kinuha si Kuya Klayde ha? Thanks,” sambit ko at isa-isang tiningnan ang mga taong naririto. Sampu silang lahat. Dalawa sa gilid ni Kuya Klayde, habang nasa likuran naman niya si Hydro, at pare-pareho silang may hawak ng patalim, what? Oh, baseball bat. Bumaling ako sa kanilang leader na nasa kabilang dulo ng mesa, President Lionne. Baril naman ang hawak niya, habang nasa magkabilang gilid niya ay lupong ng mga lalaking pawang armado rin. I smiled, “Ano na? May pasok pa tayo mamayang alas-sais, anong balak niyo? Narito na ako, pakawalan niyo na si Kuya Klayde tutal ako naman ang kailangan niyo, right?” Lumapit sa akin si President Lionne at matagal akong tinitigan. Hindi ko napigilan ang sariling hawakan ang aking katana at tangkang huhugutin na ito nang pigilan niya ako at halos baliin na ang kanang kamay ko. Napakagat ako sa dila at matalim siyang tinitigan. “Tama nga ang sinabi ng Kuya Klayde mo, matapang ka ngang talaga, ngunit, hanggang saan ang tapang mo? Anong kaya mong gawin para iligtas si Caven? Teka, gaano ba kahalaga ang taong ito para sa 'yo?” Napalunok ako at nilingon si Kuya Klayde na matamang nakatingin din sa akin. I sighed. “Well, he waited two years for us to be together in this academy, and that was creepy, but it would be such a waste, if I let that guy die, right?” sagot ko at tinuro si Kuya Klayde, “Ngayon, sabihin niyo na kung anong kailangan kong gawin para palayain niyo si Kuya Klayde. Kailangan ko bang lumuhod, no way I'll do tha—” “Hey, Bamy! Don't even think about kneeling in front of these gu—” And he was punched, right in his mouth. “Kaya nga sinabi kong no way, right? In the first place, paano ka ba nahuli ng mga taong 'to?!” “Wait, iniisip mo bang kasalanan ko ang lahat ng ito?! Sino ba ang gumawa ng gulo hindi pa man nagsisimula ang school year?!” Nagsalubong ang kilay ko, “Ha?! Why are you shouting at me, Kuya Klayde?! Nagtatanong lang naman ako! With your disgusting veil? They outsmarted you?!” “D-Disgusting?!” “Will you two f*****g shut up?!” labas litid na sigaw ni Lionne, “Hydro! Kalagan niyo na 'yan at ipalit niyo 'tong babaeng 'to!” Wait. Ha. Ganoon na lang 'yon? Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at kay Kuya Klayde. Tulad ng inutos ni Lionne ay pinakawalan ni Hydro si Kuya Klayde at tinulak pa ito kaya agad akong tumakbo patungo sa kanya at inalalayan ito patayo. He coughed, “We should run, Bamy,” bulong niya sa akin, “Hindi sila marunong tumu—ugh!? Wait! Don't touch her!” In the blink of an eye, I was carried and now sitting on a chair that was place on the top of the table, tied up, hands and feet. Huminga ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. Think. These guys. Ha, pati pala rito sa academy ay uso ang gang? Para saan? To look cool and powerful? Ha, bubuo ng grupo for what? Napatawa ako, “Matapang lang kayo dahil marami kayo.” “s**t! Earth!” Nilingon ko si Kuya Klayde. Peke akong tumawa at tumingala sa kisame upang pigilan ang mga luha. “Your emotion is the hindrance, learn to control it.” Naalala ko ang sinabi ni Uncle Tanaka, pero maging siya ay hindi naman kayang pigilin ang emosyon 'no? “Umalis ka na, Kuya Klayde.” “P-Pero, Earth! Ano na lang ang sasabihin ko kapag nalaman ito ni Sir Takao?!” “Hindi niya kailangang malaman.” “Ilabas niyo na ang lalaking 'yan!” He struggled but was outnumbered and ended up getting thrown out the old library. When Kuya Klayde was completely out of sight, they all turned to face me. “Sir Takao? Oh, right. Caven told me about you. You came from a family of artisans, and samurai, you must be crazy strong, 'no? Tamang-tama naman pala dahil mayroon kaming turneyo ngayon, alam mo 'yon?” panimula ni Lionne at lumapit sa akin. “Taon-taon, bago magsimula ang panibagong semestre ay nagkakaroon ng munting turneyo ang organisasyon, at hindi naman masaya kung kami-kami lang din ang maglalaban hindi ba?” Tumango-tango ako, “Then, why didn't you let Kuya Klayde fight you?” Tumawa siya at nagkibit-balikat. “Bakit nga ba? Ah! Because we heard he protected a freshman and that was you, right? Ikaw rin 'yong nanggulo sa cafeteria tama? Alam mo bang tahimik lang akong kumakain noong ginawa mo 'yon?!” Nangunot ang noo ko sandali bago sumilay ang isang ngisi. Unti-unting bumalik sa ulirat ko ang lahat ng nangyari simula ng dumating ako sa akademya. Mga taong nakilala ko, si Kirell, ang dalawang prinsipe, si Balaam, si Kuya Klayde at si Hydro. Bakit ba hindi man lang sumagi sa isip ko iyon? Hindi ko napigilang humalakhak na siya namang pinagtaka nila. Ha. “May nakakatawa ba sa sinabi ko, Miss Earth Fujiwara?” Umiling ako, “Ha? Wala po,” agad na tanggi ko. He sighed, scratching his nape, “Saan na ba tayo? Anong oras na ba?” “4:30 na President,” dagling sagot ni Hydro. “Ah, ang tournament, tam—” “A fight? Right?! Kung 'yon lang naman pala ang gusto niyo ay sana sinabi niyo agad at hindi na kayo nagsayang ng oras para bugbugin si Kuya Klayde o pahirapan pa ako na hanapin ang lugar na it—!?” “No you're being mistaken.” Ha? They all laughed. “Fight? Yes, there will be a fight, but you are not included, because you'll be the prize.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. “Ba—” “Bago 'yan, may gusto munang magpakilala sa iyo. Mukhang malaki ang kasalanan mo sa kanya at hiningi niya ang tulong namin. You're always on guard, after all, galing ka sa pamilya ng mga samurai kaya gumawa kami ng paraan para kusa kang lumapit sa amin, and that was...” “Kuya Klayde?” “Right, your Kuya Klayde!” sigaw niya at tumawa na parang isang demonyo. Sinabayan pa siya ng mga alipores niya, at pakiramdam ko ay umabot na sa bumbunan ang inis ko. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD