KABANATA WALO: IMBITASYON NI KAMATAYAN
***
Earth Fujiwara is suspended until the school year start and is forbidden to step out the dormitory. Violated rule 54 : food is life; waste a bite then, taste a chef's wrath.
Umalingawngaw ang boses ni Miri sa lahat ng sulok ng akademya. Matapos ang nangyari sa cafeteria ay sinuplong ako ni Balaam sa VAPO, o Veil Academy's Police Office.
“Oh, glad you caught her!” bungad ng taong nakahiga sa mahabang sofa, “Oh, my bad,” paumanhin niya at umayos nang upo at minuwestrang lumapit kami kaya't kahit sobrang sama ng loob ko kay Balaam ay sumunod lang ako.
“Thank you, Officer Balbourne,” wika nito kay Balaam at inabot dito ang isang gintong buton na may simbolo ng hustisya — iyong babaeng may piring ang mata at may hawak ng timbangan?
“So, you betrayed me for that position?” sarkastikong tanong ko kay Balaam, “Bakit hindi mo agad sinabi, sana hindi na kita nasaktan,” dagdag ko at pinisil ang braso niyang na-dislocate ko yata ang buto nang sinubukan niya akong hulihin.
Napangiwi ito at sinamaan ako nang tingin, “I'm sorry, okay? Anong gusto mo ma-expell ka agad?” tanong niya at ginamitan ng kanyang veil ang braso upang mabalot ito ng yelo.
Tumikhim ang ginoo sa aming harapan, he was wearing a cape with a third year mark on the collar, and underneath his cape, a scarf, a loose shirt, and his purple pajamas.
“Oh, my bad. Sergeant Klein Kelvins, a third year,” pakilala niya at pilit na ngumiti sa akin samantalang abot tengang ngiti ang ginawad kay Balaam.
Matapos ang mahabang paliwanagan at ang mahabang diskusyon tungkol sa mga batas ng paaralan ay tila ubos na ang lahat ng lakas kong bumalik sa aking silid sa dormitoryo.
Hapon na at nais ko na lamang itulog 'tong sama ng loob. Ha, parang hindi ako isang buwang na-grounded noon ni Tatay ah? Wala lang 'to, isang araw na lang naman ay simula na ng klase.
“Congrats for being the first student to be suspended!” masiglang bati sa akin ni Emerude nang makapasok ako ngunit hindi ko na ito pinatulan pa at hinagis na lamang ang sarili sa kama at sinubsob ang mukha sa unan.
Hindi ko namalayan ang lumipas na oras. Nagising na lamang ako nang maramdamang may gumagalaw sa paanan ko.
“W-Wait!” sigaw ko nang makita ang mga hibla ng buhok ni Emerude na nakapulupot sa mga paa ko. Isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi bago ako umangat sa kama at patiwarik na lumutang dahil sa kanyang buhok.
“Hey! Ibaba mo ako, Emerude!” asik ko rito, “Anong problema mo?!” inis na tanong ko sa kanya matapos niya akong pakawalan. Lumakad ako palapit sa kanya at agad tinutukan ito ng kunai.
She took a gulp of air and tried pushing the weapon away from her throat, “S-Sorry na! Hindi ka naman mabiro!”
“Oh, paumanhin, nagbibiro lang din ako, ikaw naman masyado kang kabado, hindi naman ako ganoon kababaw,” sarkastikong sambit ko't dinaplisan ang leeg niya, “Sorry ha? Dumulas ang kamay ko,” nakangiting paumanhin ko at inabutan siya ng panyo.
“Oh, at hindi ako nagbabanta ha? Pero, ha, feel free to confide your darling,” dagdag ko at ngumiti.
Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang panyo at tinapal sa kanyang leeg. Unti-unti siyang lumayo sa akin at nangingilid ang mga luhang lumabas ng aming silid.
Nagpakawala ako nang malalim na buntonghininga at humarap sa salamin.
“This necklace...it only reacts to a threat right? Hindi ito nag-react sa ginawa ni Emerude, there's no evil intent, but that woman, sure is weird,” komento ko at dagling naligo.
Malamig ang tubig. Wala naman siguro akong na-violate na rule sa hindi ko pagligo 'no?
Natigilan ako nang makitang pumasok si Emerude dala ang isang tray ng pagkain. Natigilan din siya at gulat na napalingon sa akin.
“H-Hey, Earth, pinagdala kita ng pagkain,” usal niya at alangang ngumiti, “Uh, you're not allowed to step out the dorm, right?”
Ha?
“Hindi ka na dapat nag-abala pa, I mean, may canteen naman sa loob ng dorm,” sagot ko rito at bago pa ako tuluyang makahakbang palabas ng aming silid ay tumalsik ako at muntikan pang matumba, “Okay,” usal ko 'saka nakangiting lumingon sa aking mabuting roommate.
“Salamat ha?”
She smiled at me.
“By the way, from what class are you?” biglang tanong niya dahilan upang mapahinto ako sa tangkang pagkagat ng pizza.
“Class Y.”
“Oh! We're classmates! Wow!”
Ha.
Peke akong ngumiti at tumango, “What about your friends?” pilit na tanong ko.
Ngumiti siya, kumuha ng ilang hibla sa buhok at pinaikot-ikot ito sa kanyang hintuturo, “Sadly, they're in Class Z, hm, but that's okay since you're with me!”
Halos mabulunan ako nang bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Pagkatapos ay tumayo sa may likuran ko at hinagod-hagod ang buhok ko.
“You have a very elegant hair, and your eyes, I've never seen anyone with that electrifying green eyes. Genetics ba 'yan? Or, dahil lang sa iyong veil? Ano nga palang veil mo? Loom ang akin, you know I can control my hair, Humaeil,” wika niya at sinilip ang mukha ko.
She looked really invested in this idle talk.
I sighed.
Hm.
Hindi na rin siguro masama kung maging kaibigan ko ang babaeng ito 'no? After all, she must be the lover of the blond prince. It will benefit me if I could establish a good connection with the princes — maaari pa akong makakalap ng impormasyon tungkol sa tunay na pagkatao ng hari, tama?
Nilunok ko ang natitirang piraso ng pizza at malawak na ngumiti sa kanya.
“Mentaeil. I can mimic anyone's veil, and these eyes? Hindi ko alam, siguro dahil sa veil ko? Since my father...oh, yeah, I guess.”
Namilog ang mata niya. Matagal niya akong tinitigan, “So, you can copy my veil?!”
“Obviously,” pigil ang inis na sagot ko at tiniis ang isang buong araw na kasama ko si Emerude na walang humpay ang katanungan, lalo na ang paghawi-hawi niya sa buhok ko. Kapag ako, nakalbo, sisiguraduhin kong hindi na tutubo pa ang buhok niya.
Kung hindi ko pa nga ito pinilit na matulog dahil pasado alas dose na ay hindi pa ito titigil sa pagkukuwento ng kanyang talambuhay. Anong akala niya sa akin, writer na sobrang invested sa buhay ng isang tao?
Naging tahimik ang gabi.
Nais kong sabihin 'yan subalit hindi ko inasahang sa ganda at estado sa buhay ni Emerude, siya pala ay tila baboy kung humilik.
Sinubukan kong matulog ngunit sino ba naman kasi ang makakatulog kung may kasama kang malakas humilik ha? Mas malakas pa yatang humilik si Emerude kaysa kay Ravi e.
Hm, kumusta na kaya sila?
“Ha, gaano kaya katibay ang seguridad ng paaralan na ito?” nakangising tanong ko at dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Nilingon ko pa si Emerude bago ako tuluyang humakbang palabas ng aming silid.
Maingat ko ring sinara ang pinto, ngunit agad natuon ang atensyon ko sa may sahig nang mapansin ang nagliliwanag na kulay pulang sobre.
Pinulot ko iyon at sinuri. Balak ko na sanang gisingin si Emerude dahil baka para sa kanya iyon ngunit agad na nangunot ang noo ko matapos mabasa ang pangalan ko sa ibaba.
Tila umurong ang dila ko matapos mabasa ang nakasulat sa loob. Napalunok ako at agad nilingon ang kwarto ni Kuya Klayde, dalawang pintuan ang layo sa kinatatayuan ako.
‘Hawak namin ang kaibigan mong si Klayde Caven. Kung nais mo siyang iligtas ay pumunta ka sa lumang library ng dormitory. Ikaw lang mag-isa. Subukan mong magsumbong, siguro naman ay alam mo ang mangyayari sa kanya, tama? He must be special to you, you called him, Kuya. Now, huwag mo ng isipin kung sino ako, o anong kasalanan mo sa akin dahil marami kang kasalanan, alam mo 'yan.’
Huminga ako nang malalim at puno ng sama ng loob na nilukot ang papel, tinapon sa harapan ng pintuan namin at madaling dumiretso sa kuwarto ni Kuya Klayde.
Room 15
Pinihit ko ang seradura — it's unlocked.
“Kuya Klayde?”
I was hoping that it was some kind of prank, that he would jump at me, gigling like an idiot, but there was silence. His room is empty, almost like, no one's been here.
Walang kahit anong gamit maliban na lang sa kanyang uniform, isang maliit na bag na naglalaman ng kanyang mga school supplies, ilang piraso ng candy.
Pigil ang ngiting napailing ako, “Huwag mo sabihing hindi naliligo si Kuya Klayde? Walang mga damit? Oh, masyado siyang mayaman at disposable lahat ng suot niya?”
Nawala ang ngiti ko nang makita ang kanyang wallet na walang pera kahit sinko. There was a family picture with all the family members’ faces inked with black, only Kuya Klayde's face can be seen.
“Ha, hindi nga ito prank at talagang may dumukot sa iyo?” Tumawa ako, “Gaano katibay ang security ng paaralan na ito para makalusot ang mga 'yon at madakip si Kuya Klayde?”
Something's irking me.
According to Kirell, Kuya Klayde won the tournament twice, so how come, they captured that guy? Kilala ko si Kuya Klayde, with his veil, hindi 'yon papahuli nang buhay, unless....
Tumango-tango ako nang mapagtanto ang posibleng nangyari at madaling lumabas ng silid. Bumalik ako sa kuwarto namin at hinanap ang blueprint ng campus dahil hindi ko naman alam kung saan itong old library ng dormitoryo. I took my katana under my bed and placed it on my side — complementing my purple obi o belt with my katana's black sheath.
Bumaling ako sa humihilik na si Emerude, I smiled.
I sighed, looking at the necklace dangling in my neck.
“Ha, Kuya Klayde is an idiot.”
***